Share

Chapter 1

Author: Nayeon Ink
last update Last Updated: 2025-02-11 19:44:18

Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.

“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”

Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.

“Court adjourned.”

Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.

“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas nitong maupo siya na sinunod naman niya, naupo rin ito sa kaharap niyang upuan.

“The usual,” tinaas niya ang hawak na beer in can at nginitian ito.

Nakaramdam siya ng pagkailang nang hindi ito mag-react tulad ng dati sa tuwing mananalo siya sa trial, bagkus ay nanatili itong seryosong nakamasid lang sa kanya.

“Congratulations.” Maging ang pagbati nito ay walang bahid ng kahit anong emosyon, nagtatakang sinulyapan niya ito.

“May problema ba?” tanong niya.

Huminga ito ng malalim, isinandal nito ang likod sa malambot na sandalan ng upuan.

“Ever considered marriage, Elion?”

Nahinto siya sa akmang pag-inom at maang na napatitig sa matandang babae.

“I’m still in my late 20's, besides wala sa isip ko ang kasal.”

“Is that so? Paano kung sabihin kong iyon ang final requirement ko sa ‘yo para tuluyang mailipat ang ownership nitong kumpanya?”

Panandaliang namagitan sa kanila ang katahimikan, tanging tunog lamang ng aircon ang maririnig.

“Tell me you’re joking right now,” siya ang unang bumasag ng katahimikan.

“Mukha ba akong nagbibiro sa ‘yo? Let’s face the reality, Elion. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang pinaghirapan ko sa taong wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan mabubuhay, at least you need to produce an heir.”

Sinipat niya ang ekspresyon ng kausap, sinigurado niya kung seryoso ba ito o pinaglalaruan lang siya. Sumikdo ang puso niya nang hindi man lang ito natinag, nanatiling tuwid ang postura nito.

Totoong sa bawat kasong naipapanalo niya ay lumalalim ang nakabaong paa sa lupa, sari-saring kriminal ang kinakalaban niya kaya naman hindi malabong isa siya sa most targeted individual ng mga taong naipakulong na niya minsan. Iyon marahil ang dahilan nito kung bakit biglang kinonsidera ang pagkakaroon niya ng tagapagmana bago pa man makuha ang kanyang mana.

“I can just impregnate any woman, bakit kailangan pa ng kasal?” Alam niyang final na ang desisyon nito at wala na siyang magagawa pa kung hindi sundin ito, dahil kung hindi ay siguradong walang pag-aatubiling ibibigay nito sa iba ang rights of ownership ng kumpanyang pinaghihirapan niyang kunin. Kilalang-kilala na niya ito pati ang pamamalakad nito sa kumpanya, kahit pa anak siya nito ay sigurado siyang walang exception kapag seryoso ito sa isang bagay.

“And raise an illegitimate child? Alam mong ayoko ng anak sa labas, Elion. Hinding-hindi ako makapapayag na lalaki ang anak mong walang buong pamilya.”

Matagal na hindi siya nakakibo, naiintindihan niya ito dahil sa sitwasyon nila. Matagal na panahong namalimos sila ng atensyon at pagmamahal ng kanyang ama, kaya naman ayaw nitong maulit ang naranasan nila sa mga magiging anak niya. Pero wala pa talaga sa isip niya ang kasal, ni seryosong karelasyon nga ay hindi kailanman pumasok sa isipan niya.

"I can't just steal a girl and marry her," pangangatwiran pa niya.

"One month. Sa loob ng isang buwan ay gusto kong maghanap ka ng babaeng pwede mong pakasalan, wala akong pakialam kung anong klase ng babae ang mapili mo. Gusto kong bago matapos ang isang buwan ay maikakasal kana at magsisimulang bumuo ng sarili mong pamilya."

"Tell me the real reason, hindi lang ang pagta-transfer ng ownership ang dahilan kaya mo ako pinipilit magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, tama?"

"The stockholders meeting recently, they raised the issue about you being the heir of this company. Kahit ako ang naghirap na bumuo at nagpatatag dito, kailangan ko pa ring sumunod sa bawat tantrums nila. Kaya kung hindi mo magagawa ang mga sinabi ko ay tiyak na magiging malaking hurdle ito sa atin, pwedeng parehong mawala sa atin ang kumpanyang ito."

His jaw clenched after hearing the entire truth.

"Those people... kahit kailan ay wala ng nagawang matino." Nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya, humigpit din ang hawak niya sa beer na nasa kamay.

"Ang magagawa lang natin ngayon ay sundin ang mga kapritso nila, kapag stable na ulit ang kumpanya ay pwede na natin silang bitiwan. But son, this is also my personal request, twenty-seven is not too young anymore...find a good wife and build your own family. Magiging masaya lang akong lilisan sa mundong ito kung makikita kitang masaya kasama ng pamilya mo."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay, hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Stop talking nonsense 'ma, matagal pang mangyayari 'yan at sinisigurado ko sa 'yong malaya na tayo sa mga mapagsamantalang tao kapag nangyari 'yon."

Sinserong ngumiti ito. "Do what I ask you, Elion. Hihintayin ko ang babaeng mapipili mo."

Hindi siya kumibo, nanatili siyang tahimik hanggang sa magpaalam ito para puntahan ang susunod na schedule.

