"Kurt !" pagkarating nila ng mansion ay agad tinawag ni Eunice si Kurt para kausapin ."bakit?" matamlay nitong sagot . Nakaramdam ng pagod si Kurt dahil sa papuntat balik nila para kunin ang kanyang lola. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na wala na ito. "pwede ba tayong mag usap may mahalaga lang akong sasabihin " tumango si Kurt at tumungo sa balcony ng mansion para doon sila mag usap .Ang alam niya masakita ang puson ni Eunice pero sa nakikita niya ay umayos na ito ."i miss you" hindi napigilan ni Eunice yakapin ang nobyo gusto na niyang makasama ito at namimiss na niya hindi siya makatulog ng maayos dahil iba ang pumapasok sa kanyang isip tuwing naiisip niyang magkasama sa iisang bubong sina Helen at Kurt . "Eunice baka may makakita sa atin !" pilit na lumayo si Kurt sa kanya at tumingin sa paligid ."what for Kurt wala na ang lola mo na tanging dahilan para magtago pa tayo sa relasyon natin " medyo nasaktan siya sa pag iwas at parang malamig na pakitungo ni Kurt s
''honey kausapin mo naman ako '' hindi alam ni Kurt kung paano niya suyuhin si Helen hindi niya din maintindihan kung bakit sinusuyo niya ito gayong dati rati hinahayaan niya lang lumipas ang sama ng loob niya ."magpapalit lang ako Kurt babalik ako doon dahil baka hanapin ako ng mommy mo'' diniin niya ang huli nitong sinabi gusto niyang makahalata si Kurt na hindi maayos ang pakikitungo ng pamilya niya sa kanya ."sige sabay na tayo " nagbihis narin si Kurt at hinintay niya sa baba si Helen dahil nagpahuli itong naligo at nagpapatuyo pa ng buhok gamit ang blower ."tama ba itong ginagawa ko .Tama bang iwaglit at hindi maniwala sa nakita ko kanina ?" kinakausap niya ang kanyang sarili para kahit papaano gumaan man lang ang nararamdaman niya sa nakita niya kanina . Pagtingin niya sarili ay hindi niya sinasadyang nag ayos siya ng maayos. Hindi siya makapaniwala na magagawa din pala niya mag ayos ng sarili .Dahil gabi na ay kailangan nilang bumalik at walang tulugan dahil isang gabi la
''diba siya yung ampon ng Donya ?" bulong bulungan ng mga tao mula sa lamay .Hindi naman inintindi ni Kaizo dahil totoo naman na ampon lang siya ng Donya . Abala naman si Helen sa pakikipag usap sa mga madrea na pumunta .Masaya siya dahil nakapunta ang mga ito kasama si Zia . "ayyy be look ang gwapo naman ng kasama ng asawa mo .Makalaglag panty " bulong ni Zia sa kay Helen at natawa siya dahil narinig siya ng mga madre . "Zia your mouth hindi sinasabi ng isang dalaga ang ganya " kagat labing yumuko si Zia dahil sa sermon ni sister Faith sa kanya . "hayaan muna sister humahanga lang ang bata " laking ngiti niya kay sister Lory dahil sa pagtatanggol nito sa kanya . "kaya ganyan ang batang yan sister Lory kinukunsinti mo " sa lahat ng sister na nag alaga sa kanila ay si sister Faith lang ang pinakamasungit sa lahat . "tara na kay Father sister baka magsimula naang misa para sa patay mamaya at baka may ipagawa sa atin " nag paalam muna ang mga madre kila Helen at Zia para punt
