"Sir!"
Niyugyog ni Thyra si Brett at ipinatong ang ulo nito sa kaniyang mga hita. Naramdaman niyang mainit ito. "Nilalagnat ka na rin," mahinang sambit ni Thyra. Unti-unting nagmulat ng mga mata si Brett at hindi maipaliwanag ang istura nito dahil sa sakit ng ulo. Napatingin ito kay Thyra kaya napalunok naman ito. "Tumayo na po kayo," saad niya saka siya inalalayan. "Bakit kasi alak ang iniinom mo, Sir? Bakit hindi gamot?" Dagdag niya pa saka ipinatong ang kaliwang braso nito sa kaniyang balikat. Natahimik din agad siya nang mapansin niyang seryoso si Brett habang tumatayo. Ilang minuto silang umakyat sa hagdanan dahil malaki ang katawan ni Brett. Tinulungan siya ni Thyra na ihiga sa kaniyang kama nang makapasok sila. "S-Sir, kung may kailangan po kayo, puwede niyo po akong tawagan," turo ni Thyra sa telepono. Bahagya naman itong tumango at kinumutan siya ni Thyra. Kinuha niya ang oras na iyon para lagyan ng bandaid ang mga sugat ni Brett sa kaniyang mga daliri. Hindi naman ito umimik at nakatingin lang sa kaniya. Nanginginig si Thyra habang hawak ang mga daliri nito. Nang matapos siya ay pinagmasdan niya muna si Brett na nakapikit na bago lumabas doon. "Overworking kasi," mahinang sabi niya saka siya lumabas. Kinaumagahan ay dinalhan ni Thyra ng kape si Brett sa kaniyang kuwarto. Habang hawak niya ang kape at nasa labas ng kuwarto ni Brett ay ngumiti siya at naisip niyang tamang oras iyon para makuha na nito ang loob niya. Nakita niya si Brett na nakaupo na sa kama at minamasahe ang kaniyang ulo. "Good morning, Sir!" Napatingin naman si Brett sa kaniya at wala man lang itong reaksyon. ‘Naninibago siguro 'to sa'kin. Dapat lang. Sa'yo lang ako ganito.’ Inilapag ni Thyra ang kape sa side table saka inalalayan si Brett na maupo. Agad itong uminom ng kape at napangiti si Thyra nang makitang nagustuhan nito ang tinimpla niya dahil malapit na niya itong maubos. "Sir, nagluto po ako ng sopas. Gusto niyo po bang kumain?" Tanong niya. Tumango lang si Brett at halatang masama pa rin ang pakiramdam. Dinalhan niya ito at binantayang kumain. Napapatingin siya sa cellphone nitong paulit-ulit na tumutunog dahil sa dami ng texts. "Masakit po ba ang ulo niyo, Sir?" Tanong niya nang matapos itong uminom ng gamot. "Obviously," sagot nito saka ini-relax ang likod sa headboard. Pinigilan naman ni Thyra ang sarili na mainis. "Puwede ko po kayong imasahe." "No need." Tumango-tango naman si Thyra. "By the way, I want tinola for lunch," saad ni Brett. "Sige po. Kung may kailangan po kayo, sabihan niyo lang po ako." Nang makapagluto si Thyra ay agad niyang pinuntahan si Brett. Ngunit napatigil siya sa pagpasok nang makitang natutulog ito. Dahan-dahan siyang lumapit at inilapag sa lamesa ang pagkain nito. "I'm doing good," mahinang sambit ni Brett. Napalunok naman si Thyra nang marinig iyon habang natutulog ito. Bahagya siyang nakaramdam ng awa, lalo na nang maisip kung gaano ito naapektuhan sa nangyari sa kaniyang negosyo. Lumapit siya at hinawakan ang braso nito saka siya tinapik. ‘Lubus-lubusin ko na, baka bumalik agad siya sa pagiging masungit.’ Nagmulat naman si Brett ng kaniyang mga mata. "K-Kumain na po kayo." Ilang segundo pa itong natulala bago naupo at kumain. Naupo sa gilid si Thyra at tinitignan ang kabuuan ng kuwarto nito. Hindi pa man nito nasusuri ang loob nito dahil sa kaluwagan ay natapos na agad kumain si Brett. Lumapit agad si Thyra at may inilabas mula sa bulsa ng kaniyang uniform. Napakunot-noo naman si Brett. "What's that?" "Pain relief patch po. Ayaw niyo pong magpahilot, kaya lagyan na lang po natin ng ganito ang noo niyo." "Ayoko niyan. That's only for babies," wika ni Brett. Natawa naman si Thyra. "Baby ka rin naman—" Napatigil agad siya nang mas lalong kumunot-noo si Brett. "L-Lagyan na lang po natin, Sir." "I can do it myself," saad ni Brett saka kinuha iyon. Pinanuod naman niyang ilagay iyon ni Brett sa kaniyang sarili bago lumabas. Napangiti si Thyra habang umiiling. Naupo sa poolside si Thyra upang mag-fill out ng form para sa OJT nang matapos siyang maglinis. Umiinom siya ng chocolate drink habang binabasa ang form. Biglang nahagip ng paningin niya si Brett sa itaas at nagtama ang kanilang paningin. Nasamid siya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Binilisan niyang magsulat nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone. Inilabas niya iyon mula sa kaniyang bulsa at napakunot-noo siya nang makitang si Zane ang tumatawag. "Ano?" Walang ganang tanong niya. "Miss Sungit, they said we can go to the school tomorrow para bumunot kung saan tayo mag-o-OJT," saad ni Zane. Ibinaba naman ni Thyra ang hawak na ballpen. "Sinabihan na ako ni Felip." "Sana same hotel tayo. Hindi kita papahirapan sa training," masayang sambit ni Zane. Nag-roll eyes naman si Thyra. "Alam mo—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makitang papalapit si Brett sa gawi niya at may kausap din sa cellphone. "H-Huwag mo na ulit akong tawagan kung hindi importante," sabi ni Thyra. "But I'm—" Hindi na niya pinatapos si Zane at pinatay na ang tawag. Ibinaba niya agad iyon sa lamesa nang makalapit si Brett at wala na itong kausap. Tatanungin na sana ni Thyra kung ano ang kailangan niya, ngunit nag-ring ulit ang kaniyang cellphone. "Answer it," utos ni Brett at naupo sa harapan niya. Napalunok naman si Thyra. "Hello, 'te! Hintayin kita sa harap ng school bukas," masayang wika ni Nadia. "S-Sige," sagot naman niya. Bahagya siyang nahiya kasi kaharap si Brett. "'Te, if ever na same tayo ng hotel na papasukan, ako na ang bahala sa rent mo kung malayo ang hotel," suhestiyon ni Nadia. Nailang naman si Thyra nang mapansing nakatingin sa kaniya si Brett. Ibinaling na lang niya ang paningin sa pool. "H-Hindi na. Kaya nga ako nagtatrabaho para may gamitin ako. Tsaka ilang buwan pa naman bago mag-start," sagot niya. "Ikaw ang bahala. By the way, Zane told us na makikipagpalit siya ng hotel para magkasama kayo. That creep," saad ni Nadia. Napakunot-noo naman si Thyra ngunit agad niya rin iyong binawi. "Kakausapin ko ang mga teachers natin kapag ginawa niya 'yon. S-Sige na, may gagawin pa ako. Sabihan mo na rin si Felip, para sabay na tayong tatlo," sambit ni Thyra saka hininaan ang boses. Nagpaalam na rin si Nadia kaya umayos ng upo si Thyra. "M-May kailangan po kayo, Sir?" "Cook steak for tonight," sagot ni Brett saka umubo. "Okay, Sir. Maayos na po ba ang pakiramdam niyo?" Umiwas naman ng tingin si Brett. "Kinda. The patch was effective." Napangiti naman si Thyra. "It's your fault that I got a fever," wika ni Brett saka tumingin sa kaniya. "Luh? Bakit po ako?" Kunot-noong tanong ni Thyra. "The day you fainted—" Napatigil agad si Brett at umiwas ng tingin saka tumayo. "Magluto ka na," sambit niya saka umalis sa harapan niya. Kunot-noo namang sinundan siya ng tingin ni Thyra. Pagkatapos magluto ni Thyra ay bumalik siya sa kaniyang kuwarto upang isulat ang mga kailangan niyang bilhin para sa OJT nila. Pagtingin niya sa orasan ay mag-aalas-otso na ng gabi kaya bumaba na siya. "Ang tagal mo." Muntik nang mabitawan ni Thyra ang cellphone niya nang magsalita si Brett habang naghihintay sa kaniya upang kumain. Ibinulsa niya agad ang cellphone at naupo na rin. "Let's eat. Baka hindi ka makapagtrabaho nang maayos if you're thin and sick," saad ni Brett. ‘Siya nga 'tong sick.’ Habang kumakain ay nagsalita na naman si Brett. "Prepare your things for tomorrow. May kukunin akong papers." "Sige po," sagot niya saka tumango-tango. Napatigil siya sa pagnguya nang maalala niyang kailangan nilang pumunta sa school bukas. Napatingin siya kay Brett at abala naman ito. ‘Kailangan ko pa ring kunin ang loob niya. One week na simula noong nandito ako.’ Maagang nagising si Thyra at agad niyang tinimplahan ng kape si Brett. "Coffee, Sir," sambit niya nang makapasok si Brett sa kusina. Naupo naman agad ito. Kumain lang si Thyra ng tinapay at umupo rin sa harap ni Brett. Napangiti siya nang makitang tinitignan ni Brett ang kaniyang kape. Mabilis lang silang nag-ayos at agad na umalis. "Why are you there?" Kunot-noong tanong ni Brett habang nakatingin kay Thyra sa rear-view mirror. "Po?" "I look like your driver. Dito ka sa harap maupo," sambit nito. Agad namang bumaba si Thyra at lumipat sa harap. Luminga-linga sa paligid si Thyra habang nagmamaneho palabas si Brett. Hindi niya maiwasang ma-amaze nang may pinindot si Brett at bumukas ang malaking gate. Inilabas niya ang kaniyang cellphone at nag-text kay Nadia na hindi siya makakapunta at siya na lang ang bubunot para sa kaniya. "Next time, don't wear thin shirt," wika ni Brett. Napalingon naman si Thyra sa kaniya saka tinignan ang sarili. Nakasuot kasi siya ng long sleeves na puti. "Sir, may sando naman po ako sa loob," sagot niya. Napakunot-noo naman si Brett. "I don't care." Hindi naman umimik si Thyra at ibinaling ang paningin sa labas. Napatingin si Thyra sa malaking building na napapalibutan ng mga puno nang makarating sila roon. Naunang bumaba si Brett kaya sumunod na rin siya. "Aray!" Sumabit ang damit niya sa isang matulis na bakal sa parking lot habang inaayos ang kaniyang bag. "I told you," wika ni Brett nang makitang napunit ang damit niya at kitang-kita ang sando nito sa loob. Hindi naman umimik si Thyra at tinakpan na lang iyon gamit ang strap ng kaniyang bag. "You can stay here. Mabilis lang ako. We will go somewhere else later," sabi ni Brett. "Sige po." "Don't go away from here. I will be the one to blame if something happens to you," dagdag pa ni Brett. Sasagot pa sana si Thyra nang tumalikod na ito. Habang naghihintay ay naglakad-lakad siya at napansing ang building na pinuntahan ni Brett ang pinakamalaki roon. Nang maburyo siya ay bumalik na siya sa sasakyan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makitang may dalawang lalake ang nasa likuran ni Brett. Mas malaki ang mga lalake kaysa sa kaniya. Nakakunot-noo naman si Brett habang nakataas ang kaniyang mga kamay at kinakapkapan siya ng mga lalake. Mas lalong kinabahan si Thyra nang makitang may hawak na kustilyo ang isa at nakatutok sa tagiliran ni Brett. Pinulot ni Thyra ang isang malaking kahoy sa gilid at dahan-dahang lumapit sa kanila. Hinampas niya nang malakas ang batok ng lalake at napad*ing ito. Tinadyakan niya ang ari ng isa pa nang lumapit