Sinundan ni Shaun si Catherine. Nang makita niya ang matatag na likod ni Catherine nakaramdam siya ng bagay na hindi malinaw, na baka mawala na sa kanya ito habang buhay. “Huwag kang umalis. Sa totoo lang, gusto kita… noon pa.”Ito ang unang beses na tuluyan niyang pinakita ang nararamdaman niya.Tumigil si Catherine, at binaba ni Shaun ang boses niya nang may kabiguan. “Pero hindi ko ito masabi dahil matagal ko nang kilala si Sarah at marami akong utang na loob sa kanya. Hindi ko siya pwedeng biguin kaya pinili ko na lang na makipag divorce sa’yo. Hindi ko maintindihan kung bakit nagbago ang isip ko. Gusto ko lang talagang makasama ka palagi. Kapag nakikita kitang kasama si Liam at Issac, nagseselos ako.”“Ganun ba?”Nilingon ni Catherine ang namumula niyang mata kay Shaun at tinitigan siya nang may sarkastikong ngiti. “Shaun Hill, masyado kang nakatali kay Sarah. Sinabi mong gusto mo ako pero hindi mo ito makumpara sa pagkakasala mo kay Sarah? Sa susunod na may sabihin siya sa’yo
“Ms. Lynch, ‘wag kang matakot. Wala kaming ibang intensyon,” sabi ng butler habang tinutulak ang pintuan.“Sinira ko ang reputasyon ni Rodney Snow. Paanong wala kayong masamang intensyon?”Hindi naniniwala si Freya sa pamilyang ito. Noon, tinawag si Catherine ng old master ng pamilyang hill at pumangit ang mukha nito.Hindi pa siya nakakahanap ng nobyo. Hindi niya gustong pumangit o makulong.“Kung hindi ka makipagtulungan sa amin, kakailanganan ka naming pwersahang dalhin.“ Ang butler bumuntong hininga ng walang pag-asa. Ang makita ang bodyguard na biglang pumasok, naglakad papalapit si Catherine. “Freya, sasamahan kita.”“Ms. Jones, iyon…” Sumimangot ang butler. Narinig niya rin si Catherine. Siya ang tagapagmana ng pamilyang Yule.“Naniniwala akong maiintindihan ito ng pamilyang Snow. kung may bagay na dapat saihin, pwede naman nating pag-usapan. Sa totoo lang, hindi ako matatahimik kung hahayaan ko ang kaibigan kong mag-isa.”“Tama nga naman.” Tumango ang butler. “Tara.”“C
Iniisip na si Freya ay pwedeng maging second madam ng pamilyang Snow sa hinaharap, hindi maiwasan ng lalaki na idagdag, “Ang eldest young miss ang presidente ng Snow Corporation ngayon at kadalasan siyay ay abala.”“Ang eldest young miss…” Medyo nawala si Freya.Tinignan siya ni Catherine nang may malabong ngiti. “Oo, ang ex ng kapatid mo ay ang eldest young miss ng pamilyang Snow.”“... Nagbibiro lang ako. Baka nagkamali lang ako.” Ang dulo ng bibig ni Freya ay kumurba pataas. Naniniwala siyang walang kapabilidad ang kapatid niya.Kaagad, dumating sila sa main hall at nakita ang tatlong tao na nakaupo sa loob.Ang nakaupo sa gitna ay isang matandang lalaki na may puting buhok pero mabait na mukha. Ang katabi nito ay may katandaan na rin na may gwapong mukha at isang may matandang babae na may katangi-tanging makeup. Ang babae ay medyo kahawig ni Rodney at malinaw sa isang tingin na ito ay magulang ni Rodney.“Grandpa, Uncle, Aunty, hello,” Magalang na bati ni Freya at Catherine
