''wala kaming magagawa Eunice kung yun ang gusto ni Kurt you know naman ang reason bakit hindi niya ito agad mahiwalayan " nasa mansion si Eunice para magsumbong sa ina ni Kurt .Hindi niya matanggap na binabalewala siya nito . " pero tita para na po akong tanga nito dahil parang ako na yung naghahabol at kabit ni Kurt '' naawa man si Vilma ay wala siyang magawa dahil pati sila ay nabigla sa gusto ni Kurt na tumira muna si sa condo nito .Gusto pa sana niya pahirapan si Helen dahil kumukulo ang dugo nito .''maghintay ka lang Eunice mapapasayo na rin ang anak ko " sumimangot lang siya dahil wala pang kasiguraduhan ang sinabi nito natatakot siya na baka mahulog si Kurt kay Helen at bandang huli siya ang kawawa .Pagkaalis ni Eunice ay tahimik na nakatingin si Vilma sa kanyang selpon may hinihintay siyang tawag .Ilang beses siyang uminom ng alak bago tumunog at mabilis niyang sinagot ."nagawa mo ba ?" agad niyang tanong sa kausap."good job!!!! umuwi kana agad dahil tapos naman na ang d
Pilit pinapaniwala ni Helen ang sarili na bumabawi na sa kanya si Kurt laging malambing na ito ng ilang araw nilang pagsasama sa condo na siyang hindi niya naramdaman noong nasa mansion sila .Masama ang pakiramdam niya ngayon sa hindi niya maintindihan na dahilan ."dalhin naba kita sa hospital?" tanong sa kanya ni Kurt pagkarating nito galing trabaho ."ano kaba lagnat lang to hospital agad ayos lang ako " umayos naman ang pakiramdam niya dahil sa uminom siya ng mga herbal na pampababa ng lagnat .Hindi niya gusto uminom ng mga gamot na galing sa pharmasya dahil iniingatan niya ang sarili lalong lalo na ang matress niya para magbuntis siya agad dahil yon ang gusto ni Kurt ."wait lang honey sagutin ko lang tawag ni mommy" tumayo muna si Kurt at sinagot ang tawag ng ina ."what!!!?" nabigla siya dahil sa gulat na nakita niya kay Kurt ."anong nangyari Kurt !!" pinilit niyang tumayo kahit nanghihina at nahihilo parin siya .Dalawang araw ng wala siyang ganang kumain ."si lola wala na s
"anong nangyari Maxy? " naluluhang humarap si Maxy sa anak ng kanyang amo hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa nangyari ang buong akala niya maayos lang ang lahat ."yung doktor nalang po ang tanungin niyo sir!" nakayuko niyang saad . Wala siyang alam na ipaliwanag dahil pati siya ay gulat at hindi makapaniwala kaya hindi niya masagot sagot ang tawag ni Helen sa kanya dahil wala pa siyang alam . Lumapit ang doktor sa kanila nasa loob parin ng morgue ang katawan ng Donya at hindi pa sila pwedeng pumasok. "We did not save your mother in the second surgery we had previously explained that the second surgery was dangerous and the patient was old enough so her body was unable to cope with the second surgery to remove the other part of cancer " hindi na umimik pa si Wesly at Kurt dahil buo ang tiwala ng binigay nila sa mga doktor at noon pa nila pinaliwanag na malabong maging successful ang iperasyon lalot maisagawa ito sa pangalawa .Buntong hininga lang si Maxy at tahimik na nakiki