ito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Ininda nila ang ginawa ni Thyra habang nilapitan naman niya si Brett. "Sir! Sir, okay lang po kayo?" Tanong niya at hinawakan sa braso si Brett. "I-I'm okay. Let's go. Let's call—" Biglang nabingi si Thyra at sumakit ang ulo niya. Nanlaki ang mga mata ni Brett na napatingin sa kaniya saka ibinaling ang paningin sa lalakeng pumalo sa ulo ni Thyra. Napahiga si Thyra sa sahig at hinawakan niya ang likod ng ulo niyang humahapdi. Halos hindi siya makahinga nang makitang may dugo iyon. Nanlabo ang paningin niya at naaninag niyang nakikipag-away si Brett sa mga lalake. "F*ck! Don't—" Hindi na narinig pa ni Thyra ang sinabi ni Brett at naramdaman niya na lang na hinawakan siya nito.Napakunot-noo si Thyra habang iminumulat ang kaniyang mga mata at napahawak sa kaniyang ulo.Ilang beses siyang napapikit at inalala ang nangyari.Nagbitaw siya ng masamang salita at pinilit na maupo."Lintik lang ang walang ganti. Babasagin ko rin—"Natahimik siya nang makita si Brett na nakatayo sa kanang bahagi ng kaniyang kama.Umubo-ubo siya at hindi makatingin sa kaniyang amo."N-Nahuli niyo po ba ang mga hold-uppers, Sir?""Yeah. They are in jail," sagot ni Brett habang nakakrus ang mga braso.Napakagat naman si Thyra sa loob ng kaniyang bibig."Ang sakit ng ulo ko.""The doctor said, you need to rest. You're safe, pero kailangan mo pa rin mag-take ng medicine," saad ni Brett saka naupo sa sofa.Tumingin naman si Thyra sa kaniya."Sige po. Wala naman pong epekto sa utak ko 'yong pagkakapalo ko?""Fortunately, wala naman, sabi ng doctor. Makakaranas ka lang ng sakit sa ulo."Napabuntong-hininga naman si Thyra saka umiwas ng tingin.Napakagat siya sa ibaba ng kaniyang labi at nai
Nagulat si Thyra sa paggalaw ni Brett kaya lakas-loob niyang itinulak ito.Pupungay-pungay naman ang mga mata nitong napaupo saka siya dahan-dahang tumayo. Nanginginig naman ang mga kamay at tuhod ni Thyra habang tumatayo.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang tumingin si Brett sa kaniya kaya napaatras siya."Your head, napalo kahapon," lasing na sambit nito.Napalunok naman si Thyra."I need to sleep," mahinang wika ni Brett saka tumalikod at umalis na sa harapan niya.Nakatayo pa rin doon si Thyra at nakatingin sa likod ni Brett habang nakahawak sa kaniyang bibig."Sh*t. Ako lang ba ang nakaramdam?"Napapikit siya saka umiling-iling. Humawak siya sa kaniyang dibdib upang pakalmahin ang kaniyang puso dahil nabibingi na siya sa lakas ng kabog nito."Nahalikan ako ni Sir."Kinabukasan ay ilang beses na napahikab si Thyra habang nag-aayos ng lunch nila. Kinusot niya ang kaniyang mga mata saka hinugasan ang mga nagamit niya.Napatigil siya at napalunok nang marinig ang yabag na
"Why are you here?" Nagtatakang tanong ni Zane at itinuro pa ang bahay ni Brett.Napatingala si Thyra sa kaniya dahil mas matangkad ito. Maputi ito at unat ang buhok na may kahabaan gaya ng buhok ng mga Korean, at may kaunting bangs."Hey?" Iwinagayway ni Zane ang kaniyang kamay sa mukha ni Thyra."P-Pumasok ka muna."Nauna siyang pumasok at hindi mapakali habang sumusunod si Zane sa kaniya."Now, you need to tell me what's going on," saad nito saka sila naupo sa sofa.Huminga naman siya nang malalim."Dito ako nagtatrabaho," seryosong sagot niya."What? Don't tell me, you're my Tito's personal maid?"Napakunot-noo si Thyra na tumingin sa kaniya."Ikaw 'yong pamangkin ni Sir Brett?"Tumango naman si Zane at nahagip ng paningin niya ang ulo ni Thyra."Wait. What happened to your head?" Tanong nito nang makita ang inilagay niyang gasa."Naaksidente lang," walang ganang sagot niya."Are you okay?"Naupo si Zane sa tabi niya at akmang hahawakan ang ulo ni Thyra, ngunit umusog siya."Bakit
