Pilit pinapaniwala ni Helen ang sarili na bumabawi na sa kanya si Kurt laging malambing na ito ng ilang araw nilang pagsasama sa condo na siyang hindi niya naramdaman noong nasa mansion sila .Masama ang pakiramdam niya ngayon sa hindi niya maintindihan na dahilan ."dalhin naba kita sa hospital?" tanong sa kanya ni Kurt pagkarating nito galing trabaho ."ano kaba lagnat lang to hospital agad ayos lang ako " umayos naman ang pakiramdam niya dahil sa uminom siya ng mga herbal na pampababa ng lagnat .Hindi niya gusto uminom ng mga gamot na galing sa pharmasya dahil iniingatan niya ang sarili lalong lalo na ang matress niya para magbuntis siya agad dahil yon ang gusto ni Kurt ."wait lang honey sagutin ko lang tawag ni mommy" tumayo muna si Kurt at sinagot ang tawag ng ina ."what!!!?" nabigla siya dahil sa gulat na nakita niya kay Kurt ."anong nangyari Kurt !!" pinilit niyang tumayo kahit nanghihina at nahihilo parin siya .Dalawang araw ng wala siyang ganang kumain ."si lola wala na s
"anong nangyari Maxy? " naluluhang humarap si Maxy sa anak ng kanyang amo hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa nangyari ang buong akala niya maayos lang ang lahat ."yung doktor nalang po ang tanungin niyo sir!" nakayuko niyang saad . Wala siyang alam na ipaliwanag dahil pati siya ay gulat at hindi makapaniwala kaya hindi niya masagot sagot ang tawag ni Helen sa kanya dahil wala pa siyang alam . Lumapit ang doktor sa kanila nasa loob parin ng morgue ang katawan ng Donya at hindi pa sila pwedeng pumasok. "We did not save your mother in the second surgery we had previously explained that the second surgery was dangerous and the patient was old enough so her body was unable to cope with the second surgery to remove the other part of cancer " hindi na umimik pa si Wesly at Kurt dahil buo ang tiwala ng binigay nila sa mga doktor at noon pa nila pinaliwanag na malabong maging successful ang iperasyon lalot maisagawa ito sa pangalawa .Buntong hininga lang si Maxy at tahimik na nakiki
'' bakit ngayon ka lang tumawag Max.Ano nangyari bakit ganon si lola ?" napahagulgol nalang siya sa mga kwento ni Maxy sa kanya ."kaya pakatatag ka Helen !" paano siya magpakatatag kung wala na ang taong tanging kakampi niya at nag buo sa pagkatao niya ."tahan na wag ka ng umiyak may rason kung bakit wala na siya .Ang dapat mong harapin ngayon ay yang pamilya ng asawa mo " kunot noo siyang tumingin sa screen hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang sinasabi ng kanyang kaibigan ."hindi kita maintindihan Max !" "wala ang ibig kung sabihin kailangan mong makitungo ng maayos sa mga yan para sila ang magiging kakampi mo ulit " hinuhuli lang ni Maxy ang kaibigan kung tama ba ang nalaman niya na hindi siya pinakikitunguhan ng maayos ."ayos lang ako dit Max wag mo akong intindihin yung labi ni lola kailang iuwi ?" "ay baka abo lang niya ang maiuwi dyan besh dahil yun ang request ng Donya '' naiyak na naman siya dahil hindi man lang niya makikita pa ang Donya .Kung alam niya lang na
