Share

CHAPTER 7

Grace POV

"Are you out of your mind Brianna Alysson! Ano na lang sasabihin ni Khalix? Nang parents mo? kapag nawala ka ng three months? Hindi kita kayang pagtakpan ng ganun ka tagal!" I let out a shriek so loud.

Hanggang dito sa kotse ay hindi ko pa rin maisip kung bakit agad na pumayag si Brianna sa gustong mangyari ni Rebreb!

"Wala na akong choice Grace, naiipit na ako sa sitwasyon. Pag hindi ako papayag sa gusto niya, anytime soon malalaman ni Khalix ang gulong pinasok ko kaya dapat mapirmahan na ni Doraemon ang annulment!"

"Doraemon?" Sa sobrang depressed yata ni yana ay kung sino sinong nilalang na ang binabanggit niya.

"Nevermind."

"Sigurado ka na ba sa gusto mong mangyari Yana? Alam natin na gaganti lang si Rebreb sa mga ginawa mo sa kaniya dati aalipinin ka lang niya." Napahimas siya sa kaniyang ulo. Alam kong parang gusto niyang bawiin ang pag sang ayon niya kay Rebreb kanina subalit huli na rin ang lahat... Sa susunod makalawa ay lilipat na siya pansamantala sa bahay nang lalakeng iyon.

"Kaya nga naghihintay ako ng sign na tama itong ginagawa ko." Mahina nitong sagot

"Sign? Anong feeling mo? Nag take ka lang ng board exam at humihingi ka ng sign kung makakapasa ka o hindi? Kasal itong napasukan mo hoy!"

"I know i know! But still i need a sign. Kapag wala edi susuko ako pero kung meron itutuloy ko ito."

Hindi talaga ako makapaniwala na umabot si Yana sa ganitong sitwasyon! Akala ko ay perfect na perfect na siya dahil ni minsan ay hindi siya nagkakamali sa buong buhay niya but this is really a surprise twist! Nakaka gimbal!

"Fine, anyways pumunta muna tayo sa bahay ni daddy. Kailangan natin mag isip ng strategy kung paano tayo makaka lusot sa plano ninyo ni Rebreb"

"Oo nga pala no? May bahay kayo rito sa Angeles. Kung hindi pa tayo nagkaroon ng mission dito ay wala ka pang balak bisitahin ang daddy mo."

" Correction, hindi ko bahay yun. Bahay ni daddy at ng bagong asawa niya." I flashed a crooked grin in my face.

"Alam ko na namimiss mo na si tito Ricky, hindi ka naman pupunta doon kung hindi mo siya gustong makita. I know you Gracedie Amour Del Valle, maganda ako pero hindi ako tanga."

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ko maipagkakaila sa sarili ko na namimiss ko na rin talaga si daddy. Siya ang naging sandalan ko ng mga panahong iniwan kami ni mommy at sumama sa ibang lalake. Kay mommy lang ako sobrang nagagalit dahil pinili niya pa ang ibang tao kesa sa amin. Nang mga panahong ding iyon ay saksi ako sa hirap na dinanas ng tatay ko, sa pag iyak niya tuwing gabi at sa mga tanong niya kung saan ba siya nagkulang. Ngayon na nagkaroon na siya ng asawa ay kahit papaano ay sumaya na rin siya, pero ako hindi. Mali yata ang pinili ni dad na pakasalan! Naalala ko dati pabili siya ng pabili ng mga gamit sa tatay ko. Napaka gold digger niya! Hindi ko rin naman masabi kay daddy kasi napamahal na ang babae sa kaniya. Pero sinisigurado ko na kapag sasaktan niya si daddy ay mas tripleng sakit ang ipapadanas ko sa kaniya!

"Hoy Grace! Malapit na ba tayo? Ihing ihi na ako!"

Lumiko na ako sa isang subdivision at huminto sa unang bahay na may pulang gate.

"Mauna ka nang pumasok doon" tamad na wika ko sa kaniya

Mabilis binuksan ni Yana ang pinto ng kotse at mabilis na pumasok sa mansion ni daddy.

Masunurin na bata. Ang kapal pa ng mukha! Pumasok nga talaga. Napailing na lamang ako sa ginawa ni Yana.

Lumabas na rin ako sa kotse at sumunod na pumasok sa loob.

"Ate!" Niyakap ako ng mahigpit ni Jeyco, half brother ko. Kahit na hindi ko gusto ang nanay niya ay mahal na mahal ko si Jeyco.

