Share

Chapter 3

Author: Miss Gee
last update Huling Na-update: 2025-02-13 20:34:33

Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos.

"Tapos na po," mahinang imporma niya rito.

"Sit," utos nito.

Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya.

"Ako po ba?" maang na tanong niya.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito.

Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko.

"Wala po, pero..."

"Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?"

Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya.

"Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako."

"Ah. Para kainin ang mga pagkaing ihinanda mo."

Nangunot ang noo niya sa labis na pagtataka.

"Kung iniisip niyo pong baka nilason ko ‘yan, hindi po ako gano'ng uri ng tao. Kahit na masama ang ugali niyo ay hindi ko pa rin gagawin... ‘yon." Humina ang boses niya sa bandang dulo, naisip niyang hindi na rin masamang gawin ‘yon. Umiling siya para putulin ang kasamaang naiisip.

Tumawa ito ng pagak na ikinatigil niya. "Sa tono ng pananalita mo, parang posibleng gawin mo ‘yon."

Napalunok siya.

"H-hindi ko po magagawa ‘yon, may takot ako sa Diyos at ayokong makulong."

Muli itong tumawa kaya lalo siyang nakaramdam ng pagkailang.

"Hindi ako kumakain ng agahan, sapat na sa akin ang kape lang. Now, sit and eat."

Napakurap siya matapos marinig ang sinabi nito. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Sir? P-pero nakita niyo pong naghahanda ako ng agahan kanina, bakit wala kayong sinabi?"

Ipinilig nito ang ulo at nag-isip, pagkatapos ay nangalumbaba ito habang nakangiting nakatingin pa rin sa kanya.

"Para may gawin ka, ano nalang ang gagawin mo kung pipigilan kitang magluto? Sumasahod ka kaya dapat lang na may gawin ka, tama?"

Kumibot ang labi niya sa sobrang pagpipigil ng inis, ang sinasabi nito ay okay lang na magsayang siya ng oras at magpakapagod dahil pinapasahod siya nito.

Ruthless. Pinilit niyang ngumiti para itago ang totoong nararamdaman.

"Kung gano'n ay dapat pong kumain kayo, pinagpaguran ko po 'yan at bawal magsayang ng pagkain. Marami pong nagugutom at walang kakayahang kumain sa mundo, kaya dapat lang na..."

"Sinasabi mo bang kasalanan ko kung bakit maraming nagugutom at walang makain sa mundo?" Gusto niya itong sampalin dahil sa kabastusan nito, basta nalang pinuputol ang nagsasalita.

"Hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin, ang sa akin lang ay maging..." nag-isip siya ng tamang salitang gagamitin.

"Hey. Kung ano man ang sitwasyon nila o pinagdaraanan, hindi ko na problema 'yon. Kung wala silang kakayahang kumita para may maipakain sa pamilya nila, edi dapat hindi na nila sinimulan. Huwag niyong isisi sa mga taong nagsumikap para magkaroon ng maginhawang buhay ang kahirapan n'yo, kayo ang may desisyon n'yan at hindi kami. Ang dapat sisihin ay ang mga magulang niyong hindi muna nag-isip kung ano ang magiging buhay ng mga anak nila bago bumuntis ng babae."

"Wala akong sinisisi, ang sa akin lang ay maging makatao tayo. Kung may kakayahang kumain ng tatlong beses sa isang araw, isipin nalang natin na swerte tayo kasi binigyan tayo ng Diyos ng..."

"Bingi ka ba o talagang tanga ka lang? Hindi swerte o kung ano mang milagro ang pagkakaroon ng marangyang buhay, pinagsikapan namin ‘yon. Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas dahil sa paraan ng pag-iisip niyong mahihirap. Kung ayaw mong kumain, hindi kita pipilitin."

Napaigtad siya nang padabog itong tumayo, kinuha nito ang mga pagkaing nakahain sa mesa at isa-isang itinapon ang laman sa trash bin. Malamig na tinignan siya nito bago tuluyan siyang iniwan sa kitchen, natulala lamang siya maging nang makaalis ito.

"Ahhh," sigaw niya nang makabawi makalipas ang ilang minuto. Nanghihinayang na tinignan niya ang mga pagkaing nasa basurahan.

"Pinaghirapan kong lutuin ang steak na ‘yan," naiiyak na wika niya. "Sana pala kinain ko nalang, bakit ba inalala ko pa ang gagóng 'yon?"

