Maagang nagising si Kurt para ipaghanda ng pagkain si Helen bago siya pumasok ng trabaho .Nagpasyang babawi siya bilang asawa .Isinantabi muna niya ang plano nito dahil kung iisipin niya kung tuluyang umalis si Helen kagabi at hindi naagapan ay malalaman ng kanyang lola at baka bawiin sa kanya ang mana ng ibibigay. Marami siyang niluto at kailangan pag silbihan niya para mawala ang tampo nito sa kanya .Bumuntong hininga siya ng maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi .Isang mainit at hindi pilit nagtataka siya dahil sa gabing iyon ay nakalimutan ang tunay na hangarin at naramdaman niya ang isang Helen bilang isang asawa niya .Naging malamig siyang asawa kaya kailangan niyang bumawi .Pagkatapos niya naghanda ng pagkain ay pumasok na siya sa kwarto para mag ayos papuntang opisina .Hindi niya muna gigisingin si Helen dahil alam niyang pagod ito .Lumapit siya sa asawa niyang mahimbing matulog at hinalikan ito sa labi ."I'm sorry!!!" bulong nito saka tumayo at pinatay ang ilaw bago l
"congratulations sa inyong dalawa finally kinasal na rin kayo "pag bati ng sa kaibigan ni Helen na si Zia ."paano yang kaibigan mo ang tagal bago siya pumayag na magpakasal na kami " natatawang sagot ni Kurt sa kaibigan ng kanyang misis na ngayon ."sus ang sabihin mo nalate kang nag propose kasi sa kanya ." natatawa nalang si Helen sa dalawa dahil walang papatalo sa kanilang usapan .''love !" bulong ni Kurt kay Helen ng makaalis na ang kanyang kaibigan."magtimpi mister Bizon " nakikiliti siya sa paghaplos nito mula sa kanyang likuran.Natawa nalang din si Kurt at tinawag sila ng kanyang ama para pumunta sa ibang bisita ."grabe senyor Bizon hindi namin alam na maganda pala ang mapapangasawa ng anak mong si Kurt ?"ngumiti lang si Helen sa mga pumupuri sa kanya ."hayy nako kumpadre alangan naman pipili ang anak ko ng hindi kagandahan.Alam mo naman lahing gwapo ang aming pamilya" dalawang lalaki ang anak niya at hindi nakauwi ang kuya ni Kurt dahil abala ito sa training mula sa ibang
Lumabas muna si Kurt at iniwan na nakatulog si Helen sa kanyang kwarto ."nakatulog na ba ang magaling na babae" iilan na ang mga bisita at sila sila nalang din ang nasa hardin ."alam pinsan umiiyak kanina si Eunice hindi matanggap na yang babae na yan ang pinakasalan mo " alam niyang buong pamilya niya ang ayaw sa napangasawa niya dahil ang gusto nila si Eunice pero dahil kailangan niya si Helen na siyang lola lang niya ang may gusto dito sa kuya niya san ipaasawa si Helen at yon ang ayaw niya dahil kung sino ang aasawahin ni Helen ang siyang magmamana sa malaking lupain nila sa Makati na siyang gusto niyang mapunta sa kanya dahil marami siyang pangarap gawin sa lupang mamanahin .''pwede bang pakisamahan siya ng maayos lalot darating si lola bukas " bukas ang dating ng lola nila na siyang nag stay sa isang kapatid ng kanyang ama."hindi mo naman makukuha yon kung hindi mo mabubuntis si Helen remember yon ang gusto ng mama" madali lang buntisin si Helen kung kinakailangan. "naku ti
Hindi makapaniwalang nakatulog si Helen na hindi pa siya nakapag palit sa kanyang wedding dress. Bumangon siya para makapagpalit at amoy alak ang kanyang hininga .Pagtingin niya kay Kurt mahimbing ang tulog nito .Alam niyang pagod ito .Napalingon siya sa orasan na sa tabi ng lampshade kita niyang mag alasinko na ng madaling araw . Kaya nagpasya siyang magpalit ng gown .Kumuha siya ng pajama at isang maluwag na damit para ito ang kanyang isuot.Ngayon sana ang honeymoon nila pero nalasing siya kaya hindi niya nagawang pagbigyan ang kanyang asawa .Pagkatapos niya naligo ay nagpasya siyang magblower muna ng buhok sa loob ng kanilang lagayan ng damit .May sariling area ang closet nila .Noong isang araw lang siya lumipat kaya nangangapa pa siya .Hindi na pinadala ni Kristof ang ibang gamit niya mula sa kanyang apartment dahil binilhan siya ng mga damit .Pero mas gusto niyang isuot ang dati niyang damit kumpara sa bago .Parang tingin niya sa mga bago ay panlabas lang yon at hindi nababa
