Sa nasabing pagdiriwang ng kaarawan ng senador mamaya, naimbitahan din si Bryce bilang anak siya ni Uno Vicente at kabilang ang nasabing Senador sa samahan ng mga sindikato na siyang pinamumunuan ngayon ni Bryce. Matalik na kaibigan ni Bryce ang senador kaya hindi pwedeng hindi siya pupunta mamaya. Nilaan talaga ni Bryce ang araw na ito para magpahinga maghapon dahil tiyak na masasarap ang inuman mamaya sa nasabing Party. Malaki at malawak ang kwarto ni Bryce. Purong puti ang pader at kurtina niya at eleganteng mga disenyo na nakakarelax sa mata. Kung titignan ang kwarto ay akala mong napaka plain ng disenyo. Sa bandang dulo nito sa may sulok, doon mo makikita ang mga ilang larawan ng babae na nakadikit sa pader. Mga stolen shots na luha sa malayo at malapitan. May ilang blurred at may ilan namang sobrang linaw at makikita mo talaga ang natural na kagandahan ng naturang babae sa larawan. Ang babaeng nasa larawan ay si Derie. Ang hindi alam ng ilan ay may isang tauhan si Bryce
Umalis na rin kalaunan ang senador at tanging si Derie at Bryce na lang ang naiwan sa lamesa. Ito ang gustong mangyari ni Bryce. Ang masolo si Derie May. "Kumusta? lalo kang gumanda sa suot mo." "Salamat! okay naman ako. Ikaw kumusta?" "Hindi ako okay." "Bakit naman?" "Yung babae kasing nagugustuhan ko pagmamay-ari na ng iba." Hindi nakakibo si Derie sa aking sinabing pahapyaw. Sa halip ay dinampot niya ang baso na nasa gilid ng kaniyang plato at ininom. Nakita ko na napaitan siya sa ininom. "Sorry! akala ko Juice wine pala. Ano nga ulit yung sinabi mo? may nagugustuhan ka kamu na babae pero pagmamay-ari na ng iba? Bakit naman ganu'n?" "Bakit? Napipigilan ba kung kanino dapat lang tumibok ang puso?" Natawa siya sa sinabi ko. "Seryoso ba? parang hindi ako sanay na ganiyan ka ka-seryoso magsalita." "Seryoso ako! seryosong Seryoso." "O-okay. Eh sino naman yang babae na iyan?" "Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya dahil baka malaman niya. Mahal niya ang asawa
Gabi ng pakikipagkita ni Stefano kay Cassandra. Napilitan na puntahan ni Stefano si Cassandra noong gabi ba iyon dahil sa mga banta nito na hindi na ipapakita sa kaniya ang bata kapag hindi siya dumating sa tagpuan. Kahit labag talaga sa loob ni Stefano na iwan sa party ang pinaka mamahal niyang asawa ay nagdesisyon siya na puntahan si Cassandra. Hindi dahil sa pagiging mahina na naman niya sa mga desisyon kung hindi gusto niyang maiabot ang tulong na salapi kay Cassandra na pang gastos nito. Tutal ay alam ni Stefano na galit pa rin sa kaniya si Cassandra at hindi naman niya maibibigay dito ang hinihiling nitong hiwalayan niya si Derie. Para kay Stefano, mahal niya ang anak niya, at mahal niya rin si Derie. Hindi niya naman tatalikuran ang obligasyon ng kaniyang pagiging ama sa magiging anak nila kaya pumunta na rin talaga siya para pag-usapan nila ni Cassandra ang pagbibigay niya ng sustento. Hindi totoong malayo ang lugar na hiniling ni Cassandra na tagpuan nila. May isang
STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW "why do you do that?!" Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin. "Cassandra, akala ko ba nagkakaintinhan na tayo? Cassandra, hindi na pwede yung ganito. Hindi na pwedeng basta mo na lamang akong halikan. Please, huwag mo namang gawing kumplikado ang lahat." Mahal ko ang asawa ko at ayoko na siyang lokohin. inuwi ko si Cassandra dito dahil nakiusap kami na para na lang sa bata. Nag-sorry naman na ako sa kaniya at hindi na talaga kami babalik sa dati. "S-sorry... natuwa lang ako." paghingi niya ng paumanhin sa ginawa. "Sige. Palalampasin ko ito pero sana malinaw na sa 'yo ang pagtira mo dito. I have to go. Kailangan ko pang sunduin ang asawa ko sa party." tumayo na agad ako at mabilis na nilisan ang kwartong iyon. Dali-dali akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis itong pinaandar patungo sa venue kung saan ko iniwan ang aking asawa. It took me Less than hour to get there at hindi na dapat ako nasurpresa
"Derie, I can explain. Mali--- mali ang nakita at narinig mo. Hindi ganoon. Derie, hayaan mo akong magpaliwanag! Derie, totoong mahal kita at hindi ako papayag sa gusto mong hiwalayan. Derie, patawarin mo ako. bigyan mo ako ng chance para magpaliwanag. Please.... please, mahal.... please...." pagmamakaawa ng duguan na si Stefano. Mas iniinda niya ang sakit sa dibdib kesa sa pagdurugo ng kaniyang ulo. Nabulaga siya. Hindi niya alam na alam na pala ni Derie ang lahat. Hindi niya alam na naroroon na pala kanina si Derie sa mansyon at pinakikinggan lang ang pag-uusap nila ni Cassandra. Na nalaman na tuloy nito ang lahat. Ang lahat-lahat pati ang pagbubuntis ni Cassandra na siya pala ang ama. Kung kanina ay galit na galit Si Stefano, ngayon ay mabilis siyang umano. Halos yakapin na ang binti ng asawa sa pakiusap na pag-usapan nila ang nasabing issue. Ngayon lang nakita ni Stefano na ganitong nagalit si Derie. Sa sobrang galit nito ay nagawa siya nitong paluin ng vase sa ulo. Halos lumu
"Bryce!!! Bryce!!!" patuloy na pagsigaw ni Derie. Ni-lock siya sa kwarto ng mga tauhan nito at hindi niya maintindihan kung bakit. Buong magdamag siyang gising at inintay ang paggising ni Bryce. Nangangalumata na si Derie nang humarap kay Bryce. "Good morning, Derie! kumusta ang pakiramdam mo?" bungad ni Bryce sa kaniya pagkatapos itong iluwa ng pinto. "Hindi ako okay at lalo akong hindi naging okay dahil sa ginawang pagkukulong sa akin dito ng nga tauhan mo. " pagsusumbong ni Derie. "Iyon ba? Pasensya na kung ganoon. Hayaan mo kagagalitan ko sila." pagkasabi noon ni Bryce ay naglitawan naman ang mga katulong sa mga likod niya at nay dalang tray na may lamang pagkain. "kumain ka muna, Derie. Alam kong nagugutom ka na." wika ulit ni Bryce at pagkatapos ay inilapag na ng mga katulong sa kama ang dalawang tray na may lamang pagkain. Dahil totoong nagugutom nga si Derie, kinain niya ito. pinagmamasdan lang siya ni Bryce habang siya ay kumakain. Kampante si Derie kapag nasa
CASSANDRA POINT OF VIEW TIIS LANG, CASSANDRA! MAGTIWALA KA SA MGA MANGYAYARI. MALAPIT MO NANG MABAWI SI STEFANO. Dumaan ang mga araw at nandito pa rin ako sa mansyon kung nasaan nakatira si Stefani. magkabukod kami ng kwartong tinutulugan at kahit gustuhin kong nakatabi siya sa gabi ay hindi maaari. Simula noong naghiwalay sila ni Derie ay naging malimit na ang aming pagkikita kahit pa nakatira lang kami sa iisang bubong. Maaga siyang umaalis at Late na Late na kung umuwi. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-busyhan niya pero sa ibang banda, ayos na rin yon para maging abala siya sa maraming bagay at madali niyang makalimutan si Derie. Pabor din sa akin na hindi kami gaanong nagkikita nang sa gayon ay hindi ako mahirapan na magpanggap na nagdadalang tao ako. Hindi niya mapapansin na walang nagbabago sa katawan ko. Walang umuulbok. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko mapapaniwala si Stefano na nasa tiyan ko pa ang anak namin hanggang sa manganak ako? Habang nalulu
