Share

Pleasure me, Attorney
Pleasure me, Attorney
Penulis: Nayeon Ink

Prologue

Penulis: Nayeon Ink
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-10 18:59:15

Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.

Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.

“Blaire!”

Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.

“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.

“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya lamang ang lalaki hanggang sa tuluyan itong makalapit sa kanya, ipinatong nito ang hawak na coat sa balikat niya.

Hindi niya napigilang matawa ng mapakla, nang magtama ang mga mata nila sa malapitan ay biglang nabuhay ang emosyong kanina niya pang pilit na ibinabaon sa limot. Inalis niya ang coat na isinuot nito sa kanya, hinayaan niya iyong malaglag sa malamig na tubig dagat. Natigilan ito sa ginawa niya pero hindi rin ito nagsalita, nanatili itong tahimik na mas lalong nagpapainit ng kanyang ulo.

“Did you win the trial?” tanong niya.

Lumunok ito ng ilang beses, kapansin-pansin ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Marahan itong tumango, may mababakas na pag-aalala sa mukha nito.

“Good for you. Me? I just lost my child,” bulong niya. Malayo ang kanyang tingin, para bang hindi ang nasa harapan niya ang kausap kung hindi ang kanyang sarili. Bigla na namang parang may pumipiga sa puso niya, nahihirapan siyang huminga dahil doon. Ramdam din niya ang pamamasa ng kanyang mga mata, kasunod ang pagtulo ng mga luha niyang walang abiso.

“I’m sorry, I really am sorry.”

Sumama ang tingin niya rito. “Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik ba niyan ang anak ko?” Muli siyang natawa ng nakakaloko. “Sabihin mo sa akin, Elion. Maibabalik ba niyan ang anak natin?!”

Umiling ito ng paulit-ulit, puno ng pagsisisi ang makikita sa mga matang minsan ay humipnotismo sa kanya. Pero hindi na ngayon, dahil isa na iyon sa kinamumuhian niyang makita.

“Wala akong ibang mairarason, mali ako… patawarin mo ako, Blaire.”

Malakas siyang tumawa na parang nasisiraan ng ulo, hilam na ng luha ang kanyang mukha. “Putangina, Elion! Sorry? Anak ko ‘yon, anak natin ang nawala. Nasaan ka noong mga panahong kailangang-kailangan ka namin?”

Nagsimula na ring tumulo ang luha sa mga mata nito, pero ni wala siyang naramdamang awa rito. Nang tangkain nitong hawakan ang mukha niya ay mabilis siyang umatras palayo rito.

“Huwag na huwag mo akong hahawakan, wala kang karapatan kahit idikit man lang ang balat mo sa balat ko. Mas makabubuti pang mawala ka nalang din sa buhay ko.”

“Blaire…” Nanginginig ang boses nito. Kung siguro noong hindi pa nawawala ang anak nila ay tinakbo niya na ito para bigyan ng mahigpit na yakap, but he already lost it. Her love for him is now gone, and was replaced by so much hatred.

“Siyam na buwan… ang tagal kong hinintay ang pagdating niya sa mundo. Kahit na madalas ay mag-isa lang ako at hindi ka mahagilap, kuntento na ako sa pag-iisip na darating ang araw ay magkakaroon ako ng batang magiging kanlungan ko. Noong dumating siya, kahit papaano ay naging masaya ang buhay ko. Hindi ko naman akalaing babawiin siya ng maaga, sa panahong kailangang-kailangan ko siya.” Nagpakawala siya ng malalim na hininga, saka tumingala sa madilim na kalangitan.

Napakadilim ng langit, wala ni kahit isang bituin na magsisilbing palamuti nito. Kahit ang paligid ay naiintindihan siya, pero hindi nang taong dapat ay mas makakaintindi sa kanya.

“It was late when I read your messages, kasalukuyan akong nasa trial nang tumatawag ka kaya hindi ko nasagot.”

“And you expect me to accept your reason?” Nagbaba siya ng tingin para muling tignan ito. “Ilang beses akong nagmakaawa sa ‘yong ipagpaliban muna ang trabaho mo, kailangan kita at ng anak natin. But you still chose your career, bakit nga naman hindi? Matagal mo nang pangarap ‘yon, kaya nga napilitan kang pakasalan at buntisin ako, ‘di ba? Marahil iyon ang dahilan kaya palagi kang walang oras sa amin at isinasantabi palagi, I get it now…”

“Alam mong hindi ‘yan ang totoo, Blaire. Mahal kita, kayo ng anak natin.”

“Putangina. Mahal?! Paano kang magmahal, Elion? Ganito ka ba kasakit magmahal? Huwag nalang hoy! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo,” sigaw niya.

“Kahit kailan ay hindi ko ginustong mawala ang anak natin, naghihintay rin akong gumaling ito at sobra-sobra ang pag-aalala ko. Maniwala ka sa akin.”

Sumalampak siya sa buhangin, agad na nabasa ang kalahati ng katawan niya. Naaalarmang naupo rin ito at dinaluhan siya, pero marahas niyang tinabig ang mga kamay nito. Napasabunot siya sa mahahabang buhok.