"anong drama naman yon Helen ?" mabilis na hinila ni Vilma ang manugang nitong pa epal ."anong drama na pinagsasabi niyo .Bitawan niyo nga ako " tinignan niya ito ng masama para bitawan ang braso nitong hawak hawak niya .Hindi niya gusto ang inaasta ng kanyang byenan at hindi na normal na hahayaan niya lang ."dapat magpakabait ka dahil wala na ang sinasabi mong nag iisang kakampi mo " tumawa lang siya at lumayo sa byenan niya .Ayaw niyang ipakita na kayang kaya nila ang tulad niya dahil gusto niyang ipakita na matapang siya."ano naman ngayon kung wala na si lola?" taas noo niyang tinignan mula ulo hanggang pababa ."matapang kana ngayon .Tandaan mo gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo ng anak ko .Ang sampit na tulad mo hindi nararapat sa pamilyang ito " tatalikod na sana si Vilma ng hinaglit ni Helen ang braso nito ."subukan mo at ako mismo ang makakalaban mo .Akala mo wala akong alam na anumalya mo ?" tapang tapangan lang siya pero ang totoo nanghihina na ang kanyang tuhod
"paalam lola !!!" yakap yakap ni Kurt ang kanyang asawa na walang tigil sa pag iyak . "bakit ganon kung kailan kakaasawa palang natin saka naman siya nawala gusto pa niya makita ang kanyang apo " nalulungkot siya surpresa niya sana ang pagdadalang tao niya pero hindi man lang niya ito nalaman bago nawala ang taong naging dahilan para maging buo siya ." thats life honey talagang ganyan ang buhay .Masaya na si lola ngayon para sayo honey " nagpunas siya ng luha at nakita niyang sila nalang pala ang naiwan sa sementery .Hindi niya pala namamalayan na umalis na ang iba ."tara na honey dahil naroon na raw sa mansion ang aboga ni lola" magkahawak kamay sila papunta sa kotse .Lumingon ulit si Helen sa pinagtabunan sa abo ng Donya tinabi ito sa kanyang asawa at exclusive cemetery ang pinaglibingan ."kamusta ang last will ni mama pwede bang sabihin mo sa akin attorney" atat na si Vilma malaman ang tungkol sa last will hindi na siya makapag hintay na malaman na malaki ang mana na makukuha n
"WHAT !!! paanong nangyari ang ganong bagay napakaswete naman ng babaeng yan ! '' hindi makapaniwala si Eunice sa kanyang nalaman .Ang buong akala niya kay Kurt mapupunta ang lupang maraming nag aabang na bilhin sa cavite dahil nasa bayan ito at magandang magpatayo ng negosyo sa lupang iyon dahil malawak ."bakit anak?" tanong ng kanyang ina na palapit sa kanya .Sumenyas muna siya na may kausap ito sa selpon kaya umupo nalang si Gina sa upuan na naroon sa paligid ng round table at nilapag ang juice na kinuha niya para sa kanilang meryenda ."sige sige " pinatay na niya ang tawag ni Krizel at naiinis na umupo ."ano ba nangyari at mukhang masamang balita yang nalaman mo?'' seryoso nitong tanong dahil naka simangot ang kanyang anak at mahigpit ang pagkakahawak nito sa baso."yeah mom its a bad news nga .Alam mo bang si Helen daw ang may pinakamalaking mana at yung inaasahan ni Kurt ay wala pa sa kalahati sa mana ni Helen " uminom ito ng juice dahil parang nag iinit ang kanyang mukha dah
''ganyan naba Kurt hindi mo na ako kikakausap" galit na sinara ni Eunice ang pintuan ng opisina ni Kurt . "I dont have time Eunice " tinuloy niya ang pagbabasa ng mga report . "paano ako Kurt paano ang anak natin ?" napatigil sa pagsusulat si Kurt at inayos ang pagkakaupo . "hindi kita pwedeng panagutan Eunice alam mong kakaayos lang ng relasyon namin ni Helen " "what ganon nalang Kurt nangako ka sa akin na after mo makuha ang mana mo ay hihiwalayan mona ang asawa mo .Pumayag akong gamitin mo siya pero yung ganyan naman na tatalikuran mo ako sana hindi nalang ako pumayag " totoong iyak na talaga ang pinakita niya kay Kurt hindi niya alam pero nasasaktan na siya sa pambabalewala ni Kurt sa kanya . "ilang ulit ko noon sinabi Eunice na layuan muna ako pero ikaw itong laging lumalapit sa akin at syempre lalaki ako malamang maakit mo ako lalot umiiwas ako noon kay Helen " dahil hindi matanggang ni Eunice ang narinig mula kay Kurt ay binato niya ito ng libro na nakapatong sa mesa
