''honey kausapin mo naman ako '' hindi alam ni Kurt kung paano niya suyuhin si Helen hindi niya din maintindihan kung bakit sinusuyo niya ito gayong dati rati hinahayaan niya lang lumipas ang sama ng loob niya ."magpapalit lang ako Kurt babalik ako doon dahil baka hanapin ako ng mommy mo'' diniin niya ang huli nitong sinabi gusto niyang makahalata si Kurt na hindi maayos ang pakikitungo ng pamilya niya sa kanya ."sige sabay na tayo " nagbihis narin si Kurt at hinintay niya sa baba si Helen dahil nagpahuli itong naligo at nagpapatuyo pa ng buhok gamit ang blower ."tama ba itong ginagawa ko .Tama bang iwaglit at hindi maniwala sa nakita ko kanina ?" kinakausap niya ang kanyang sarili para kahit papaano gumaan man lang ang nararamdaman niya sa nakita niya kanina . Pagtingin niya sarili ay hindi niya sinasadyang nag ayos siya ng maayos. Hindi siya makapaniwala na magagawa din pala niya mag ayos ng sarili .Dahil gabi na ay kailangan nilang bumalik at walang tulugan dahil isang gabi la
''diba siya yung ampon ng Donya ?" bulong bulungan ng mga tao mula sa lamay .Hindi naman inintindi ni Kaizo dahil totoo naman na ampon lang siya ng Donya . Abala naman si Helen sa pakikipag usap sa mga madrea na pumunta .Masaya siya dahil nakapunta ang mga ito kasama si Zia . "ayyy be look ang gwapo naman ng kasama ng asawa mo .Makalaglag panty " bulong ni Zia sa kay Helen at natawa siya dahil narinig siya ng mga madre . "Zia your mouth hindi sinasabi ng isang dalaga ang ganya " kagat labing yumuko si Zia dahil sa sermon ni sister Faith sa kanya . "hayaan muna sister humahanga lang ang bata " laking ngiti niya kay sister Lory dahil sa pagtatanggol nito sa kanya . "kaya ganyan ang batang yan sister Lory kinukunsinti mo " sa lahat ng sister na nag alaga sa kanila ay si sister Faith lang ang pinakamasungit sa lahat . "tara na kay Father sister baka magsimula naang misa para sa patay mamaya at baka may ipagawa sa atin " nag paalam muna ang mga madre kila Helen at Zia para punt
"anong drama naman yon Helen ?" mabilis na hinila ni Vilma ang manugang nitong pa epal ."anong drama na pinagsasabi niyo .Bitawan niyo nga ako " tinignan niya ito ng masama para bitawan ang braso nitong hawak hawak niya .Hindi niya gusto ang inaasta ng kanyang byenan at hindi na normal na hahayaan niya lang ."dapat magpakabait ka dahil wala na ang sinasabi mong nag iisang kakampi mo " tumawa lang siya at lumayo sa byenan niya .Ayaw niyang ipakita na kayang kaya nila ang tulad niya dahil gusto niyang ipakita na matapang siya."ano naman ngayon kung wala na si lola?" taas noo niyang tinignan mula ulo hanggang pababa ."matapang kana ngayon .Tandaan mo gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo ng anak ko .Ang sampit na tulad mo hindi nararapat sa pamilyang ito " tatalikod na sana si Vilma ng hinaglit ni Helen ang braso nito ."subukan mo at ako mismo ang makakalaban mo .Akala mo wala akong alam na anumalya mo ?" tapang tapangan lang siya pero ang totoo nanghihina na ang kanyang tuhod
