Umalis na rin kalaunan ang senador at tanging si Derie at Bryce na lang ang naiwan sa lamesa. Ito ang gustong mangyari ni Bryce. Ang masolo si Derie May. "Kumusta? lalo kang gumanda sa suot mo." "Salamat! okay naman ako. Ikaw kumusta?" "Hindi ako okay." "Bakit naman?" "Yung babae kasing nagugustuhan ko pagmamay-ari na ng iba." Hindi nakakibo si Derie sa aking sinabing pahapyaw. Sa halip ay dinampot niya ang baso na nasa gilid ng kaniyang plato at ininom. Nakita ko na napaitan siya sa ininom. "Sorry! akala ko Juice wine pala. Ano nga ulit yung sinabi mo? may nagugustuhan ka kamu na babae pero pagmamay-ari na ng iba? Bakit naman ganu'n?" "Bakit? Napipigilan ba kung kanino dapat lang tumibok ang puso?" Natawa siya sa sinabi ko. "Seryoso ba? parang hindi ako sanay na ganiyan ka ka-seryoso magsalita." "Seryoso ako! seryosong Seryoso." "O-okay. Eh sino naman yang babae na iyan?" "Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya dahil baka malaman niya. Mahal niya ang asawa
Gabi ng pakikipagkita ni Stefano kay Cassandra. Napilitan na puntahan ni Stefano si Cassandra noong gabi ba iyon dahil sa mga banta nito na hindi na ipapakita sa kaniya ang bata kapag hindi siya dumating sa tagpuan. Kahit labag talaga sa loob ni Stefano na iwan sa party ang pinaka mamahal niyang asawa ay nagdesisyon siya na puntahan si Cassandra. Hindi dahil sa pagiging mahina na naman niya sa mga desisyon kung hindi gusto niyang maiabot ang tulong na salapi kay Cassandra na pang gastos nito. Tutal ay alam ni Stefano na galit pa rin sa kaniya si Cassandra at hindi naman niya maibibigay dito ang hinihiling nitong hiwalayan niya si Derie. Para kay Stefano, mahal niya ang anak niya, at mahal niya rin si Derie. Hindi niya naman tatalikuran ang obligasyon ng kaniyang pagiging ama sa magiging anak nila kaya pumunta na rin talaga siya para pag-usapan nila ni Cassandra ang pagbibigay niya ng sustento. Hindi totoong malayo ang lugar na hiniling ni Cassandra na tagpuan nila. May isang
STEFANO AVEDAÑO POINT OF VIEW "why do you do that?!" Nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Bahagya ko siyang itinulak palayo sa akin. "Cassandra, akala ko ba nagkakaintinhan na tayo? Cassandra, hindi na pwede yung ganito. Hindi na pwedeng basta mo na lamang akong halikan. Please, huwag mo namang gawing kumplikado ang lahat." Mahal ko ang asawa ko at ayoko na siyang lokohin. inuwi ko si Cassandra dito dahil nakiusap kami na para na lang sa bata. Nag-sorry naman na ako sa kaniya at hindi na talaga kami babalik sa dati. "S-sorry... natuwa lang ako." paghingi niya ng paumanhin sa ginawa. "Sige. Palalampasin ko ito pero sana malinaw na sa 'yo ang pagtira mo dito. I have to go. Kailangan ko pang sunduin ang asawa ko sa party." tumayo na agad ako at mabilis na nilisan ang kwartong iyon. Dali-dali akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis itong pinaandar patungo sa venue kung saan ko iniwan ang aking asawa. It took me Less than hour to get there at hindi na dapat ako nasurpresa
"Derie, I can explain. Mali--- mali ang nakita at narinig mo. Hindi ganoon. Derie, hayaan mo akong magpaliwanag! Derie, totoong mahal kita at hindi ako papayag sa gusto mong hiwalayan. Derie, patawarin mo ako. bigyan mo ako ng chance para magpaliwanag. Please.... please, mahal.... please...." pagmamakaawa ng duguan na si Stefano. Mas iniinda niya ang sakit sa dibdib kesa sa pagdurugo ng kaniyang ulo. Nabulaga siya. Hindi niya alam na alam na pala ni Derie ang lahat. Hindi niya alam na naroroon na pala kanina si Derie sa mansyon at pinakikinggan lang ang pag-uusap nila ni Cassandra. Na nalaman na tuloy nito ang lahat. Ang lahat-lahat pati ang pagbubuntis ni Cassandra na siya pala ang ama. Kung kanina ay galit na galit Si Stefano, ngayon ay mabilis siyang umano. Halos yakapin na ang binti ng asawa sa pakiusap na pag-usapan nila ang nasabing issue. Ngayon lang nakita ni Stefano na ganitong nagalit si Derie. Sa sobrang galit nito ay nagawa siya nitong paluin ng vase sa ulo. Halos lumu