"Kurt !" pagkarating nila ng mansion ay agad tinawag ni Eunice si Kurt para kausapin ."bakit?" matamlay nitong sagot . Nakaramdam ng pagod si Kurt dahil sa papuntat balik nila para kunin ang kanyang lola. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na wala na ito. "pwede ba tayong mag usap may mahalaga lang akong sasabihin " tumango si Kurt at tumungo sa balcony ng mansion para doon sila mag usap .Ang alam niya masakita ang puson ni Eunice pero sa nakikita niya ay umayos na ito ."i miss you" hindi napigilan ni Eunice yakapin ang nobyo gusto na niyang makasama ito at namimiss na niya hindi siya makatulog ng maayos dahil iba ang pumapasok sa kanyang isip tuwing naiisip niyang magkasama sa iisang bubong sina Helen at Kurt . "Eunice baka may makakita sa atin !" pilit na lumayo si Kurt sa kanya at tumingin sa paligid ."what for Kurt wala na ang lola mo na tanging dahilan para magtago pa tayo sa relasyon natin " medyo nasaktan siya sa pag iwas at parang malamig na pakitungo ni Kurt s
''honey kausapin mo naman ako '' hindi alam ni Kurt kung paano niya suyuhin si Helen hindi niya din maintindihan kung bakit sinusuyo niya ito gayong dati rati hinahayaan niya lang lumipas ang sama ng loob niya ."magpapalit lang ako Kurt babalik ako doon dahil baka hanapin ako ng mommy mo'' diniin niya ang huli nitong sinabi gusto niyang makahalata si Kurt na hindi maayos ang pakikitungo ng pamilya niya sa kanya ."sige sabay na tayo " nagbihis narin si Kurt at hinintay niya sa baba si Helen dahil nagpahuli itong naligo at nagpapatuyo pa ng buhok gamit ang blower ."tama ba itong ginagawa ko .Tama bang iwaglit at hindi maniwala sa nakita ko kanina ?" kinakausap niya ang kanyang sarili para kahit papaano gumaan man lang ang nararamdaman niya sa nakita niya kanina . Pagtingin niya sarili ay hindi niya sinasadyang nag ayos siya ng maayos. Hindi siya makapaniwala na magagawa din pala niya mag ayos ng sarili .Dahil gabi na ay kailangan nilang bumalik at walang tulugan dahil isang gabi la
''diba siya yung ampon ng Donya ?" bulong bulungan ng mga tao mula sa lamay .Hindi naman inintindi ni Kaizo dahil totoo naman na ampon lang siya ng Donya . Abala naman si Helen sa pakikipag usap sa mga madrea na pumunta .Masaya siya dahil nakapunta ang mga ito kasama si Zia . "ayyy be look ang gwapo naman ng kasama ng asawa mo .Makalaglag panty " bulong ni Zia sa kay Helen at natawa siya dahil narinig siya ng mga madre . "Zia your mouth hindi sinasabi ng isang dalaga ang ganya " kagat labing yumuko si Zia dahil sa sermon ni sister Faith sa kanya . "hayaan muna sister humahanga lang ang bata " laking ngiti niya kay sister Lory dahil sa pagtatanggol nito sa kanya . "kaya ganyan ang batang yan sister Lory kinukunsinti mo " sa lahat ng sister na nag alaga sa kanila ay si sister Faith lang ang pinakamasungit sa lahat . "tara na kay Father sister baka magsimula naang misa para sa patay mamaya at baka may ipagawa sa atin " nag paalam muna ang mga madre kila Helen at Zia para punt
"anong drama naman yon Helen ?" mabilis na hinila ni Vilma ang manugang nitong pa epal ."anong drama na pinagsasabi niyo .Bitawan niyo nga ako " tinignan niya ito ng masama para bitawan ang braso nitong hawak hawak niya .Hindi niya gusto ang inaasta ng kanyang byenan at hindi na normal na hahayaan niya lang ."dapat magpakabait ka dahil wala na ang sinasabi mong nag iisang kakampi mo " tumawa lang siya at lumayo sa byenan niya .Ayaw niyang ipakita na kayang kaya nila ang tulad niya dahil gusto niyang ipakita na matapang siya."ano naman ngayon kung wala na si lola?" taas noo niyang tinignan mula ulo hanggang pababa ."matapang kana ngayon .Tandaan mo gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo ng anak ko .Ang sampit na tulad mo hindi nararapat sa pamilyang ito " tatalikod na sana si Vilma ng hinaglit ni Helen ang braso nito ."subukan mo at ako mismo ang makakalaban mo .Akala mo wala akong alam na anumalya mo ?" tapang tapangan lang siya pero ang totoo nanghihina na ang kanyang tuhod
