Nawala ang pagkalito ni Catherine noong nakita niya ang mag-nobyo sa gilid. Nanigas siya at may bumalik sa kanyang alaala mula sa nakaraan. Naranasan din nila iyon ni Shaun noong kumain sila sa isang KFC sa Melbourne.May naaalala na ba ang lalaki?Nang naiisip niya iyon ay bigla niyang narinig ang tinig ng waiter. “Sir, okay lang po ba kayo? Sir!”“May nahimatay rito. May kasama ba siya?”“...”Tumingin si Catherine sa direksyon ng palikuran na kung saan nagtitipon ang mga tao. Dumiretso siya rito at itinulak palayo ang mga tao sa kanyang harapan. Nakita niya si Shaun na walang malay at nakahiga sa lapag.“Shaun… Shaun…” Tawag niya rito. Nang makailang beses niya na itong tinawag at hindi pa rin siya sinasagot ng lalaki ay agad niyang tinawagan ang numero 000.‘Di kalauna’y may dumating na ambulansya at itinakbo ni Catherine sa ospital si Shaun kasama si Suzie.Nag-aalala ang itsura ni Suzie. “Mama, ano ang nangyari kay walang kwentang papa? Bakit bigla siyang hinimatay?”Sum
Kinuskos ni Shaun ang kanyang sintido. “Bakit ako nandito?”Ang alam niya’y kasama niya sina Suzie at Catherine habang kumakain sa isang McDonald’s sa amusement park.“Mga ilang araw kang walang pahinga, at nawalan ka ng malay dahil sa brain nerve dysfunction. Si Catherine ang nagdala sa’yo rito.” Pagilid siyang sinulyapan ni Chester. “Kaysa himatayin ka ulit, marahil ay mas mainam nang matulog ka ulit dahil pagod ka masyado. Tingin mo ba’y yari ka sa bakal?”Tahimik na kinunot ni Shaun ang kanyang mga kilay.“Nagugutom ka ba? Tatawagan ko si Hadley—”“Naalala kong sinabi mong kumain kami ni Catherine sa isang KDC noon,” Biglang putol ni Shaun kay Chester.“Oo, bakit mo nga pala nabanggit?”“May nakasama na ba akong ibang babae noon?” Tanong ni Shaun.“At papaano ko naman iyon malalaman?” Hindi makapaniwala si Chester sa sinasabi ng lalaki. “Hindi ata. Bakit?”“Wala lang.”Bagama’t iyon ang sinabi ni Shaun, agad niyang bumangon. Inalis niya ang kanyang kumot at nagpalit ng da
“Ay, oo, nabanggit kasi sa akin noon ni Cathy na mahilig siya sa mga rosas—”Bago pa man matapos ni Isaac ang kanyang sinasabi, mayroon na agad kumuha sa bulaklak na kanyang hawak. Kinuha ni Shaun ang mga bulaklak at diniretso ito sa basurahang katabi niya.“Shaun Hill, ano’ng ginagawa mo?” Agad na nakita ang galit sa kaaya-ayang mukha ni Isaac.“Lumayo-layo ka kay Catherine kung gusto mong mapanatiling buo ang mga Stringer.” Babala ni Shaun.“Wala ka sa posisyon para makiusig sa mga gawain ni Catherine. Alam kong naging asawa mo siya dati, ngunit hiwalay na kayo. Wala ka nang karapatang makihalo sa kanyang personal na buhay.” Ngisi ni Isaac.“Hindi mo ba ako naiintindihan? Tingin mo ba’y hindi ko alam na hinahabol mo lamang si Catherine para sa karangyaan na dala ng mga Yule. Sa huli’y para sa kapakanan ng mga Stringer ang lahat. Ngunit kailangan mong maintindihan na kapag inusig mo ako, isang salita ko lamang at tapos na ang kabuhayan ng iyong pamilya.”Nakasisindak ang mga mat
Nakita ni Shaun ang gulat na itsura ni Catherine.Bahagyang kumurba ang sulok ng mga labi ni Catherine. Natural lamang na lumabas ang kasinungalingang iyon, ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay pinaniwalaan siya nito.“Sinasabi ko ang totoo. Kung ako sa’yo’y lalayuan ko siya,” Dagdag ni Shaun.Inirapan ni Catherine ang lalaki at inilabas nito ang kanyang phone upang tawagan si Isaac.“Umalis na si Isaac.” Sabi ni Isaac.“Ano nanaman ang ginawa mo ngayon, Shaun Hill?” Masama ang tingin ni Catherine sa lalaki.“Sinabi ko sa kanyang naiinsulto akong sinusuyo ka niya, at umalis agad siya,” Sagot ni Shaun. “Parang daga kung matakot.”Catherine, “...”Kung hindi niya lamang kilala si Isaac ay marahil paniniwalaan niya ang mga kalokohan ni Shaun.Ni hindi man lang nag-isip ng script bago magpauso ng mga kasinungalingan.Umubo si Shaun sa kanyang kamao nang makita niyang hindi na nagsasalita ang babae at wala nang ekspresyon sa pagtingin nito sa kanya. “Pumunta ako rito para magpa