"Bryce!!! Bryce!!!" patuloy na pagsigaw ni Derie. Ni-lock siya sa kwarto ng mga tauhan nito at hindi niya maintindihan kung bakit. Buong magdamag siyang gising at inintay ang paggising ni Bryce. Nangangalumata na si Derie nang humarap kay Bryce. "Good morning, Derie! kumusta ang pakiramdam mo?" bungad ni Bryce sa kaniya pagkatapos itong iluwa ng pinto. "Hindi ako okay at lalo akong hindi naging okay dahil sa ginawang pagkukulong sa akin dito ng nga tauhan mo. " pagsusumbong ni Derie. "Iyon ba? Pasensya na kung ganoon. Hayaan mo kagagalitan ko sila." pagkasabi noon ni Bryce ay naglitawan naman ang mga katulong sa mga likod niya at nay dalang tray na may lamang pagkain. "kumain ka muna, Derie. Alam kong nagugutom ka na." wika ulit ni Bryce at pagkatapos ay inilapag na ng mga katulong sa kama ang dalawang tray na may lamang pagkain. Dahil totoong nagugutom nga si Derie, kinain niya ito. pinagmamasdan lang siya ni Bryce habang siya ay kumakain. Kampante si Derie kapag nasa
CASSANDRA POINT OF VIEW TIIS LANG, CASSANDRA! MAGTIWALA KA SA MGA MANGYAYARI. MALAPIT MO NANG MABAWI SI STEFANO. Dumaan ang mga araw at nandito pa rin ako sa mansyon kung nasaan nakatira si Stefani. magkabukod kami ng kwartong tinutulugan at kahit gustuhin kong nakatabi siya sa gabi ay hindi maaari. Simula noong naghiwalay sila ni Derie ay naging malimit na ang aming pagkikita kahit pa nakatira lang kami sa iisang bubong. Maaga siyang umaalis at Late na Late na kung umuwi. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-busyhan niya pero sa ibang banda, ayos na rin yon para maging abala siya sa maraming bagay at madali niyang makalimutan si Derie. Pabor din sa akin na hindi kami gaanong nagkikita nang sa gayon ay hindi ako mahirapan na magpanggap na nagdadalang tao ako. Hindi niya mapapansin na walang nagbabago sa katawan ko. Walang umuulbok. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko mapapaniwala si Stefano na nasa tiyan ko pa ang anak namin hanggang sa manganak ako? Habang nalulu
BRYCE VICENTE POINT OF VIEW. "Bryce, buntis a-ata ako..." Derie said after niyang magsusuka sa lababo. Bigla na lang siyang sinamaan ng sikmura. Alam kong may mali sa kaniya kanina pa lang pero hindi ko naman naisip na baka buntis siya. I don't know why or how she said that pero malaki ang naging impact noon sa akin. "H-ha? p-paano mo naman nasabi iyan? hindi ba p'wedeng sinamaan ka lang ng pakiramdam." I comforted her. Inalalayan ko siyang maglakad at pagkatapos ay pinaupo muli sa upuan. "B-baka b-buntis kako ako kasi lately, hindi maganda ang pakiramdam ko. At first akala ko ay dahil kang sa stress pero Bryce... Hindi pa ako dinadatnan ng Monthly period ko. 2 weeks na akong delayed." Parang nahati ang puso ko sa malilit na piraso sa aking narinig. This can't be! Hindi pwede! Kung kailan marami na akong pinaplano para sa amin ni Derie. "Hindi nga? You mean may posibilidad nga? Paano kung buntis ka nga? Ipapaalam mo ba ito kay Stefano?" ito agad ang una kong tinanong. Naloko
"Cassandra!!! matagal ka pa ba? Iintayin kita sa baba," wika ni Stefano sa labas ng banyo kung saan naroon si Cassandra. "Just 10 minutes...." Sagot naman nito habang inaayos ang kunwaring umbok niya sa tiyan. Hindi siya mapakali. Isip siya nang isip kung anong palusot ang pwede niyang gawin ngayon. Nais ni Stefano na ma-check up siya nang sa ganoon ay malaman nito ang lagay ng bata sa loob ng sinapupunan ni Cassandra. Nais rin nitong malaman na ang Gender ng baby. As a first time dad, excited si Stefano. Sa mga oras kasi na nakakaramdam ng lungkot si Stefano at namimiss niya si Derie, isang bagay na lang ang iniisip niya na nagbunga ng tama sa lahat ng pagkakamali na nagawa niya at yun nga ay yung magkakaanak na siya. Hindi nga lang sa babaeng minamahal niya ngayon kung hindi sa babaeng minamahal niya noon. As of now, umaasa pa rin si Stefano na isang araw ay magbabalik so Derie at magkakaayos sila. Pero naiintindihan din ni Stefano kung hindi na darating ang araw na iyon da