Dranreb POV"Iniinom niyo po ba ang prescribe na gamot ko?" "Opo doc. Medyo kamahalan lang kaya kalahati pa lang ang nabibili ko." Dahan dahang napaangat ang mga mata ko sa lalakeng kaharap ko lang. Makikita mo sa kaniyang mukha ang pagod at pagka dismaya. Walang pag alinlangan kong binuksan ang drawer ko sa gilid. Buti na lang ay may extra akong gamot para sa kaniya."Manong Lito, may extra pa po akong gamot dito para sa maintenance ninyo. Saktong pang tatlong buwan iyan." Biglang sumigla ang kaniyang mga mata. "Naku! Maraming maraming salamat po Dr. Lopez! Tricycle drayber lang po kasi ako at sakto lang ang kinikita ko sa pang araw-araw namin kaya malaking tulong na po ito sa akin." Masaya akong nakakatulong ako kahit papaano sa aking mga pasyente , lalo na kay Manong Lito, matagal na rin siya pabalik balik sa clinic ko at paulit ulit lang naman ang kaniyang nirereklamong pananakip ng dibdib.
Brianna POV"A bungalow house?" Pagtatakang tanong ko sa kaniya habang minamasdan ang isang hindi naman gaanong maliit na bahay. Katamtaman lamang ang lapad at laki nito."May problema ka sa bahay ko?" Mahinang tanong niya, sabay parada ng kaniyang latest na Aston Martin DBX na sasakyan. "Wala naman... Nagtaka lang ako, ang ganda ng kotse mo, pero napaka simple lang ng bahay mo." "Ang dami mong satsat! Makikitira ka na nga lang sa bahay umaarte ka pa! Baba na!" Nag make face ako sa kaniya, Parati talaga siyang galit pagdating sa akin! Ni minsan hindi siya naging mabait kausap ako!Bumaba na ako ng kotse niya. Hindi ko na dinala ang kotse ko, iniwan ko na lahat ng gamit ko sa bahay. Pati ang kompanya ay pinabantayan ko muna kay Grace. Kapag may mga major problems naman na dapat kailangan ako ay doon lang ako pupunta. Inayos ko na rin lahat lahat bago ako maging legal na asawa ni Rebreb sa loob ng tatlong buwan. Ang iniisi
Dranreb POV" Ano dude? Sinuko na ba ni Brianna ang bataan?"" Mga pinag iisip mo talaga Bryan! Hindi ko siya katabing natulog. Nasa kabilang kwarto siya." "Ang boring mo naman. Walang nangyari? Ang hina mo Reb!""Wala akong balak pagnasaan siya. Ang plano ko lang pahirapan siya." Bahala ka na nga sa mga iniisip mo."" Sige na Bryan. I need to end this, mag aayos pa ako dahil may pasyente pa ako mamayang alas dos." Hindi ko na hinintay na sumagot si Bryan at pinatay ko na agad ang aking cellphone. Ang lakas talaga niyang mang alaska! No wonder na sinukuan siya ni Grace. Pero kahit ganun si Bryan, alam ko na minahal niya si Grace. Naalala ko noon, pinasok namin ang lahat ng beer house sa Pampanga dahil brokenhearted daw siya. Napaka sadboy din minsan ang lalake na iyon!"Kuya Rebreb! Kain na tayo!" Narinig kong sigaw ni Yena sa labas ng aking kwarto. "Opo. Lalabas na." sigaw ko.Binuksan
Grace POVThings to do:1. Labhan mga damit ko 2x a day.2. Maagang gumising at magluto.3. Maghugas ng pinggan 3x a day4. Kunan ng mapuputing buhok si tatay Jugno."Seryoso? Ito ang mga habilin sa iyo ni Rebreb? 1,2,3,4... Dose? Dose ang mga utos niya saiyo? Ang diyos nga sampu lang ang utos siya plus 2?" "Oo! Ganyan siya ka walang hiya! Ganyan siya ka walang modo at higit sa lahat wala siyang awa!" Inis na wika ni Yana habang kinukusot ang mga damit ni Rebreb. Bilib din ako sa powers ni Rebreb. Isang Brianna Alysson Ferrer lang naman ang pinaglalaba niya ng kaniyang mga damit. I mean, Brianna is a princess, an alpha female. Pero pagdating kay Dranreb, isa lamang siyang simpleng babae na nagpapatulong mapawalang bisa ang kanilang annulment. "Hetong number 2. Palulutuin ka raw niya. Tsss. Hindi ka nga marunong mag slice man lang! Magluto pa kaya?!""That's what i am trying to say! Pero anong sinasago