" I miss you my baby boy" Niyakap ko rin siya ng mahigpit

"I miss you rin ate buti naman naalala mo akong bisitahin."

Napatingin ako sa mukha ni Jeyco. Naiiyak ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan siya, pero hindi niya dapat ako makitang mahina dahil alam kong manghihina rin siya.

"Kamusta ka naman dito Jeyco?"

"Okay lang naman ako ate, kakatapos ko lang magpa chemo kahapon, alam mo sabi ng doctor ang strong ko pa rin daw kahit stage 3 na yung cancer ko" masiglang wika nito sa akin

I slowly flash a smile to her pero sa kaloob looban ko sobrang sakit na nang nararamdaman ko... gustong pumatak ng mga luha ko ngunit pinipigilan ko.

"Grace!" Napatingin ako sa boses na tumawag sa akin. It was my dad.

Sobrang lapad ng ngiti niya nang makita niya ako. And like Jeyco, he also hugged me tightly.

"Dad, i can't breathe!"

"Sorry anak, i just miss my baby girl!"

Nagkibit balikat ako, wala eh... Im the only girl she loves. Pero speaking of girl

"Dad nasaan si tita Rea?"

"She was at the salon, kagabi pa siya hindi makatulog, kailangan na daw niya magpa ayos ng buhok"

See? That girl! Napaka feeling niya talaga! Inuna ba naman ang pagpapaganda kaysa makabonding pamilya niya? The nerve!

"Hi tito!"

"Brianna! Oh ito pala isang baby girl ko! Tara right timing kayo ngayon at nakahain na ang meryenda. Tara na sa garden mga iha" nauna nang naglakad si daddy at si Jeyco

"Bat ang tagal mong umihi!" Inis na saad ko sa kaniya

"Kung gaano katagal ka mag drive ganun din kahaba ang ihi ko." Matapos niyang sabihin iyon ay sumunod na din siya kila daddy

That bratt girl! Anong tingin niya sa akin? Driver niya?

I roll my eyes at sumunod na rin sa kanila.

Umupo ako sa tabi ni Brianna, nauna na din siya kumuha ng pagkain halos hindi rin siya kumakain dahil sa walang kwentang problema niya.

Umikot naman ang tingin ko sa mga pagkain. Namangha ako, dahil sobrang sarap din ng mga nakahain. Spag, garlic bread and sandwiches at may pa juice pa!

"Grace, huwag kana kumain. Ang dami mo nang nakain since pumunta tayo dito." Wika ni Yana habang ngumunguya ng garlic bread na hawak hawak niya. Ang kapal naman ng mukha niya sabihin yan sa akin matapos ko siyang dalhin dito. Bakit ko ba naging kaibigan ito?

"Bakit nga pala kayo nandito iha?" Singit ni dad sabay higop ng kaniyang kape.

"Nothing dad. Nagpahangin lang kami."

My dad laughs. "Dito talaga Grace? Ang layo naman."

"Why not? We just need to take a break. Ikaw dad? Kamusta ka naman dito?"

"Im fine. Madami akong inaasikasong mga kaso ngayon. My latest case was about annulment. Grabe yung lalake. Hindi sanay na isa lang asawa niya. " Biglang nagkasalubong ang mga mata namin ni Yana.

Since my dad was a attorney, maybe this will be our chance to ask.

"Dad? About that thing? Madali lang ba ang annulment dito sa Pilipinas?"

"To be honest, No. Mas madali pa nga ang divorce kaysa sa Annulment. Divorce ends a marriage. Wala kang dapat patunayan. Sa divorce, hiwalay kung hiwalay. Sa annulment, you need to find a valid reason kung bakit ipapawalang bisa niyo ang kasal. That would cause you too much... Too much money and effort."

Napalagok ako sa sinabi ni Dad. I took a glance in Brianna's face. Gusto kong tumawa ng malakas dahil namumutla na siya sa sobrang kaba.

"Bakit pala natanong mo Grace?"

"Ah. Kasi dad yung friend ko mag pa pa anull. So yun pala yun." I laugh awkwardly.

"Sabihin mo diyan sa friend mo, Goodluck and Godbless! Mag umpisa na siyang mag novena." Umiling si dad at tumawa din sa mga sinabi niya.

Napatingin ulit ako kay Brianna. Halos maubos na niya ang juice sa baso niya.

Poor Brianna. Heto na yata ang sign na hinahanap niya. She really need to pull the plug right now.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status