'' bakit ngayon ka lang tumawag Max.Ano nangyari bakit ganon si lola ?" napahagulgol nalang siya sa mga kwento ni Maxy sa kanya ."kaya pakatatag ka Helen !" paano siya magpakatatag kung wala na ang taong tanging kakampi niya at nag buo sa pagkatao niya ."tahan na wag ka ng umiyak may rason kung bakit wala na siya .Ang dapat mong harapin ngayon ay yang pamilya ng asawa mo " kunot noo siyang tumingin sa screen hindi niya maintindihan kung bakit ganon ang sinasabi ng kanyang kaibigan ."hindi kita maintindihan Max !" "wala ang ibig kung sabihin kailangan mong makitungo ng maayos sa mga yan para sila ang magiging kakampi mo ulit " hinuhuli lang ni Maxy ang kaibigan kung tama ba ang nalaman niya na hindi siya pinakikitunguhan ng maayos ."ayos lang ako dit Max wag mo akong intindihin yung labi ni lola kailang iuwi ?" "ay baka abo lang niya ang maiuwi dyan besh dahil yun ang request ng Donya '' naiyak na naman siya dahil hindi man lang niya makikita pa ang Donya .Kung alam niya lang na
"Kurt !" pagkarating nila ng mansion ay agad tinawag ni Eunice si Kurt para kausapin ."bakit?" matamlay nitong sagot . Nakaramdam ng pagod si Kurt dahil sa papuntat balik nila para kunin ang kanyang lola. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na wala na ito. "pwede ba tayong mag usap may mahalaga lang akong sasabihin " tumango si Kurt at tumungo sa balcony ng mansion para doon sila mag usap .Ang alam niya masakita ang puson ni Eunice pero sa nakikita niya ay umayos na ito ."i miss you" hindi napigilan ni Eunice yakapin ang nobyo gusto na niyang makasama ito at namimiss na niya hindi siya makatulog ng maayos dahil iba ang pumapasok sa kanyang isip tuwing naiisip niyang magkasama sa iisang bubong sina Helen at Kurt . "Eunice baka may makakita sa atin !" pilit na lumayo si Kurt sa kanya at tumingin sa paligid ."what for Kurt wala na ang lola mo na tanging dahilan para magtago pa tayo sa relasyon natin " medyo nasaktan siya sa pag iwas at parang malamig na pakitungo ni Kurt s
''honey kausapin mo naman ako '' hindi alam ni Kurt kung paano niya suyuhin si Helen hindi niya din maintindihan kung bakit sinusuyo niya ito gayong dati rati hinahayaan niya lang lumipas ang sama ng loob niya ."magpapalit lang ako Kurt babalik ako doon dahil baka hanapin ako ng mommy mo'' diniin niya ang huli nitong sinabi gusto niyang makahalata si Kurt na hindi maayos ang pakikitungo ng pamilya niya sa kanya ."sige sabay na tayo " nagbihis narin si Kurt at hinintay niya sa baba si Helen dahil nagpahuli itong naligo at nagpapatuyo pa ng buhok gamit ang blower ."tama ba itong ginagawa ko .Tama bang iwaglit at hindi maniwala sa nakita ko kanina ?" kinakausap niya ang kanyang sarili para kahit papaano gumaan man lang ang nararamdaman niya sa nakita niya kanina . Pagtingin niya sarili ay hindi niya sinasadyang nag ayos siya ng maayos. Hindi siya makapaniwala na magagawa din pala niya mag ayos ng sarili .Dahil gabi na ay kailangan nilang bumalik at walang tulugan dahil isang gabi la
''diba siya yung ampon ng Donya ?" bulong bulungan ng mga tao mula sa lamay .Hindi naman inintindi ni Kaizo dahil totoo naman na ampon lang siya ng Donya . Abala naman si Helen sa pakikipag usap sa mga madrea na pumunta .Masaya siya dahil nakapunta ang mga ito kasama si Zia . "ayyy be look ang gwapo naman ng kasama ng asawa mo .Makalaglag panty " bulong ni Zia sa kay Helen at natawa siya dahil narinig siya ng mga madre . "Zia your mouth hindi sinasabi ng isang dalaga ang ganya " kagat labing yumuko si Zia dahil sa sermon ni sister Faith sa kanya . "hayaan muna sister humahanga lang ang bata " laking ngiti niya kay sister Lory dahil sa pagtatanggol nito sa kanya . "kaya ganyan ang batang yan sister Lory kinukunsinti mo " sa lahat ng sister na nag alaga sa kanila ay si sister Faith lang ang pinakamasungit sa lahat . "tara na kay Father sister baka magsimula naang misa para sa patay mamaya at baka may ipagawa sa atin " nag paalam muna ang mga madre kila Helen at Zia para punt
