”Tama ‘yan, ang presidente ay sobrang tangkad at makapangyarihan. Malinaw sa isang sulyap na kaya niyang magtagal ng sobra. Hindi pa rin ba siya satisfied?”“Baka ang presidente ay mukha lang malakas sa labas?”“...”Si Hadley, na nanood kabang sila ay tuluyang nagtsismisan, ay nakaramdam ng galit.Kapag nagpatuloy sila ng ganito, ang pagkapribado ng Eldest Young Master Hill ay mawawala. “Itikom niyo ang mga bibig niyo. Nagtsitsismisan kayo tungkol sa presidente sa kumpanya? Ayaw niyo na bang magtrabaho rito?” Pagababanta ni Hadley.Napagtanto ni ng mga empleyado na nadadala na sila at umalis ng mabilis.Sa sandaling iyon, kumatok si Lea sa pinto at pumasok. “Nasaan si Shaun?”“Nasa opisina.” Agad na lumapit si Hadley sa babae at sinabi, “Madam, dapat mapilit mo si President Hill. Nagtatrabaho siya ng walang tigil sa loob ng dalawang araw at hindi pa nagpapahinga.”Binuksan ni Lea ang pinto at pumasok, sinara ang pinto sa likod niya.Ang naabalang si Shaun ay inangat ang kan
Umiling si Shaun.Oo, nawala si Sarah ng ilang taon overseas.Paano niya malalaman kung nagbago ba ang babae o hindi?Hindi maintindihan ni Lea si Mason sa loob ng 30 taon. Paano pa siya? Kilala niya lang si Sarah ng 20 taon.“Shaun, hindi ka ordinaryong tao. Ikaw ang namumuno ng Hill Corporation at nakatayo ka sa tuktok ng pyramid. Ang iba ay magbibigay pansin sa kasal mo. Divorced ka na ng isang beses, at nangyari ito nang ikakasal ka sa ikalawang beses. Ito ay magiging mantsa sa buhay mo.”Tumayo si Lea at seryosong sinabi, “Pag-isipan mong mabuti ang tungkol dito.”Tinapos niya ang pangungusap niya at tumalikod para umalis.Mag-isang umupo si Shaun sa upuan ng opisina ng mahabang panahon hanggang may kumatok sa pinto. Matapos nito, ang maliit na ulo ni Suzie ay sumilip mula sa labas. “Uncle, pwede ba akong pumasok?”Kahit na bad mood si Shaun, ang kanyang puso ay biglang nanlambot nang makita niya ang maingat pero masigasig makapagpasaya na paglitaw ng batang maliit. “Suz
Ito ay boses ni Catherine.Lumaktaw ang tibok ng puso ni Shaun. Lumingon siya sa likod para tignan si Suzie at nakita na binaba nito ang ulo niya para sabihin sa relo, “Nasa parking lot na kami. Malapit na kami dyan.”Pagkatapos ng tawag, mabilis na kumunot ang kilay niya. “Inimbita mo si Catherine?”“Yep.” Niyugyog ni Suzie ang binti niya.“... Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?” Sumama ang loob ni Shaun.“Dahil natatakot ako na hindi ka pupunta kapag sinabi ko.” Nilabas ni Suzie ang dila niya. “Sabi ni Grandma nakipaghiwalay ka, kaya tinanong ko si Daddy ano ang dapat gawin ng mga lalaki kapag nakipaghiwalay sila. Sabi ni Daddy ang pinakamagandang gawin ng lalaki pagkatapos ng hiwalayan ay pumasok ulit sa isang relasyon. Ang kilala ko lang ay si Aunty Cathy.”"..."Walang masabi si Shaun. Well, sa mata ng ibang tao, nakipaghiwalay na siya. “Um… Inimbitahan mo si Aunty Cathy at sumang-ayon siya ng ganon kadali?”“Yep.” Tumango si Suzie.Hinigpitan ni Shaun ang hawak sa man
At doon.Nakita ni Shaun ang ilang lalaki na nakatingin sa kanya. Isang batang lalaki na mukhang estudyante ng unibersidad ang huminto sa harap niya para makipag-usap. “Lady, maaari ba kita i-add sa WhatsApp?”Sa ilalim ng sinag ng araw, ang dalisay na mukha ng lalaki ay mukhang nahihiya Nagulat si Catherine. Ngingiti pa lang sana siya at tatanggi.Isang mababa at nakakaakit na boses ang narinig bigla. "Wifey, pasensya na at nahuli ako."Lumingon ang mas batang lalaki at nakita ang gwapo at marangal na mukha ni Shaun. Mabilis siyang namutla. Hindi niya inaasahan na kasal na si Catherine dahil mukha siyang bata. Malaki na rin ang anak nila. "Pa...Pasensya na. Hindi ko alam na kasal ka na. Pasensya na sa pag-abala sa iyo "Mabilis na tumalikod ang lalaki at umalis pagkatapos magsalita.Tinignan ng masama ang lalaki na biglang nagpakita. "Sino ang asawa mo? Tignan mo ang bibig mo ah.""Yeah, Uncle kailan mo pa naging asawa si Aunty Cathy?" Nagtataka na tanong ni Suzie habang kuma