"paalam lola !!!" yakap yakap ni Kurt ang kanyang asawa na walang tigil sa pag iyak . "bakit ganon kung kailan kakaasawa palang natin saka naman siya nawala gusto pa niya makita ang kanyang apo " nalulungkot siya surpresa niya sana ang pagdadalang tao niya pero hindi man lang niya ito nalaman bago nawala ang taong naging dahilan para maging buo siya ." thats life honey talagang ganyan ang buhay .Masaya na si lola ngayon para sayo honey " nagpunas siya ng luha at nakita niyang sila nalang pala ang naiwan sa sementery .Hindi niya pala namamalayan na umalis na ang iba ."tara na honey dahil naroon na raw sa mansion ang aboga ni lola" magkahawak kamay sila papunta sa kotse .Lumingon ulit si Helen sa pinagtabunan sa abo ng Donya tinabi ito sa kanyang asawa at exclusive cemetery ang pinaglibingan ."kamusta ang last will ni mama pwede bang sabihin mo sa akin attorney" atat na si Vilma malaman ang tungkol sa last will hindi na siya makapag hintay na malaman na malaki ang mana na makukuha n
'' Hindi ko masasabing tamang pagkakataon ito pero dahil lumalawak na rin ang business na under sa mga Francisco . I'm glad to say everything about the long lost heiress.Hindi ko inaasahan na makita namin ang nawawalang apo ni Don Franco . a decades bago namin siya nahanap at talagang tinulungan kami ng panginoon dahil ang apo ng Don ay nasa malapit lang pala sa amin . This is under the law but this is apporved by law .'' pinakita ni Feliza ang resulta ng DNA mula sa screen .Nagulat ang lahat at napapisip ang lahat ayon kay Feliza nasa malapit lang sa kanila .Lahat ay may agam agam at nag iisip kung sino ang maswerteng tagapagmana ng mga Francisco inheritance.Alam nilang wala na itong anak at wala rin mga kapatid kaya naiinggit ang iba kung sino man ang apo niro . ''pinapatagal pa eh '' inis na saad ni Krizel. ''huwag kang mainipin honey kahit sino naman kasi talagang pag hahandaan lalot taga pag mana na iyan .'' hindi nalang niya sinagot si Zandro at tinuon ang mata sa harap .
'' I never imagine beshy sobrang ganda mo dyan sa dress mo '' kinikilig si Zia habang tinitigan ang kaibigan nito .Ibang iba na talaga ang Helen noon at ngayon .Kahit sino mapapalingon sa alindog na meron ang kaibigan .Parang hindi ito nanganak dahil sa ganda ng hubog ng katawan . "salamat Zi ikaw din ang ganda mo .Tara na at baka kanina pa nila tayo hinihintay" nagpasya na silang bumaba .May nakaabang na rin sa kanilang mga bodyguard papunta sa venew kung saan gaganapin ang event . "maayos naba lahat parating na sila Helen!" tumango ang assistant ni Feliza at sinabi sa kanya lahat ng nagaganap sa labas . Nagsidatingan na rin ang mga imbitado . "yung mga sadya natin dumating naba?" alam na ni Joana kung sino ang tinutukoy ng kanyang amo ."wala pa ma'am!" "libangin niyo muna ang mga bisita mahintay tayo baka darating din sila!" palpak ang kanilang plano pag walang dumating kahit isa sa mga Bizon. Gusto niyang masilayan nila ang pagpapakilala niya kay Helen bilang isang heiress n