"paalam lola !!!" yakap yakap ni Kurt ang kanyang asawa na walang tigil sa pag iyak . "bakit ganon kung kailan kakaasawa palang natin saka naman siya nawala gusto pa niya makita ang kanyang apo " nalulungkot siya surpresa niya sana ang pagdadalang tao niya pero hindi man lang niya ito nalaman bago nawala ang taong naging dahilan para maging buo siya ." thats life honey talagang ganyan ang buhay .Masaya na si lola ngayon para sayo honey " nagpunas siya ng luha at nakita niyang sila nalang pala ang naiwan sa sementery .Hindi niya pala namamalayan na umalis na ang iba ."tara na honey dahil naroon na raw sa mansion ang aboga ni lola" magkahawak kamay sila papunta sa kotse .Lumingon ulit si Helen sa pinagtabunan sa abo ng Donya tinabi ito sa kanyang asawa at exclusive cemetery ang pinaglibingan ."kamusta ang last will ni mama pwede bang sabihin mo sa akin attorney" atat na si Vilma malaman ang tungkol sa last will hindi na siya makapag hintay na malaman na malaki ang mana na makukuha n
"WHAT !!! paanong nangyari ang ganong bagay napakaswete naman ng babaeng yan ! '' hindi makapaniwala si Eunice sa kanyang nalaman .Ang buong akala niya kay Kurt mapupunta ang lupang maraming nag aabang na bilhin sa cavite dahil nasa bayan ito at magandang magpatayo ng negosyo sa lupang iyon dahil malawak ."bakit anak?" tanong ng kanyang ina na palapit sa kanya .Sumenyas muna siya na may kausap ito sa selpon kaya umupo nalang si Gina sa upuan na naroon sa paligid ng round table at nilapag ang juice na kinuha niya para sa kanilang meryenda ."sige sige " pinatay na niya ang tawag ni Krizel at naiinis na umupo ."ano ba nangyari at mukhang masamang balita yang nalaman mo?'' seryoso nitong tanong dahil naka simangot ang kanyang anak at mahigpit ang pagkakahawak nito sa baso."yeah mom its a bad news nga .Alam mo bang si Helen daw ang may pinakamalaking mana at yung inaasahan ni Kurt ay wala pa sa kalahati sa mana ni Helen " uminom ito ng juice dahil parang nag iinit ang kanyang mukha dah
''ganyan naba Kurt hindi mo na ako kikakausap" galit na sinara ni Eunice ang pintuan ng opisina ni Kurt . "I dont have time Eunice " tinuloy niya ang pagbabasa ng mga report . "paano ako Kurt paano ang anak natin ?" napatigil sa pagsusulat si Kurt at inayos ang pagkakaupo . "hindi kita pwedeng panagutan Eunice alam mong kakaayos lang ng relasyon namin ni Helen " "what ganon nalang Kurt nangako ka sa akin na after mo makuha ang mana mo ay hihiwalayan mona ang asawa mo .Pumayag akong gamitin mo siya pero yung ganyan naman na tatalikuran mo ako sana hindi nalang ako pumayag " totoong iyak na talaga ang pinakita niya kay Kurt hindi niya alam pero nasasaktan na siya sa pambabalewala ni Kurt sa kanya . "ilang ulit ko noon sinabi Eunice na layuan muna ako pero ikaw itong laging lumalapit sa akin at syempre lalaki ako malamang maakit mo ako lalot umiiwas ako noon kay Helen " dahil hindi matanggang ni Eunice ang narinig mula kay Kurt ay binato niya ito ng libro na nakapatong sa mesa
(continue flash back) Masaya silang umuwi dahil nag enjoy sila sa lahat ng kanilang ginawa sa park .Marunong na rin si Helen mag skating at gusto niya ulit bumalik doon . Nag iimpake na si Kurt ng sumilip si Helen sa kanya . "tulungan kita gusto mo ?" pagkusa nitong saad . "pwede ba ?" nahihiyang tumingin si Kurt kay Helen dahil hindi siya marunong magtupi ng damit . "sus parang bata kung magtupi ganito dapat para kasya ang paglalagyan mong maleta " tinuro ni Helen ang kung paano mag tupi ng maayos .Nagtaka si Kurt dahil nagkasya ang dala niyang gamit sa iisang maleta . "really wow !! napagkasya mo ang damit ko sa iisang maleta " walang laman ang isa niyang maleta dahil nasa isa na at masaya siya dahil iisang maleta nalang ang bitbitin niya . "Oo pero mas bumigat dahil pinagkasya ko dyan " "ayos lang basta iisa lang ang dala ko " sinubukan niya itong buhatin at kaya pa naman niya kaya nagpasalamat niya kay Helen . "kain na daw sabi ni lola " "sige sunod ako " inayos niya a