BRYCE VICENTE POINT OF VIEW. "Bryce, buntis a-ata ako..." Derie said after niyang magsusuka sa lababo. Bigla na lang siyang sinamaan ng sikmura. Alam kong may mali sa kaniya kanina pa lang pero hindi ko naman naisip na baka buntis siya. I don't know why or how she said that pero malaki ang naging impact noon sa akin. "H-ha? p-paano mo naman nasabi iyan? hindi ba p'wedeng sinamaan ka lang ng pakiramdam." I comforted her. Inalalayan ko siyang maglakad at pagkatapos ay pinaupo muli sa upuan. "B-baka b-buntis kako ako kasi lately, hindi maganda ang pakiramdam ko. At first akala ko ay dahil kang sa stress pero Bryce... Hindi pa ako dinadatnan ng Monthly period ko. 2 weeks na akong delayed." Parang nahati ang puso ko sa malilit na piraso sa aking narinig. This can't be! Hindi pwede! Kung kailan marami na akong pinaplano para sa amin ni Derie. "Hindi nga? You mean may posibilidad nga? Paano kung buntis ka nga? Ipapaalam mo ba ito kay Stefano?" ito agad ang una kong tinanong. Naloko
- "The hardest thing about loving someone from afar is knowing that they are close enough to touch, but far enough to never feel." Nakahiga na sa ngayon niyang tutulugan si Dianne habang Yakap-yakap ang picture frame kung saan ay naroon ang larawan nila ng asawang si Andrei. Masaya siya na malungkot. Masaya dahil mabuti na ang kalagayan ni Andrei at the same time ay nalulungkot din siya dahil narito lang nga ang kaniyang asawa ngunit hindi naman niya ito o mayakap o maiparamdam man lang ang labis niyang pagmamahal dito. Ang hindi alam ni Dianne ay naroon lang si Andrei sa may pinto, nakatayo, at tahimik siyang pinanonood na umiiyak. Naguguluhan si Andrei sa mga nalaman mula sa mayordoma. Ang babae kasing nagpakilala na kaibigan 'daw' niya ay siya pala niyang asawa at nagdadalang tao sa kaniyang anak. Hindi malaman ni Andrei ang dahilan nito kung bakit inililihim pa sa kaniya nito ang tunay na katauhan. (biglang lumangitngit ang pinto) Biglang napapahid ng luha si Dia
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. ITS GOOD TO BE BACK. Sa wakas ay nakauwi na rin ako sa mansyon. Iba pa rin talaga kapag bahay mo na ang inuwian mo. Maraming gumugulo at katanungan sa isipan ko pero iba pa rin sa pakiramdam na makita at makauwi sa bahay mo. Maswerte akong nakaligtas mula sa isang malagim na aksidente. Ayaw ng mga Doktor ko na pag-usapan pa ang nangyari noong araw na iyon dahil makakasama daw sa mental health ko. Pero paano kaya yon? Paano ko malalaman ang rason kung paano kami naaksidente. Hindi ko kasi maalala kung paano kami nabangga. Ang tanging naaalala ko lang ay yung si Alfa. Si Alfa na mahal na mahal ko. Hindi ko na lubos na maalala kung ano ba ang mga nangyari noong araw bago ako naaksidente basta ang naaalala ko lang ay kumain kami ng Lunch ni Alfa at the rest is blangko na. Naaalala ko naman ang lahat. Itong bahay na ito, ang pangalan ko, at kung sino ako. Ako si Andrei Avendaño known as a youngest billionaire in the country. Naaalala ko pa kung anong k
