“Saan ka pupunta?"
Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito. "Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito. Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya. “At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?" "Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga." Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman. "Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hindi siya. Napatuwid siya ng tayo nang bigla itong tumingin ulit sa kanya. "Saan mo naman planong mamili ng stock na sinasabi mo?" "Maghahanap po ako ng talipapa kung mayroon," aniya. Nabalot ng pagkagulo ang mukha nito. "Talipapa?" "Para po siyang maliit na palengke," paliwanag niya. Napagtanto niyang anak mayaman ito, kaya hindi malabong wala itong ideya sa kung ano ang talipapa. "Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" Nakaramdam siya ng pagtataka sa sumunod na katanungan nito. "Opo," magalang pa ring sagot niya. "Isang pribadong subdivision ito, sa tingin mo ba ay may makikita kang talipapa o palengke sa lugar na tulad nito?" Kumurap siya ng ilang beses, iniisip kung ano ang gusto nitong ipabatid sa kanya. Mukhang naintindihan naman nitong hindi niya pa rin makuha ang gusto nitong sabihin kaya humigit ito ng isang malalim na hininga. "Ano ang mga plano mong bilhin?" tanong pa nito. "Pagkain ko ho sa araw-araw, sir." Bumakas ang gulat sa mukha nito, para bang hindi nito inaasahan ang sagot niya. "Kung gano'n ay bakit hindi ka nanghihingi sa akin ng budget?" "Mukhang hindi po tayo nagkakaintindihan, sir. Pagkain ko ho ang bibilhin ko, pero napag-usapan na rin naman po natin. Sa tingin ko po ay hanggang bukas nalang ang supply niyo ng pagkain." Sa dami ng nangyari at unang araw pa lamang niya ay nakalimutan niya nang ipaalam dito ang isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat sabihin dito. Ito rin naman ang may kasalanan, kung hindi ito nag-suplado. "It seems so," pinakatitigan siya nito. "Hintayin mo ako, magbibihis lang ako." "Po? Sasabay ka sa akin sa talipapa, sir?" Hindi niya inaasahang gugustuhin nitong tumapak sa madumi at maliit na lugar na gaya ng talipapa o palengke, ang alam niya ay mas gugustuhin ng mga mayayaman ang mamili sa malamig at maluwang gaya ng mga malls o supermarket. "Syempre hindi, sa supermarket tayo mamimili." "Pero wala ho akong budget para sa supermarket, hindi po kakasya ang pera ko para makabili ng sasapat na pagkain ko hanggang sa makuha ko ang aking unang sahod. Wala pa po kasi akong stock ng pagkain kaya kailangan ko talagang makabili ngayon, kung hindi po ay wala akong makakain." Mahabang paliwanag niya, na hinihiling niyang sana ay maintindihan nito. Muli nitong sinuri ang kabuuan niya. "Can you wear something lighter?" Huminga ito ng malalim, "talking to you is even more stressful." Panay ang bulong nito, kung hindi lang ito gwapo ay iisipin niyang may sayad ito sa utak. Natigilan siya sa naisip, ano naman kung gwapo ito? Hindi iyon rason para hindi ito mapabilang, ipinilig niya ang kanyang ulo habang nakikipagtalo sa sarili. "Wala ka bang ibang damit bukod sa mga balot na balot mong kasuotan? Mainit sa labas," kumento nito. Naguguluhang tiningnan niya ang mga suot na damit. "Meron po. Kaya lang ay delikado rito sa maynila, ayon po sa aking mga magulang ay huwag daw akong magsusuot ng mga damit na kita ang malaking bahagi ng balat ko. Baka raw po kasi makatawag ng atensyon, lalo sa mga lalaking mapagsamantala." Yumuko siya, sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng hiya matapos sabihin ang mga salitang iyon. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito, kaya naman napilitan siyang magtaas ulit ng tingin. Napapantastikuhan ang tingin ipinukol nito sa kanya. "Ignorance never fails to amaze me," naiiling na anas nito. "Totoong mas delikado ang siyudad kumpara sa probinsya, ngunit hindi basehan ang kasuotan para mapanatili mong ligtas ang iyong sarili. Kahit ilang damit pa ang ipagpatong-patong mo sa iyong katawan, hindi mapipigilan no'n ang masasamang loob kung may gusto silang gawin sa 'yo. At alam mo bang mas nakakatawag ka ng atensyon sa pagsusuot ng mga damit na wala sa ayos, nasa siyudad ka kaya ang ganyang mga kasuotan ay bago at nakakatawa sa ibang makakakita. Mas magiging agaw pansin ka at malalaman nilang hindi ka taga-rito, ibig sabihin ay pwede mas manganib ang buhay mo. Blend in, iyon ang mas maganda mong gawin. Makisabay ka sa lugar kung nasaan ka, that will keep you safer." Napahilot ito sa batok, "why am I even explaining this shit?" Umiling ito at tinalikuran siya. Naiwan naman siyang naguguluhan pa rin, ngunit naisip niyang may punto rin naman ang mga sinabi nito. Muli niyang sinuri ang mga kasuotan, nag-desisyon siyang magpalit na lamang ayon sa mga sinabi ng boss niya. Fitted jeans at loose shirt lang ang sinuot niya, bukod kasi sa mga long-sleeve na karamihang dala niya ay iyon na ang pinaka-normal niyang damit. Wala naman kasi silang kakayahan para mamili ng maraming kasuotan, lalo na iyong mga damit na mamahalin at branded. Pagkalabas niya ay sumalubong