Share

CHAPTER 6

Dranreb POV

I can’t still believe Brianna did this. Bumyahe siya ng pagkalayo layo para lamang makita at makausap ako?

“Yun lang ba ang kailangan niyo? Ang mapirmahan ko ang Annulment?”

mabilis na tumango si Grace sabay kain ng popcorn na kanina niya pa hinahawakan. “Alam mo hintayin mo na lang magising si Brianna, siya lang makakapag explain sa iyo ng mga nangyayari.” Napatingin ako sa gawi ni Yana... Kahit tulog siya ay hindi mapagkakaila sa kanyang mukha na masama ang ugali niya. Hindi ko parin nakakalimutan ang mga ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Araw araw kong naiisip yung mga sinabi niya ng mga panahon na iyon at dahil doon hinding hindi ko siya mapapatawad.

Nakita kong unti unting gumalaw ang ulo niya, unti unti ring gumagalaw ang mga talukap niya sa mga mata.

“G-grace?” utal na sambit nito. Dahan dahan niyang tinaas ang tingin niya sa akin. Agad siyang napabalikwas nang makita niya ako.

“Ikaw nga ba talaga si Dranreb?” She asked full of uncertainty. I just shrug

“Reb Reb the nerd parin ba nakarehistro sa utak mo?” inirapan niya ako at mabilis na lumapit sa akin.

“We need to talk Dranreb. Very important”

Umupo ako sa bakanteng upuan sa loob ng kwartong ito. “Spill the tea” huminga ng malalim si Yana at umupo sa harapan ko.

“Look, this is so weird pero nung isang araw pumunta kami ni Grace sa Cityhall kukuha kami sana ng Non Marriage Certficate ko kasi ikakasal na ako. Pero hindi nila ako binigyan kasi ikinasal na raw ako sayo.” I nodded slowly.

“Hindi ka naniniwala? Take a look at this.” Inabot ni Grace kay Yana ang isang papel, mabilis naman itong ibinigay ni Yana sa akin. I read it... and again I nodded slowly. Napatingin ako sa mga mata niya ng matagal. Nakikita ko na sobrang nadidismaya siya sa mga nangyayari sa kanya but somehow I want to get revenge or hurt her with what is happening to her right now.

“Ano ba gusto mong mangyari?” mahinahon kong tanong sa kaniya sabay sandal sa kinauupuan ko.

“You need to sign the Annulment papers as soon as possible.” Grabe makautos ang babaeng to, parang tauhan niya lang ako kung makapagsalita siya.

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya.

“Alam ko Yanna na lahat ng gusto mo makukuha mo, pero ngayon? Paghirapan mong kunin ang Oo ko.” Mabilis akong tumayo at lumabas na ng kwarto. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong sumigaw si Yana ng sobrang lakas. “Ang lakas nun ah?” singit ni Bryan sabay dikit niya ng tenga niya sa pinto. “Pinikon mo?”

“Bagay lang sa kanya yan Bry, hindi lahat ng tao kaya niyang paikutin sa palad niya.”

“Akala ko nga sa sobrang layo ng Pampanga ay hindi niya na gugustuhing pumunta. Baliw talaga yang Brianna na yan since then.” Manghang sabi ni Bryan.

Si Bryan ay matagal ko nang kaibigan, parehas kaming nasa larangan ng medisina. pulmonary doctor siya at ako naman ay isang cardiologist doctor.

Agad niya akong inakbayan. “Yun na lang atupagin mo.” Wika nito sabay turo ng nguso niya sa pwesto ni Tanya. Tinulak ko siya ng bahagya “Ano ka ba! Kaibigan ko lang yan si Doc Tanya.” Tumingin sa akin si Bryan na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Talaga lang dude ha, walang something sa inyo?

“Wala!. Tara na tulungan na lang natin siya. Para matapos na tayo sa medical mission na ito.”

Lumapit kami ni Bryan sa kaniya at tinulungan siya sa pamimigay ng relief goods.

“Okay na siya?” tanong ni Tanya sa akin.

“I hope so.” Mahina kong sagot sa kaniya. Sana nga maging okay na siya at gustuhin niyang umuwi na sa kanila.

“Sino ba yun? Bakit agad agad na lang siya kung sumugod?” dagdag nitong tanong.

“Asawa niya yun, hindi niya pinanindigan kaya galit” Nakangising sagot ni Bryan

Pinanglakihan ko siya ng mata dahilan para siya ay tumigil sa mga pinagsasabi niya.

“What? I thought single ka Doctor Lopez?” biglang tumaas ang boses ni Tanya sa akin. Hindi pa man ako nakakapag salita ay lumapit na si Yana sa amin at kinaladkad ako palabas.

“What is your problem?!” inis na saad ko sa kaniya. Muntik na akong matalisod sa ginawa niyang pagkaladkad sa akin!

“Anong problema mo?! Bakit ayaw mong pumayag sa annulment!” nangangalaiting wika nito. Namumula na sa galit ang mukha ni Brianna subalit wala akong nararamdamang takot man lang sa kaniya.

“Huwag kang mag eskandalo dito Yana. Baka nakakalimutan mong teritoryo ko ito.” Pinagpag ko ang damit ko at agad na pumasok sa loob ng gym.

Eskandalosa talaga ang babae na iyon! Wala siyang pakealam kung mapahiya man ang mga tao sa paligid niya! Talagang gagawin ang lahat masunod lang ang gusto niya!

Bigla akong hinarangan ni Grace dahilan para huminto ako sa paglalakad.

“Gumaganti ka ba sa pamamahiya na ginawa saiyo ni Brianna?” She ask calmly. I rolled my eyes at naglakad ulit subalit sinundan lang ako ni Grace.

“Look, Rebreb hindi lang si Yana ang mamomroblema nito, in the future, pag nakahanap ka na ng pakakasalan mo magiging malaking sagabal itong gulong pinasok ninyo. We need to stop this now.”

I stop walking at hinarap ko siya. “Wala sa isip ko ang mag asawa Grace, at wala kang pakialam kung tatandang binata man ako. So stop following me!”

“Rebreb!” napatingin ako kay Yana na may hawak hawak nang microphone. Napalagok ako sa nakikita ko ngayon. She's so insane! Ano sa tingin niya ginagawa niya?

“If you don’t want to talk to me, atleast man lang makinig ka sa sasabihin ko.”

Nanginiginig ako sa ginagawa niya ngayon. Natatakot ako na baka ipahiya niya ulit ako sa maraming tao. I am a professional doctor and I know isang salita lang ni Brianna against me, ay masisira ang propesyon ko.

I quickly ran to her and drag her away “Ano ba? Hindi mo ako titigilan?!” hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya “Alam mo, malas ka sa buhay ko! Parati na lang akong napapahamak ng dahil sayo! Hindi kapa ba masaya na ginago mo ako noon? Tapos ipapahiya mo nanaman ako ngayon? Dito pa talaga Yana? Sa trabaho ko?! Please do me a favor! Leave me alone!”

agad ko siyang binitawan. Nakita ko namang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Tumalikod ako para hindi ko makita ang pag iyak niya. Alam kong mali ang ginagawa ko ngunit matigas na ako ngayon. Malambot ang puso ko, pero hindi para sa kaniya.

Naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa paa ko. “Please Rebreb this is so important to me... ill do everything para lang mabigay mo yung gusto ko... Please give me a chance! Please help me!”

Mabilis kong hinawakan ang kanyang mga kamay na nakapulupot saakin. Agad naman siyang tumayo. "Fine i will help you, in one condition..."

Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata at tumingin sa akin.

"Be my wife... In 3 months."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status