Nagtataka si Zandro sa galit nitong asawa na kapapasok lang sa kanyan opisina .Sanay na siyang makitang galit ito kaya minsan hindi na niya pinapakinggan ang hinain niyang paulit ulit . ''whats the problem honey? '' pagkahaplos niya sa balikat ni Krizel ay tumahimik bigla ito .Alam niyang sa paglalandi lang nakukuha ang kanyang asawa pag mainit ang ulo . ''stop Zandro . alam mo bang hindi pala sa hotel magaganap ang big event dahil itong walang hiyang babae sa mismong hotel pala nila ito gaganapin .Arrggg nakakainis '' bigla nadismaya at wala ng gana si Zandro sa narinig .Pinagmayabang pa naman niya ito sa mga kapwa niya negosyante .Pera na naging bato pa biglang nainis si Zandro dahil naloko sila . Tinanggihan nila ang isang event para lang doon pero hindi pala matutuloy at kalaban pala nila sa negosyo ang nagkunwaring magpareserve . ''pasok !'' formal silang umupo at hinintay ang secretary niyang may dalang foder . ''maam according po sa F and F hotel kinukuha na nila ang din
'' may invitation silang binigay sa akin lola .'' binigay ni Kurt ang invitation na kinuha niya sa kanilang bahay .Dalawa ito at mukhang nakalimutan ng nagbigay na wala na siyang asawa . ''pupunta kaba ?" tanong ni Fatima sa apo nito . ''kayo po lola kung pupunta ba ako ?" kung siya ang masusunod hindi niya gustong pumunta sa event dahil wala naman siyang sadya doon . ''pumunta ka Kurt .Huwag mong isipin ang pamilya mo pumunta ka mag isa mo at lumayo muna sa kanila '' ngumiti lang siya at nag isip kung tama bang pupunta siya . Parang wala naman rason na puntahan niya ang event .Kaya sila umuwi ng pinas dahil gusto nilang maayos ang hospital na pinabayaan ng kanyang ina . Nalulugi na ito at nalaman nilang gusto na nilang ibenta . ''paano pala ang hospital la ?" naghihingalo na pala ito ayon kay Krindel pinababayaan at nikawan ng pera kaya wala ng gaanong nagtitiwala sa hospital at ang ibang investor ay umatras na rin dahil palugi na ang hospital . ''pag maayos ng lawye
''ahhhh nakakainis '' kakauwi niya lang pero hindi mawala sa kanyang isip ang nangyari kanina .Hindi siya makapaniwala na ganun na ang isip ng kanyang pinsan .Nag aalala siya dahil baka nauntog ito at nawalan ng malay kaya pumatol sa lalaking nanakit sa kaibigan nila . ''ang ano ?" nagugulat siya sa biglang sigaw ni Zia pagkauwi galing sa bahay ampunan .Akala niya ngiting abot tainga ang makikita niyang itsura nito pag uwi pero nagkakamali pala siya dahil ibang reaksyon ang nakita niya kay Zia . ''alam mo bang nakita ko si Max sa bahay ampunan '' natuwa siya sa narinig kaya lalo siyang lumapit kay Zia . ''talaga ..paano bakit hindi mo ako tinawagan para magkita kita naman tayong tatlo '' kagat labing tumingin si Zia sa kaibigan . Nakalimutan niya involve ang dating niyang asawa sa kanyang nasaksihan kanina . Sumimangot siya dahil gaya ni Helen labis ang tuwa niya pagkakita kay Max pero napalitan ng inis dahil sa nalaman niyang relasyon ng dalawa. ''huwag kang matuwa kasi ala
Kababa lang ni Zia sa sasakyan at tinawagan nito ang isang tauhan na tutulong sa kanya para ilagay ang mga box na naglalaman sa mga pasalubong nila sa mga bata .Mahigit isang daan ang mga bata sa bahay ampunan kaya medyo marami rami ang kanilang dala.Kasama na rin ang mga pasalubong nila sa mga namamahala sa bahay ampunan. Sobrang saya ng makita niyang ang daming nagbago at mas rumami ang mga batang ulila .Alam niyang hindi kawawa ang mga ito dahil napunta sila sa maayos na lugar . Paglingon niya sa pintuan kung saan papunta sa kumbento ng mga madre ay may nakita siyang palabas na babae .Maputi ito at kilala niya ang tangkad ng babae kahit medyo nagkalaman na ito ay kilalang kilala niya ang tintig ng kanyang pinsan . ''Max ikaw ba iyan ?" lumapit si Zi sa babaeng nakadress at may hawak na batang babae . ''Zia ?" maluhaluhang saad ni Max. Agad agad siyang lumapit kay Zia at niyakap ito ng mahigpit . ''anak mo ba siya ?" tanong nito .Pumantay siya sa batang babae at hinawakan an