(Continue flash back) ''Helen !'' abalang nag iimpake si Helen pabalik sa state dahil tapos na ang bakasyon ng kanyang amo ."hmm Kurt !!'' tinigil muna niya ang pag impake at pumunta sa pintuan dahil naroon si Kurt na nakadungaw .''may kailangan ka?" "para sayo pala !" binigay niya ang isang tangkay na rosas kasama ang isang box ng chocolate.Natanong na niya sa kanyang lola na gustong gusto ni Helen ang chocolate at red roses kaya agad siyang bumili ."para saan ito?" nagtataka man si Helen kung bakit binigyan siya ni Kurt ng flowers at chocolate ay hindi niya maiwasan kiligin ng todo .Hindi niya first time makatanggap ng ganon pero hindi niya maintindihan kung bakit parang kinikilig siya .''nga pala nag paalam ako kay Lola na ligawan kita .Pwede bang manligaw Helen?" nahihiyang saad nito . "pwede naman '' napasuntok hangin si Kurt dahil sa tuwa ."salamat Helen '' gusto niyang yakapin pero naisip niya baka ma offend ito at isipin na masyado siyang mabalis . ''nurse Helen tawa
'' Kurt anong ginagawa mo dito ?" 'binigay ni Kurt ang ticket na kanyang kinuha para sa kanyang ina at pamangkin . Kailangan niyang dalhin muna sa bansa kung saan maging ligtas silang dalawa .Mabuti nalang at mag kaayos na sina Helen at ang kanyang ina kaya walang rason pa na magalit siya . '' nagtaka si Vilma sa ticket na binigay nito .Nakita niyang maayos na bansa ang kanilang pupuntahan kasama ang kanyang apo . '' ingat kayo doon .May kasama kayong dalawa na makakasama nyo sa bansang pupuntahan niyo ni Zig sana po tuluyan na kayong nagbago '' naiyak na naman si Vilma dahil naalala niya kung paano naging miserable ang buhay ni Kurt dahil sa kanya . ''patawarin mo ako anak .Alam ko hindi madali ang nagawa kong kasalanan but this is the right time para humingi ng tawad '' ''tama na mama ..saka nalang tayo mag usap sa ganyang bagay pag maayos na ang lahat '' ''sana bantayan mo parin ang kapatid mo Kurt nasa panganib ang buhay niya dahil kay Zandro '' tumango lang si Kurt
"ano po ang ginagawa niyo dito?" hindi alam ni Helen ang gagawin ng makita ang kanyang bisita .Kasama ito ng kanyang lolo sa sala at maayos ang kanilang usapan . Alam ng kanayang lolo na ito ang ina ni Kurt pero bakit pinapasok niya ito sa kanilang bahay.Agad niyang hinanap si Hannah dahil baka bigla itong lalabas at makita siya ni Vilma . "don't iha she's not here, she left with Feliza."medyo nabawasan ang pag aalala ni Helen matapos marinig ang sinabi ng lolo niya .Mabuti nalang at alam nito kung ano ang nasa isip niya . "who mister Francisco?" medyo nalilitong tanong ni Vilma . " her important girl in her life !" tumango nalang si Vilma dahil hindi naman niya kilala kung sino ang important girl ni Helen .Basta ang pumasok sa kanyang isip ay ang kaibigan nito na si Zia . "ano ang ginagawa niyo dito?" tanong niya ulit dahil walang sagot sa una niyang tanong kanina . Tumayo si Vilma at yumakap sa kanya sabay paghingi ng tawad dahil sa mga nagawa niya noon .Para kay Helen w