(continue flash back) Masaya silang umuwi dahil nag enjoy sila sa lahat ng kanilang ginawa sa park .Marunong na rin si Helen mag skating at gusto niya ulit bumalik doon . Nag iimpake na si Kurt ng sumilip si Helen sa kanya . "tulungan kita gusto mo ?" pagkusa nitong saad . "pwede ba ?" nahihiyang tumingin si Kurt kay Helen dahil hindi siya marunong magtupi ng damit . "sus parang bata kung magtupi ganito dapat para kasya ang paglalagyan mong maleta " tinuro ni Helen ang kung paano mag tupi ng maayos .Nagtaka si Kurt dahil nagkasya ang dala niyang gamit sa iisang maleta . "really wow !! napagkasya mo ang damit ko sa iisang maleta " walang laman ang isa niyang maleta dahil nasa isa na at masaya siya dahil iisang maleta nalang ang bitbitin niya . "Oo pero mas bumigat dahil pinagkasya ko dyan " "ayos lang basta iisa lang ang dala ko " sinubukan niya itong buhatin at kaya pa naman niya kaya nagpasalamat niya kay Helen . "kain na daw sabi ni lola " "sige sunod ako " inayos niya a
Pinagmasdan ni Wesly ang mga tao sa kanyang harapan .Hindi niya kilala ang mga ito at hindi siya makapagsalita para tanungin man lang kung sino sila . Naawang tumitig si Doña Fatima sa anak nitong nakatulala parin limang taon na ang nakalipas pero wala parin pagbabago sa katawan nito .Daig pa niya ang anak niya .Nakaktayo siya at hindi halata na nasa pitumpo lima na ang kanyang gulang . '' I do everything para mapagbayad ko ang asawa mo Wesly don't worry iho '' hinalikan niya ito sa ulo at nagtakang tumingin si Wesly sa kanyang ina .Kinuha ni Doña Fatima ang sulatan at sinulat niya na aalis muna ang mama niya dahil may aasikasuhing importante .Pilit na tumango si Wesly dahil wala naman siyang masabi lalot hindi siya nakakapagsalita dahil sa kanyang stroke sa katawan . ''kayo na bahala sa anak ko .Kung may problema Leth tawagan mo ako '' ''makakaasa po kayo ma'am ingat po kayo sa pag uwi sa pinas '' ''salamat Leth siya sige at alis na kami ng mga apo ko '' hinayaan lang ni Let
''anong nangyari sa asawa ko ?" naiiyak na saad ni Vilma wala ng buhay ang asawa niya na nadatnan niya sa kwarto nito . Parag binuhusan siya ng tubig dahil balak lang naman nilang makoma ito ng isang buwan para sila na ang mamahala sa kompanya kasama ang anak niyang babae . ''I am sorry bumigay ang kanyang puso hindi na po nakaya ''walang gaanong maipaliwanag ang doktok dahil sinadya niya ang pagkawala ng tibok ng puso ni Wesly pansamantala . ''ang daddy mo Krizel wala na '' pagkarinig ni Krizel sa boses ng kanyang ina dahil wala na ang kanyang ama ay nakaramdam siya ng lungkot .Pero para sa kanya mas maganda ng wala ang kanyang ama para masolo niya ang kompanya .Napatalsik na niya ng palihim ang kanyang kapatid kaya gagawin niya lahat para manatili sa kanya ang kompanya . ''mama punta po ako dyan '' pinatay na niya ang tawag at nagmdaling pumunta sa hospital para makita kung totoong wala na ang kanyang ama . Pagkarating niya sa kwarto nito ay nakita niyang wala na ngang buhay an
