Share

3–Decline

Author: Ysanne Cross
last update Last Updated: 2025-01-28 15:31:11

Chapter 3- Decline

Hestia Angela Gonzaga

"Kinakabahan ako," anas ni Glenn sabay siklop ng mga kamay at hinimas-himas. Ramdam ko na malapot na siyang pinapawisan.

"Duwag lang ang kinakabahan. Nasaan na ba siya para matapos na?" Matapang kong pahayag na iniikot ang paningin sa paligid.

"Siguro ang isang iyon!" Tinuro niya ang lalaking nakasuot ng black suit na nakatalikod na nakaupo sa gilid ng glass window.

Ayon sa mga mata ko, malapad siyang balikat, itim na magulong buhok at ewan kung gwapo ba. Nagpatiuna akong lumapit. Kaunting hakbang nang tumunog ang cellphone ko. Nabulabog ang buong restaurant sa lakas ng ingay ng ringtone. Yes! Saksi sila na andriod user ako at kanta na Lazy song pa ni Bruno Mars ang tugtog. Susme! Natataranta kong hinagilip iyon sa bag ko. Hapong-hapo ako nang magkaabot kami ng tingin ni Glenn.

"Excuse me. Later okay," tumatakbong sabi ko sabay tapik sa balikat niya. "Break a leeg. Sasagutin ko lang 'to."

"Pero..."

Di ko na narinig ang ibang sinabi niya kasi may urgent call ako.

"Ano chief?"

"Agent Tia, pumunta ka rito ngayon mismo!" Nagmamadaling u***g niya sa tunog lion.

"Pero sir—"

"I don't want your excuse. 'Pag sinabi kong pumunta, pumunta agad!" Pinutol niya ang linya.

Napapikit akong lumanghap ng hangin. Napameywang na binuga saka nilingon ang restaurant. "Sorry talaga, di ako makakabalik."

Pagbalik ko ng tingin ko sa kalsada ay may sasakyan na huminto sa harap ko. Pamilyar sa'kin kasi kay Skyler ito. Ano'ng ginagawa ng bff ni Astraea dito?

Binaba niya ang bintana.

"Hop in," nakangiti niyang yaya.

"What do you think you're doing here?" Taka kong usisa.

"Saktong napadaan lang. Di ko ini-expect na tumatambay ka rin dito."

Tumulis ang nguso ko. "May business meeting sana ako pero tumawag si Chief. May urgent daw."

"Kaya sumakay ka na bago tayo maparusahan." She smirked as she unlocked the doors.

Ngumiwi kong binuksan ang passenger seat at kaswal na pumasok.

"Ikaw ang artistang kilala ko na pagala-gala. Mabuti walang paparazzi na sumusunod sa'yo," she said matter of factly.

Tinanggal ko ang cap at jacket na pinahiram ni Glenn kanina. Disguise ko raw para di makilala ng lahat kaso nasa reservation pa lamang kami ay tumili na ang in-charge. Pinatakahimik ko siya nang nilagyan ko ng candy ang bibig.

Laking pagtataka ko kung paano niya ako nakilala. Siguro na instinct niya na kapareha kami.

"At ikaw rin ang agent na kilala kong pagala-gala," sarkastiko kong tugon sabay irap sa kanya. "Ba't di mo kasama si Astraea?"

"Nasa importanteng misyon ngayon. Tatapusin niya raw si Josh."

"Ah, iyong babaerong senador? Di pa rin nadadakip hanggang ngayon? Matigas ah! Kung ako 'yon matagal ko ng niligpit."

"Pusong bato ka talaga, Tia!"

"Nakakapagod kasi kapag mahaba ang misyon!"

"Matutu kang pahabain ang pasensya mo."

"Wala sa bukabularyo ko no'n. I'm a short tempered person, you know!"

"Kaya isang daan mafia soldeirs na ang napatay mo. Di mo ba napapansin na lalong tumatagal ang paghahanap mo sa gusto mo talagang tugisin?"

As clear as the sky na alam niya ang totoong balak ko kaya pumasok at sinikap kong maka-survive sa P.S. I'm adhering to torture and kill that one person.

