Share

CHAPTER 4

Grace POV

Halos mag iisang oras na akong naghihintay kay Yana ngunit kahit isang anino niya ay wala paring sumisipot. Ngayon lamang siya na late ng ganito araw araw namang on time siyang pumapasok ngunit ngayong araw ay pumalya siya.

Sinubukan kong i dial ang number niya.

-The number you dial is unattended please try your call again later-

"Where are you Alysson! Anong oras na!?" Inis na tungal ko habang nakatitig sa aking cellphone.

"Kanina kapa ba? Sorry ha, may pinuntahan pa kasi kami" Diba ang sabi ko 8am tayo lalarga?! Brianna anong oras na-- Khalix? Nandito ka na?"

Mabilis akong tumayo sa sofang inuupuan ko. Nakita kong pumasok si Briana ng dahan dahan sa pinto sabay himas niya sa likod ng kanyang leeg

"K-kelan kapa bumalik Khalix?! Akala ko after 2 months pa ang balik mo." Tumataas na ang tono ko sa sobrang gulat

"Kahapon lang. Namiss ko na si Yana eh

By the way, may lakad ba kayo?" Sabay niyang turo saaming dalawa

Lumapit ako sa tabi ni Yana at hinawakan siya sa braso "Oo may lakad kami! May hahanapi-- este aasikasuhin namin ang kasal ninyo. Alam mo na supported kasi ako! " Ngumiti ako ng pagkalapad.

"Great! Sama na ako."

"HUWAG!"

"NO!"

Sabay naming sagot ni Yana sa kaniya. Nadatnan kong sumalubong ang mga kilay ni Khalix.

"Kasi Khalix, sa Bridal Shop kasi kami pupunta, hmmm. Alam mo naaaa bawal makita ng groom ang bride. Signus daw iyon." Pagdadahilan ko

"Edi sa labas na lang ako hihintayin ko kayo" Nagkatinginan kami ni Yana at sumenyas naman siya na gumawa ako ng paraan. tumikhim ako ng konti

"Alam mo mas malas maghintay sa labas kasi malapit ka lang madali kang dikitan ng signus. Sige ka, hindi matutuloy kasal niyo ni Yana." Pagbabanta ko sa kanya, kahit papaano naman ay seryoso kong sinabi yun, at bakas rin sa kanyang mukha na naniniwala siya sa mga kasinungalinang pinagsasabi ko

"Totoo ba iyan? Anyways, Okay sige na, wala namang masama kung maniniwala ako diyan. Balitaan niyo na lang ako or if you need anything, Love call me. " H*****k na sa pisngi ni Yana si Khalix at agad nang umalis.

Para bang isang malaking tinik ang nabunot namin sa aming leeg ng maniwala si Khalix sa mga paandar ko.

"This is unbelievable Yana! Si Khalix nandito na?! At hindi mo sinabi sa akin? Paano na natin mahahanap si Rebreb?" Pabagsak siyang umupo sa couch sabay sandal ng ulo niya."Oo grasya, hindi ako makakagalaw nito kapag buntot ng buntot sa akin si Khalix! Anytime pwede niya na akong mahuli. and please don't ask me paano mahahanap yang lalake na yan kasi yan din ang tanong ko sa iyo "

Katulad nang ginawa niya ay pabagsak din akong umupo. "Aba? Pinuputakte ka yata ng kamalasan ngayon ah? Hindi mo naman birthday"

Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Kitang kita sa mga mata niya ang takot na nararamdan nito

"What should i do?!" Tanong niya sabay yugyug sa akin. Agad kong kinuha ang kamay niya na nakahawak sa akin

"Hindi makakatulong ang pag tungal mo diyan. Tara na at hahanapin pa natin ang asawa mo!" Mabilis kong kinuha ang kamay niya at kinaladkad ko na siya palabas.

Nasa parking lot palang kami ay nakita namin si Khalix na may kausap sa kaniyang telepono. Lumapit kami ng bahagya para alamin kung sino ang kinakausap niya.

"Mom, patulong naman ako makuha ang Non Marriage Certificate ni Briana. Hindi niya raw kasi nakuha nung isang araw dahil maraming requirements ang hinihingi sa kanya."

Halos sumigaw si Yana sa sobrang kaba na nararamdaman niya. "Mom, Please help us ha? Ok I have to go, bye." sumakay na sa kotse si Khalix at agad na ring umalis.

At dahil sobrang lutang at hindi na makausap ng maayos itong kasama ko ay ako na ang nag drive ng sasakyan.

"Ano ba yan Yana, ang pangit ng mukha mo." Inis na saad ko sa kaniya.

"We need to find that guy!" Kinamot ko ang kanang tenga ko. "Oo nga hahanapin nga natin. Paulit ulit ka kanina pa! Can you just relax?!" Sigaw ko sa loob ng sasakyan. Kanina pa siya d*******g na dapat ay hanapin na si Rebreb at rinding rindi na ang tenga ko sa kanya!

"Akala ko ba, strong independent woman ka? Eh bakit konting problema lang ay tumitiklop ka na?" I saw her shake his head in my peripheral vision.

"Hindi lang to basta basta konting problema lang Grasya! Seryosong problema ito, hindi ka ba magugulat? Out of nowhere kinasal ka na pala?!" Pasigaw nitong sabi.

Natawa naman ako sa pagpapaliwanag niya na iyon. Inis na inis siya sa taong walang kaalam alam na may kasalanan na pala sa kanya.

"Ang dami mong satsat! Excited ka lang makita yung tao." Panunukso kong sabi sa kanya

tinaliman niya ako ng tingin, para bang uusok na ang ilong niya sa sobrang galit "Seryoso kasi ako Grace. Pag nakita ko talaga siya ay sasampalin ko siya" Umiling iling na lang ako sa mga sinabi ni Yana.

-Unknown Calling-

Ni Loudspeaker ko ang aking phone.

"Hello, Yes? Who is this?"

“Hi Grace, Bryan ito."

"Oh Bryan? Napatawag ka? Anong meron?"

“ I got some news for you, diba tinanong mo sa akin kung alam ko ba kung nasaan si Rebreb?"

"Yes, Why?"

"May balita na ako kung nasaan siya ngayon."

Mabilis na inagaw ni Yana ang cellphone ko

"Nasaan siyang lungga nagtatago?! Sabihin mo! dahil titirisin ko talaga siya!" Sigaw niya kay Bryan.

"Yana, kalma ha? Makatanong ka parang kriminal ang hinahanap natin." Dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa kanya, halos sumabog ito sa sobrang pag piga niya.

"Bryan saan namin siya mahahanap? May kailangan kasi kami ni Brianna sa kanya. Importante lang sana"

Narinig naming natawa si Bryan sa kabilang linya.

"Dati si Dranreb ang humahabol kay Yana ngayon bumaliktad ata ang mundo ah? haha"

'Anong nakakatawa?" Tanong ni Yana na halatang napipikon na. Sumenyas naman ako sa kanya na tumahimik siya.

"It's not what you think, importante lang na makausap namin siya"

“Nasa Santo Rosario siya, tumutulong siya sa Medical Mission sa Angeles Pampanga.”

Agad na pinatay ni Yana ang phone ko.

"Drive! malapit na tayo doon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status