Corvus’ POVNasa isang maliwanag na lugar ako. Puting-puti ang lahat dito na para bang nasa ulap ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero pakiramdam ko ay patay na ako. Natatandaan ko kasi ang nangyari sa akin. Habang paikot-ikot ako dito at tinitignan kung nasaan ako, isang maliwanag na maliwanag na liwanag ang lumitaw mula sa harap ko. Napatakip ako ng mga kamay ko sa mata ko kasi ang sakit nito sa mata.“Sa wakas, natagpuan mo rin ang pamana ko sa ‘yo, Corvus,” dinig kong sabi ng isang boses ng matandang babae. Parang pamilya ang boses niya.“Sino ka? Bakit kilala mo ako?” tanong ko sa kaniya habang maliwanag pa rin ang buong paligid.“Nung bata ka, sinumpa ko ang ina mo na balang-araw, ikaw pa rin talaga ang magmamana ng mga dapat mong manahin sa akin kahit inilayo ka niya sa akin. Gumawa ako ng ritwal para sa ‘yo. Pero huwag kang mag-alala, regalo ko naman sa iyo ang ritwal na binigay ko sa iyo. Alam mo kung ano ‘yon?”“A-ano po 'yun?” tanong ko naman sa kaniya kasi napaisip tulo
Corvus’ POVAyaw maniwala ni Madam Imelda sa mga sinabi ko tungkol sa napag-usapan namin ng lola ko habang nag-aagaw-buhay ako nun. Kaya ang ginawa niya, nag-hire siya ng tao na papaslang sa akin. Kung nagsinungaling pala ako sa kaniya at gawa-gawa ko lang ‘yon, matutuluyan ako. Alam kong siya ang may gawa nun kasi nung umuwi na ako sa amin kahapon ng gabi, tadtad ang buong katawan ko ng mga bạla ng bạril ng isang lalaking naka-motor na huminto sa harap ng bahay ko. Naligo na naman ako sa sarili kong dugo nun tapos pagkagising ko, nasa hospital na naman ako.Naisip ko na agad ang naiisip sa akin ng mga kapitbahay ko. Na para ba akong pusa kasi kaka-aksidente ko lang kahapon, tinadtad naman ako ng bạla ng bạril ngayon. Nahihiya na tuloy akong umuwi doon. Sigurasi kasi akong pinag-uusapan na ako ng lahat ng mga tao sa street na ‘yon.Pagdilat ng mga mata ko dito sa ospital, nginitian ko ulit ang nag-aabang sa akin na si Madam Imelda sa akin. Again, tinanggal ko ulit ang mga aparatong na
Corvus’ POVHabang wala akong ginagawa, nagkulong muna ako sa loob ng kuwarto ko. Habang nagkahiga sa malambot kong kama, inumpisahan ko nang basahin ang libro. Kaya lang, sa unang pahina pa lang, wala na akong maintindihan. Ibang lenggawahe ang nakasulat dito. Lengguwahe na hindi ko maintindihan. Lahat ng pahina ay ganoon ang nakasulat kaya pakiramdam ko ay tila mahihirapan akong magamit ang mga nilalaman ng librong ito.Pagbaba ko sa libro sa table ko, nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ng cellphone ko na tumatawag sa akin ngayon si Mamang Penpen.“Hello?” bungad kong sabi sa kabilang linya.“Sir Corvus, may problema po ngayon dito sa villa ni Miss Alina. Nandito po ngayon ‘yung isang tita ni Miss Alina at ang dalawang anak nitong lalaki at babae. May mga kasama siyang armadong mga lalaki. Gusto raw po nilang pangisawaan ang lahat-lahat ng tungkol sa yaman ng pamilya ni Miss Alina. Pakiramdam ko ay maghahari-harian sila dito,” sumbong niya sa akin kaya agad akong napakil
Corvus’ POVNasa manisyon na ako nang muli akong magkamalay-tao. Muli, mukha na naman ni Madam Imelda ang bumungad sa akin.“Look, ito ‘yung bala ng baril na pinatama sa iyo nung Madam Camilla na ‘yon,” sabi ni Madam imelda saka inabot sa akin ang bala ng baril na lumusot sa dibdib ko. Nakangiti siya na para bang natatawa sa akin. Hindi niya siguro lubos maisip na matatalo ako ng babae lang.“Base sa mga nakikita ko sa ‘yo. Namamatay ka pa rin, pero halos ilang oras lan ‘yon. Maya maya, saka ka lang magiging okay kapag niluwa na ng kusa ng katawan mo ang mga bala ng baril. Ganiyan din ang nasaksihan ko noon sa ospital nung ipabaril kita ng marami sa buong katawan mo para malaman ko kung nagsasabi ka ba talaga ng totoo. Nung makita ko mismo ng mga mata ko ang pagluwa ng mga bala na baril sa katawan mo, doon na ako tuluyang naniwala na nakausap mo na nga ang lola mo at nagsasabi ka ng totoo,” pag-aamin na niya. Sabi na e, kagagawan din niya ‘yon. Pero, wala na sa akin ‘yon. Na kay Madam
