(Continue flash back) ''Helen !'' abalang nag iimpake si Helen pabalik sa state dahil tapos na ang bakasyon ng kanyang amo ."hmm Kurt !!'' tinigil muna niya ang pag impake at pumunta sa pintuan dahil naroon si Kurt na nakadungaw .''may kailangan ka?" "para sayo pala !" binigay niya ang isang tangkay na rosas kasama ang isang box ng chocolate.Natanong na niya sa kanyang lola na gustong gusto ni Helen ang chocolate at red roses kaya agad siyang bumili ."para saan ito?" nagtataka man si Helen kung bakit binigyan siya ni Kurt ng flowers at chocolate ay hindi niya maiwasan kiligin ng todo .Hindi niya first time makatanggap ng ganon pero hindi niya maintindihan kung bakit parang kinikilig siya .''nga pala nag paalam ako kay Lola na ligawan kita .Pwede bang manligaw Helen?" nahihiyang saad nito . "pwede naman '' napasuntok hangin si Kurt dahil sa tuwa ."salamat Helen '' gusto niyang yakapin pero naisip niya baka ma offend ito at isipin na masyado siyang mabalis . ''nurse Helen tawa
(Continue flash back) ''dito sa park mo talaga ako dinala'' nakangiti nitong tanong . ''bakit masama ba kung dito kita dinala?" tanong nito . ''hindi naman first time ko kasi pumunta dito '' ''first time mo mag park ?" gulat nitong tanong .Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ni Helen na malayang mamasyal na walang nagbabantay ay hindi katungtong sa park . ''gustuhin man namin mamasyal noon hindi kami pinapayagan nila sister dahil delikado daw ang mundo baka daw mawala kami '' sumang ayon naman siya sa dahilan ni Helen dahil kahit siya aya hindi nakakalabas noon kung walang bantay . '' hanggang tingin lang kami sa mga parke na nadadaanan namin tuwing hinahatid kami ng service sa bahay ampunan papuntang paaralan kaya naging boring ang buhay namin noon mga bata kami hanggang nag highschool .Pero alam mo bang malaking pasasalamat ko yon sa mga tagapamahala ng bahay ampunan dahil kahit mga batang ligaw lang kami binigyan nila kami ng seguridad para hindi mapahamak '' naluha s
(continues flash back)''bakit mo ako pinapatigil sa panliligaw Helen?" malungkot nitong tanong .''dahil sinasagot na kita'' ''talaga totoo ba ang sinabi mo ?" hindi makapaniwala si Kurt sa narinig mula kay Helen hindi niya inaasahan na may goodnews siyang maririnig ngayon araw .''oo kaya pinapatigil na kitang manligaw '' mahinhin nitong saad .''oh my gosh thank you Helen '' hinila niya ito at niyakap ng mahigpit .Halos sunod sunod naman ang kabang nadarama ni Helen dahil sa kilig . ''alam mo bang ang saya saya ko thank you '' hinalikan niya ito sa noo .Hindi pa niya masabi ang katagang mahal na mahal kita dahil hindi pa naman totoo ang nararamdaman niya kay Helen . ''from now on your mine okey wag mo ng pansinin ang iba mong manliligaw '' ''wai anong hindi pansinin eh lahat ng manliligaw ko sa hospital hinaharangan mo '' natatawa nitong salita .May mga manliligaw siyang tatlo na kapwa niya nurse ang dalawa at doktor ang isa pero nung nalaman nilang manliligaw sa kanya ang apo
