Share

Kabanata 63

Corvus’ POV

Totoo ang sinabi ni Madam Imelda na stable na ang lagay ng katawan ni Miss Alina. Ang galing kasi taga-ibang bansa o may lahi pa ‘yung doctor na tumitingin sa kaniya. Ang nurse naman na tumitingin sa kaniya ay tatlo-tatlo pa. Ginawa talaga ang lahat ni Madam Imelda para mapabuti ang lagay ng katawan ni Miss Alina. Isa siyang mabuting kaibigan ni Miss Alina.

Pagpasok ko dito sa loob ng room niya, hinayaan nila akong bigyan ng moment kasama ang wala pa ring malay-tao na si Miss Alina. Tumataas ang balahibo ko kasi ito ‘yung unang beses na nahawakan ko sa totoong buhay ang kamay niya. Hindi ko na siya nakikita bilang kaluluwa, kundi bilang tao na talaga. Ang lambot ng mga kamay niya. Saka, ang liit-liit talaga ng mukha niya. Para siyang birhen. Kahit comatose siya at natutulog ngayon, ang ganda-ganda niya pa rin. Gusto ko ngang magnakaw ng halik, kaya lang nahihiya ako.

“Gumising ka na. Excited na akong makasama ka sa totoong buhay, Miss Alina,” sabi ko sa kaniya. Narinig ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status