Araw, linggo, buwan ang lumipas at naghihintay pa rin si Dianne sa hudyat ng Doktor kung kailan siya ulit p-pwedeng makadalaw sa kaniyang asawa. Matatandaan na nagising nga si Andrei pero hindi naman siya nito matandaan. Ang pangalang binabanggit nito ay iba. Anong sakit iyon para kay Dianne. Nagising na nga at lahat-lahat ang asawa niya pero hindi siya nakikilala nito. Ngunit dahil sa dami na ng pagsubok na kanilang pinagdaanan, hindi na para sumuko pa si Dianne. Kahit Miss na Miss na niya ang asawa at para bang nakukulangan na siya ng pag-asa, naniniwala pa rin siya na hindi sa pangalan o mukha , ang pusong nagmamahal ay hindi nakakalimot sa taong tunay na tinitibok nito. Kaya naman laking tuwa n> Dianne ng tawagan siya ng Doktor ni Andrei at sinasabing okay na ito at pwede nang ilabas ng ospital. Sobrang saya ni Dianne sa magandang balita na iyon. Excited siyang nagtungo sa ospital kahit na walang ligo. Bago niya pwedeng ilabas si Andrei ay pinatawag muna siya ng Doktor para ka
Grabe ang takot ko matapos akong maalarma sa pagtunog ng mga aparato na nakakabit sa asawa ko. Hindi pwede! hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ko kaya. Nagmadali akong tumawag ng mga Doktor. Halos mahulog ang puso ko. Hindi ako alam kung paano ang gagawin kong takbo mapuntahan lamang ang Doktor ng asawa ko. Sakto naman din at nakasalubong ko siya. Papunta rin pala siya sa asawa ko para tignan. Hindi ko na kayang kumalma sa mga oras na ito kaya hinila ko na siya patungo sa ICU kung saan nandoon ang asawa ko. "Dok ano pong nagyayari?" nag-aalala kong tanong. Patuloy pa rin sa pagtunog ang Machine at diretso pa rin ang linya. Gusto ko nang umiyak ng malakas. "misis relax." Ito lang ang sagot sa akin ng Doktor. kalmado niyang tinignan ang pasyente. "Paano po akong magrerelax? nasa peligro na po ang buhay ng asawa ko." sabi ko naman habang nakasunod sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paano niya nasasabi na irelax ko ang sarili ko. "Hindi po misis. Ang aparato po na tumutunog
Mas lalong nagkaroon ng rason si Dianne para tatagan ang loob. Hindi lang siya ang nag-aantay ngayon kay Andrei kung hindi dalawa na sila. Hindi madali sa kalagayan niya pero lumalaban siya. Kailangan niyang ilaban ang pananampalataya niya na magkakaroon ng himala. Ngunit talagang sinusubukan siya ng Diyos. Ayon sa mga Doktor ay hindi nila masasabi kung kailan magigising si Andrei o kung may tsansa pa ba ito na gumaling. Tinapat na siya ng Doktor na 50/50 na si Andrei at himala na lamang kung babalik pa ito sa dati. Bilang asawa ay napakahirap nitong tanggapin. Ngayon pa na magkakaanak na sila. Kahit anong utos ni Dianne sa kaniyang utak na tatagan ang loob ay hindi niya rin masunod dahil hindi biro ang sitwasyon na mayroon sila ngayon. Ang malamig at puting pader ng silid ng ospital ay tila sumasakal sa kanya, pinipigilan siya ng kanilang malamig at matigas na presensya. Ang kanyang mga daliri, payat na dahil sa pag-aalala, ay mahigpit na nakahawak sa mga rosaryo, ang makini
Lalo lang nadagdagan ang pag-aalala ni Dianne. Buong araw hanggang gabi siya iyak nang iyak. Halos walong oras ginamot si Andrei sa loob ng Emergency room bago ito inilipat sa ICU. Hindi pa niya pwedeng lapitan ang asawa dahil ayon sa mga doktor ay maselan ang kalagayan pa nito at under observation pa ito. Inilabas ito sa Emergency room ng walang malay. Samantala ang babaeng tinutukoy ng mga pulis na kasama nito ay inilabas ng E.R. na nakatalukbong na ng kumot. Dalawa lang naman ang nasa ER kaya naisip ni Dianne na tignan kung ito nga ang sinasabing babaeng kasamang naaksidente ng kaniyang asawa. "Saglit po, kilala ko po siya, maaari ko po bang sulyapan ang aking pinsan kahit na sa huling sandali?" pagsisinungaling ni Dianne sa mga nurse. "Okay pero saglit na saglit lang, ha?" sagot naman sa kaniya ng mga ito bilang pagpayag. "Hindi ba kinaya ng pasyente. Kung ikaw pala ang pinsan niya, ikaw na lang din ang pumirma para sa release paper niya para mamaya." Dahil inakala ng mga