Dumating si Brett at masama na agad ang tingin nito sa mga lalake.Pilit namang binawi ng lalake ang kaniyang kamay saka tumingin kay Thyra."Get your sh*t out of my face," may awtoridad na sambit ni Brett saka tumabi kay Thyra.Hindi naman nila ito matignan. Ilang sandali pa ay nagmadali na silang umalis doon.Masama naman ang tingin ni Thyra sa kanila habang palayo ang mga ito."Let's go home," aya ni Brett sa kaniya. Tumingin pa muna saglit si Thyra sa papalayong sasakyan ng mga lalake saka sumunod sa kaniya.Agad na nagtanggal ng facemask at shades si Brett nang makasakay sila sa sasakyan niya.Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nagmamaneho si Brett. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana at nakakunot-noo.Napatingin sa kaniya si Brett at napansin niyang wala siya sa mood."We'll take out some food," wika niya.Lumingon naman agad si Thyra sa kaniya."Sige po."Dumaan sila sa isang fastfood chain at nag-drive-thru.Nang makauwi sila ay agad na niyaya ni Brett si Thyra upang k
Nanlaki ang mga mata ni Thyra na napatingin kay Brett. Naisip niya na dahil nahawakan na siya ni Brett at nahalikan nang hindi sinasadya ay may gagawin ito sa kaniya.Tinakpan niya ang kaniyang katawan at napalunok."I will not do anything stupid. But if you're not okay with it—""S-Sa kuwarto ko na lang po ako, Sir," mabilis na sagot ni Thyra.Tumango naman ito."Okay."Biglang kumidlat at nakakabinging kulog ang kasunod nito kaya napapikit si Thyra."W-Wait lang po," pagpipigil niya nang tumalikod na si Brett."Why?" Kunot-noong tanong nito saka lumingon sa kaniya."K-Kukunin ko lang po 'yong unan ko," nahihiyang wika ni Thyra."Faster."Tumakbo si Thyra pabalik sa kaniyang kuwarto at mabilis niyang kinuha ang mga unan niya habang naghihintay si Brett sa labas.Nagugulat pa siya sa mga kidlat habang papasok sila sa kuwarto ni Brett.Bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib nang makitang naunang humiga si Brett sa kama.Dahan-dahan siyang nagpunta sa kabilang parte ng kama habang hawak a
Napakunot-noo si Brett na nakatingin kay Thyra.Hindi makuha ni Thyra ang sasabihin."Ano'ng ibig sabihin nito, Thyra?" Tanong ni Felip.Napatingin naman si Brett sa kaniya."Who are you?""I'm Felip Dela Vega, Sir," pagpapakilala ni Felip."Son of the owners of Dela Vega Fashion," komento ni Brett"Yes, Sir. And she's my friend, longtime friend," turo ni Felip kay Thyra."Is that true?" Tanong ni Brett.Napalunok naman si Thyra."O-Opo, Sir.""I didn't know na magkaibigan kayo—""Sa kaniya ako nagtatrabaho," pamumutol ni Thyra sa sasabihin ni Felip.Napakunot-noo si Brett at napatingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.Tumango-tango naman si Felip."Nice to meet you, Felip. But we need to go," saad ni Brett."Sige po, Sir. Nice to meet you also," nakangiting wika ni Felip saka tumingin kay Thyra.Nauna nang naglakad si Brett."F-Felip," kinakabahan pa ring paalam ni Thyra."Text me," sabi ni Felip.Tumango naman siya."You're not afraid that he's gonna tell a