''ano sabi mo lola ang mommy ko ang dahilan kung bakit muntik na kayong mamatay ?" naluluhang tumango si Doña Fatima sa kanyang apo .Hindi niya dapat sabihin pero gusto na niyang makawala pa sa sama ng loob sa mga pamilya niya . ''shit ! ang sama ng ina ko '' napahagulgol ito matapos bumalik sa kanya ang ala ala noong libing ng pekeng urn ng lola nito noon na hindi man lang niya nakitang umiyak ito at walang paki alam . ''hayaan mo nalang iho siguro tama na at huwag mo ng isipin pa. Dapat ang gawin mo dito move on na apo mag bagong buhay ka naniniwala ako na hindi patay si Helen '' ''ramdam niyo rin ba lola ?" ''yes at alam mo bang pinahanap ko rin pero sadyang mailap siyang magtago . Siguro masyadong nasaktan si Helen '' simula nalaman niyang hindi na naging maayos ang relasyon ng kanyang apo at ni Helen ay nasaktan siya at nahihiya kay Helen dahil siya ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay nito dahil sa kanya .Alam niyang walang kapatawaran ang ginawa ni Kurt at a
(flash back)'' sorry po pero hindi ko magagawa ang pinagawa nila sa akin . Magpanggap nalang po kayong patay please lang po at baka ako po ang babalikan nila '' hindi nagulat si Doña Fatima na kaya siyang mawala ni Vilma dahil noon pa niya alam na may maitim na budhi ang kanyang manugang .Hindi niya gusto ito para kay Wesly na anak niya kung hindi lang ito buntis kay Kurt noon pinalayas na niya .Nag ampon pa sila dahil ang akala niya hindi ito magkakaroon ng anak kaya siya ang namili kay Kaizo sa bahay ampunan at natuwa silang mag asawa dahil pumayag si Wesly at Vilma .Pero nakita at nalaman niyang sinasaktan niya ang walang muwang na Kaizo noon pero baka dala lang ng sakit niya ito ang akala niya ganun pero mag isang taon na si Kaizo ay wala parin pagbabago kaya binalak nilang paalisin na ito pero sinabi ni Vilma sa kanila na buntis siya kaya habang bata pa si Kaizo noon ay nagpasya silang ilagay na sa ibang bansa dahil paulit ulit na sinasaktan parin ni Vilma at alam niyang may is
Pagpasok ni Kurt sa loob ng airport ng bansa kung saan siya ngayon ay hinintay niya ang susundo sa kanya na sinasabi ni Krindel .Hindi niya alam pero bakit napasunod siya nito gayong ang gusto niya mapag isa at magbagong buhay na wag intindihin ang pamilyang kanyang iniwan . ''Kaizo?" tawag niya sa lalaking padaan mula sa kanyang harapan . Akala niya namalik mata lang siya pero totoong ang kapatid niya ang kanyang nakita . Sinundan niya ito dala ang kanyang maleta . ''Kaizo at Max '' nakita niyang nagyakapan ang mga ito at gulat siya dahil dalawa na pala ang mga ito ng walang nakakaalam . Tinanggal niya ang suot niyang facemask at sunglasses.Gulat na tumingin sina Max at Kaizo dahil ang susunduin nila ay nasa likod lang pala nila .Kanina pa sila nag hahanap kung nasaan na ito dahil ayon sa orsa ng paglapag ay ilang minuto na ang nakalipas . ''Kurt bro !'' masayang sinalubong ni Kaizo si Kurt na tulala parin .Akala niya malalayo siya sa kanyang pamilya pero mukhang masusundan si
Napahawak ng ilong si Vilma pagpasok sa condo ng kanyang anak .Medyo nasusuka siya dahil amoy alak ang buong condo at tinignan niya ang mga nagkalat sa sala mga bote at lata ng alak . ''ano ba nangyayari sayo Kurt at hindi ka man lang magtino natanggal kana sa kompanya sana naman ayusin mo yang sarili mo .Hindi si Helen ang buhay mo Kurt '' matalim na tumitig si Kurt sa ina niyang umagang umaga nanenermon .Akala niya titigil na ang mga ito na hindi siya paki alaman dahil wala naman na silang mapakinabangan sa kanya . ''bakit kayo narito ?" malamig niyang tanong .Kumuha siya ng isang lata ng alak at ininom ito .Wala siyang paki alam kung umagang umaga umiinom siya ang sa kanya gusto niyang pahirapan ang kanyang sarili . ''ano ba Kurt sinisira mo ba ang katawan mo .May anak kayo ni Eunice kaya sana isipin mo siya gusto mo bang makita ka niyang miserable ?" ''so what anak lang niya iyon at huwag niyo akong idamay .. umalis na kayo habang matino pa ang isip ko ..Alis !!!'' sa tak