"anong drama naman yon Helen ?" mabilis na hinila ni Vilma ang manugang nitong pa epal ."anong drama na pinagsasabi niyo .Bitawan niyo nga ako " tinignan niya ito ng masama para bitawan ang braso nitong hawak hawak niya .Hindi niya gusto ang inaasta ng kanyang byenan at hindi na normal na hahayaan niya lang ."dapat magpakabait ka dahil wala na ang sinasabi mong nag iisang kakampi mo " tumawa lang siya at lumayo sa byenan niya .Ayaw niyang ipakita na kayang kaya nila ang tulad niya dahil gusto niyang ipakita na matapang siya."ano naman ngayon kung wala na si lola?" taas noo niyang tinignan mula ulo hanggang pababa ."matapang kana ngayon .Tandaan mo gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo ng anak ko .Ang sampit na tulad mo hindi nararapat sa pamilyang ito " tatalikod na sana si Vilma ng hinaglit ni Helen ang braso nito ."subukan mo at ako mismo ang makakalaban mo .Akala mo wala akong alam na anumalya mo ?" tapang tapangan lang siya pero ang totoo nanghihina na ang kanyang tuhod
''kamusta siya dok ?" pag aalalang tanong ni Zia sa doktor na tumingin sa kaibigan niya .Sa isang kilala niyang clinic niya pinunta si Helen dahil alam niyang susunod si Kurt sa kanila sa hospital . Naawa na siya sa kaibigan niya at tama ang hinala niyang lolokohin lang siya ni Kurt dahil sobrang bait ng kanyang kaibigan at madaling masaktan dahil hindi palaban na babae . ''maayos naman siya ninerbyos lang siya kaya hindi niya nakayanan at nawalan siya ng malay '' tumingin siya saan banda ang tinitignan ng doktor at wala namang tao kaya nagtataka siyang tumingin sa doktora . ''ah maayos na ang kaibigan mo at wag mo siya masiyado ilagay sa stress na pangyayari nakakasama sa kanya may mga vitamins akong ibibigay '' nagtatakang tumingin si Zia sa doktor na kausap niya .Umalis na ito sa kanyang harapan at nagtataka siya dahil bakit kailangan ni Helen ang vitamins . Lumapit siya sa kaibigan na mahimbng parin ang tulog kung maari lang sana ay gusto niyang makitang tulog ang kaibigan da
''maam Helen bumalik po kayo ?" nanlalamig na tumingin si Krindel sa asawa ni Kurt at may kasama na ito . Napapalunok siya dahil nasa loob si Eunice at alam niyang may ginagawa ang mga ito ng hindi maganda .Nahimasmasan siya sa pagkabigla kaya tumikhim muna at tama ang naisip niya mukhang tama lang na bumalik si Helen para matigil na ng kanyang boss ang panloloko dahil naawa na siya kay Helen na sobrang bait at walang ginawa kundi ang mahalin lang si Kurt . ''gulat na gulat ka ah Krindel nandyan na ba ang amo mo ?" tanong nito .Inulit niya ng dalawang beses dahil hindi sumagot agad at mukhang nagulat sa biglaan niyang pagdating . '' na..nasa loob po ma'am kasama niya si ma'am Eunice'' nakapgpasa naman na siya ng resume sa ibang kompanya kaya handa na siyang matanggal kung ano man ang mangyari kung sisihin man siya ni Kurt ''go na besh pasok kana '' tumingin siya kay Zia at tinanguhan lang siya .Nanginginig na hinawakan ni Helen ang doornub ng pintuan at buong lakas niyang pinihi