"I met him at the Qatar airport, but I don't know if it was really him."

Saglit siyang napaisip. "You know, nakakalap ng impormasyon si Agent Astraea sa kanya. Gusto mo makita?"

"Really?" Lumawak ang ngiti ko. Di na maikubli ang pagiging excited. "Let me see!"

"I'll send it to your email later."

Kumibit balikat ako. "Sana tamang Demetrius ito."

Ang mahirap sa paghahanap ay tanging first name lang ang alam. Hindi ko inisip na maraming kaparehong pangalan niya sa Mafia. Bata o matanda. Lahat hinalughog ko na pero wala sa infatuation ko na sila ang hininahanap ko.

A mischievous smile flashed on her face. "Sino ba talaga ang Demetrius na iyan? Long lost brother mo ba?"

"He's my long-lost enemy, not my brother."

Naumid siya. Sumeryoso kasi ang usapan. Sa halip na magsalita ulit ay kasing kidlat niyang pinaharurot ang range rover niya.

I grimaced once I saw the big logo of Phantom Syndicate Headquarter in Binondo, Manila. Nasilayan ko muli ang tatlong code of conduct.

No personal attachment.

Failure is not an option.

Operate in the shadow.

Nilakihan talaga para palaging ipaalala sa amin na trabaho lang walang personalan.

Hindi maipinta ang mukha ko na pumasok sa opisina ni Chief operating officer este ang founder at boss ng PS. Tawagin na lang natin siyang PHANTOM.

The room is dimly lit as I sitted on one of his chairs. Here we go, I saw his enigmatic and authoritative face again.

"Hindi mo talaga ako binibigo, Agent Tia kaya isa ka sa paborito ko," pasimula niya sabay sandal sa upuan. His satisfied smirk flashed in the midst of the darkness.

"Don't beat around the bush, Chief. Sabihin niyo na kung ano ang gusto niyo sa akin. Pa-emergency emergency pa kayo," angil ko na napadekwatro sa pag-upo.

Nakakaloko siyang bumungisngis. "I like your excellent work so don't expect to have vacation if you're the one of the best agents in the syndicate."

"Thanks for the compliments. Worth it naman ang misyong binigay niyo saka sanay na ako sa suicide squad." I rolled my eyes.

"Lalo mo akong pinahanga. That's why I'm assigning you to infiltrate the inner circle of Micheal Müller."

"Yeah, another mafia boss, but no, thanks," mabilis kong tanggi.

Sumimangot siya. "His a rising mafia boss. He's master of smuggling and wiping out all his rival families. Kayang-kaya mo iyang limasin."

"Simple lang ang gagawin mo. Magpanggap ka lang ng maid niya in three months tapos maipon ka ng ebidensiya at hulihin siya," pagpatuloy niya.

Tumayo ako. "Ayoko! Ibigay mo na lang ito sa iba!" Tinalikuran ko siya.

"Wala akong sinabi na talikuran mo ako, Hestia. Nambabastos ka na ha! Hindi kita pinalaking maledukada!"

"Wala ka rin karapatan sermonan ako dahil hindi kita parents o legal guardian. Nandito ako para magtrabaho!"

Binato niya sa'kin ang hawak niyang baso pero mabilis kong inilagan.

Humahangos siya sa galit na hinampas ang lamesa. "Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang ulo mo. Simple lang ang ipapagawa ko, umaayaw ka pa! Ano naman ba sa isip mo ngayon, Hestia?! Si Demetrius naman ba?"

"Oo! Ngayon na nahanap ko na siya ay hinding-hindi ko siya papakawalan. Pasensiya kung di ako papayag na mawala ng three months dito dahil alam kong nasa Manila siya ngayon."

Hindi siya sumagot. Kinuyom ko ang mga kamay na lumabas. Hinahabol ko ang hininga sa galit nang masalubong si Xavier at Ethan. Napalis ang ngiti nila nang makita ang di mailarawan kong hitsura.

"Agent Tia, nilampaso ka naman ba ni Chief?" Biro ni Ethan.