Nagising si Thyra na hindi nakapagpalit ng kaniyang suot at napahawak sa kaniyang ulo nang sumakit iyon."P-Paano ako nakauwi?" Sambit niya at napatingin sa loob ng kaniyang kuwarto.Nanlaki ang kaniyang mga mata at kinapa ang kaniyang sarili.Napapikit siya at pilit na inalala ang nangyari ngunit nabigo siya."Bwisit na alak," bulong niya.Naligo na siya at agad na bumaba dahil maliwanag na sa labas.Tatanungin niya sana si Brett kung paano siya nakauwi, pero hindi pa niya ito nakikita simula kaninang umaga."Hindi pa ba siya bumababa? Alas-nuwebe na ah."Umiling-iling siya habang naghuhugas ng pinagkainan niya.Napahawak siya sa kaniyang bibig nang maramdamang mahapdi iyon.Napakunot-noo siya nang nahawakan ang sugat doon."Paano ako nagkaroon ng sugat?"Abala siya sa paghuhugas nang biglang pumasok si Brett at uminom ito ng tubig. Hindi ito nag-abalang kausapin si Thyra."Sir," tawag ni Thyra sa kaniya.Nasamid naman ito.Ibinaba niya ang baso at humarap kay Thyra."W-What?""P-Paa
Lumabas si Brett upang kumain ng dinner nang matapos niya ang presentation para sa meeting niya kinabukasan.Nameke siya ng ubo nang makapasok siya sa kusina at sumeryoso upang malaman ni Thyra na papasok na siya.Ngunit napakunot-noo siya nang makitang wala siya ro'n.Isang plato lang ang nasa lamesa at naka-set-up na ang kakainin niya.Tinignan niya ang pagkain kung kumain na si Thyra, ngunit hindi pa iyon nababawasan.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ito, pero hindi siya sumasagot.Umiling-iling siya saka nagsimulang kumain at sadyang binagalan niya.Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin si Thyra.Hindi na niya tinapos ang pagkain at kunot-noong nagtungo sa harapan ng kuwarto nito."Hey. Wash the dishes," utos niya habang nasa pintuan.Wala namang sumagot."May ipapagawa pa ako sa'yo. Don't sleep early," dagdag niya pa.Tahimik pa rin sa loob kaya pumasok na siya. Wala siyang nakita roon."Where are you?" Sinubukan niya ulit na tawagan ngunit napalingon siya
"So, 'yon nga, nagkita kami ni Sir Anthony sa event. And he invited me to their family event, he also said you were coming, so I agreed," kuwento ni Nadia habang umiinom sila ng juice sa garden nina Thyra.Hindi naman umimik si Thyra at pinapaikot lang ang straw sa kaniyang baso.Napakunot-noo si Nadia habang nakatingin sa kaniya."Nakikinig ka ba?" Tanong niya.Napatingin naman siya."H-Huh?"Huminga nang malalim si Nadia saka uminom."Tell me what happened.""Huh? W-Wala namang nangyari," saad ni Thyra."Alam kong mayroon. Now, tell me. Hindi ka naman tutunganga nang ganiyan kung wala," sambit nito.Napakagat-labi siya at hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Ilang beses siyang napalunok at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili."S-Si Brett," panimula niya saka siya tumingin sa kaibigan."Bakit siya? What did he do again?" Kunot-noong tanong ni Nadia.Umiling naman siya."W-Wala siyang ginawa.""Eh, ano?""S-Sana hindi ka magalit," wika niya.Seryoso naman si Nadia na nakiki
Tumayo agad si Brett at lumapit kay Thyra. Siya naman ay nakatingin pa rin sa mga kasama ni Brett.Natahimik ang mga ito habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang mukha rin siyang belong sa kanila dahil sa suot niyang pang-opisina.Tumabi si Brett sa kaniya at hinawakan ang kaniyang baywang."I'm Thyra. Brett's girlfriend," pagpapakilala niya saka siya ngumiti."Fuck," mahinang sambit ni Brett kaya napalingon siya. Nakangiti ito at parang nagpipigil. Nginitian naman niya ito."Mag-usap tayo mamaya," bulong niya.Napalunok naman ito."Did you eat?""Not yet. Kanina ka pa namin hinahanap," sagot niya."Eat first. Excuse us," saad nito at iginiya sa buffet.Iniwan nila ang kanilang mga kasama ro'n habang nakatingin sila sa kanilang dalawa."Bakit hindi ka tumitingin sa cellphone mo?" Tanong ni Thyra habang kumukuha ng pagkain."I don't know where I put it," sagot ni Brett saka kinuha ang plato ni Thyra at pinaupo siya sa bakanteng table."Kanina ka pa namin hinahanap. Tinawagan ako ni Anth
