Share

rebelasyon

Gabi ng pakikipagkita ni Stefano kay Cassandra.

Napilitan na puntahan ni Stefano si Cassandra noong gabi ba iyon dahil sa mga banta nito na hindi na ipapakita sa kaniya ang bata kapag hindi siya dumating sa tagpuan.

Kahit labag talaga sa loob ni Stefano na iwan sa party ang pinaka mamahal niyang asawa ay nagdesisyon siya na puntahan si Cassandra. Hindi dahil sa pagiging mahina na naman niya sa mga desisyon kung hindi gusto niyang maiabot ang tulong na salapi kay Cassandra na pang gastos nito. Tutal ay alam ni Stefano na galit pa rin sa kaniya si Cassandra at hindi naman niya maibibigay dito ang hinihiling nitong hiwalayan niya si Derie.

Para kay Stefano, mahal niya ang anak niya, at mahal niya rin si Derie. Hindi niya naman tatalikuran ang obligasyon ng kaniyang pagiging ama sa magiging anak nila kaya pumunta na rin talaga siya para pag-usapan nila ni Cassandra ang pagbibigay niya ng sustento.

Hindi totoong malayo ang lugar na hiniling ni Cassandra na tagpuan nila. May isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nelia
updated na po
goodnovel comment avatar
Nelia
please like, comments, and vote. Thank you!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status