Hindi ako sumagot. Balak ko silang lampasan nang pinigilan ni Xavier ang kamay ko. "Ppop idol, nandito kami para makinig sa problema mo. Sabihin mo lang para maresbakan namin ang nagpa-heart break sa'yo."

"Walang sumakit sa akin. Tinanggihan ko lang ang new assignment. Oh sige, mauna na ako."

"Hindi mo ba kami na miss? Nakalimutan mo rin kami dalhan ng pasalubong."

"Ay, sorry. Sa susunod sumama kayo sa akin sa misyon para may libreng mukbang kayo."

"Wala kaming balak makipag FUBU sa'yo. Nilalanta ka na ni Zeus." Si Xavier ang humirit.

Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Ang dumi ng isip niyo! Mukbang means kumain no! Pwede ko kayo i-threat sa sikat na seafood restaurant sa Leece! Hmp!"

Tumahimik silang dalawa kaya iniwanan ko. Napaka-green minded. Pati ang pagiging FUBU namin ni Zeus, alam na alam nila. Tatapusin ko kaya ito. Nagmumukha akong madumi.

Kinabukasan, nakipagkita na ako sa ANGELS. Naghahanda kami para sa first anniversary concert. Subalit ang masalimuot na mukha ni Manager Monyeen ang sumalubong sa akin.

"Explain everything," nakapameywang niyang sabi. Parang nabawasan siya ng ilang hibla ng buhok.

"Tsk! It's a long story," sabi ko. Hayun, pinaliwanag ko ang lahat ng kasinungalingan ko.

Mayamaya'y dumating sina Vanilla, Keirra, at Aerith. Binati nila ako at nagkulitan kami.

"Hey girls, bilisan niyo d'yan. Meron pa kayong guesting ngayong alas dyes," paalala ni Monyeen.

Umingos ang mga kaibigan ko. "Maaga pa naman. Gusto ko pang kumain ng buldok!"

"I just want to remind you. Don't forget your diet."

Tumawa ako. "Paparusahan mo kami na tumakbo ng 25 kilometers bukas, okay?"

Umasta siyang batukan ako. "Pasalamat ka CEO kita. Dahil sa'yo pinagbibigyan ko ang tatlong ito."

Puno ng lambing ko siyang niyapos. Parang nanay ko na siya. Ang cute niya.

Kapagkuwan ay tumungo kami sa Red broadcasting centre. Sakop ito ng Red Entertainment dahil sila ang may pinakamalaking negosyo sa bansa. May duda ako na mafia ang may-ari nito. Di kasi matinag-tinag.

Sumali kami sa variety show nila. In-enjoy at malapad ang ngiti na tinapos. Una akong bumihis kaya pinasya kong gumala. Na-curious ako sa lugar at gusto kong mag-imbestiga. Umandar ang instinct ko bilang agent.

I'm humming while pacing back and forth and my hands at the back. Isa-isa kong inobserbahan ang picture frames ng nga artista nila. Puro di kalibre at mahusay lahat.

Laging supporting roles lang ako sa pag-a-acting. Wala sa kalingkingan nila. Abala ako sa pag-iisip nang bumangga ako sa isang lalaki. Sumalapak ang bouquet ng rosas niyang hawak sa mukha ko.

The hell?!

Related chapters

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   Prologue

    ⚠️‼️reader discretion is advice7 years ago…“Today is your birthday, tomorrow another day…” pakanta-kanta ko habang masayang tumatakbo sa bakuran ng bahay. Excited na kasi akong makita ni Papa ang cake na binili ko para sa birthday niya. Matagal-tagal ko rin itong inipon, nag-part time muna ako sa Night Bar ng boyfriend ng pinsan ko bilang waitress. Sa isang linggo ko roon ay nakaipon ako ng two thousand pesos. Sakto pambili ng cake at grocery namin.Hindi mahilig sa cake si Papa pero gusto ko siyang sorpresahin. May maliit na parte sa akin na umaasang makita siyang ngumiti kahit slight lang!“Papa, nandito na po ako!” Tawag ko.Tuloy-tuloy akong pumasok maski walang sumasagot. Siguro naman ako na nakauwi na siya ganitong oras.Pasado alas sais ng hapon. Takipsilim. Mainit ang panahon dahil sa taas ng humidity, walang umiihip na preskong hangin. Nakatira nga ako sa probinsya subalit mainit ang panahon dito. Kasalanan ito ng mga factory na pumapalibot sa lugar namin.Pinunasan ko ang