MRS. DIANNE AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi pa man din ay parang matutumba na ako. Yung tipong sana, sana panaginip na lang ito. Itong nangyari. Hindi ko kasi lubos na maisip na ngayon pa ito mangyayari. Bakit? bakit? bakit kung kailan maayos na ang lahat sa amin? bakit kung kailan nakamit na namin ang inaasam namin na kaligayahan? bakit? Masaya pa kaming nagtanghalian kanina. Sobrang saya niya at panay pa nga ang sabi niya ng "Mahal kita!" hinatid niya pa ako sa bahay namin at nangakong maaga uuwi para sabay kaming maghapunan. Ang sabi niya ss akin ay babalik siya sa office, bakit? ano ang nangyari? Sobrang nablablanko ang isipan ko ngayon at hindi malaman kung paano ko kakayanin na makita ang asawa ko na nasa kritikal na kalagayan. Panay ang hagod sa aking likod ng kasam bahay na isinama ko para alalayan ako. "Señorita, lakasan niyo po ang loob niyo. May awa po ang Diyos. Huwag po sana kayong panghinaan ng loob. Ang importante po ay buhay si Sir at magkakasama pa kayo." paulit-u
Baliw sa pag-ibig na nararamdaman at nilamon na ng matinding pagnanasa si Xander to the point na malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi ganito si Xander pero dahil nga sa labis na pagmamahal niya sa dalagang si Alfa ay tuluyan na siyang nag-iba. Talagang inabangan ni Xander ang opisina ni Andrei dahil malakas ang hinala niya na dito ito pupunta pagkatapos na tumakas mula sa kamay niya. Nang makita niya na nagtungo si Alfa sa opisina nito ay labis siyang nanggalaiti sa galit. Gumawa siya ng paraan para sirain ang pagsasama ng dalawa. Iniisip ni Xander na poprotektahan ito ni Andrei mula sa kaniya kaya inunahan na niya ito. Pinasok niya ang kotse nito nang walang nakakakita. Nagtago sa likod at nag-antay ng tamang pagkakataon bago umatake. Isang oras mahigit din siya nag-antay sa loob ng nasabing kotse. nagtiis sa init at kulang na bentilasyon ss loob. Hindi iyon ininda ni Xander bagkus ang tanging nasa isip niya ay mabawi si Alfa at patayin si Andrei. Oo. umabot na talaga siya
ANDREI AVENDAÑO POINT OF VIEW. Hindi ko alam na darating pala ang araw na ito, ang kamumuhian ko ang mukhang ito. Ang mukha ni Alfa na buong buhay kong minahal. Wala na itong dating sa akin ngayon dahil hindi naman talaga ang mukha niya ang minahal ko kung hindi ang pagkatao ni Alfa na siyang si Dianne na ngayon. At itong kayakap ko ngayon, isa siyang impostor. Ang akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako. Huwag niya ako itulad sa iba. Hindi ako tanga. Alam kong peke siya dahil asawa ko na ngayon ang taong may ari ng mukha na iyan. Gusto ko siyang itulak at sitahin. Gusto ko siyang takutin hanggang sa mapaamin. Alam kong hindi naman mangyayari yon dahil hindi siya aamin. Nagawa niya ngang gumaya ng mukha na siyang nakababahala sa tahimik namin na pagsasama ni Dianne. Alam kong paghihiganti ang motibo ng taong ito at kung totoo ang hinala ko, hindi ko siya mapapayagan. "Andrei... Andrei, I Miss you so much! "I'm sorry, Andrei. I'm sorry kung bakit ngayon lang ako dumating. Ma