Corvus’ POVBumalik ako sa maliit kong bahay. Pagdating ko roon, bumalik na rin bigla sina Kevin, Ronnel, Lester at Charlon. Sila ‘yung mga bodyguard ni Miss Helena na napunta na sa akin.“Bakit nawala na lang kayo bigla, tapos susulpot na lang ulit dito sa bahay ko?” tanong ko sa kanila. Pare-pareho silang tahimik, nakayuko at halos hindi makatingin sa akin ng maayos. Mabuti na lang pala at nagpunta ako dito. Kung ‘di, mamumuti ang buliga nila sa kakahintay at kakahanap sa akin. Kaya naman pala hinihila ako ng mga paa ko rito.“Bumalik kasi kami sa bahay ni Miss Helena. Sinubukan naming kausapin ang mama niya, pinilit namin siyang kunin ulit kami. Pumayag siya ,pero bigla na lang ulit kaming pinalayas kasi hindi naman daw niya talaga kailangan ng mga bodguard. Hindi naman daw siya artista para kumuha pa ng gaya namin,” paliwanag ni Kevin.“Kinuha ko na kayo ‘di ba? Bakit bumalik pa kayo doon?” tanong ko pa. Parang mga tao ang mga ito. Nakakabuwisit.“Kasi, ang liit at ang sikip para
Alina’s POVPagdilat ng mga mata ko, doctor at mga nurse ang una kong nakita.“Doctor, our patient is awake,” sabi ng nurse sa doctor na abalang nakatingin sa libro niya. Binitawan niya tuloy ang libro para lapitan at i-check ako.Sa una, parang foggy pa ang pag-iisip ko. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang mga nangyari sa akin. Hanggang sa makita kong pumasok na rin dito sina Corvus at White lady. Doon, kusang ngumiti ang mga labi ko.“Her condition is good now. And I think her health will continue to improve,” dinig kong sabi ng doctor na tumitingin sa akin.Nakatitig lang ako kay Corvus. Titig na titig siya sa akin na para bang hindi makapaniwala na gising na ako at nabuhay pang muli. Ang guwapo niya ngayon. Maganda ang porma niya, mukhang anak-mayaman. Ngayon ko masasabi na mas guwapo talaga si Corvus sa lahat ng lalaking naging jowa ko at naging kalandian ko.Hanggang sa lumapit na siya sa akin. Una niyang hinawakan ang kamay ko. “Totoo ba ‘to, gising ka na talaga?”Hinawakan na ri
Alina’s POVAfter 3 days, nakaya ko nang tumayo. Salamat kay Corvus at white lady dahil inalagaan nila akong mabuti. Araw-araw pinapakain nila ako ng masusustansyang pagkain. Na-miss ko ring kumain ng pagkain kaya magana rin talaga akong kumain. Yung doctor na galing Australia umalis na rin at bumalik sa bansa nila, habang ang mga nurse, bumalik na rin sa kani-kanilang trabaho dito sa Pilipinas.Umabot ng halos hundred million pesos ang utang ko kay Corvus kasi ganoong kalaki ang binayad niya sa lahat-lahat, kagamitan sa aparato na ginamit sa akin at pati na rin sa doctor at nurses. Loko-loko si Corvus kasi hindi ko na raw need bayaran ‘yon. Pero, siyempre, hindi ako papayag na ganoon na lang. Kung ayaw niyang magpabayad ng pera, sa ibang bagay na lang ako magbabayad. Sa kama na lang siguro kami magtutuosan.“Ano, handa ka na ba?” tanong sa akin ni Corvus nung lumabas na ako sa kuwarto ko rito sa manisyon niya. Bagong ligo ako at nakadamit na rin ng maayos. Kasama si Corvus at ang hal
Alina’s POVLahat ng mga staff ko sa building kong ito ay nagulat nung makita ako. Lahat sila, napayuko nung makita ako, pero isa sa mga ka-close kong staff dito ang naglakas-loob na lapitan at kausapin ako.“I know there are other people in my penthouse, am I right?” Ako pa tuloy ang unang nagtanong sa kaniya.“Yes, Madam. But Ma’am Camilla has sold this entire building and your other properties to a Korean man. The Korean man is now living in the penthouse,” sagot niya na lalo kong kina-stress.“Napakahayop ng Camilla na ‘yan. Hindi niya ata alam na buhay pa ako.” Nanginginig ang kamao ko. Hindi ako sanay manakit, pero this time, parang makakapanuntok ako ng tao.“Ang akala rin po kasi namin ay wala ka na talaga, Madam. Maging si Sir Nacho ay wala na rin kasing paramdam dito,” sabi pa ng staff ko.Tinapik ko ang balikat niya. “Aayusin ko ito. Akong bahala. Babalik din sa dati ang lahat, sa ngayon, gawin niyo na lang muna ang mga trabaho ninyo,” sabi ko sa kaniya saka na ako umalis. A