''mommy ano po ginagawa niyo dito ?" tanong ni Helen kay Vilma na basta basta nalang ito pumasok sa kanilang bahay . Isang malakas na sampal at sinabunutan niya ito . ''sino nagsabi sayong magpabuntis ka sa anak ko Helen .Hindi pwede na ikaw ang magdadala sa susunod na henerasyon sa aming lahi .Dahil hindi ka bagay sa aming pamilya .Alam mo bang ang tagal kong nagtimpi sayo tapos ngayon malalaman kong buntis kana pala '' minudmud niya ito mula sa salamin na mesa .Nasasaktan na ang ulo ni Helen dahil sa pagkakasabunod ng byenan nito . ''aray ko ano ba !!" pilit siyang bumangon at tinggal ang pagkakasabunot nito sa kanyang buhok dalawang beses na siyang nasaktan ng pamilya ni Kurt una si Krizel pero hinayaan niya lang dahil brat ito pero ngayon ang byenan niya . Malakas niyang tinulak ang byenan dahil sa inis .Umiiyak siya habang nakatingin sa ina ng lalaking mahal niya na patayo ito .Susugurin na sana siya ulit para sampalin ngunit naka ilag siya bago dumapo ang palad nito sa
''ano ibig sabihin nito Helen '' nahihilong bumangon si Helen sapo sapo ang ulo nito dahil sa sakit . Napatakip siya ng kumot sa katawan dahil wala siyang kahit ano mang saplot . Ang naalala niya kanina papunta na sana siya sa simbahan para mag kumpisal dahil sa nagawa niyang kawalang respeto sa byenan nito.Nadala lang siya sa galit dahil bigla bigla nalang siya sinugod ng walang dahilan sa condo ni Kurt . ''kaya ba hindi ka umuwi kagabi dahil nandito ka pala sa hotel kasama ng lalaking iyan '' tinignan niya ang lalaking nasa tabi nito wala ring saplot tulad niya habang tulog .Hindi man lang ito nagising sa lakas ng boses ni Kurt .''hindi ko alam kung bakit ako nandito .Anong pinagsasabi mong hindi ako umuwi kagabi ?" kunot noong tumitig si Kurt kay Helen nakikita niyang inosente ito dahil iyak palang alam na niya nakikita na niyang parang may mali. ''magbihis kana '' binigay nito ang mga damit niyang nagkalat sa sahig at bilis tumalima si Helen papunta sa banyo para magbihis .Wal
''parang kailan lang nawala si Doña Fatima '' nalulungkot ang mga amiga ni Vilma naroon sila para sa kanilang pasal dahil 40 days ng Doña at may kaunti silang salo salo para sa mga bisita . Hindi parin gaano nagpapansinan sina Helen at Kurt dahil nahihiyang unang pumansin si Helen sa asawa at baka iniisip nitong totoo ang mga nakita niya sa hotel nakaraang linggo . ''kinagagalak kong pumunta ka iha '' nagtatakang tumingin si Helen sa byenan nitong naging mabait na sa kanya . ''pagpasensyahan mona ako noong huli tayong nagkita iha .Hindi ko kasi gusto ang mga taong malihim kaya nagalit ako '' bulong nito hindi na niya nilakasan dahil baka marinig ng iba na masama pala ang ugali nito sa kanyang manugang . ''pasensya kana dahil hindi ko man lang inisip ang magiging baby sa tyan mo '' nag alinlangang tumugon si Helen sa yakap ng byenan pakiramdam niya nag babalat kayo na naman ito para hindi magalit si Kurt sa kanya . ''ayos na po yon " tipid nitong sagot .Pero ang totoo nawa