“Alam mo ba kung gaano kasakit para sa isang magulang na makita ang anak nilang naghihirap pero wala siyang magawa? I watched him suffer all night, sigaw ito ng sigaw… tinatawag ang pangalan mo dahil ikaw lang ang wala sa tabi nito. Ilang beses kitang tinawagan, nanakit na lang ang kamay ko kaka-message sa ‘yo pero wala akong nakuhang sagot. Kahit noong mga oras na naghihingalo na ito, ikaw pa rin ang hinahanap hanap niya.” Pumikit siya nang mariin at inalala ang huling usapan nila ng kanyang anak. “Nasan si daddy? Hindi ba ako mahal ni daddy, mommy? Kahit minsan ay hindi niya ako binisita simula nang mapadpad ako sa lugar na ito, siguro abala lang ako sa kanya. Pero kahit gano’n ay mahal na mahal ko siya, mommy. Gusto kong maging katulad niya, isang matalino, gwapo at malakas na lalaki. Iyong tipo ng taong kayang ipanalo lahat ng kaso para sa kapakanan ng ibang tao, pero sana pati ikaw ay magawa niyang maipanalo, mommy. Kahit hindi na ako, ikaw nalang.” Tinignan niya ito, nanlulumo ang mukha nitong nakatunghay lang sa kanya. “Iyon ang mga huling sinabi niya tungkol sa ‘yo, but you know what, Elion? Noong mga oras na iniignore mo kami, unti-unti kanang natatalo sa amin. At nang mga panahong bawian ng buhay ang anak natin, tuluyan kanang natalo sa akin.”

Nanatili itong tahimik, tanging ang hampas ng alon ang pumupuno sa katahimikang namamagitan sa kanila. Hindi nila alintana ang malamig na simoy ng hangin, o ang panlalamig dahil sa basang katawan.

“Let’s go back inside.” Ito ang unang bumasag ng katahimikan, sinubukan siya nitong hawakan pero mabilis niya lang ulit na tinabig ang mga kamay nito. Hindi siya kumilos kahit na ilang beses itong sumubok na itayo siya.

“Leave me alone,” walang emosyong anas niya. Tumingin siya sa malawak at malalim na dagat, gusto na lamang niyang maging isa dito. Kung gagawin niya iyon ay baka magkaroon pa siya ng tyansang makapiling ng mas matagal ang kanilang anak.

“Hindi kagaya mo na mataas ang pangarap, simple lang ang hinihiling ko… isang masayang pamilya. Akala ko ay sa ‘yo ko mahahanap iyon, but I was wrong. Hindi pala ikaw ang tamang tao para sa akin, at hindi rin ako ang taong kayang pumuno ng mga kulang sa ‘yo.”

Lumuhod ito sa harap niya, nakayuko ito pero alam niyang umiiyak ito. Panay ang taas baba ng balikat nito.

“I have no words to say, but please… give me a chance to fix my mistake. H-huwag mo akong iiwan, Blaire. Gagawin ko ang lahat para sa ‘yo, hindi ko kayang wala ka.”

“Paano? Kung ang pinaka-malaking pagkakamali mo ay wala na sa mundong ito, sige nga, Elion. Paano mong itatama ang pagkakamaling hindi na nag-eexist sa mundong ito, susundan mo ba ang anak natin sa kamatayan para lang maisakatuparan ang sinasabi mo?”

“If I have to…just say the words. Kung kinakailangang lunurin ko ang aking sarili sa harapan mo, I’ll do everything.”

Muli siyang natawa. “But that’s not enough, hindi sapat ang isang sakit lang para sa mga kasalanang nagawa mo.”

“Then inflict pain on me, you can kill me after. Basta huwag ka lang aalis, mamuhay ka sa paraang gusto mo, gawin mo ang lahat ng naisin mo sa akin… pero sa oras na mag-desisyon kang wakasan ako, promise me. Ipangako mo sa aking bubuuin mo ang mga pangarap mong sinira ko, at hahanapin mo sa iyong puso ang kapatawaran. Kahit hindi na sa akin, gusto kong patawarin mo ang iyong sarili. Kasalanan ko ang lahat, wala kang pagkakamali, Blaire. Nagmahal ka lang ng maling tao.”

Sadyang mapaglaro ang tadhana nang gabing iyon, dahil kasabay nang muling pagbagsak ng mga luha niya ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Walang kahit na anong indikasyon na uulan, pero parang nakikiramay ito sa pagkawala ng dalawang taong minsan ay minahal niya ng buong puso. Ang isa ay sapilitang kinuha sa kanya ng mundo, habang ang isa ay nakaluhod sa harapan niya at nagmamakaawang wasakin niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Miss Briannah
gandaaaaaaaa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Pleasure me, Attorney   Chapter 1