    Last Updated : 2024-12-28
  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   1–Chestnut Eyes

    Chapter 1- Chestnut EyesHestia Angela GonzagaMaraming beses akong bumuntong hininga habang pinpigilan ang kaba. Masasabi kong wala na ako sa sarili ko ngayon dahil gusto kong tapusin kaagad ang misyon na 'to."I wanna own you right now, baby," nang-aakit na usal ni Dante Alegri- ang subject kong patayin. Ang underboss ng Nero Mafia.Naiirita ako. Nauubos na ang pasensiya ko. Pero gano'n pa rin siya. His dark eyes scanned me with a predatory glint, his lips curved in a slight smirk. Nasasabik ng pagbigyan ko ang gusto niya.In your dreams! Kapal mo!Inikot ko ang tingin ko sa madilim na kwarto ng magara niyang penthouse. Nakahiga ako sa kama, nakasuot ng silk nightgown na para bang balat ko na sa pagiging fit sa katawan ko. Salamat sa 36-24-36 na body figure ko kasi mabilis ko siyang maakit."Come here, baby," hamon ko sabay sinyas ng hintuturo pa yayain siyang lumapit. Tila sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig."Iyan talaga ang gusto ko. You know, women like you don't just

    Last Updated : 2025-01-27
  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   2– ANGELS

    Chapter 2: AngelsHestia AngelaTinulak ko ang lalaki. "I'm sorry," sabi ko bago siya nilayasan.Ginapang ng lamig ang batok ko. Nagtataka ako kasi bigla akong takot. Nanindig ang balahibo ko at nalalampa akong harapin siya. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya pero di ko makalimutan ang kulay ng mga mata niya. Mga matang sumilip sa keyhole ng pinto kung saan ako nagtago pitong taon na ang nakakalipas."Where have you been, bruha?" Iritableng tanong ni Mariah. "Nasa pila na kami oh. Aalis na ang eroplano. Akala namin na nakahanap ka ng mafia sa tabi-tabi."Oo. Nakahanap ako pero di ko mahuli. Pinikit ko ang mga mata. Humugot ng malalim na hininga saka tumabi kay Zeus. Inakbayan niya ako."Pwede ba'ng tigilan niyo ang acting-an niyong magnobyo kayo. Nakakadiri kayong tignan eh," angil ulit ng tech expert."Pag-inggit, pikit," anas ni Zeus na bumungisngis saka ngumuso.Inangat nito ang kamao na parang susuntukin ito. "Hindi ako naiinggit. Dumudumi kasi ang isipan ko kapag makita k

    Last Updated : 2025-01-28

Latest chapter

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   3–Decline

    Chapter 3- DeclineHestia Angela Gonzaga"Kinakabahan ako," anas ni Glenn sabay siklop ng mga kamay at hinimas-himas. Ramdam ko na malapot na siyang pinapawisan."Duwag lang ang kinakabahan. Nasaan na ba siya para matapos na?" Matapang kong pahayag na iniikot ang paningin sa paligid."Siguro ang isang iyon!" Tinuro niya ang lalaking nakasuot ng black suit na nakatalikod na nakaupo sa gilid ng glass window.Ayon sa mga mata ko, malapad siyang balikat, itim na magulong buhok at ewan kung gwapo ba. Nagpatiuna akong lumapit. Kaunting hakbang nang tumunog ang cellphone ko. Nabulabog ang buong restaurant sa lakas ng ingay ng ringtone. Yes! Saksi sila na andriod user ako at kanta na Lazy song pa ni Bruno Mars ang tugtog. Susme! Natataranta kong hinagilip iyon sa bag ko. Hapong-hapo ako nang magkaabot kami ng tingin ni Glenn."Excuse me. Later okay," tumatakbong sabi ko sabay tapik sa balikat niya. "Break a leeg. Sasagutin ko lang 'to.""Pero..."Di ko na narinig ang ibang sinabi niya kasi m