'' nasaan si Kurt ?" tanong nito sa assistant na nakaupo sa mesa abala ito sa pagkain . ''nasa meeting palang ma'am Eunice '' sagot nito .Tinakpan niya muna ang kinakain na bigay ni Helen . Kanina pa siya gutom kaya nagnakaw minuto siya sumubo sa pagkain lalot libre . ''nasa meeting ang amo mo pero ikaw kakain kain lang dito ?" napalunok nalang siya sa sinabi ng babae alam niyang matabil ang dila nito dahil kapwa niya rin ito empleyado sa kompanya ang pinagkaiba ngalang nila ay ama niya ang may share holder sa kompanya siya ay regular assistant lang ni Kurt . ''sorry ma'am '' yumuko itong humingi ng pasensya dahil kung papatulan niya ang tulad ni Eunice ay hindi siya mananalo at baka matanggal pa siya dahil parang mas kinakampihan ito ng kanyang amo . Umalis si Eunice sa harap ng assistant ni Kurt at dumeretso sa loob . Hinayaan nalang ni Krindel ang babae pinagpatuloy niya ang pagkain dahil kanina pa talaga siya nagugutom . ''huyyy delivery '' kilala ng delivery boy si Kr
Binilisan ni Helen ang pagbihis dahil gusto niyang abuting ang pananghalian sa kompanya .Gusto niyang kasabay kumain ang asawa .Lalabas na sana siya ng kwarto ng biglang nahulog ang box na na received ng katulong para sa kanya .Nagtataka siya dahil puting envelop ang laman at may laman na parang larawan . ''ano kaya ito ?" pagbukas niya sa envelope ay isang larawan nga ang laman .Pagkatingin niya sa larawan ay hindi siya nagmamakali dahil sina Eunice at Kurt ang laman . Nangiginig niyang tinitigan ang kuha sa larawan .Magkahalik ang mga ito sa loob ng opisina ni Kurt . Naiiyak niyang nabitawan ang box na hawak at dali dali niyang nilagay sa bag niya ang larawan ng dalawa . Hindi niya nakalimutan kunin ang niluto niyang pagkain para sa kanilang dalawa .Alam niya hindi pa sigurado ang kuha ng larawan dahil baka pineke lang ito at baka may mga taong gustng siraan si Kurt . Mabilis siyang bumababa sa kotse at pumasok agad sa elevator patungo sa opisina ni Kurt .Kakaiba ang kanyang
''saan ka galing ?" seryosong nanonood si Helen sa telebisyon at hindi siya tumingin kay Kurt na kakapasok lang. Ang totoo kanina pa siya naghihintay makauwi si Kurt .Masama ang loob niya dahil basta basta nalang siya iniwan para lang magmadaling puntahan si Eunice sa hospital. ''ah pumunta lang ako sa mansion tumawag kasi si mommy '' pagdadahilan ni Kurt .Napapikit nalang si Helen dahil nagsisinungaling sa kanya si Kurt .Akala niya magsasabi ito ng ng totoo pero hindi pala . Napalunok nalang siya para itago ang iyak niya.''ganon ba ano nangyari sa mansion?" malamig na tanong ni Helen hindi niya parin magawang tumingin sa gawi ni Kurt .Nakatayo ito malapit sa terrace.Inayos na niya ang mga inihanda nitong surprised at tinapon sa basurahan lahat ng bulaklak at ang mga pagkain ay binigay niya sa mga taong nasa kalye .Hindi niya gustong magtapon ng pagkain kaya mas inisip nalang niya ibigay ito sa mas nangangailangan .Ang saya niya kanina pero napalitan ng lungkot .''look I am sorry H
'' I'm glad your coming Kurt '' mataray na sinalubong ni Gina si Kurt .Hindi niya pinansin ito at napatingin siya sa kama ng hospital naroon si Eunice tulog at namumutla . ''what happen to her ?" pag aalala nitong tanong . ''dinugo kanina dahil nag away daw sila ni Helen sa mall kaya ayon hindi niya matanggap na ganon ang pinakita ni Helen na ugali sa kanya '' kunot noo siyang tumingin sa ina ni Eunice kung nagsasabi ba ito ng totoo . Nagtataka siya bakit naman aawayin ni Helen si Eunice ng walang rason . '' I'm telling the truth Kurt .Kahit tanungin mo pa ang doktor '' saktong pumasok ang doktor na tinutukoy ni Gina . ''kamusta ang baby ?" tanong nito sa doktora . Nagkatinginan muna ang doktora at ina ni Eunice .Pinandilatan ni Gina ang doktora . ''ayos naman.Mabuti nalang medyo makapit ang baby dinugo lang ang pasyente dahil sa pagod at nakainum siya ng alak .Pero sa ngayon kailangan na niyang maging maingat dahil baka sa susunod tuluyan ng matanggal ang baby sa kanyang sina