Napabuga siya ng hangin at napatingala. Nakakaramdam na rin siya ng gutom simula kanina, inisip niya lang na dapat ay mauna ang boss niyang kumain bago siya. Hindi niya lang inaakalang sasayangin lang nito ang pagkaing pinagpaguran niya. Nanlalambot na kinuha niya ang itinabing pagkain, tinitigan niya ang tuyo at itlog na nasa plato.

Natawa siya ng mahina. "Sadyang hindi lang fair ang buhay," bulong niya.

"Ganyang klase pala ng pagkain ang gusto mo."

Halos mabilaukan siya sa pagkain nang may biglang bumulong sa kanya, agad niyang nilingon ang boss niyang nakatayo na ngayon sa gilid niya.

Nilunok niya ang pagkaing nasa bunganga bago nagsalita. "Bakit po kayo narito?"

"Bahay ko 'to, wala ba akong karapatang pumunta sa kahit saang parte ng pag-aari ko? Kailangan ko ba ng permiso mo?"

Ang kaninang humupa ng inis ay muli na namang umahon, basta talaga nag-umpisa silang mag-usap ay tila awtomatiko nang umiinit ang ulo niya.

"Hindi po iyon ang... Umalis po kayo kanina kaya hindi ko inaasahang babalik kayo agad."

"Ah."

"May kailangan po ba kayo?"

Bumaba ang tingin nito sa kinakain niya.

"Kaya pala may masangsang na amoy kanina, d'yan pala nanggagaling."

"Masangsang? Pinatuyong isda po ang tuyo at walang amoy ang itlog, isa pa ay wala naman akong naaamoy na masangsang." Bumulong siya, "baka iyong ugali niyo lang po ang naaamoy niyo."

"Anong sinabi mo? May iba kanpa bang sinabi bukod sa tuyo at itlog?"

Agad siyang umiling. "Wala po, sir. Gusto niyo po bang tikman? Masarap po ito."

"No thanks. Kahit aso ay hindi gugustuhing kainin 'yan."

"Nako! Nagkakamali po kayo d'yan, sir. Gustong-gusto po ng mga aso ito, bakit hindi niyo po subukan?"

"Bibili ako ng aso para lang subukan kung kakainin nila ang pagkain mo?"

Hindi niya maintindihan kung ano bang klase ng pag-iisip mayroon ang boss niya, pabago-bago ang mood nito. May mga oras na para itong may dalaw sa sobrang pangit ng mga salitang lumalabas sa bibig, minsan naman kalmado at seryoso lang ito, at ngayon ay para itong inosenteng batang naniniwala sa sinasabi niya.

Pinili niyang huwag nalang itong sagutin.

"But I'm serious, mahilig ka ba sa aso?"

Sinulyapan niya ito nang muli itong magtanong.

"May alaga po kaming aso sa probinsya, kaya medyo malapit ang loob ko sa mga aso."

"Really? Kung wala na kayong halos makain, ano pang pinapakain niyo sa mga alaga niyong aso?"

Halos malunok niya ng buo ang kasusubo lang na kanin at ulam.

"Seryoso ka ba sa tanong mong 'yan?" Bulalas niya, napapantastikuhang tinignan niya ito.

"Nevermind. Hindi ko natatandaang may stock ako ng pagkaing tulad niyang kinakain mo, saan mo nakuha 'yan?" Iniba nito ang usapan sa halip na sagutin siya.

"Hindi ko po ginalaw ang stock niyo ng pagkain, pangako... binaon ko pa po ito galing probinsya."

"Ah."

"Hindi po ako gagalaw ng kahit ano rito kung walang permiso niyo," pagpapaliwanag niya pa. Hindi naman kasi kasama sa kontrata niya na mag-stay in sa bahay ng kanyang amo, kaya wala rin itong obligasyon na pakainin siya.

"Ah."

Kumunot ang noo niya nang puro "ah" ang sagot nito sa mga sinasabi niya.

"Ah, ah, ah..." gaya niya rito nang hindi na mapigilan ang inis.

Nagulat ito sa ginawa niya, pero agad ding nakabawi. Hinila nito ang isang upuan at umupo doon ng pabaliktad. Ipinatong pa nito ang ulo sa sandalan ng upuan at puno ng kuryosidad na nakatingin sa kanya. Nabalot naman siya ng pagtataka sa reaksyon nito.