Taas noong papasok si Eunice sa loob ng hotel . Kailangan na niyang simulan ang dapat niyang gawin .Kung magtatagal pa ang plano niya ay lalong mahuhulog si Kurt kay Helen .'' I'm glad you comming miss Tan '' yumuko ang mga tauhan ng hotel bilang pagbati sa kanya .Si Eunice ang kinuha nila bilang magpromote sa pabukas palang na bagong hotel sa lungsod . Lahat ng mga share holder ay naroon na rin habang hinihintay siya para mag cutting ribbon kasama ang representative ng CEO. ''hindi talaga makakapunta ang may ari ng Hotel na ito ?" tanong niya sa babaeng representative ng CEO ng hotel .Kahit siya ang kinuhang model ay ni minsan hindi pa niya nakikita ito . ''just do your work Eunice '' seryoso nitong sagot habang hawak hawak nito ang gunting para sa cutting ribbon na gaganapin .Hindi pinakita ni Eunice ang inis dahil sa maattitude na babae ni minsan hindi niya ito makitang ngumiti man lang sa kanya . Kung hindi lang malaki ang bayad sa kanya hindi niya kukunin ang offer na magmod
''ipainom niyo ito sa kanya .Kung hindi niya makuha wag niyo tigilan hanggat hindi nakakainom ng ganyan ang babaeng iyon '' tinuro ni Eunice ang tahimik na naka upong Helen .Kasama nito si Kurt naiinis naman siya . Sumunod sa kanya ang tatlong inutusan niyang waiter . Ngumisi siya habang iniisip kung paano mamilipit si Helen pag nainom ang gamot na ilalagay sa inumin nito. Kailangan niyang magawa na nila ang plano dahil gusto na niyang maghiwalay ang dalawa sa lalong madaling panahon . ''ladies and gentlemen gusto ko sana sabihin na hindi makadalo ang ating CEO dahil sumama ang pakiramdam nito .Pero sana feel free to enjoy the party '' napatitig si Helen sa nagsasalitang babae sa harap . ''sayang makakausap ko na sana ang CEO '' naririnig niyang bulung bulungan ng ibang bisita . ''ayos ka lang ba?" tanong ni Kurt sa kanya . ''oo ayos lang ako okey lang ako dito kaya kung may gusto kang kausapin dyan go on na .Kuha lang ako ng kakainin medyo nakaramdam ako ng gutom '' ngumi
''ang baby ko kamusta ?" naluluhang tanong ni Helen sa doktora na papasok .''I am sorry misis Baizon hindi naagapan ang baby mo .'' malungkot nitong sagot sa payente .''anong rason bakit nawala ang baby ko dok'' para na siyang nababaliw sa nalaman .Pinangarap niyang magkaroon ng anak pero bakit nangyari sa kanya ang hindi dapat . '' sa cases mo kasi madaling nalaglag ang baby dahil maselang kang nagbuntis inshort kunting nerbyos mo lang ay talagang duduguin kana at dahil hindi ka agad naagapan ay lalong lumalala ang pagkalaglag ng anak mo misis '' tahimik lang na nakikinig si Kurt mula sa labas ng kwarto rinig na rinig niya ang iyak ni Helen at ang mga sinabi ng doktor . Lumabas siya para magpahangin kaya ng mahimasmasan na ang kanyang siya nagpasya siyang bumalik sa kwarto ng asawa dahil baka hinahanap na siya nito .Sakto sana papasok siya ng marinig nito ang pag uusap ng dalawa sa loob . Pinalabas niya muna ang doktor bago siya pumasok .Humugot muna siya ng hangin bago lumapit
''nagawa mo ba ang bilin ko ?" kausap ni Feliza ang doktor ni Helen .May pinagawa siya nito noong naisugod ng hospital ang babaeng nakilala niya sa event ng gabing iyon . ''tapos na ma'am nakakalungkot lang kasi lagi itong umiiyak simula nakalabas sila ng hospital '' pilit na ngiti ang sumilay sa labi ng Feliza .Binayaran na niya ang doktor at nagpaalam na siya .Bilin nito wala dapat makakaalam sa inutos nito . ''saan tayo ma'am?" tanong ng kanyang driver. ''nasa mall daw si Helen at gusto ko siyang makausap doon '' may mga tauhan siyang nakasunod lagi kay Helen kaya alam niyang kung saan ito nag pupunta . Nalaman niya ang pangalan nito dahil na rin sa doktor na kausap kanina . Patagong lumuluha si Helen habang tinitignan ang mga damit ng pang baby . Ito ang una niyang plano sana pag malaman na niya ang gender ng magiging baby nila ngunit wala na kaya hanggang tingin nalang siya . ''ayos ka lang ba ?" tanong ni Feliza kay Helen na patago itong umiiyak .Alam niyang umiiyak
