Share

CHAPTER 1

Brianna POV

“And what makes your toy unique from other competitors?” I asked habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa mesa.

Tumikhim siya at sumagot “This robotic design Ms. Brianna can appeals to both boys and girls and released more complex products to challenge older children and of cou—“ I raised my right hand causing him to stop what he was trying to say.

I slowly lowered my hand “You know what, Mr. Duramente, PlayThing Corp. is one of the largest, most profitable toy companies in the world. With everything going digital, Our company had to find a way to adapt, sa tingin mo anong maadapt nang bullshit mo na robot?” I calmly asked. Dahan dahan akong tumayo at tumalikod. “You’re fired.” Hindi kailangan ng kompanyang ito ang bobong katulad niya. I started to walk away. Lumabas ako sa Conference Room at dumiretso sa office ko. Ang dami kong toxic na na e-encounter ngayong araw. Full of stupid people!

"Maam?" Pumasok ng dahan dahan ang secretary ko,

"What?" Inis na tanong ko

"May meeting po kayo with Mr. Herrera at 10 am po." That old guy! Never na akong makikipag meeting sa kaniya, imbes na pagusapan namin ang about sa business ay minamanyak niya lamang ako

"Cancel it" Agad kong pinaikot ang swivel chair na inuupuan ko.

"P-po?" Utal niyang tanong

"Cancelled it or else sisisantihin kita."

"Oo nga po, i cacancel ko na po maam, S-sige po."

I heard the door slammed

Napatingin naman ako sa cellphone ko na nag riring. Mabilis ko itong sinagot

“Yes Grace, hello?”

“Yana, you need to come here at the City Hall right now.”

Napabuntong hininga ako. “Why? Kaya nga ikaw pinapunta ko diyan because im so busy dealing with stupid people here!”

“Kailangan daw ikaw mismo kumuha ng Non- Marriage certificate mo.” I rolled my eyes.

“Bigyan mo na lang ng pera Grasya.”

“Basta Brianna you need to come here… now!”

Mabilis na naputol ang linya

Tamad akong napaupo sa couch. Im so torn of being a soon to be bride and a COO of this company. Pero hindi ko din pwedeng hayaan na lang sa iba yung kasal ko. Matagal kong hinintay na mag propose sa akin si Khalix, kaya ill do everything to make my wedding the most memorable of all. Agad akong napatayo at kinuha na ang hand bag ko.

Malapit lang ang Cityhall sa Kompanya kaya naman ay mabilis lamang akong nakarating.

Naglalakad ako sa hallway at kitang kita ko ang mga reaksyon ng mga taong nakakasalubong ko. Mukhang ngayon lang ata sila nakakita ng maganda. Mga hampas lupang nilalang! hindi kasi nila maafford itong skincare ko kaya hanggang tingin na lang sila!

Napahinto ako sa isang malaking glass door at dahan dahan ko itong binuksan at bumungad saakin ang mukha ni Grace na tila ba ay may isang malaking problema kaming dapat harapin. Dahan dahan akong lumapit sa isang frontliner “Hi, Im Brianna Alysson Ferrer, The Chief Operating Officer of PlayThing Corp.” tamad na pag papakilala ko.

"Oh! Brianna is here! Pwede niyo nang sabihin sa kaniya yung problemang kanina niyo pa dinidikdik sa akin!" Inis na saad ni Grace habang hinihimas ang ulo niya

"Whats happening here?" Napakunot noong tanong ko

"Kasi maam, hindi po namin makita yung pangalan niyo sa records namin." Mahinang saad ng babae.

"What do you mean? Alien ako dito sa Pilipinas?" Sarkastikong sambit ko.

"Ah w-wait po hanapin ko ulit." Agad siyang nag type sa computer na nasa harapan niya.

" This is so a fucking waste of time Brianna! Thank God at sinipot mo ako dito" sambit ni Grace habang pinapagpag ang sarili na para bang napasabak talaga siya sa isang matinding gulo.

"I have to, besides this is my wedding."

"Ayun maam nakita ko na." Napatingin kami sa babaeng kaharap lang namin.

"Good girl, now i print mo na yan para makaalis na rin kami." Masigla siyang tumango.

"Kaya naman po pala hindi ko na makita yung last name ninyo sa system namin maam kasi Lopez po pala yung apelyido na ninyo." Masayang wika niya sabay abot saakin ng pinrint niyang papel.

"Wait, This is really my name pero Ferrer lang ang apelyido ko." Agad kong binalik sa kanya ang papel.

"Maam, wala na pong ibang Brianna Alysson Ferrer dito kundi yan lang po." Pag aalalang sagot niya sa akin.

I am a short tempered person kaya wala akong ginawa kundi mag eskandalo

"Call your supervisor now!" Galit na tugon ko. Bigla siyang napatalon sa kinauupuan niya at nag dial sa telepono. Akala ko ay sa kompanya ko lang ang mga walang kwentang tao pati rin pala dito?!

Ilang minuto lng ay lumabas na rin ang kanilang supervisor.

"Ms. Ferrer Good day po, a-ano pong ipaglilingkod namin sainyo?" Isang baklang kalbo ang sumalubong saamin. Mas lalo lang akong nainis sa itsura niya

"Yang empleyada niyo, tanga!!! She can't provide us the proper details we want!"

Buong kwarto na ang nabubulabog ng malakas kong boses. Kitang kita sa kanilang mukha ang mga takot. Pumunta si baklang kalbo sa computer ng babaeng sinisigawan ko kanina. Nakita kong parang nagulat siya sa nakita niya sa computer nang babae.

"Maam Ferrer, Kinasal na ata kayo." He answered calmly.

I muttered in disappointment. "Ikinasal? Correction Ikakasal pa lang ako!!"

"Based po sa records namin maam, kinasal na po kayo wayback 2016 pa po Lopez na po apelyido ninyo."

Natawa ako sa narinig ko "hahaha! Nagbibiro ba kayo? Ako ikinasal? Kaka graduate ko lang ng college niyan paano ako ikakasal?! At hindi Lopez ang apelyido ng fiance ko! Miguel!" Thats it! Galit na galit na ako! "Sorry po talaga Ms. Ferrer iyan po talaga ang pumapasok sa system namin."

My right eyebrows raised. "Fine! Kung kasal na ako at hindi nagkakamali yang bullshit na system niyo! Sino ang nagmamay ari ng apelyidong Lopez na yan?!" Alam kong nagkakamali lang sila and i swear to God! Pag nalaman ko na nagkamali sila, i swear i will sue them!

Dahan dahan nilang inabot sa akin ang papel. Nanginginig akong binasa ang papel na hawak hawak ko. "Ikinasal po kayo kay Mr. Dranreb Jacob Lopez."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status