"Ulitin mo 'yong ginawa mo," utos nito.

Saglit siyang nag-isip kung ano ang ibig nitong sabihin. "Po? Iyong ah, ah..." Natutop niya ang bibig nang mapagtanto kung anong tunog ang nililikha niya. "Bastos!" sigaw niya.

"What?!"

Nagtaas baba ang balikat niya sa sobrang gigil.

"Iyong pinapagawa mo sa akin, hindi ba't..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil medyo bastos iyon. Sa isip niya ay paano kung mali siya ng intindi?

Tumawa ito ng nakakaloko, nahihiwagaan namang tinignan niya ito.

"Ano ba ang iniisip mo? Lilinawin ko lang, hindi ka kagandahan para pag-isipan kita ng gaya nang naiisip mo."

Para naman siyang napahiya sa sinabi nito, at medyo nasaktan dahil nilait nito ang itsura niya. Madalas niyang naririnig sa ibang tao na maganda siya, ito lang ang natatanging tao na nagsabing hindi siya maganda.

"Mabuti na po ang nakakaintindihan tayo. Ako rin, hindi ikaw ang tipo ko." Nag-iwas siya ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi.

"Hindi mo ako type? Ako? Ano ang mali sa akin?"

Gusto niyang matawa sa tanong ito, pinili niya lang pigilan dahil baka singhalan na naman siya nito.

"Tinatanong pa po ba ‘yan? Langit ka at lupa ako, sa telenovela lang naman nangyayari iyong mayaman at mahirap na nagkakatuluyan."

Nawala ang ngiti nito sa mga labi, napalitan ng kuryosidad.

"Hindi ba't delusional ka? Kaya mo nga ako ginising ng maaga kanina dahil masyado kang absorb sa mga dramang pinapanood mo, kung gano'n ay anong kaibahan ng usapan natin ngayon?"

Naguguluhang pinukol niya ito ng tingin.

"Ang sinasabi niyo po ba ay dapat isipin kong pwedeng magkagusto ka sa akin at gano'n din ako sa 'yo?"

"Ye— No, never. Hindi mangyayari ‘yan." Maagap na sagot nito, lalo naman siyang naguluhan sa tinatakbo ng usapan nila.

"Kung gano'n ano po ang problema?"

"Ang problema? Bakit hindi mo ako type? Gwapo at mayaman naman ako? Ano ang hindi kagusto-gusto sa akin?"

Palihim na napairap siya. Sa isip niya ay hindi ba nito alam na sobrang sama ng ugali nito? Na kahit gaano pa ito ka-gwapo o kayaman ay hindi ito gugustuhin ng kahit na sinong may matinong pag-iisip, pwera nalang kung pera at itsura lang ang habol ng isang babae dito.

"Sir, hindi naman po lahat ng babae ay iisa ang gusto. Pwedeng ang ibang babae ay mayaman at gwapong tulad niyo ang gusto, pero iba ako... mas gusto ko iyong simple lang." Hindi na niya pinahaba ang description ng gusto niyang lalaki, pasok naman ito sa tipo niya kung hindi lang dahil sa ugali nito.

"Hm. Mas pipiliin mo ang mahirap na buhay kaysa ang maginhawang buhay? I can give you everything, and yet you're choosing an average man."

"Po?" Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito dahil ingles, pero pamilyar siya sa ibang salita na ginamit nito gaya ng everything.

"Nevermind. Just eat your damn food," angil nito. Tumayo ito at iniwan siyang puno ng hiwaga, hindi niya alam kung ano na naman ba ang nagawa niya at biglang pumangit na naman ang mood ng boss niya. Huminga siya ng malalim, hindi niya rin alam kung hanggang kailan niya matatagalan ang ugali nito, minsan nahihiling niyang sana ay makahanap na agad ito ng kapalit niya para makalipat na siya. Kasama kasi sa kontratang hindi siya pwedeng lumipat ng ibang employer kung walang papalit sa kanya, hindi niya kayang bayaran ang danyos kapag nilabag niya ang nasa kontrata kaya kailangan niyang magtiis sa masamang ugali ng boss niya. Ang tanging panalangin niya nalang ay magkaroon ito ng kaunting bait sa katawan, kahit kaunti lang.

Kaugnay na kabanata

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

    Huling Na-update : 2025-02-11
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

    Huling Na-update : 2025-02-11

Pinakabagong kabanata

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 3

    Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status