Pagdating ni Krindel sa condo ng kanyang amo ay nagkalat ng mga basag na baso at bote sa loob at mukhang pinabayaan na ni Kurt ang buhay na meron siya dahil sa pangungulila at konsensya sa nangyari kay Helen .Nanghinayang siya sa galing na meron ang kanyang amo dahil ultimo pagpasok sa opisina ay hindi magawa dahil sa paginom nito ng alak o di kaya papasok pero lasing kaya nakakagawa ng gulo sa kompanya .Lalong lalo pang nadagdagan ang dagok ng kanyang buhay simula natanggal siya sa position nito bilang CEO at tinanggal siya ng sarili niyang ama .Gusto ni Wesly magtino ang anak niya pero nabigo siya dahil abala ito sa paghahanap kay Helen at pag inom ng alak .Kaya ang pinalit niyang CEO ay ang anak niyang babae na si Krizel at nagustuhan naman ng mga ibang shareholders at boardmembers ang pakitang dilas na pinamalas ni Krizel sa kompanya . Isang dahilan kung bakit tinanggal ang anak niyang si Kurt dahil wala na itong suwisyo sa sarili hindi na alam ang pinaggagawa at yun ang utos ng ka
Sinugod sa pribadong hospital si Helen dahil walang tigil ito sa pag iisip at kakaiyak kaya nagkaroon ng anxiety at depression dahil sa mga nangyayari sa kanya .Isang linggo palang siya nanatili sa bahay ni Feliza at kahit anong pangkumbinsi sa kanya ni Feliza huwag na niyang isipin pa ang mga Bizon pero hindi parin magawa ni Helen dahil sobra sobrang sugat ang kanyang natamo dahil sa pamilyang akala niya ituturing siyang pamilya . Labis labis ang pag aalala ni Feliza ng matagpuan niya si Helen na nakahandusay sa loob ng banyo kaya sinugod nila ito sa hoppital at isa pang dahilan may bata sa kanyang sinapupunan na hindi naisip ni Helen .Ilang beses siyang nagdasal para maging maayos ang baby sa tyan nito .''dok kamusta ang mag ina ?" tanong nito agad sa doktor ni Helen . ''maayos ang lagay ng baby sa loob ng kanyang sinapupunan dahil normal heartbeat at medyo malaki na siya .Hindi lang gaano kahalata sa ina niya kasi bumaba ang timbang nito . Kailangan niyong ilayo ang pasyente di
Nilibot ni Helen ang paningin niya sa loob ng kwarto kung nasan siya ngayon . Lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang buong kabahayan .Wala siyang masabi dahil napakaganda .Kung ikukumpara niya sa bahay ni Doña Fatima ay mas maganda ang bahay na kanyang nakikita sa ngayon .''nasaan ako ?" tanong niya sa babaeng naglilinis ng sahig .Nakasuot ito ng damit pang katulong .Nagulat naman ang babae at mabilis kumaripas pumunta sa baba na siyang pinagtaka ni Helen kaya sumunod siya sa baba at tignan kung bakit bigla nalang umalis ang babaeng katulong . ''maam Feliza gising na po ang pamangkin niyo'' agad naman lumabas ng kwarto si Feliza at nakita niyang nakatulala si Helen na nakatingin sa kanya paglabas .''ano po ibig sabihin nito ?" tanong niya kay Feliza . ''halika ka iha maupo tayo at ipaliwanag ko ang lahat sayo '' niyaya niya ito sa sala at inalalayan umupo .Pinakuha niya sa katulong ang tsinelas na binili niya para kay Helen dahil paa paa ito na bumaba . '' paliwanag niyo p