Umaga ng umalis si Kurt sa kanilang bahay medyo natagalan siyang nag ayos sa mga gamit na dadalhin niya sa bahay na binili ng kanyang lola at doon na sila . ''kamusta ang pagbisita mo sa kanila iho ?" nilapag ni Kurt ang mga gamit ni Doña Fatima at naroon ang lahat ng kanyang pinakuha .''ayos lang naman po lola pero may asawa at anak na pala si Krizel I think magkasing edad lang sila ng anak nila Max . Nasaan pala yung mag ina lola ?" ''naku mamasyal daw sila sa bahay ampunan mamaya kaya maagang pumunta si Max sa grocery store para bumili ng ipapasalubong sa mga bata . Kaya pinasama ko na si Pinky para tulungan si Max '' lihim din siyang tumutulong sa bahay ampunan kung saan galing si Helen .Ito lang ang tanging ala ala niya kay Helen kaya hanggat maari hindi niya pwedeng pabayaan ang bahay ampunan .Kinuha niya ang mga librong nakalagay sa box para ilagay sa bagong bookshelf ng opisina sa bahay na binili ng kanyang lola .Mas malaki ang bahay kumpara sa dati nilang tirahan .Medyo h
Walang nagawa ang mag asawang Krizel at Zandro sa welcome party ni Kurt na ginawa ng kanyang ina .Nagpasya silang mag ayos dahil sa hardin ito gaganapin . ''kung bakit pa kasi bumalik yan '' saad nito . ''kung nagawa mong patalsikin noon magagawa mo rin ngayon ulit '' paglalambing ni Zandro .Kailangan niyang tulungan si Krizel na manatili sa position nito sa kompanya dahil nakikinabang rin siya .Hindi niya hahayaan mawala ito ng basta basta . ''lets see '' saad nito at nagpasuyo sa asawa niya na zeeper na nito ang kanyang dress dahil bababa na sila . '' masaya ako at umuwi kana iho '' naluluhang yayakap sana si Vilma sa anak niyang kararating lang .Nagtataka siya dahil hindi dito dumeretso sa bahay nila at sa condo niya ito dumeretso pero hindi sa dating condo niya kundi sa bagong bili nito . ''pumunta lang ako dito para kunin ang iba kong mahahalagang gamit .Hmm sino nagsabi sayo inyo na mag pa welcome party kayo '' lalong naiyak si Vilma sa inasta ni Kurt parang hindi
Pinagmasdan ni Wesly ang mga tao sa kanyang harapan .Hindi niya kilala ang mga ito at hindi siya makapagsalita para tanungin man lang kung sino sila . Naawang tumitig si Doña Fatima sa anak nitong nakatulala parin limang taon na ang nakalipas pero wala parin pagbabago sa katawan nito .Daig pa niya ang anak niya .Nakaktayo siya at hindi halata na nasa pitumpo lima na ang kanyang gulang . '' I do everything para mapagbayad ko ang asawa mo Wesly don't worry iho '' hinalikan niya ito sa ulo at nagtakang tumingin si Wesly sa kanyang ina .Kinuha ni Doña Fatima ang sulatan at sinulat niya na aalis muna ang mama niya dahil may aasikasuhing importante .Pilit na tumango si Wesly dahil wala naman siyang masabi lalot hindi siya nakakapagsalita dahil sa kanyang stroke sa katawan . ''kayo na bahala sa anak ko .Kung may problema Leth tawagan mo ako '' ''makakaasa po kayo ma'am ingat po kayo sa pag uwi sa pinas '' ''salamat Leth siya sige at alis na kami ng mga apo ko '' hinayaan lang ni Let