(continue flash back) ''kamusta ka dyan Helen?" magkalayo muna sila ng ilang buwan dahil nasa state muna ngayon si Kurt dahil nasa hospital ang Doña. ''maayos lang ako dito Kurt wag mo akong isipin kamusta pala si lola ?" nag aalala siya sa kalagayan ng Doña kaya hindi mapakali ang isip dahil doon . ''ganon ba siya sige tawag lang ako nila mommy bye Imiss you '' ''I miss you and I love you Kurt '' naluluha niyang sagot .Humiga muna siya at tinatamad siyang gumagalw dahil sobrang miss na niya si Kurt ng sobra sobra . ''Helen '' kumatok ng dalawang beses si Zia sa apartment ni Helen naroon siya para ihatid ang prutas na pinamimigay ng mga sister . ''Zi ikaw pala hmm ano yan?" ppagkabukas niya ng pintuan ay si Zia pala ang tao sa labas at nagtaka siya sa hawak nitong basket . ''mga prutas bigay nila sister sobra kasi ang binigay ng mga farmers sa bahay ampunan kaya ito nagpadala sila par kainin mo'' kahit hindi sinabi ni Helen na pumasok ay pumasok nalang siya dahil sanay
(continue flash back) '' Kurt go na !'' senyas sa kanya ni Dutch isang doktor sa kanilang hospital at barkada na niya rin .Si Dutch din ang pinagbantay niya kay Helen habang nasa state .Lalot marami parin umaaligid kahit alam na nilang girlfriend niya ito.Tumayo ang ibang katrabaho ni Helen sa kanyang harapan at isa isang nagbigay ng pulang rosas .Hanggang sa isang banner na may nakalagay na will you marry me ang huling nagpakakita sa kanya . Hinanap niya si Kurt ngunit wala ito kaya napagtanto na niya na proposal na ang magaganap .Sa isip ni Helen kaya siguro nagyayang mag outing kasama ang ibang staff ng hospital na walang duty dahil kinausap sila ni Kurt . Nag play ng musika si Dutch kasabay ng pagputok ng mga fireworks sa kalangitan .Sinamantala naman ni Kurt ang lumapit kay Helen habang abala ito sa panonood ng fireworks sa langit .''Helen!!'' malambing nitong tawag .''oh my gosh Kurt '' napatakip siya ng labi dahil sa gulat at kilig sari saring emosyon na ang kanyang nadama
"gusto ko sana magpasama sayo sa hospital" malambing na tinig ang nanggaling sa kabilang linya .Hindi muna nagsalita si Helen at agad pinatay ang tawag .Nasa banyo meeting si Kurt at naiwan siyang mag isa sa opisina .Kanina pa tumutunog ang selpon ng asawa kaya sinagot niya pero walang pangalan ang nakalagay sa numero kaya nag alinlangan siyang nagpakilala . "hospital sino?" tinignan niya mabuti ang numero na tumawag at dinial niya ito sa sariling selpon ngunit walang nagpakita . Katatapos lang ng meeting nila Kurt ay mabilis bumalik sa opisina dahil naiwan doon ang asawa na mag isa . Nakitang nakatulala ito at hawak ang selpon niya . "Helen may problema ba?" tanong nito pagkalapit. "may tumawag babae Kurt nagpapasama sa hospital!" binigay nito ang selpon at sinabi na walang pangalan ang na nakarehistro . "wrong call lang siguro .Hindi ko kilala itong numero na ito" sumangayon siya dahil yan lang din ang tangi niyang naisip kanina .Parang biglang kinabahan si Kurt dahil ang nume
"tama ba yong nakikita ko si Eunice yun!" nagtago muna siya sa gilid at tinignan kung saan pupunta si Eunice.Nakita niyang pumasok ito sa clinic ng OB ng pupuntahan niya rin sana para mag pa check up. Napapatanong na ang isip kung buntis ba ito or may sakit ba ito kay pumunta sa OB."anong ginagawa niya dito ?" tanong niya sa sarili . Lalabas na sana siya sa pinagtataguan ng makita niya si Kurt na parating at pumasok sa OB . Kunot noo natulala sa nakita .Hindi niya mawari kung tama ba ang mga nakikita niya o sadyang nagiisip lang siya ng hindi dapat."gusto ko sana magpasama sayo sa hospital" napalaki siya ng mata ng maalala niya bigla ang tumawag sa selpon ni Kurt .May kutob siya na si Eunice yon dahil ngayon niya naalala na parang hawig sa boses nito ito."hindi kaya si Eunice yon?" tanong niya ulit sarili .Pero gusto niyang manigurado .Humugot muna siya ng hangin saka nag isip ng tama .Dahil baka mamaya mamali lang siya at magalit sa kanya si Kurt.Dali dali siyang pumasok sa OB at