Nakaabang si Kurt mula sa lobby ng hotel .Nakita niyang nakasakay ng isang magarang kotse si Helen .Nabukas ang bintana ng kotse kaya nakikita niya ito habang may kausap sa loob .Hindi niya masilip kung sino ang kasama sa loob dahil madilim ang banda ng kinaroroonan ng kausap nito . Nakaramdam siya ng selos dahil may ngiting sumilay sa labi ni Helen na matagal na niyang hindi nasisilayan . Naisipan niyang tawagan ito at tanungin kung nasaan na siya .''saan kana ?" nahiyang tumingin si Helen kay Feliza dahil nakalimutan niyang ipahina ang speaker ng selpon . ''nandito na baba kararating ko lang sige maya na tayo mag usap '' pinatay na niya ito at ngiting tumingin kay Feliza na nakatitig lang sa kanya . ''salamat sa paghatid ma'am.'' hinawakan ni Feliza ang likuran ng palad ni Helen na siyang kinabigla niya dahil may kakaiba siyang naramdaman sa paghaplos nito .''call me tita Feliza that the right way to call me okey '' sabay pisil sa pisngi ni Helen .Magaan ang pakiramdam niya sa
''nagawa mo ba ang bilin ko ?" kausap ni Feliza ang doktor ni Helen .May pinagawa siya nito noong naisugod ng hospital ang babaeng nakilala niya sa event ng gabing iyon . ''tapos na ma'am nakakalungkot lang kasi lagi itong umiiyak simula nakalabas sila ng hospital '' pilit na ngiti ang sumilay sa labi ng Feliza .Binayaran na niya ang doktor at nagpaalam na siya .Bilin nito wala dapat makakaalam sa inutos nito . ''saan tayo ma'am?" tanong ng kanyang driver. ''nasa mall daw si Helen at gusto ko siyang makausap doon '' may mga tauhan siyang nakasunod lagi kay Helen kaya alam niyang kung saan ito nag pupunta . Nalaman niya ang pangalan nito dahil na rin sa doktor na kausap kanina . Patagong lumuluha si Helen habang tinitignan ang mga damit ng pang baby . Ito ang una niyang plano sana pag malaman na niya ang gender ng magiging baby nila ngunit wala na kaya hanggang tingin nalang siya . ''ayos ka lang ba ?" tanong ni Feliza kay Helen na patago itong umiiyak .Alam niyang umiiyak
''ang baby ko kamusta ?" naluluhang tanong ni Helen sa doktora na papasok .''I am sorry misis Baizon hindi naagapan ang baby mo .'' malungkot nitong sagot sa payente .''anong rason bakit nawala ang baby ko dok'' para na siyang nababaliw sa nalaman .Pinangarap niyang magkaroon ng anak pero bakit nangyari sa kanya ang hindi dapat . '' sa cases mo kasi madaling nalaglag ang baby dahil maselang kang nagbuntis inshort kunting nerbyos mo lang ay talagang duduguin kana at dahil hindi ka agad naagapan ay lalong lumalala ang pagkalaglag ng anak mo misis '' tahimik lang na nakikinig si Kurt mula sa labas ng kwarto rinig na rinig niya ang iyak ni Helen at ang mga sinabi ng doktor . Lumabas siya para magpahangin kaya ng mahimasmasan na ang kanyang siya nagpasya siyang bumalik sa kwarto ng asawa dahil baka hinahanap na siya nito .Sakto sana papasok siya ng marinig nito ang pag uusap ng dalawa sa loob . Pinalabas niya muna ang doktor bago siya pumasok .Humugot muna siya ng hangin bago lumapit