Mabilis na kinarga ni Catherine ang maliit na bata. Nang nakita niya ang mata ni Suzie na may luha, tinignan niya ng masama si Shaun habang galit. "Hindi kami ang gumalit sa iyo, bakit mo kami tinataasan ng boses? Pumunta ka kay Sarah kung gusto mo. Alam mo lang sigawan ako palagi. Umalis ka na. Sasamahan ko si Suzie. Ang pagsama mo ay hindi kailangan."Pagkatapos ay kinarga niya si Suzie papasok ng amusement park.Si Shaun, na naiwan sa likod, ay nagkuyom ng kamao sa irita. Nang pinanood niya ang dalawa maglakad palayo ng palayo, mabilis niyang hinabol ito. "Pamangkin ko si Suzie. Kahit pa na gusto niya maglaro, makikipaglaro siya sa akin.""Uncle, ayaw ko sa iyo. Masyado ka malupit." Tumanggi si Suzie ng walang awa.Umatras si Shaun at maaari lang sabihin sa mababang boses, "Suzie , hindi ko sadya yung ngayon…""Uncle, hindi ka dapat humingi ng tawad sa akin kundi kay Aunty Cathy," Seryosong sinabi ni Suzie.Tinignan ni Shaun si Catherine ngunit nakita na patuloy lang ito sa pa
Bumilis ang tibok ng puso ni Shaun.Inunat niya ang kamay niya, hinila si Catherine papunta sa bisig niya at niyakap ng mahigpit.Ang init ng katawan niya ay bumabalot kay Catherine, at hindi niya namalayan na umasa kay Shaun. Hindi niya maiwasan hawakan ang damit sa dibdib ni Shaun.Subalit, naalala niya na tinakot siya nito, tinaas niya ang kamay niya at kinurot ito ng madiin sa dibdib. "Shaun Hill, g*go ka! Bakit mo ako tinakot?"Ngumiwi si Shaun. Ito ay malinaw na masakit, ngunit ng narinig niya ang mababang boses ng babae, hindi niya magawa magalit. Inamoy niya ang buhok nito at niyakap ang malambot na katawan, pakiramdam niya ay napuno ang puso niya.Pagkatapos ay narinig niya ang malungkot na boses ni Suzie. "Hmph, kayong dalawa ay nagyayakapan at inabandona niyo ako sa gilid "Namula si Catherine at gusto na ito matapos, ngunit sobrang taas pa rin ang Ferris Wheel, kaya nanghina ang binti niya. "Kalimutan niyo na. Aalagaan ko na lang sarili ko." Tumingin sa labas ng bin
Nawala ang pagkalito ni Catherine noong nakita niya ang mag-nobyo sa gilid. Nanigas siya at may bumalik sa kanyang alaala mula sa nakaraan. Naranasan din nila iyon ni Shaun noong kumain sila sa isang KFC sa Melbourne.May naaalala na ba ang lalaki?Nang naiisip niya iyon ay bigla niyang narinig ang tinig ng waiter. “Sir, okay lang po ba kayo? Sir!”“May nahimatay rito. May kasama ba siya?”“...”Tumingin si Catherine sa direksyon ng palikuran na kung saan nagtitipon ang mga tao. Dumiretso siya rito at itinulak palayo ang mga tao sa kanyang harapan. Nakita niya si Shaun na walang malay at nakahiga sa lapag.“Shaun… Shaun…” Tawag niya rito. Nang makailang beses niya na itong tinawag at hindi pa rin siya sinasagot ng lalaki ay agad niyang tinawagan ang numero 000.‘Di kalauna’y may dumating na ambulansya at itinakbo ni Catherine sa ospital si Shaun kasama si Suzie.Nag-aalala ang itsura ni Suzie. “Mama, ano ang nangyari kay walang kwentang papa? Bakit bigla siyang hinimatay?”Sum
Kinuskos ni Shaun ang kanyang sintido. “Bakit ako nandito?”Ang alam niya’y kasama niya sina Suzie at Catherine habang kumakain sa isang McDonald’s sa amusement park.“Mga ilang araw kang walang pahinga, at nawalan ka ng malay dahil sa brain nerve dysfunction. Si Catherine ang nagdala sa’yo rito.” Pagilid siyang sinulyapan ni Chester. “Kaysa himatayin ka ulit, marahil ay mas mainam nang matulog ka ulit dahil pagod ka masyado. Tingin mo ba’y yari ka sa bakal?”Tahimik na kinunot ni Shaun ang kanyang mga kilay.“Nagugutom ka ba? Tatawagan ko si Hadley—”“Naalala kong sinabi mong kumain kami ni Catherine sa isang KDC noon,” Biglang putol ni Shaun kay Chester.“Oo, bakit mo nga pala nabanggit?”“May nakasama na ba akong ibang babae noon?” Tanong ni Shaun.“At papaano ko naman iyon malalaman?” Hindi makapaniwala si Chester sa sinasabi ng lalaki. “Hindi ata. Bakit?”“Wala lang.”Bagama’t iyon ang sinabi ni Shaun, agad niyang bumangon. Inalis niya ang kanyang kumot at nagpalit ng da