Nakaabang si Kurt mula sa lobby ng hotel .Nakita niyang nakasakay ng isang magarang kotse si Helen .Nabukas ang bintana ng kotse kaya nakikita niya ito habang may kausap sa loob .Hindi niya masilip kung sino ang kasama sa loob dahil madilim ang banda ng kinaroroonan ng kausap nito . Nakaramdam siya ng selos dahil may ngiting sumilay sa labi ni Helen na matagal na niyang hindi nasisilayan . Naisipan niyang tawagan ito at tanungin kung nasaan na siya .''saan kana ?" nahiyang tumingin si Helen kay Feliza dahil nakalimutan niyang ipahina ang speaker ng selpon . ''nandito na baba kararating ko lang sige maya na tayo mag usap '' pinatay na niya ito at ngiting tumingin kay Feliza na nakatitig lang sa kanya . ''salamat sa paghatid ma'am.'' hinawakan ni Feliza ang likuran ng palad ni Helen na siyang kinabigla niya dahil may kakaiba siyang naramdaman sa paghaplos nito .''call me tita Feliza that the right way to call me okey '' sabay pisil sa pisngi ni Helen .Magaan ang pakiramdam niya sa
"hindi ako matatakot patayin ka Zandro mas gustuhin ko pang mawala kana kaysa makita kitang prinoprotektahan mo ang babaeng iyan" dahil sa sakit niyang nadarama hindi niya napigilang nakalabit ang baril at tumama ito kay Zandro.Hindi naman siya nagsisisi dahil tama lang ang ginawa niya . "hayop ka wala kang awa Krizel ganyan ka pala pati sa lalaking mahal mo talagang papatayin mo talaga ." umiiyak na salita ni Eunice habang yakap yakap si Zandro na may tama ng baril sa mismong tapat ng puso nito . Kahit anong kalampag ni Kurt sa pintuan ay hindi niya magawang buksan man lang dahil sinarado talaga ni Krizel .May narinig siyang putok ng baril at narinig din niya na umiiyak si Eunice habang sinisisi ang kapatid nito . "tama na iyan Krizel huwag mong ilagay ang batas sa kamay mo " nagulat siya ng biglang sumulopot si Helen.Nagtataka siya kung paano nito nalaman na naroon sila .Narinig niya ang kumakalampag na pintuan at muntik na niyang makalimutan ang kapatid nitong kinulong niya
" kung ganon alam na nila ang tungkol sa atin Zandro" akala niya kung ano ang sasabihin ni Zandro .Napalayas pala ito nakaraang araw tapos ngayon niya lang aaminin . Mababaliw na ata si Eunice.Ang dami na nilang problema sa kanilang bahay dumagdag pa ang naisiwalat tungkol sa kanila ni Zandro . "sigurado akong hindi tayo titigilan ni Krizel I know her masahol pa siya sa demonyo" natakot sila sa kayang gawin ni Krizel alam nilang pag galit ito ay walang sinasanto . ."hindi ko na alam ang gagawin ko baka idamay niya ang anak natin?" naiiyak na saad ni Eunice.Kailangan niyang balahan ang mga magulang niya na kung pwede pumunta sila sa ibang bansa kasama ang anak.Ilang sandali pa ay may tumawag ang numero ng ina"''Eunice anak '" "mama what happen bakit po kayo umiiyak?" tanong nito agad .Biglang bumukas ang video call at nakita niyang nakatali ang ina .Katabi nito ang anak nilang walang malay . "hayop ka Krizel alam ko ikaw ang may kagagawan niyan .Subukan mong galawin sila ak