"nakakainis !" pinagbabato ni Eunice ang gamit na kanyang nakikita .Hindi niya matanggap ang katotohanan na buntis na rin si Helen .Masakit para sa kanya na halos gabi gabi may nangyayari sa kanila ni Kurt samanatala sa kanya inuto lang siya ni Kurt . Muli niya naalala kung paano nakiusap si Kurt sa kanya .*flash back*"please babe ginagawa ko ito dahil sa mana na ibibigay sa akin ni lola kung liligawan ko si Helen " nahuli niyang may kasama laging babae si Kurt kaya nagtanong siya kung ano niya ang babaeng kasama ."pero Kurt hindi kaba marunong tumayo sa sarili mong paa .Bakit ang lola mo pa ang susundin mo .Paano tayo hahayaan nalang kita ganon ?" napakamot ng ulo si Kurt at tahimik lang na nakayuko ."mahala sa akin ang ipapamana ni lola .Ayaw kong mapunta ito kay Kaizo kaya inunahan ko na soya babe .Please try to understand me" niyakap niya si Eunice para mas maintindihan siya.Pero tinulak lang siya nito. "paano ako Kurt ano nalang sasabihin ng mga kaibigan ko na ikaw ay may
Napahawak ng ilong si Vilma pagpasok sa condo ng kanyang anak .Medyo nasusuka siya dahil amoy alak ang buong condo at tinignan niya ang mga nagkalat sa sala mga bote at lata ng alak . ''ano ba nangyayari sayo Kurt at hindi ka man lang magtino natanggal kana sa kompanya sana naman ayusin mo yang sarili mo .Hindi si Helen ang buhay mo Kurt '' matalim na tumitig si Kurt sa ina niyang umagang umaga nanenermon .Akala niya titigil na ang mga ito na hindi siya paki alaman dahil wala naman na silang mapakinabangan sa kanya . ''bakit kayo narito ?" malamig niyang tanong .Kumuha siya ng isang lata ng alak at ininom ito .Wala siyang paki alam kung umagang umaga umiinom siya ang sa kanya gusto niyang pahirapan ang kanyang sarili . ''ano ba Kurt sinisira mo ba ang katawan mo .May anak kayo ni Eunice kaya sana isipin mo siya gusto mo bang makita ka niyang miserable ?" ''so what anak lang niya iyon at huwag niyo akong idamay .. umalis na kayo habang matino pa ang isip ko ..Alis !!!'' sa tak
Pagdating ni Krindel sa condo ng kanyang amo ay nagkalat ng mga basag na baso at bote sa loob at mukhang pinabayaan na ni Kurt ang buhay na meron siya dahil sa pangungulila at konsensya sa nangyari kay Helen .Nanghinayang siya sa galing na meron ang kanyang amo dahil ultimo pagpasok sa opisina ay hindi magawa dahil sa paginom nito ng alak o di kaya papasok pero lasing kaya nakakagawa ng gulo sa kompanya .Lalong lalo pang nadagdagan ang dagok ng kanyang buhay simula natanggal siya sa position nito bilang CEO at tinanggal siya ng sarili niyang ama .Gusto ni Wesly magtino ang anak niya pero nabigo siya dahil abala ito sa paghahanap kay Helen at pag inom ng alak .Kaya ang pinalit niyang CEO ay ang anak niyang babae na si Krizel at nagustuhan naman ng mga ibang shareholders at boardmembers ang pakitang dilas na pinamalas ni Krizel sa kompanya . Isang dahilan kung bakit tinanggal ang anak niyang si Kurt dahil wala na itong suwisyo sa sarili hindi na alam ang pinaggagawa at yun ang utos ng ka
