Share

Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss
Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss
Author: Ysanne Cross

Prologue

Author: Ysanne Cross
last update Last Updated: 2024-12-28 20:32:46

⚠️‼️reader discretion is advice

7 years ago…

“Today is your birthday, tomorrow another day…” pakanta-kanta ko habang masayang tumatakbo sa bakuran ng bahay.

Excited na kasi akong makita ni Papa ang cake na binili ko para sa birthday niya. Matagal-tagal ko rin itong inipon, nag-part time muna ako sa Night Bar ng boyfriend ng pinsan ko bilang waitress. Sa isang linggo ko roon ay nakaipon ako ng two thousand pesos. Sakto pambili ng cake at grocery namin.

Hindi mahilig sa cake si Papa pero gusto ko siyang sorpresahin. May maliit na parte sa akin na umaasang makita siyang ngumiti kahit slight lang!

“Papa, nandito na po ako!” Tawag ko.

Tuloy-tuloy akong pumasok maski walang sumasagot. Siguro naman ako na nakauwi na siya ganitong oras.

Pasado alas sais ng hapon. Takipsilim. Mainit ang panahon dahil sa taas ng humidity, walang umiihip na preskong hangin. Nakatira nga ako sa probinsya subalit mainit ang panahon dito. Kasalanan ito ng mga factory na pumapalibot sa lugar namin.

Pinunasan ko ang namumuong mga butil ng pawis sa noo ko nang pinihit ko pabukas ang pinto. Nahirapan pa akong ibalanse ang malaking cake na hawak ko.

Lumangitngit ang pinto na’ng tinulak ko pabukas. Biglang dumapo ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko. Para bang may hindi tama. Nakakabingi ang katahimikan ng bahay, mabigat at hindi natural.

Araw-araw akong nandito pero kakaiba ito ngayon, lalo na ang ilaw. Magsasalita sana ako nang may malakas na humatak sa akin papasok.

“Hestia!” Umugong ang natatarantang boses ni Papa. Humahangos siya na parang tumakbo ng milya-milya para hulihin ako. “Bilisan mo, pumasok ka! Pumasok ka sa loob!”

“Ano’ng nangyayari pa?” Nakuha kong tanong na tila langgam lang ang makakarining.

“Tumago ka dito sa cupboard. Bilisan mo!” Walang lingon niyang sambit at hinila ulit ako sanhi ng pagkalaglag ng cake. Sumikip ang dibdib ko nang marinig ang pag-plak ng malambot na dessert. Naglaho na parang bula ang pinaghirapan ko.

“Bakit Pa? Cake ko,” ingos ko hanggang sa tinulak niya ako papasok sa madilim at masikip na cupboard sa ilalim ng hagdan.

Kahit na luma na itong two-story building na bahay namin ay di nagkulang sa cupboard. Dito ako tumatago noon tuwing maglalaro kami ng tagu-taguan.

“Wala ng oras, dapat mong magtago agad. Hindi ito ang tamang panahon para magtanong ka. Sumunod ka na lang,” nauubusan niyang pasensiyang wika.

“Pa, sixteen na po ako. Hindi na ako bata para maglaro ng tagu-taguan,” inosenteng reklamo ko.

“Wala ‘yan sa edad, anak. Ito ang tamang panahon para tumago ka ng maigi sa loob,” aniya na luminga-linga na tila may inaasahang darating. “Dito ka lang. Siguraduhin mong ‘wag gumalaw. H’wag gumawa ng ingay. Kahit ano pa ang marinig mo sa labas, Hestia. Naiintindihan mo ba ako?”

Kumabog ng malakas ang puso ko sa di malamang dahilan, basta’t nasa kutob ko na may di mangyayaring maganda. Dalawa na lamang kami ni Papa, at ayokong mangyari ulit ang nangyari kay Mama.

“Pa, birthday mo ngayon, mags-celebrate muna tayo,” pamimiliit ko. Hinawakan ko ang laylayan ng long-sleeve niya.

“Oo, birthday ko pero i-se-celebrate na lang natin sa susunod. Magtago ka muna dito!” Pagkasabi niya’y matulin niyang sinara at ni-lock sa labas.

Imbes na kinalampag ang pinto ay tumalima ako sa sinabi niya. Ilang saglit ay narinig kong may sumipa sa pinto na sinundan ng mga yabag. Mabibigat at mapanganib na mga yabag na parang may dadagitin silang ‘prey’.

Mariin kong tinutop ang bibig habang hinahabol ang hininga sa loob ng madilim at masikip ng lugar. Kumislot ako sa maingay na mga sapatos na huminto sa sala.

May mga kalakihang pumasok, matutulis at mapanganib ang kanilang boses. Nakikita ko sila sa maliit na butas ng susihan.