'' Kurt anong ginagawa mo dito ?" 'binigay ni Kurt ang ticket na kanyang kinuha para sa kanyang ina at pamangkin . Kailangan niyang dalhin muna sa bansa kung saan maging ligtas silang dalawa .Mabuti nalang at mag kaayos na sina Helen at ang kanyang ina kaya walang rason pa na magalit siya . '' nagtaka si Vilma sa ticket na binigay nito .Nakita niyang maayos na bansa ang kanilang pupuntahan kasama ang kanyang apo . '' ingat kayo doon .May kasama kayong dalawa na makakasama nyo sa bansang pupuntahan niyo ni Zig sana po tuluyan na kayong nagbago '' naiyak na naman si Vilma dahil naalala niya kung paano naging miserable ang buhay ni Kurt dahil sa kanya . ''patawarin mo ako anak .Alam ko hindi madali ang nagawa kong kasalanan but this is the right time para humingi ng tawad '' ''tama na mama ..saka nalang tayo mag usap sa ganyang bagay pag maayos na ang lahat '' ''sana bantayan mo parin ang kapatid mo Kurt nasa panganib ang buhay niya dahil kay Zandro '' tumango lang si Kurt
"ano po ang ginagawa niyo dito?" hindi alam ni Helen ang gagawin ng makita ang kanyang bisita .Kasama ito ng kanyang lolo sa sala at maayos ang kanilang usapan . Alam ng kanayang lolo na ito ang ina ni Kurt pero bakit pinapasok niya ito sa kanilang bahay.Agad niyang hinanap si Hannah dahil baka bigla itong lalabas at makita siya ni Vilma . "don't iha she's not here, she left with Feliza."medyo nabawasan ang pag aalala ni Helen matapos marinig ang sinabi ng lolo niya .Mabuti nalang at alam nito kung ano ang nasa isip niya . "who mister Francisco?" medyo nalilitong tanong ni Vilma . " her important girl in her life !" tumango nalang si Vilma dahil hindi naman niya kilala kung sino ang important girl ni Helen .Basta ang pumasok sa kanyang isip ay ang kaibigan nito na si Zia . "ano ang ginagawa niyo dito?" tanong niya ulit dahil walang sagot sa una niyang tanong kanina . Tumayo si Vilma at yumakap sa kanya sabay paghingi ng tawad dahil sa mga nagawa niya noon .Para kay Helen w
"bakit gusto mo Kong makausap?" tanong nito kay Eunice . "lubayan mo si Kurt para sa anak namin .Maawa ka pinagbigyan na kita noon sana naman kahit sa bata lang " subukan niyang magmakaawa kay Helen baka sakali matauhan ito at makonsensya sa anak niya . Hindi niya inaasahan ang reaksyon nito . "bakit ko naman gagawin iyon .Well tama bang ipaako mo kay Kurt ang hindi niya anak" gusto niyang makita ang reaksyon nito at mukhang naenganyo siya dahil sa sinabi palang niya ay mukhang gusto na nitong manampal "anong pinagsasabi mo ?" galit nitong tanung. Kulang nalang tusukin niya ng tinidor si Helen sa kanyang harapan na abala ito sa paghiwa ng ulam . " well nalaman ko lang chinismis lang sa akin " "who?" humalakhak si Helen dahil sa itsura ni Eunice .Kulang nalang lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kanya . "relax para ka ng bubuga ng apoy niyan yun lang sinabi ko " nagpunas siya ng labi saka tumayo nawalan na siya nf ganang kumain dahil sa kaharap nitong dragon
''mommy !'' labis ang pagkagulat ni Helen sa anak nitong yumakap sa kanya .Kanina kausap niya lang ito sa cellphone . ''baby kailan kayo umuwi ?" tanong nito .Wala pala siya ng isang gabi sa bahay dahil binantayan ang ama ng anak niya .Namula bigla ang kanyang mukha ng maisip na hindi naman pagbabantay ang ginawa niya kundi nagpaubaya na naman .Parang binigyan niya ng pagkakataon ngayon si Kurt .Pero gusto pa niyang patagalin at dahil gusto na rin niyang mabuo ang pamilyang meron sila .Lalo ang kanyang anak ay naghahangad ng kalinga ng ama . ''kanina lang kami dumatin iha .Sabi ni Zia hindi ka daw umuwi kagabi ?" ''ahh eh lo may mahalaga lang akong inasikaso '' pagdadahilan nalang para hindi na mag isip pa ng kung ano ang kanyang lolo . ''really oh siya sige at kailangan ko munang magpahinga iha .Hinintay ka lang namin '' abot tainga ang ngiti sa kanyang labi pero may kunting pag alinlangan dahil narito na sa bansa ang kanyang anak .Hindi pa siya handa ipakilala sa kanya si Ku