Brianna POV"Magpatimbang ka na diyan." Tamad na wika ko habang nagsusulat sa kaniyang Medical Records. "Tapos na po maam. 70 kls po ako." Sagot sa akin ng babae na nasa harapan ko lamang."Laki mo na ha, mag diet ka na." "Ang judgemental mo naman bilang isang sekretarya ng isang doktor!""Im just stating the facts...""Yana." Sa lakas ng boses ng babaeng ito ay napalabas si Rebreb sa kanyang clinic."What's happening here?" He asked full of uncertainty."Doc, pagsabihan niyo naman iyang sekretarya ninyo! Pinagsabihan ba naman ako na mataba dahil sa timbang ko?!"Namumula ang pisngi niya sa galit sa akin. Tipong sasabog na ito sa sobrang pula.Ano ba gusto niyang sabihin ko? Na sexy siya? Dapat nga magpasalamat siya saakin. I don't sugar coat words!"Yana, pumasok ka muna rito usap tayo sandali lang."Wala akong ibang choice kundi sumunod kay Rebreb. Pumasok ako sa loob ng kanyang clinic at padabog kung sinirado ang pinto."Anong ginagawa mo sa mga pasyente ko?" Kalmado lamang ang
Dranreb POVRamdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat. Ganoon din ang araw na tumatama sa aking buong katawan. I took a sip of coffee that was place besides me. Nice coffee though.I began to closed my eyes and inhales all the air that was coming through me. This was really a good spot to start my new day. "Iha!"Mabilis kong minulat ang aking mga mata at napalingon ako kay Brianna."Iha. Naku! Huwag mong bunutin ang mga bulaklak. Mga damo lang ang bunutin mo." Pag aalalang wika ni Aleng Mina. "Sorry po."Did i hear it right? Nag sorry siya? Saan naman siya bumili ng manners? "Halika, tulungan na lang kita.""No." I immediately stand up at dahan dahang naglakad papunta kila Brianna.Nadatnan kong putol na pala ang mga alaga kong bulaklak dito sa garden. Kahit kelan, wala talaga siyang alam sa buhay!"Huwag mo siyang tutulungan aleng Mina. She needs to know that the only person that could help her is herself. "Pinataliman ako ng tingin ni Brianna. "Huwag niyo n
"You may now kiss the bride." Napatingin ako sa babae na nasa aking harapan. walang ka rea-reaksyon ang mukha niyang tumitingin sa akin, tila ba'y tutol siya sa kasalang nagaganap sa amin. Bahagya akong lumapit sa mukha niya ngunit napahinto ako nang makita kong umatras siya."Okay, it's dooone!" Masiglang wika nya sabay kuha ng belo sa kanyang buhok at hinubad ang gown na suot suot. Agad agad siyang lumakad palayo na para bang walang kasalang nangyayari."Yana!" Pasigaw na tawag ko sa kanya, ngunit hindi sya lumingon at nagpatuloy parin sa paglalakad. "Yana sandali" mabilis akong tumakbo para maabutan siya."Sandali." Bigla kong hinawakan ang braso nya at humarap naman siya sa akin. Bakas sa mukha niya na naghihintay siya sa anumang sasabihin ko"Salamat pala kasi pinakasalan mo ako kahit sa Marriage Booth lang." Ngiting saad ko sa kaniya. "Ok" maiksing sagot niya saakin."Hwag ka mag alala, sa susunod sa totoong simbahan
Brianna POV“And what makes your toy unique from other competitors?” I asked habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa mesa. Tumikhim siya at sumagot “This robotic design Ms. Brianna can appeals to both boys and girls and released more complex products to challenge older children and of cou—“ I raised my right hand causing him to stop what he was trying to say. I slowly lowered my hand “You know what, Mr. Duramente, PlayThing Corp. is one of the largest, most profitable toy companies in the world. With everything going digital, Our company had to find a way to adapt, sa tingin mo anong maadapt nang bullshit mo na robot?” I calmly asked. Dahan dahan akong tumayo at tumalikod. “You’re fired.” Hindi kailangan ng kompanyang ito ang bobong katulad niya. I started to walk away. Lumabas ako sa Conference Room at dumiretso sa office ko. Ang dami kong toxic na na e-encounter ngayong araw. Full of stupid people! "Maam?" Pumasok ng dahan dahan ang secretary ko,