“Nasaan ang pera, hukluban?” Pag-angil ng isa. “Matagal-tagal na kaming naniningil ha. Akala mo siguro matatakasan mo ang atraso mo. Once na pumasok ka sa grupong ito ay wala ka nang takas!”

Umigiting ang isa pang boses, mas malamig, mas malupit. “Where’s your precious baby, old man?”

Tila mabibingi ako sa kakapalan ng german accent niya. Kagaya sa magsalita ng english ng mga artista sa film ni Hitler. Mabilis kong natukoy ‘yon dahil mahilig ako sa mga German.

“P-Patay na ang anak ko. Ano pa ang kailangan niyo?” Pagdadahilan niya. “A-At ako mismo ang pumatay,”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nagsisinungaling siya, pero parang hinahati ng kutsilyo ang dibdib ko.

Umungol sa inis ang kasama nito. Tantsya ko ay anim silang, puro maskulado at matatangkad.

Nanahimik sila saglit, hanggang sa nagsalita ang sariwang boses. Malalim, kalma at nakakatakot. “Don’t make a fool of me!”

Mas nakakasindak ang German accent niya. Bumakat sa imahenasyon ko na naliligo siya ng dugo ng mga pinatay niya habang hawak ang baril.

“Demetrius…” anas ni Papa na napapaluhod sa sahig. “M-Maniwala ka. Nagsasabi ako ng totoo. Binayaran na ng anak ko ang atraso ko sa inyo.”

Pinigilan ko ang paghinga. Sa pamamagitan ng keyhole, nakita ko s’yang lumapit sa kaawa-awang kong ama. Bagama’t madilim alam kong bata pa siya kasi maliit pa ang pangangatawan niya pero hindi makakaila ang kaangasan niya. Wala siyang takot pumatay.

Hindi ko makita ang ekpresyon niya dahil nakatalikod sila sa akin.

“Tell me the truth,” malamig niyang saad na kinwelyuhan si Papa, “ or I’ll make you beg for death.” Tinutok niya ang baril sa gilid ng sentido nito.

“O-Oo, totoo lahat ng sinasabi ko. Wala na ang anak ko!” Kaila ni Papa kahit nanginginig ang buong katawan sa takot.

Wala pa sa alas kwatro na hinampas ng lalaki ang baril sa ulo ni Papa. Dumaloy ang mga luha ko at lalo kong hinigpitan ang pagtakip ng bunganga ko.

Sumubsob ang duguang mukha ni Papa sa sahig. Hindi nakontento si Dimetrius, pinadyak niya ito.

“Wala kang makukuha sa akin, lalo na ang anak ko!” Asik ni Papa kahit hirap na hirap siyang kumilos. Gumapang siya patayo pero sinipa siya ulit ng demonyo. Humalinghing sa sakit ang tatay ko.

“Wala? Eh, ano ito?” Tinutok ni Demetrius ang baril dito. Mapanudyo namang tumawa ang mga kasama niya. Animo’y nawiwili sila sa pinapanood.

Unti-unti akong nilulukob ng galit, gusto kong lumaban. Kaso wala akong magawa.

Ang kinatatakutan ko sa lahat ay ang nakakabininging kalansing ng baril. Bin@ril niya ang ama ko, sapol sa ulo at kitang-kita ko mismo kung paano tumalsik ang dugo at dumaloy na parang fountain. Kinagat ko ang kamay para pigilan na sumigaw. Sinundan pa iyon ng maraming putok, at napuno ng masangsang na amoy ng dugo ang hangin.

Walang magawa ang tatay ko. Wala na siyang buhay ngayon na nakalupasay sa malamig na semento ng bahay namin. Sa mismong papamamahay namin siya pinatay kagaya ng nanay ko dalawang taong nakalilipas.

Gusto kong tumakbo, tulungan siya, pero ayaw sumunod ng katawan ko. Malamang alam niya.

Alam niya na wala na ang tatay ko.

Mula sa butas ay nakita ko ulit ang tinawag niyang Demetrius. Binigay niya ang hawak na baril sa kasama. Inayos ang gusot sa damit habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng bahay.

Naglakad-lakad siya hanggang sa mapansin ang cupboard. Ang lugar kung saan ako. Nagtataka siyang huminto roon, nilapit ang mga mata sa butas. Umisod ako, nabibingi sa malakas na kabog ng aking puso. Natatakot ako na baka maririnig niya. Humaba ang kamay niya sa door knob. Narinig ko ang pag-click ng lock.

Hinihipo niya na ang door knob.

Malapit na siya.

Nawawalan na ako ng huwesyo.