''hindi porket may nangyari sa atin Kurt ay ayos na tayo ''' kailangan na niyang umuwi dahil ayaw niyang mas humaba pa ang samahan nila ni Kurt .Mali ang ginagawa niya dahil parang binibigyan niya ng pag asa si Kurt . '' mag hihintay ako Helen hihintayin kong mapapatawad mo ako .Hindi naman kita minamadali dahil deserve ko naman .Ang tanging pasasalamat ko lang binigyan mo ako ng closure sayo '' tipid lang na ngiti ang pinakita niya saka pumasok sa kotse .Walang lingo lingon siyang umalis . ''tama ba iyong nakikita ko ?" ''Eunice what are you doing here ?" gulat na tanong ni Kurt .Nagtataka siya kung paano nalaman ni Eunice ang kanyang bahay .Hindi pwedeng malaman nito dahil sa susunod ng linggo na uwi ng kanyang lola . '''masama bang hanapin ang bahay mo ..Kailangan ka ng anak ko Kurt hinahanap ka ng anak natin .Bigyan mo naman ng oras maawa ka kahit sa bata lang '' ''bakit ko gagawin iyan .Hindi ko anak iyang anak mo Eunice alam ko na iba ang ama hindi ako '' napatakip labi
Pigil hiningang pumasok si Helen sa gate ng bahay ni Kurt .Nasabi ni Max sa kanya ang code ng gate . Hindi na siya nagdoorbell sa may pintuan dahil sinubukan niyang buksan ito at laking pagtataka niya dahil hindi gaano nakasara. "Kurt ,,may tao ba rito?" malakas niyang boses pero walang sumasagot. Nilingon niya ang buong bahay maayos naman at mukhang walang nangyaring hindi maganda sa kanyang ex . Nagpasya siyang pumunta sa taas dahil mukhang naroon ang kwarto nito . Lahat ng doorknob ay sinubukan niyang buksan ng tumapat na siya sa pinakagilid na kwarto .Ito nalang ang pag asa niyang hindi nakalock . Pagkapihit niya sa seradura ay bumungad sa kanya ang natutulog na binata .Medyo guminhawa ang kanyang pakiramdam dahil kanina pa siya nakakaramdam ng kaba .Hindi naman siya takot sa multo pero mas takot siyang iba ang kanyang madatnan .Kung ano ano na kanina ang pumapasok sa kanyang isip . ''Kurt '' nilapitan niya ito .Mahimbing parin ang tulog at mukhang tulad niya pagod din d
" napakaformal mo naman makipag usap sa akin Helen " nasa isang event sila ngayon para magpakain ng mga bata sa bahay ampunan .Bilang pa blessings na rin sa kanilang bagong pagkakaisa bilang magkasosyo at sa bagong building na siyang pwede ng lilipatan ng mga bata. Inirapan lang siya ni Helen at lumayo sa kanya .Mula sa malayo nakamasid si Eunice sobrang selos na selos ito dahil talagang ginagawa ni Kurt makuha ang loob ni Helen ."bakit kapa bumalik " halos natitiris na sa kanyang paningin si Helen .Kung pwede lang sana patayin niya ito ay nagawa na niya sana pero mas iniisip niya parin ang repustasyon ng kanyang pamilya hindi pwedeng malagay sila sa alanganin ngayon lalo't medyo humihina ang kita ng kanilang kompanya.. -Masakit ang buong katawan ni Helen pagkauwi sa kanilang bahay.Wala rin tigil sa pagpapansin ni Kurt sa kanya kanina na siyang lalong kinapagod ng kanyang puso't isip."Zia nainlove kana ba?" wala sa sariling tanong nito .Nasa sala sila ngayon para magpahinga mada