"bakit gusto mo Kong makausap?" tanong nito kay Eunice . "lubayan mo si Kurt para sa anak namin .Maawa ka pinagbigyan na kita noon sana naman kahit sa bata lang " subukan niyang magmakaawa kay Helen baka sakali matauhan ito at makonsensya sa anak niya . Hindi niya inaasahan ang reaksyon nito . "bakit ko naman gagawin iyon .Well tama bang ipaako mo kay Kurt ang hindi niya anak" gusto niyang makita ang reaksyon nito at mukhang naenganyo siya dahil sa sinabi palang niya ay mukhang gusto na nitong manampal "anong pinagsasabi mo ?" galit nitong tanung. Kulang nalang tusukin niya ng tinidor si Helen sa kanyang harapan na abala ito sa paghiwa ng ulam . " well nalaman ko lang chinismis lang sa akin " "who?" humalakhak si Helen dahil sa itsura ni Eunice .Kulang nalang lamunin siya nito ng buhay dahil sa galit nito sa kanya . "relax para ka ng bubuga ng apoy niyan yun lang sinabi ko " nagpunas siya ng labi saka tumayo nawalan na siya nf ganang kumain dahil sa kaharap nitong dragon
''mommy !'' labis ang pagkagulat ni Helen sa anak nitong yumakap sa kanya .Kanina kausap niya lang ito sa cellphone . ''baby kailan kayo umuwi ?" tanong nito .Wala pala siya ng isang gabi sa bahay dahil binantayan ang ama ng anak niya .Namula bigla ang kanyang mukha ng maisip na hindi naman pagbabantay ang ginawa niya kundi nagpaubaya na naman .Parang binigyan niya ng pagkakataon ngayon si Kurt .Pero gusto pa niyang patagalin at dahil gusto na rin niyang mabuo ang pamilyang meron sila .Lalo ang kanyang anak ay naghahangad ng kalinga ng ama . ''kanina lang kami dumatin iha .Sabi ni Zia hindi ka daw umuwi kagabi ?" ''ahh eh lo may mahalaga lang akong inasikaso '' pagdadahilan nalang para hindi na mag isip pa ng kung ano ang kanyang lolo . ''really oh siya sige at kailangan ko munang magpahinga iha .Hinintay ka lang namin '' abot tainga ang ngiti sa kanyang labi pero may kunting pag alinlangan dahil narito na sa bansa ang kanyang anak .Hindi pa siya handa ipakilala sa kanya si Ku
''hindi porket may nangyari sa atin Kurt ay ayos na tayo ''' kailangan na niyang umuwi dahil ayaw niyang mas humaba pa ang samahan nila ni Kurt .Mali ang ginagawa niya dahil parang binibigyan niya ng pag asa si Kurt . '' mag hihintay ako Helen hihintayin kong mapapatawad mo ako .Hindi naman kita minamadali dahil deserve ko naman .Ang tanging pasasalamat ko lang binigyan mo ako ng closure sayo '' tipid lang na ngiti ang pinakita niya saka pumasok sa kotse .Walang lingo lingon siyang umalis . ''tama ba iyong nakikita ko ?" ''Eunice what are you doing here ?" gulat na tanong ni Kurt .Nagtataka siya kung paano nalaman ni Eunice ang kanyang bahay .Hindi pwedeng malaman nito dahil sa susunod ng linggo na uwi ng kanyang lola . '''masama bang hanapin ang bahay mo ..Kailangan ka ng anak ko Kurt hinahanap ka ng anak natin .Bigyan mo naman ng oras maawa ka kahit sa bata lang '' ''bakit ko gagawin iyan .Hindi ko anak iyang anak mo Eunice alam ko na iba ang ama hindi ako '' napatakip labi
Pigil hiningang pumasok si Helen sa gate ng bahay ni Kurt .Nasabi ni Max sa kanya ang code ng gate . Hindi na siya nagdoorbell sa may pintuan dahil sinubukan niyang buksan ito at laking pagtataka niya dahil hindi gaano nakasara. "Kurt ,,may tao ba rito?" malakas niyang boses pero walang sumasagot. Nilingon niya ang buong bahay maayos naman at mukhang walang nangyaring hindi maganda sa kanyang ex . Nagpasya siyang pumunta sa taas dahil mukhang naroon ang kwarto nito . Lahat ng doorknob ay sinubukan niyang buksan ng tumapat na siya sa pinakagilid na kwarto .Ito nalang ang pag asa niyang hindi nakalock . Pagkapihit niya sa seradura ay bumungad sa kanya ang natutulog na binata .Medyo guminhawa ang kanyang pakiramdam dahil kanina pa siya nakakaramdam ng kaba .Hindi naman siya takot sa multo pero mas takot siyang iba ang kanyang madatnan .Kung ano ano na kanina ang pumapasok sa kanyang isip . ''Kurt '' nilapitan niya ito .Mahimbing parin ang tulog at mukhang tulad niya pagod din d