Si Thyra ang naglantad ng pagkatao ni Bettina sa lahat. Nagbayad siya ng tao, at alam niyang hindi nila ito mapapaamin.Nalaman niyang ampon si Bettina nang marinig niya ang pag-uusap nina Leandra at Benjamin tungkol sa mga ipapamana nila.Nagulat din siya sa kaniyang nalaman, at hindi naisip na kakailanganin niya ang impormasyong iyon. Matapos ang pananahimik niya sa mga ginawa nito sa kanila ay doon siya naglakas-loob na ibunyag ang katotohanan sa pagkatao ni Bettina.Sa kabilang banda, ilang beses namang huminga nang malalim si Brett habang nasa opisina siya sa kanilang building.Nakapamewang siya at kunot-noong paikot-ikot na naglalakad sa harapan ng kaniyang table.Hindi pa dapat siya papasok, ngunit marami siyang kailangang tapusin, at madami rin siyang natatanggap na email.Ilang text messages din at mga tawag ang hindi niya sinasagot dahil tinatanong siya ng mga ito kung maaari siyang magpa-interview. Alam niyang tungkol iyon sa kaniyang kapatid.Nakakaramdam siya ng pressure,
Hindi pa rin umiimik si Thyra habang nakatingin sa TV."Magbabago na ang tingin sa kaniya ng mga tao," komento ng kaniyang ama saka nagbuntong-hininga.Magsasalita na sana siya nang mag-ring ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa.Si Brett ang tumatawag."Hello?""Hi. Come here to our building, we have a meeting with my parents. I'll pick you up," wika ni Brett."Hindi na. Pupunta na lang akong mag-isa."Bumuntong-hininga naman si Brett mula sa kabilang linya."Okay. Just be careful," paalala nito.Nang maibaba ni Thyra ang tawag ay muli niyang nilingon ang kaniyang ama."Pupunta po ako sa mga Forteluna, Papa. Kayo na po muna ang bahala kay Thrina. At huwag po kayong mag-alala, may mga nagbabantay po sa labas," sambit niya.Tumango naman ito."Mag-ingat ka, anak.""Opo."Huminga nang malalim si Thyra nang magbukas ang elevator sa floor ng office ni Benjamin. Habang naglalakad siya patungo roon ay hindi niya maiwasang isipin kung ano'ng gagawin at pag-uusapan nila."You're here. I h
Nagmadaling umalis doon si Thyra at agad na nagpunta sa school ni Thrina.Naabutan niyang makapal pa rin ang usok doon at nasa harapan ng school ang mga estudyante at mga teachers.Nanghina siya sa kaniyang nakita habang papalapit doon."T-Thyra!"Napalingon siya at nakita sina Nadia at Anthony na palapit sa kaniya."N-Nasaan si Thrina?" Agad niyang tanong."H-Hindi namin alam. Pagpunta namin dito ay malaki na ang apoy. And her teacher didn't see her," nag-aalalang sagot ni Nadia.Napatakip naman si Thyra sa kaniyang bibig at napaluha.Niyakap naman siya ni Nadia"N-Nasaan ang anak ko? Kailangan natin siyang hanapin," paulit-ulit na saad niya habang umiiyak at nakatingin sa classroom ni Thrina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang mag-ring ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.Nanginginig niya iyong tinignan at nakitang si Brett ang tumatawag.Napatingin siya kina Anthony at naisip kung paano niya ipapaliwanag na nasusunog ang school ni Thrina at nawawala ang anak nila."H-Hello?