"mama! " agad na sumalubong si Wesly sa kanyang na naka upo wheel chair at tulak ng isang nurse at may mga kasama itong mga bodyguard . "deretso na tayo sa Mansion Wesly " hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin kahit kailan hindi niya ramdam ang pagiging ina nito .Walang imik na sumunod si Wesly sa ina niya at pinauna muna nila ito pasakayin sa Van. "kamusta ang kasal ng apo ko Wesly?" seryosong salita ng donya sa anak nito . "maayos lang naman mama kahit papaano nakaraos " "mabuti naman kung ganon .Dalawang araw lang ako dito Wesly hindi ako magtatagal dahil kailangan kong manatili sa state dahil naroon ang doktor ko .Hanggat maari ituring niyo ng maayos si Helen. I know hindi niyo siya gusto dahil hindi siya galing sa mayaman na pamilya . But I warn you Wesly wag na wag kong malaman na tinuturing niyo siya na wala lang " napalunok si Wesly sa lahat ng narinig bigla niyang naisip ang mga napag usapan nilang mag asawa . Buong byahe na walang imik na naganap sa loob ng Van
"iba ang saya ni mama kung yang babae na yan ang kasama niya ?" nakasilip mula sa malaking bintana si Vilma at Wesley habang pinapanood nila ang ina nila kasama si Helen . "hayaan mo itong taon na ito huli ng mamasyal ang mama dito sa mansion dahil magpapagamot na siya ng kanyang sakit sa europe so matagal bago siya babalik " ngumisi lang si Vilma at matalim ang tingin niya kay Helen na tumatawa dahil sa kwento ng Donya tungkol sa kalokohan nila ng kaibigan niya noong kabataan nila . "grabe pala kayong mag bestfriend lola .Sana makilala ko rin siya " saad ni Helen .Laging bukang bibig ng Donya ang kaibigan niya noon kaya humahanga siya tuwing laging kinekwento ang kanilang nakaraan . "siya sige kailangan ko ng bumalik sa kwarto Helen dahil mainit na dito sa labas .Kurt ihatid mo ako sa kwarto maiwan si Maxy dito para makapag usap naman ang dalawang ito " nagpasalamat ang dalawa at pinalayo muna nila ang Donya kasama ang apo nito bago sila nagkatinginan . "kamusta ka dito ?" tanong
"mabuti naman at magawa mong tumulong dito sa kusina Helen akala ko nagbubuhay reyna ka dito " lumapit si Vilma kay Helen na abala sa paghihiwa ng mga carots para sa sahog ng kanilang uulamin mamayang lunch ."hindi naman po mommy hilig ko ang po talaga ang magluto dahil sanay na ako dyan " hindi maintindihan ni Helen pero parang ang bigat ng pairamdam niya tuwing lumalapit sa kanya ang pamilya ng kanyang asawa ."ohh really maayos naman iha sige at dapat masarap a dahil ngayon ko palang matitkman ang iyong luto " hindi na umimik pa si Helen at pinagpatuloy ang paghiwa ng mga gulay para sa lulutuin niyang ginataang gulay .Lihim na ngumiti si Vilma dahil nagkunwari lang siyang mabait ng makita niyang dumaan ang isang nurse ng kanyang byenan .Kailangan nilang maging maingat habang narito ang ugod niyang byenan dahil nagsumbong sa kanya ang mayordoma nila na nagtanong ang Donya tungkol sa maayos na pakikitungo nila kay Helen .Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kapit ni Hele
"nasan si lola ?" tanong nito sa kaibigan niyang abala sa pag aayos ng gamit na kinuha nila sa mansion na dadalhin ng Donya sa Europe."nasa library bakit ?" hindi na niya nilingon pa si Helen dahil kailangan niyang tapusin ang pagligpit ng damit ng Donya ." kakain na kasi .sige Max puntahan ko lang " umalis na siya at tumungo sa library para puntahan. Akma na sana niya bubuksan ang pintuan ng may marinig siyang nag uusap sa loob ."kasal na sila mama kailan mo ililipat kay Kurt ang mana nito na pinangako mong papakasalan niya si Helen para ma ibigay mo ang mana niya " boses ng kanyang byenan na lalaki iyon kaya naging interesado siyang pakinggan lahat at hindi muna siya kakatok para marinig niya lahat ng kanilang usapan."bakit ba ang atat mong ibigay ko sa kanya iyon Wesley hindi pa tinatanong ng apo ko yan pero ikaw itong nagtatanong ?" nalagay na niya sa kanyang lastwill testament ang mana ng bawat iiwan niya dahil bago siya lumuwas ng bansa ay mapagawa na niya sa kanyang abog