Alas singko na nang magpasya siyang umuwi, mabuti na lamang at hindi traffic sa edsa kaya mabilis siyang nakarating sa unit niya. Natigilan siya ilang pulgada sa pintuan ng unit niya nang mamataan ang isang babaeng balot na balot ang katawan, maging ang mukha nito ay naka-cover ng face mask at nakasuot ng malaking sumbrero.

"Sino ka?" tanong niya. Nag-angat ito ng tingin, namilog ang mga nito at umayos ng pagkakatayo saka humarap sa kanya.

"Blaire Eloise Vernon, 23 years old, nakatira sa probinsya ng Boyombong Nueva Vizcaya. Pangarap ko pong maging guro pero dahil sa kakulangang pinansyal ay hindi..."

"Sandali," putol niya dito. Nawe-weirduhang sinuri niya ang kabuuan nito, sa pananamit palang nito ay hindi maipagkakailang probinsyana nga ito. Ngunit hindi niya akalaing magpapakilala ito sa kanya na parang class introduction sa sekondarya.

"Hindi rin po ako nakatuntong ng high school nang magkasakit si papa, dahil ako ang panganay ay inako ko ang responsibilidad niya."

Pumikit siya ng mariin para kalmahin ang sarili, nag-iinit ang ulo niya sa katangahan ng babaeng kausap.

"I don't care about your age, family background, where you live, or how your dreams never happened."

Kumurap kurap ito at inosenteng tumingin sa kanya.

"Pwede hong pakitagalog, sir? Hindi po ako nakakaintindi ng diretsong ingles, may alam man po ako ay iyong mga karaniwang ginagamit lang sa pang-araw araw na pananalita."

Natulala siya ng ilang segundo dahil sa tinuran nito, hindi makapaniwalang tinignan niya itong muli.

"Bullshít," mahinang mura niya. "Ano ang ginagawa mo sa labas ng unit ko?" Sa halip na i-tagalog pa ang mga sinabi niya kanina ay nagtanong na lamang siya na mas mapapadali ang sitwasyon nila.

Tila may naalala naman ito at mabilis na dinampot ang tote bag na nakalapag sa sahig katabi ng isang malaking bag pack, may hinanap ito mula sa loob at nagningning ang mata nito nang makita ang hinahanap. Isang papel iyon na nakatupi ng apat na beses, inabot nito iyon sa kanya, tinitigan niya pa ng ilang sandali ang hawak nito. Hindi siya sigurado kung safe bang hawakan ang ibinibigay nito gayong maaaring isa ito sa nagbabanta ng kanyang buhay, paano kung patibong lang iyon?

Nang makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin niya kinukuha ang inaabot ay binawi rin nito iyon. Binuksan nito ang papel at ihinarap sa kanya ang parteng may sulat, pinasadahan niya ng basa ang nilalaman niyon.

"Deployment paper?" Basa niya sa header ng sulat, napapalatak siya nang maalalang nag-request nga pala siya ng bagong maid dahil nag-resign na ang dating nagta-trabaho sa kanya. Hindi lang niya inaasahang sobrang bata ng papalit dito gayong nasa mid-50's na ang dati niyang kasambahay.

"Do you have all your papers?" tanong niya. Nagtatanong ang tinging tumulala lang ito sa kanya, muli siyang napamura nang maalalang hindi nga pala ito nakakaintindi ng ingles.

"Dala mo ba lahat ng papel mo? Iyong mga importanteng papeles na kailangan para sa deployment?" Huminto siya sa pagsasalita nang may maalala. "Wait... I can just request for a replacement than trouble myself adjusting to this stupid girl." Bulong niya.

"Opo, sir. Kumpleto po ako ng mga papel at kung inyo pong papayagan ay pwede po bang manatili rito hanggang sa makahanap ako ng murang apartment? Wala na po kasi akong ibang matutuluyan."

Sa wakas ay inalis nito ang face mask na tumatakip sa mapupula at maninipis nitong labi, pati ang malaking sumbrero na humaharang sa magaganda at kulay tsokolateng mata nito. Natulala siya nang tuluyang makita ang kabuuan ng mukha nito, ngayon ang unang beses na nakaramdam siya ng matinding atraksyon sa itsura ng isang babae. Ang mukha nito ay saktong sakto sa tipo niya, but the problem is... she is stupid, dumb, and broke. Kinamumuhian niya ang gano'ng klaseng tao dahil mahirap kausap.

"Sir?" tawag nito sa atensyon niya.

"Hanggang sa makahanap ka lang ng malilipatan, pero binabalaan na kita, huwag na huwag kang lalagpas sa boundaries mo."

Nag-iwas siya ng tingin para hindi na makita ang mukha nito, naiinis siya sa sarili dahil hindi niya mapigilang mapatitig dito. Pati ang desisyon niya ay bahagyang naapektuhan dahil lang sa itsura nito, hindi pa rin niya gugustuhing ma-involve sa walang alam at maipagmamalaking babae.

Never.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

    Last Updated : 2025-02-11
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 3

    Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka

    Last Updated : 2025-02-13
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 4

    “Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi

    Last Updated : 2025-03-04
  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

    Last Updated : 2025-02-10

Latest chapter

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status