"M-Mama?" Mahinang sambit ni Thyra.Napahawak siya sa kaniyang ulo at napapikit. Agad siyang hinawakan ng kaniyang ama nang unti-unti siyang dumausdos habang dumada*ng sa sakit ng kaniyang ulo."A-Anak? Anak, ano'ng nangyayari?"Yumuko ang kaniyang ama upang hawakan siya sa kaniyang balikat habang nakahiga siya sa sahig."M-Mama... Aah!" Sigaw ni Thyra.Lumuluha siya, lalo na nang maalala niya ang mukha ng kaniyang ina noong bata siya.Wala pang limang beses niya itong nakita noong bata siya. Ang huli ay ang malabong alaala na laging nagpapakita sa isipan niya. Nakatayo ang kaniyang ina sa pintuan nila habang umuulan at may tao sa likod nito, ngunit hindi ito maaninag ni Thyra dahil malabo pa rin ito.Naluluha namang nakatingin si Thyrone sa kaniya habang hinihintay siyang matapos.Nang magmulat siya ng kaniyang mga mata ay nakita niyang lumuluha ang kaniyang ama kaya agad niya itong niyakap."S-Si Mama," wika niya.Hindi naman ito umimik at patuloy lang din sa pagyakap sa kaniya haba
Ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha ni Thyra sa mukha ni Brett.Biglang nagmulat ng mga mata si Brett."What are you doing?"Nanlaki naman ang mga mata ni Thyra saka inilayo ang kaniyang mukha at napatayo."M-May dumi lang sa mukha mo, tinanggal ko," pagpapalusot niya.Nakatingin lang ito sa kaniya kaya nailang siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.‘Ano ba ang ginagawa mo, Thyra?’"My left arm suddenly hurt because I slept on my side," wika ni Brett saka hinaplos ang kaniyang braso.Napalunok naman si Thyra saka naupo ulit."Saang banda? Imamasahe ko na lang," prisinta niya.Napangiti si Brett saka inilahad ang kaniyang braso.Huminga naman nang malalim si Thyra saka hinawakan iyon at minasahe."I wish I always had accidents so you could be here," malumanay na sambit nito.Hindi naman siya tinapunan ng tingin ni Thyra."Don't say that. Kasi hindi naman ako pupunta lagi."Lumabi si Brett saka tumingin sa nga kamay ni Thyra na nakahawak sa kaniya."Malambot pa rin ang
"Mommy! Si Daddy?" Agad na tanong ni Thrina habang tumatakbo palapit kay Thyra. Naghihintay naman siya sa labas ng operating room. Kasama nito sina Nadia, Anthony, at ang kaniyang ama. Nauna niyang tinawagan ang mga ito bago ang pamilya ni Brett.Nanginginig naman si Thyra na yumakap sa kaniyang anak. Umiiyak na ito."N-Nasa loob pa ang Daddy mo, baby," saad niya habang hinahaplos ang likod ng kaniyang anak."W-Who did this to Daddy, Mommy?" Umiiyak na tanong ni Thrina sa kaniya at nag-angat ng tingin.Napalunok naman siya."H-Hindi ko pa alam, anak."Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak, habang si Thyra ay hindi mapakali dahil sa kaba."Ano ba kasi ang nangyari, anak?" Tanong ng kaniyang ama habang nakaupo sa kaniyang tabi."Nagpunta po kami sa shop para magpa-sculpt. T-Tapos napansin ni Brett ang isang lalakeng nakatingin sa amin. Umalis kami agad doon. Hindi ko naman inakalang susundan pala niya kami," sagot ni Thyra at hindi makatingin sa kanila."A-Ako nga dapat ang nasaksak, eh. Kaso
"What? Tell me! Why are you doing all this?" Tanong ni Brett at hindi naiwasang magtaas siya ng boses.Napakuyom naman ang mga palad ni Thyra."Maraming ginawang masama si Bettina sa akin. Hindi mo ako masisisi kung bakit ko ginagawa 'to!" Kunot-noong sagot niya.Napalunok naman si Nadia at hindi alam kung paano sila aawatin."Pero humantong ka sa gagamitin mo si Thrina para maghiganti? Why? Because you know we will be happy with her? Will you use us too?" Kunot-noong tanong ni Brett at itinuro pa ang kaniyang sarili.Hindi naman nakaimik si Thyra at unti-unting namumuo ang kaniyang luha."Itigil mo na 'to, Thyra. I know we did a lot of bad things to you, but don't use Thrina. And you can talk to my sister—""Pinatay niya si Felip! Paano ako makikipag-usap nang maayos sa pumatay sa boyfriend ko?" Pamumutol ni Thyra sa sasabihin nito.Napatigil naman si Brett at tila nagulat sa narinig."Siya ang pumatay kay Felip. Felip did nothing wrong to her. Maybe Bettina just found out about what