Related chapters

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   1–Chestnut Eyes

    Chapter 1- Chestnut EyesHestia Angela GonzagaMaraming beses akong bumuntong hininga habang pinpigilan ang kaba. Masasabi kong wala na ako sa sarili ko ngayon dahil gusto kong tapusin kaagad ang misyon na 'to."I wanna own you right now, baby," nang-aakit na usal ni Dante Alegri- ang subject kong patayin. Ang underboss ng Nero Mafia.Naiirita ako. Nauubos na ang pasensiya ko. Pero gano'n pa rin siya. His dark eyes scanned me with a predatory glint, his lips curved in a slight smirk. Nasasabik ng pagbigyan ko ang gusto niya.In your dreams! Kapal mo!Inikot ko ang tingin ko sa madilim na kwarto ng magara niyang penthouse. Nakahiga ako sa kama, nakasuot ng silk nightgown na para bang balat ko na sa pagiging fit sa katawan ko. Salamat sa 36-24-36 na body figure ko kasi mabilis ko siyang maakit."Come here, baby," hamon ko sabay sinyas ng hintuturo pa yayain siyang lumapit. Tila sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig."Iyan talaga ang gusto ko. You know, women like you don't just

    Last Updated : 2025-01-27
  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   2– ANGELS

    Chapter 2: AngelsHestia AngelaTinulak ko ang lalaki. "I'm sorry," sabi ko bago siya nilayasan.Ginapang ng lamig ang batok ko. Nagtataka ako kasi bigla akong takot. Nanindig ang balahibo ko at nalalampa akong harapin siya. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya pero di ko makalimutan ang kulay ng mga mata niya. Mga matang sumilip sa keyhole ng pinto kung saan ako nagtago pitong taon na ang nakakalipas."Where have you been, bruha?" Iritableng tanong ni Mariah. "Nasa pila na kami oh. Aalis na ang eroplano. Akala namin na nakahanap ka ng mafia sa tabi-tabi."Oo. Nakahanap ako pero di ko mahuli. Pinikit ko ang mga mata. Humugot ng malalim na hininga saka tumabi kay Zeus. Inakbayan niya ako."Pwede ba'ng tigilan niyo ang acting-an niyong magnobyo kayo. Nakakadiri kayong tignan eh," angil ulit ng tech expert."Pag-inggit, pikit," anas ni Zeus na bumungisngis saka ngumuso.Inangat nito ang kamao na parang susuntukin ito. "Hindi ako naiinggit. Dumudumi kasi ang isipan ko kapag makita k

    Last Updated : 2025-01-28
  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   3–Decline

    Chapter 3- DeclineHestia Angela Gonzaga"Kinakabahan ako," anas ni Glenn sabay siklop ng mga kamay at hinimas-himas. Ramdam ko na malapot na siyang pinapawisan."Duwag lang ang kinakabahan. Nasaan na ba siya para matapos na?" Matapang kong pahayag na iniikot ang paningin sa paligid."Siguro ang isang iyon!" Tinuro niya ang lalaking nakasuot ng black suit na nakatalikod na nakaupo sa gilid ng glass window.Ayon sa mga mata ko, malapad siyang balikat, itim na magulong buhok at ewan kung gwapo ba. Nagpatiuna akong lumapit. Kaunting hakbang nang tumunog ang cellphone ko. Nabulabog ang buong restaurant sa lakas ng ingay ng ringtone. Yes! Saksi sila na andriod user ako at kanta na Lazy song pa ni Bruno Mars ang tugtog. Susme! Natataranta kong hinagilip iyon sa bag ko. Hapong-hapo ako nang magkaabot kami ng tingin ni Glenn."Excuse me. Later okay," tumatakbong sabi ko sabay tapik sa balikat niya. "Break a leeg. Sasagutin ko lang 'to.""Pero..."Di ko na narinig ang ibang sinabi niya kasi m

    Last Updated : 2025-01-28

Latest chapter

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   Prologue

    ⚠️‼️reader discretion is advice7 years ago…“Today is your birthday, tomorrow another day…” pakanta-kanta ko habang masayang tumatakbo sa bakuran ng bahay. Excited na kasi akong makita ni Papa ang cake na binili ko para sa birthday niya. Matagal-tagal ko rin itong inipon, nag-part time muna ako sa Night Bar ng boyfriend ng pinsan ko bilang waitress. Sa isang linggo ko roon ay nakaipon ako ng two thousand pesos. Sakto pambili ng cake at grocery namin.Hindi mahilig sa cake si Papa pero gusto ko siyang sorpresahin. May maliit na parte sa akin na umaasang makita siyang ngumiti kahit slight lang!“Papa, nandito na po ako!” Tawag ko.Tuloy-tuloy akong pumasok maski walang sumasagot. Siguro naman ako na nakauwi na siya ganitong oras.Pasado alas sais ng hapon. Takipsilim. Mainit ang panahon dahil sa taas ng humidity, walang umiihip na preskong hangin. Nakatira nga ako sa probinsya subalit mainit ang panahon dito. Kasalanan ito ng mga factory na pumapalibot sa lugar namin.Pinunasan ko ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status