sa kanya ang boss niyang nakaabang sa sala, panay ang sipat nito sa relong pambisig na nasa kamay. Nang marinig ang paglabas niya ay agad na dumako ang tingin nito sa damit na suot niya, muli ay nakaramdam siya ng pagkabalisa. Sa tuwing susuriin nalang nito ang itsura niya ay nakakaramdam siya ng pagkailang, marahil dahil sa agwat ng estado nila sa buhay. Simpleng white shirt at cargo short lang ang suot nito, pero mukha pa rin itong mamahalin. "Took you long enough," wika nito. Nagtatakang tiningnan niya ito. "Nevermind. Tara na," anyaya nito. "Sir, okay lang po bang pagkatapos nating mamili ng supply niyo ay mamili rin ako ng sa akin? Wala po kasi talaga akong kakainin manaya at sa mga susunod na araw kung hindi ako makakapamili ngayon." Mabilis siyang sumunod dito nang magsimula itong maglakad, huminto lang ito nang nasa labas na sila at tinatahak ang mahabang hallway. Huminto rin siya ilang dipa rito, nilingon siya nito. "Anong ginagawa mo?" tanong nito. Parang wala itong narinig sa sinabi niya at hindi man lang sinagot iyon. Napapitlag siya nang marahan nitong hatakin ang isang kamay niya hanggang sa magkatapat nalang sila. "Walk," utos nito. Napalunok siya at napipipilang naglakad gaya ng sinabi nito. Nagsimula na rin itong maglakad, manaka-nakang napapasulyap siya rito. Magkasabay silang naglalakad at parang wala itong pakialam, sa isip niya ay maraming naglalarong mga tanong. Hindi ba ito na nababahala sa iisipin ng ibang tao? Paano kung isipin nilang hindi siya katulong nito? Kapag kasi kasambahay ay minsan nasa likod lang ng mga amo nila, para iyong pader na naghi-hiwalay sa estado nila. "Sir, iyong pakiusap ko po." Paalala niya rito, wala rin kasi siyang magagawa kung hindi ito papayag. Kahit nang magpaliwanag siya kanina ay hindi nito pinansin, pinagpatukoy pa rin nito ang gustong gawin. Bagay na labis niyang kinayayamot. Hindi na naman ito sumagot, nakagat niya na lamang ang ibabang labi nang tuluyan silang makapasok sa sasakyan nito at wala pa ring naririnig dito. Gusto niyang maiyak sa sobrang hopeless ng sitwasyon niya, ano na lamang ang kakainin niya mamaya? Masama ang tingin palihim niyang iginawad sa lalaking nakatuon ang buong atensyon ngayon sa pagmamaneho, sa isip niya'y kung hindi lang ito suplado at ubod ng sama ang ugali ay baka nagka...Umiling siya ng paulit-ulit para pigilan ang sariling isip. Gusto niyang pagsasampalin ang magkabilang pisngi para tuluyan siyang matauhan, hindi pwede at imposible ang naiisip niya. Mas mabuti nang maglagay siya ng barrier sa pagitan nila, isa pa ay tiyak niyang masama talaga ang ugali nito. Unang araw niya palang ay ang dami niya nang naranasan dito, ito ang unang lalaking nagpaiyak sa kanya dahil sa sobrang panliliit sa sarili. Kahit kailan ay hindi pa siya umiiyak lalo sa harap ng isang lalaki, hindi niya alam kung anong mayroon dito para sobrang maapektuhan siya. "Hindi ko alam kung anong iniisip mo, pero nakikita ko ang masasamang tingin mo sa akin at ang palagiang pag-buntong hininga mo." Napalunok siya nang marinig ang pamumuna nito sa kanya, napangiwi na lamang siya at nag-iwas ng tingin. Tuluyan niyang itinuon ang atensyon sa labas ng bintana, ibang-iba talaga ang siyudad sa probinsya. Sa mga naglalakihang gusali at hindi mabilang na sasakyan palang, pati ang mga horde ng taong nagpaparoot’ parito sa gilid ng malawak na kalsada. Magkahalong takot at excitement ang pumupuno sa puso't isipan niya ngayon, takot dahil nasa lugar siya na sadyang mapanganib at hindi pamilyar sa kanya, gayundin excitement kasi sa wakas ay nakalabas na siya sa lugar na nagtatali sa kanya para alamin at tuklasin ang reyalidad at totoong mundo. “Exploration and discovery, it comes with a great risk.” Nilingon niya ang radyo ng sasakyan na bigla na lamang huminto ang tugtog at nagsalita ang dj mula doon, hindi niya gaanong nakuha ang ibig sabihin ng nagsasalita doon dahil ingles ang ginamit na lenggwahe. Sinulyapan niya ang boss niya para alamin ang ekspresyon nito. "Minsan ang pag-ibig ay gano'n rin, iyon bang dadalhin ka sa mundong hindi ka pamilyar pero at the same time ay nakaka-engganyong karanasan." Nalunok niya ang sariling laway nang bigla na lamang itong bumaling sa kanya at saglit na nagtama ang kanilang mga mata, sobrang bilis lang no'n pero labis na naapektuhan ang puso niya. Ilang beses niya pang sinuway ang sarili, ngunit sobrang gwapo naman kasi nito at baliw nalang ang babae kung walang mararamdamang atraksyon dito. Kailangan niyang tanggapin na kahit ubod ito ng sungit ay nakakahanga talaga ang mukha at hubog ng katawan nito.Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la
Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas
Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap
Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka
“Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi
Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka
Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap
Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas
Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la