" napakaformal mo naman makipag usap sa akin Helen " nasa isang event sila ngayon para magpakain ng mga bata sa bahay ampunan .Bilang pa blessings na rin sa kanilang bagong pagkakaisa bilang magkasosyo at sa bagong building na siyang pwede ng lilipatan ng mga bata. Inirapan lang siya ni Helen at lumayo sa kanya .Mula sa malayo nakamasid si Eunice sobrang selos na selos ito dahil talagang ginagawa ni Kurt makuha ang loob ni Helen ."bakit kapa bumalik " halos natitiris na sa kanyang paningin si Helen .Kung pwede lang sana patayin niya ito ay nagawa na niya sana pero mas iniisip niya parin ang repustasyon ng kanyang pamilya hindi pwedeng malagay sila sa alanganin ngayon lalo't medyo humihina ang kita ng kanilang kompanya.. -Masakit ang buong katawan ni Helen pagkauwi sa kanilang bahay.Wala rin tigil sa pagpapansin ni Kurt sa kanya kanina na siyang lalong kinapagod ng kanyang puso't isip."Zia nainlove kana ba?" wala sa sariling tanong nito .Nasa sala sila ngayon para magpahinga mada
Hindi inaasahan ni Helen makikita niya si Kurt ulit sa bahay ampunan naroon sila ngayon para tignan ang mga kulang na materials sa ipapatayo nilang bagong tirahan ng mga batang ulila .Medyo may kalumaan na rin kasi ang dati nilang tinitirahan noong mga bata sila . Napahawak siya ng noon ka partner niya pala ito sa pag build up ng orphanage hindi niya matanggihan dahil para na rin ito sa mga bata at madrea .Malaking pera na rin ang ibinigay ni Kurt sa account ng pag bulid up sa bahay ampunan. Silang lang dalawa at mukhang magkasama sila ng matagal . Kurt was glad na makita ulit si Helen walang gabi na hindi niya ito inisip kaya nung nalaman niya kay Max na nag hahanap ito na kosyo sa pagpapagawa ng orphanage ay agad siyang gumawa ng proposal gamit ang assistant ng kanyang lola .Dahil kung pangalan niya ang mismong gagamitin baka itaboy lang siya nito . Akala niya ay wala ng pag asa pa na magkita pa sila nito .Umupo siya sa upuan na bakal na naroon sa isang kubo .Nakatapat niya si H
''kaya pala kahawig siya ng aking yumaong kaibigan noon apo hindi ako makapaniwala na nagkatotoo ang pangarap naming dalawa na balang araw magkakatuluyan ang anak namin .Pero hindi nangyari dahil nga hindi talaga tinadhana . Nagagalak akong malaman na sa apo pala namin matutupad ang mga bagay na pinangarap namin noon '' nagpunas ng luha si Doña Fatima dahil sa saya .Pero nalungkot siya dahil nasaktan pala ng pamilya niya ang apo ng kanyang kaibigan na si Helena . ''paano ko siya maibabalik la .Sobrang galit na galit siya sa akin .Lalong lalo na sa ating pamilya .'' lalong nalungkot si Fatima dahil baka pati sa kanya galit ito dahil hinayaan lang niyang saktan si Helen at walang ginawa .''do it every Kurt win her heart kung kailangan lumuhod tayo gagawin ko .I miss Helen '' parang gusto na niyang makipagkita kay Helen . ''siguro maghintay muna tayo ng tamang pagkakataon la bago ka magpakita kay Helen hindi ito ang tamang panahon pa . Gusto ko munang mapalapit sa kanya at magsimul