Sinugod sa pribadong hospital si Helen dahil walang tigil ito sa pag iisip at kakaiyak kaya nagkaroon ng anxiety at depression dahil sa mga nangyayari sa kanya .Isang linggo palang siya nanatili sa bahay ni Feliza at kahit anong pangkumbinsi sa kanya ni Feliza huwag na niyang isipin pa ang mga Bizon pero hindi parin magawa ni Helen dahil sobra sobrang sugat ang kanyang natamo dahil sa pamilyang akala niya ituturing siyang pamilya . Labis labis ang pag aalala ni Feliza ng matagpuan niya si Helen na nakahandusay sa loob ng banyo kaya sinugod nila ito sa hoppital at isa pang dahilan may bata sa kanyang sinapupunan na hindi naisip ni Helen .Ilang beses siyang nagdasal para maging maayos ang baby sa tyan nito .''dok kamusta ang mag ina ?" tanong nito agad sa doktor ni Helen . ''maayos ang lagay ng baby sa loob ng kanyang sinapupunan dahil normal heartbeat at medyo malaki na siya .Hindi lang gaano kahalata sa ina niya kasi bumaba ang timbang nito . Kailangan niyong ilayo ang pasyente di
Nilibot ni Helen ang paningin niya sa loob ng kwarto kung nasan siya ngayon . Lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang buong kabahayan .Wala siyang masabi dahil napakaganda .Kung ikukumpara niya sa bahay ni Doña Fatima ay mas maganda ang bahay na kanyang nakikita sa ngayon .''nasaan ako ?" tanong niya sa babaeng naglilinis ng sahig .Nakasuot ito ng damit pang katulong .Nagulat naman ang babae at mabilis kumaripas pumunta sa baba na siyang pinagtaka ni Helen kaya sumunod siya sa baba at tignan kung bakit bigla nalang umalis ang babaeng katulong . ''maam Feliza gising na po ang pamangkin niyo'' agad naman lumabas ng kwarto si Feliza at nakita niyang nakatulala si Helen na nakatingin sa kanya paglabas .''ano po ibig sabihin nito ?" tanong niya kay Feliza . ''halika ka iha maupo tayo at ipaliwanag ko ang lahat sayo '' niyaya niya ito sa sala at inalalayan umupo .Pinakuha niya sa katulong ang tsinelas na binili niya para kay Helen dahil paa paa ito na bumaba . '' paliwanag niyo p
'' nawawala nga ang kaibigan ko bakit hintayin niyo pa ang bentekwatro oras sir '' naiiyak na saad ni Zia sa mga pulis . Hindi na siya pumasok pa sa hospital dahil gusto niyang mag focus sa paghahanap sa kanyang kaibigan. ''maam ganon po talaga ang patakaran wag kayong mag aalala pag may bentekwatro oras na gagalaw na kami agad '' madami pa siyang tinanong sa kanya at sinagot naman niya lahat ng maayos dahil sobra na siyang nag aalala kay Helen . '' may awa ang diyos tutulungan niya tayo mahanap si Helen '' kasama niya ngayon ang mga madre maghanap kay Helen . Pagsapit ng gabi ay nagsimula na rin nag imbestiga ang mga pulis na may hawak sa reklamo ni Zia tungkol sa pagkawala ni Helen . ''gandang gabi sir '' nagtatakang tumingin si Kurt sa mga pulis na nasa labas ng kanyang condo akala niya si Helen na ang nagdoorbell pero hindi pala . ''ano kailangan niyo ?" tanong nito sa kanila . ''tanong lang namin kung nakausap niyo ba sa cellphone si Helen Baizon na asawa niyo bago umal
''mahal naman talaga kita Eunice at pananagutan ko ang magiging anak natin '' naninikip ang dibdib ni Helen pagkarinig sa mga sinasabi ni Kurt kay Eunice lahat ng narinig niya ay hindi pa niya narinig na sinabi ni Kurt ang mga katagang nabitawan niya kay Eunice . Nasa condo siya ngayon para kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ni Vilma na hindi totoo ang kasal na meron sila .Sobrang sakit na ang dulot ni Kurt sa kanya . Mabilis siyang umalis sa condo ni Kurt at pumunta kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa . ''mahal mo pala ako Kurt bakit hindi mo ako pakasalan diba peke ang kasal niyo '' hindi niya alam na peke ang kasal nila ni Helen dahil ang nag ayos ng kanilang kasal ay ang ina niya . '' oo mahal kita pero Eunice noon lang yon pero si Helen na talaga ang mahal ko '' ngayon lang naisip ni Kurt na si Helen talaga ang totoo na niyang mahal at kailangan makasama habang buhay .Kaya inayos na niya ang tungkol sa kanila ni Eunice para hihingi siya ng tawad kay Helen . Kaka
