Share

Kabanata 782

Nawala ang pagkalito ni Catherine noong nakita niya ang mag-nobyo sa gilid. Nanigas siya at may bumalik sa kanyang alaala mula sa nakaraan. Naranasan din nila iyon ni Shaun noong kumain sila sa isang KFC sa Melbourne.

May naaalala na ba ang lalaki?

Nang naiisip niya iyon ay bigla niyang narinig ang tinig ng waiter. “Sir, okay lang po ba kayo? Sir!”

“May nahimatay rito. May kasama ba siya?”

“...”

Tumingin si Catherine sa direksyon ng palikuran na kung saan nagtitipon ang mga tao. Dumiretso siya rito at itinulak palayo ang mga tao sa kanyang harapan. Nakita niya si Shaun na walang malay at nakahiga sa lapag.

“Shaun… Shaun…” Tawag niya rito. Nang makailang beses niya na itong tinawag at hindi pa rin siya sinasagot ng lalaki ay agad niyang tinawagan ang numero 000.

‘Di kalauna’y may dumating na ambulansya at itinakbo ni Catherine sa ospital si Shaun kasama si Suzie.

Nag-aalala ang itsura ni Suzie. “Mama, ano ang nangyari kay walang kwentang papa? Bakit bigla siyang hinimatay?”

Sum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status