Sinundan ni Shaun si Catherine. Nang makita niya ang matatag na likod ni Catherine nakaramdam siya ng bagay na hindi malinaw, na baka mawala na sa kanya ito habang buhay. “Huwag kang umalis. Sa totoo lang, gusto kita… noon pa.”Ito ang unang beses na tuluyan niyang pinakita ang nararamdaman niya.Tumigil si Catherine, at binaba ni Shaun ang boses niya nang may kabiguan. “Pero hindi ko ito masabi dahil matagal ko nang kilala si Sarah at marami akong utang na loob sa kanya. Hindi ko siya pwedeng biguin kaya pinili ko na lang na makipag divorce sa’yo. Hindi ko maintindihan kung bakit nagbago ang isip ko. Gusto ko lang talagang makasama ka palagi. Kapag nakikita kitang kasama si Liam at Issac, nagseselos ako.”“Ganun ba?”Nilingon ni Catherine ang namumula niyang mata kay Shaun at tinitigan siya nang may sarkastikong ngiti. “Shaun Hill, masyado kang nakatali kay Sarah. Sinabi mong gusto mo ako pero hindi mo ito makumpara sa pagkakasala mo kay Sarah? Sa susunod na may sabihin siya sa’yo
“Ms. Lynch, ‘wag kang matakot. Wala kaming ibang intensyon,” sabi ng butler habang tinutulak ang pintuan.“Sinira ko ang reputasyon ni Rodney Snow. Paanong wala kayong masamang intensyon?”Hindi naniniwala si Freya sa pamilyang ito. Noon, tinawag si Catherine ng old master ng pamilyang hill at pumangit ang mukha nito.Hindi pa siya nakakahanap ng nobyo. Hindi niya gustong pumangit o makulong.“Kung hindi ka makipagtulungan sa amin, kakailanganan ka naming pwersahang dalhin.“ Ang butler bumuntong hininga ng walang pag-asa. Ang makita ang bodyguard na biglang pumasok, naglakad papalapit si Catherine. “Freya, sasamahan kita.”“Ms. Jones, iyon…” Sumimangot ang butler. Narinig niya rin si Catherine. Siya ang tagapagmana ng pamilyang Yule.“Naniniwala akong maiintindihan ito ng pamilyang Snow. kung may bagay na dapat saihin, pwede naman nating pag-usapan. Sa totoo lang, hindi ako matatahimik kung hahayaan ko ang kaibigan kong mag-isa.”“Tama nga naman.” Tumango ang butler. “Tara.”“C
Iniisip na si Freya ay pwedeng maging second madam ng pamilyang Snow sa hinaharap, hindi maiwasan ng lalaki na idagdag, “Ang eldest young miss ang presidente ng Snow Corporation ngayon at kadalasan siyay ay abala.”“Ang eldest young miss…” Medyo nawala si Freya.Tinignan siya ni Catherine nang may malabong ngiti. “Oo, ang ex ng kapatid mo ay ang eldest young miss ng pamilyang Snow.”“... Nagbibiro lang ako. Baka nagkamali lang ako.” Ang dulo ng bibig ni Freya ay kumurba pataas. Naniniwala siyang walang kapabilidad ang kapatid niya.Kaagad, dumating sila sa main hall at nakita ang tatlong tao na nakaupo sa loob.Ang nakaupo sa gitna ay isang matandang lalaki na may puting buhok pero mabait na mukha. Ang katabi nito ay may katandaan na rin na may gwapong mukha at isang may matandang babae na may katangi-tanging makeup. Ang babae ay medyo kahawig ni Rodney at malinaw sa isang tingin na ito ay magulang ni Rodney.“Grandpa, Uncle, Aunty, hello,” Magalang na bati ni Freya at Catherine
Walang pakialam na iwinagayway ni Old Master Snow ang kamay niya. “Hindi ‘yan mahalaga. Kailangan mo lang bayaran si Rodney. Dahil sinira mo ang reputasyon niya na nagtakot sa ibang babae na pakasalan siya, gamitin mo nalang ang sarili mo bilang kabayaran sa kanya.”Freya, “...”Natulala ang babae. Ano ang sinasabi ni Old Master Snow? Bakit talagang hindi niya naintindihan ang lalaki?Kumibot ang bibig ni Catherine. “Ibig mo bang sabihin na si Freya ay gusto mong… magpakasal kay Rodney?”“Mismo.” Tumango si Old Master Snow. “Wala na tayong ibang choice. Ang nanay ni Rodney ay nakapag-ayos ng kasal para sa kanya, pero ang lahat ng ito ay sinira mo.”Matapos nito, palihim tumingin ang lalaki sa kanyang manugang. Walang hiyang sinabi ni Wendy Collins, “Oo, ang babaeng iyon ay talagang mabuting babae. Ikinasal sana sila. Kailangan mo siyang bayaran ng isang kasal.”“Hindi.” Nangatog si Freya habang umiiling ang kanyang ulo na tila rattle. “Ang pamilya ko ay masyadong mahirap. Ang mga