Share

CHAPTER 3

Brianna POV

"GoodEvening po maam." Bungad sa akin ni Joy, mayordoma namin dito sa bahay.

"Si mommy nasaan?"

"Nasa kwarto po ng lolo ninyo maam." Tumango ako at umakyat na papunta sa kwarto ng Lolo ko.

Bahagya kong binuksan ang pinto at nakita ko si mommy na kinakausap si Lolo

"Dad, im so been busy this past few days pasensya ka na at hindi kita masyadong naaasikaso " Saad niya habang inaayos ang kumot ni Lolo. Tumikhim ako, sakto lang upang marinig ni Mommy.

Napangiti naman siya ng nakita niya ako, "Hi mom," i kissed her on the cheeks

"How's Lolo po?" Napatingin kami sa gawi ni Lolo.

"Eto, Comatose parin. Walang pinagbago." Mahinahong sagot ni Mommy

"Naturok na ba yung gamot sa dextrose niya?" Tumango si mommy at nakita kong pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata

Agad ko siyang niyakap "magiging maayos din ang lahat mom." She hugged me back

"It was 2years ago since that incident happened, pero yana sobrang sakit parin." Nagtuloy tuloy ang daloy ng luha sa mga mata niya kasama ng pagdaloy ng mga luha niya ay ang kirot na nararamdaman ng puso ko.

"Sorry for everything mom." Bulong ko.

"No, wala kang kasalanan anak. Kung meron man dapat sisihin ay ang daddy mo"

I cried and hugged her again

Patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari, kung alam ko lang na yun pala ang plano ni Lolo ay hindi na ako sumipot.

Pagkatapos kong pumunta sa kwarto ni Lolo ay pumasok na rin ako sa kwarto ko.

Nagsimula na akong mag impake para sa byahe namin bukas ni Grace papuntang Angeles.

Kailangang may magawa din akong tama sa buhay ko. Sobrang daming problema at pag rerebelde ang naibigay ko kay Lolo, at hindi ko na kakayanin kapag nadapa ako ulit

Unti unti kong kinuha ang mga gamit ko at nilagay na sa maleta. That evil creature! Isa pa siyang dagdag sa problema ko, Humanda saakin iyang nerd na yan! Pag nakita ko siya ay iisa isahin ko talagang tirisin ang mga tigyawat niya sa mukha!

Sa gitna ng aking pagka inis ay may narinig akong tatlong magkaka sunu-sunod na katok

" Saan ka pupunta?" Napatingin ako sa babaeng pumasok sa kwarto ko.

"Ano? Saan ka pupunta?" Tanong niya ng mahinahon saakin

"Sa Angeles, aasikasuhin ko lang yung kasal namin ni Khalix." Sagot ko habang busy ako kakakuha ng gamit ko sa cabinet.

Binagsak niya ang kanyang katawan sa aking kama.

"Sa Angeles? Sobrang layo ah?

Sino kasama mo? Kabet mo?" Sarkastikong tanong niya sa akin

Napatingin ako sa kanya ng walang ka rea reaksyon, " Ate Jana, hindi ako kagaya mong malandi." Mabilis naman siyang tumayo sa kama na hinihigaan niya

"Hindi ka malandi? Eh bakit mo inagaw si Khalix saakin?"

"Hindi ko siya inagaw sayo, break na kayo nung nanligaw siya saakin." Mahinang sagot ko.

"Nag away lang kami nun! Hindi kami nag break!" Binagsak ko ang mga gamit ko sa kama sa sobrang inis

"Kaya pala pumunta ka ng states para mag move on! Hwag mo akong gawing tanga ate! Alam na alam ko lahat ng nangyayari sa inyo ni Khalix!

"Alam na alam mo kaya sinulot mo!"

"Can you please get out of my room! Get out!" Lumapit ako sa kanya at tinulak siya palabas ng pinto.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya nakaka move on. 4years na siyang iniwan ni Khalix! Hanggang ngayon ay umaasa parin siya na mamahalin siya ng boyfriend ko

Nakita kong nag vibrate ang cellphone ko

"Hello Grace!" Tumaas bigla ang boses ko

“Bat ka galit!?”

I lowered my voice

" Im sorry, pumasok kasi si ate Jana at kung ano ano nanaman ang pinagsasabi sa akin."

“Ibigay mo na lang kasi sa kanya si Khalix. I*****k niya kamo sa baga niya”

"Are you out of your mind! Akin lng si Khalix!"

“Fine! Edi sa baga mo pala dapat i*****k”

"What do u want ba!? Bakit ka napatawag?

“Ready ka na for tomorrow? 8am dapat makaalis na tayo at makabalik agad by 2pm dahil may mga client's meeting din ako”

"Can you just please cancelled it? Babayaran ko ang araw mo bukas!"

“That's my girl! Sabi mo eh! What Brianna wants! Brianna Gets! Bye Goodnight!

I chuckled.

Kung may tinuturing man akong kapatid ay si Grace iyon, She's my sister at heart. Kahit anumang gulo ang pumasok sa buhay ko palagi siyang andyan para saluhin ako.

Khalix Miguel Calling...

I saw my laptop ringing. Napabalikwas ako sa aking kama at mabilis akong umupo sa harapan ng aking laptop.

"Hi Love!" Masiglang bati ko sabay kaway sa kanya.

"Hi Looove! Hows your day?" Ngiting bati niya sa akin. Halata sa background niya na nasa dining area ang setup niya.

"Same as usual Love, ang dami ko nanamang na encounter na pangit ngayong araw!"

"Like?" Tanong niya habang ngumunguya

"Many to mention" i just rolled my eyes.

"Well, okay na ba lahat para sa wedding natin love? Nakakuha na ako ng Non- Marriage Certificate ko, ikaw ba?" Napalagok ako sa tanong niya

"Ahmm Love, kasi may mga kulang pa akong requirements… hindi ko pa kasi makuha."

Biglang kumunot ang noo niya sa sagot ko

"Talaga? Saakin it takes 10 mins lang nakuha ko na kaagad. Don't worry magpapatulong ako kay mo--"

"NO!!" Pagpuputol ko sa sinabi niya

"I mean don't worry, ako nang bahala. Bukas makalawa makukuha ko na din yun." Nagkibit balikat lamang siya.

"Okay, sabi mo eh."

"Wait lang Love, paano ka nakakuha ng Non Marriage Certificate Eh nasa California ka ngayon?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti siya saakin, bakas sa ngiti niya na may balak siyang sabihin.

"Nasa California naman talaga ako... Kahapon kanina lang ako dito dumating sa Manila! Nandito ako ngayon kila Mommy. So! Susunduin kita bukas 8am ha?" Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat, hindi ko aakalaing nandito na pala si Khalix sa Pilipinas

Hindi ko na alam kung matutuwa ba ako o kakabahan sa balita niya saakin

"W-wow! A-ang galing." Utal na wika ko

"Hindi ka ba masaya?"

"M-Masaya ako ano ka ba, matagal na din kitang namimiss hehe." Peke akong tumawa.

"I miss you too love. Oh btw, my family is here. Ill call you later bye! Iloveyou mwah."

-Call Ended-

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Patong patong na ang mga problema ko, at iisa lang ang naiisip kong solusyon.

"I should find that guy! By hooked or by crooked!"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yazuakie
Favorite ko 'yung story na nerd 'yung isang character tapos may itsura 'yung another character. Curious tuloy ako kung nasaan na si Mr. Lopez and how is his life now. Keep it up, author.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status