''bakit gusto niyo akong makausap .Hindi pa ba sapat sa inyo na nakita kong nagloko ang anak niyong manggagamit ?" nasa restaurant sila ngayon ng kanyang hilaw ng byenan .Tumawag ito at gusto siyang makausap sa una hindi niya gustong makita ito pero dahil may nag udyok sa kanya na makipag kita siya ay pumayag na rin siya kalaunan . ''dito mo ba sa condo binili ang perang nakukuha mo kay mama ?" masamang tingin ang pinukol niya sa byenan niyang walang tama pagdating sa kanya . '' pera ? ni hindi ko pa nga ginalaw ang binigay na mana para sa akin .Sayang nga at sa akin binigay ni lola hindi sa anak niyong nanggamit lang para sana makuha '' medyo nayabangan si Vilma sa pananalita ni Helen kaya masama niya itong tinitigan .Hindi rin nagpatalo si Helen dahil kulang ang tingin na pwedeng ibigay sa byenan niyang matapobre . ''itong condo na ito matagal na regalo ni lola sa akin .Hindi ko tinanggap pero naipangalan na niya sa akin kaya no choice ako kaya tinanggap ko '' tapang tapangan m
'' may inaasahan ka bang bisita ?" nagulat silang dalawa sa tumunog na doorbell .Natahimik bigla si Helen walang nakakaalam sa kanyang condo . ''wala naman kasi ako lang ang nakakaalam dito at ikaw lang ang kauna unahan kong sinama'' ngkatinginan silang dalawa at nag isip kung ano ang dapat gawin .Tatlong beses ng nag doorbell ang tao sa labas .''sabay natin tignan '' tumayo na sila para tignan . Nagtataka siya kung saan pupunta ang kaibigan .''ano ginagawa mo?" tanong nito .''kuha ako pamalo dahil baka mamaya masamang tao yan ''''eh!!'' tinignan niya ang kinuha ni Zia at walis tambo natatawa siya sa kaibigan nito dahil masyadong advance ang mag isip . Nagkatinginan muna sila bago binuksan ni Helen samantala si Zia ay nasa likod lang ng pintuan at nakaamba ng pumalo . ''Helen ?'' kunot noo siyang tumitig kay Kurt .Hindi niya inaasahan na alam ni Kurt kung saan siya ngayon .''ano ginagawa mo dito ?" naluluha niyang salita naalala na naman niya ang sinabi ni Krizel kanina na gi
'' ano yung nalaman kong nakipag away ka kay Helen nasaan ang asawa ko saan mo siya nakita ?" nalaman ni Kurt na nagaway ang kapatid niya at asawa nito ayon sa driver niya narinig niyang inugod ni Helen ang mga ito kasama si Eunice . ''aba malay ko bakit mo ako tinatanong '' galit na singhal ni Krizel sa kuya niyang basta basta nalang magtatanong hindi man lang siya kakamustahin kung okey lang ba siya . ''ohh come on Krizel sabihin mona sa akin saan mo iniwan ang asawa ko '' gustong gusto na niyang makausap si Helen para na siyang baliw sa kakaisip kung nasaan na ito .Sinubukan niyang patignan sa isa niyang tauhan sa bahay ampunan at kumbento pero wala ito kaya nagtalaga ulit siya ng iba para mahanap ito . ''hindi ko alam dahil ang may ari ng restaurant ay pina iwan silang magkaibigan doon at wala na akong balita dyan sa magaling mong asawa .Alam niyang buntis si Eunice pero kung makasugod ay parang hindi nag iisip desperada '' naisip na naman niya ang sinabi nito tungkol sa