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   2– ANGELS

    Chapter 2: AngelsHestia AngelaTinulak ko ang lalaki. "I'm sorry," sabi ko bago siya nilayasan.Ginapang ng lamig ang batok ko. Nagtataka ako kasi bigla akong takot. Nanindig ang balahibo ko at nalalampa akong harapin siya. Hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya pero di ko makalimutan ang kulay ng mga mata niya. Mga matang sumilip sa keyhole ng pinto kung saan ako nagtago pitong taon na ang nakakalipas."Where have you been, bruha?" Iritableng tanong ni Mariah. "Nasa pila na kami oh. Aalis na ang eroplano. Akala namin na nakahanap ka ng mafia sa tabi-tabi."Oo. Nakahanap ako pero di ko mahuli. Pinikit ko ang mga mata. Humugot ng malalim na hininga saka tumabi kay Zeus. Inakbayan niya ako."Pwede ba'ng tigilan niyo ang acting-an niyong magnobyo kayo. Nakakadiri kayong tignan eh," angil ulit ng tech expert."Pag-inggit, pikit," anas ni Zeus na bumungisngis saka ngumuso.Inangat nito ang kamao na parang susuntukin ito. "Hindi ako naiinggit. Dumudumi kasi ang isipan ko kapag makita k

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   1–Chestnut Eyes

    Chapter 1- Chestnut EyesHestia Angela GonzagaMaraming beses akong bumuntong hininga habang pinpigilan ang kaba. Masasabi kong wala na ako sa sarili ko ngayon dahil gusto kong tapusin kaagad ang misyon na 'to."I wanna own you right now, baby," nang-aakit na usal ni Dante Alegri- ang subject kong patayin. Ang underboss ng Nero Mafia.Naiirita ako. Nauubos na ang pasensiya ko. Pero gano'n pa rin siya. His dark eyes scanned me with a predatory glint, his lips curved in a slight smirk. Nasasabik ng pagbigyan ko ang gusto niya.In your dreams! Kapal mo!Inikot ko ang tingin ko sa madilim na kwarto ng magara niyang penthouse. Nakahiga ako sa kama, nakasuot ng silk nightgown na para bang balat ko na sa pagiging fit sa katawan ko. Salamat sa 36-24-36 na body figure ko kasi mabilis ko siyang maakit."Come here, baby," hamon ko sabay sinyas ng hintuturo pa yayain siyang lumapit. Tila sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pintig."Iyan talaga ang gusto ko. You know, women like you don't just

  • Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss   Prologue

    ⚠️‼️reader discretion is advice7 years ago…“Today is your birthday, tomorrow another day…” pakanta-kanta ko habang masayang tumatakbo sa bakuran ng bahay. Excited na kasi akong makita ni Papa ang cake na binili ko para sa birthday niya. Matagal-tagal ko rin itong inipon, nag-part time muna ako sa Night Bar ng boyfriend ng pinsan ko bilang waitress. Sa isang linggo ko roon ay nakaipon ako ng two thousand pesos. Sakto pambili ng cake at grocery namin.Hindi mahilig sa cake si Papa pero gusto ko siyang sorpresahin. May maliit na parte sa akin na umaasang makita siyang ngumiti kahit slight lang!“Papa, nandito na po ako!” Tawag ko.Tuloy-tuloy akong pumasok maski walang sumasagot. Siguro naman ako na nakauwi na siya ganitong oras.Pasado alas sais ng hapon. Takipsilim. Mainit ang panahon dahil sa taas ng humidity, walang umiihip na preskong hangin. Nakatira nga ako sa probinsya subalit mainit ang panahon dito. Kasalanan ito ng mga factory na pumapalibot sa lugar namin.Pinunasan ko ang

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status