    Malakas na hampas ng gavel ang pumailanlang sa apat na sulok ng court matapos ang hearing na naganap nang araw na iyon.“The court hereby declares that the defendant of the offense is guilty beyond unreasonable doubt.”Inayos ni Elion ang itim na coat nang marinig ang final verdict ng kasong hawak niya, muli ay nagtagumpay siyang ipanalo ang isa na namang kaso.“Court adjourned.”Tinanguhan niya lang ang kanyang kliyente at ang nagpupunyaging pamilya nito, panay ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ngunit para sa kanya ay normal na lamang iyon, kahit kailan ay wala pa siyang kasong hinawakan na natalo siya. Palagi siyang handa sa tuwing sumasabak sa gyera.Nagpakawala siya nang malalim na hininga nang makarating sa office nila, bahagya niyang niluwagan ang necktie at nagtungo sa vending machine para kumuha ng malamig na beer. Hindi pa man siya nakakaupo ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO, agad siyang napaayos ng tayo at binati ito.“How’s the trial?” tanong nito. Sinenyas

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-11
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 2

    Ihinarang ni Elion ang isang kamay sa kanyang mukha nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw, kumirot ang sintido niya dahil sa biglaang paggising. Nang makabawi sa pagkasilaw ay saka pa lamang niya tinignan ang nangyayari.“What the hell are you doing in my room?!” Pagalit na saad niya nang mamataan si Blaire na nakatayo sa gilid ng wideview window at inililihis ang kurtinang nagsisilbing pananggalang niya sa labas.Bahagyang napatalon ang dalaga sa gulat at natitigilang pumihit paharap sa kanya. Kunot na kunot ang noo niya sa magkahalong inis at sakit ng ulo.“Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ko?” Nauubusan ng pasensyang ulit niya sa tanong nang maalalang hindi siya nito naiintindihan.“Alas syete na po ng umaga, sir.”Lalong sumama ang timpla niya sa narinig na sagot nito. “Hindi ko tinanong ang oras, ang sabi ko ay anong ginagawa mo sa silid ko?” Hinilot niya ang sintido dahil parang mas lumala pa ang pagsakit no’n.“Tanghali na po?”Tumaas ang isang kilay niya, hindi makap

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-11
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 3

    Tahimik at maingat ang galaw ni Blaire habang naghahain ng pagkain sa mesa, ang boss niya kasing ubod sa sama ng ugali ay pinapanood siya at hinihintay matapos. "Tapos na po," mahinang imporma niya rito. "Sit," utos nito. Hindi siya agad nag-react sa pag-aakalang nabibingi lang siya. Tumingin ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya. "Ako po ba?" maang na tanong niya. "May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Inilibot nito ang tingin sa paligid pagkatapos ay ibinalik sa kanya. Seryoso ang mukha nito, kaya hindi niya sigurado kung nagti-trip na naman ba ito. Huminga siya ng malalim para manatiling kalmado, kahit kasi ang pagtatanong nito ay sarkastiko. "Wala po, pero..." "Sit means maupo ka, simpleng english lang ‘yon. Hindi mo rin maintindihan?" Kumuyom ang kamao niya, paulit-ulit pinapaalala sa sariling magtimpi dahil hawak nito ang kapalaran niya. "Naintindihan ko po, sir. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapaupo niyo ako." "Ah. Para kainin ang mga pagka

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-13
  • Pleasure me, Attorney   Chapter 4

    “Saan ka pupunta?"Huminto si Blaire sa akmang paglabas nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo, huminga muna siya ng malalim bago pumihit paharap dito."Mamimili po sana ng stock, sir." Sinalubong niya ang malamig na mga titig nito, para siyang naninigas sa tuwing nagtatama ang mga mata nila pero hindi rin niya gustong magpadaig dito.Tumingin ito sa orasang nakasabit sa wall clock saka muling binalik ang tingin sa kanya.“At this hour? At mukhang wala kang planong magpaalam sa akin?""Sir?" gulat na tugon niya. "Naisip ko lang po na lunch break naman, tapos ko na rin po ang mga kailangan kong gawin ngayong umaga."Pinasadahan siya nito ng tingin, bahagya pa siyang napaayos ng tayo dahil sa awkwardness na naramdaman."Looking like that?" Mahinang bulong nito na narinig pa rin niya, nakatayo kasi ito hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Pinili niyang huwag nalang mag-react, bukod sa hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin ay mukhang ang sarili nito ang kausap at hi

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-04

Bab terbaru

  • Pleasure me, Attorney   Prologue

    Lost in the clouds of thoughts, walking in an endless void.Hindi na alam ni Blaire kung gaano na kalayo ang nalalakad niya, basta nalang siyang nagpadala sa agos at kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang balat, ang malamig na tubig ay paminsan-minsang humahagod sa naninigas niyang talampakan, habang ang anino niya ay unti-unting kinakain ng kadiliman.“Blaire!”Huminto siya nang marinig ang kanyang pangalan, blangko ang ekspresyong nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaki na humahangos, tila napakalayo ng tinakbo nito para lang maabutan siya.“You’re late…” mahinang usal niya. Napakagaan ng mga salita niyang tila inilipad lang ng malakas na hangin, “...again.” Hindi niya alintana ang ilang hibla ng kanyang buhok na nililipad sa kanyang maamong mukha.“I-I’m sorry,” namamaos ang boses nito. Naglakad ito palapit sa kanya, hindi siya gumalaw o nagkaroon ng ibang reaksyon. Pinanood niya la

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status