Walang pakialam na iwinagayway ni Old Master Snow ang kamay niya. “Hindi ‘yan mahalaga. Kailangan mo lang bayaran si Rodney. Dahil sinira mo ang reputasyon niya na nagtakot sa ibang babae na pakasalan siya, gamitin mo nalang ang sarili mo bilang kabayaran sa kanya.”Freya, “...”Natulala ang babae. Ano ang sinasabi ni Old Master Snow? Bakit talagang hindi niya naintindihan ang lalaki?Kumibot ang bibig ni Catherine. “Ibig mo bang sabihin na si Freya ay gusto mong… magpakasal kay Rodney?”“Mismo.” Tumango si Old Master Snow. “Wala na tayong ibang choice. Ang nanay ni Rodney ay nakapag-ayos ng kasal para sa kanya, pero ang lahat ng ito ay sinira mo.”Matapos nito, palihim tumingin ang lalaki sa kanyang manugang. Walang hiyang sinabi ni Wendy Collins, “Oo, ang babaeng iyon ay talagang mabuting babae. Ikinasal sana sila. Kailangan mo siyang bayaran ng isang kasal.”“Hindi.” Nangatog si Freya habang umiiling ang kanyang ulo na tila rattle. “Ang pamilya ko ay masyadong mahirap. Ang mga
Sinabihan lang siya ni Catherine na huwag sundan ang babae noong hapon, pero nagpadala ang babae sa kanya ng WhatsApp message nung kinagabihan.Natural na hindi namiss ni Catherine ang smug na itsura sa mga mata ng lalaki at seryosong sumulyap sa lalaki na may pagkainis.Nagpanggap si Shaun na hindi ito nakita at lumingon para kamustahin ang nga tao sa pamilyang Snow. "Grandpa Derek, bakit mo sila tinawagan dito?"Sumenyas si Old Master Snow kay Freya gamit ang baba niya. "Ang nagsisinungaling na babaeng iyon ay sinira ang reputasyon ni Rodney, kaya wala akong choice. Nag-aalala ako na hindi magkakaasawa si Rodney, kaya gusto kong pakasalan siya ng babae."Nagulat din si Shaun sa ideya ng matandang lalaki. "Alam ba ni Rodney ang tungkol dito?"“Nabanggit ko ito sa kanya dati.” Malalim na nagbuntong hininga si Old Master Snow. “Shaun, hindi na bata si Rodney. Hindi ko kayang panoorin siya na sinasayang ang kanyang buhay na ganito.”Isang sandaling nabulunan si Shaun. Alam niya na
Sadyang sumulyap si Freya kay Shaun. “Cathy, ayaw kong sumunod sa mga hakbang mo. Kapag sinabihan ako ni Rodney na umalis at hindi ko ginawa, baka malagay ako sa mental hospital. ‘Yun ay magiging masyadong masakit.”Shaun, “...”Nagkaroon talaga ang lalaki ng pag-udyok ngayon na itapon si Freya sa pamilyang Snow.Nakagawa pa lamang siya ng kaunting progreso, pero sinira ng babae ang lahat.“Tama? ‘Yun ang dahilan kung bakit dapat kang maging maingat sa paghahanap ng lalaki,” May ibig sabihing sinabi ni Catherine. “Lalo na yung mga lalaki nawawaln ng talino kapag nakikisalamuha sa mga two-faced b*tches. Kailangan mong lumayo mula sa kanila.”Pagkatapos lumabas ng tahanan ng mga Snow, si Shaun ay pinagsalitaan nila.Inisip niya ang sarili niya bilang matalino at makapangyarihang lalaki. Kung hindi ganon, hindi niya sana kaya na pamunuan ang Hill Corporation habang pinalilibutan ng mga jackals. Gayunpaman, sa mga mata ng dalawang babaeng ito, siya ay isang hangal lamang.Pinangiwi
“...”Pumintig ang ulo ni Catherine.T*nginang ‘yan! Mula sa simula hanggang sa katapusan, trinato lang siya ni Shaun bilang chef. Paano siya nahulog sa isang g*gong kagaya ito dati?Kalimutan na ito. Titiisin niya ito para sa kapakanan ng kanyang plano.Pinikit niya ang kanyang mga mata at sinuot ang apron bago pumunta ng kusina para magluto.Umupo si Shaun sa sala at nanood ng TV. Paminsan minsan siyang tumitingin sa likod at nakikita ang abalang pigura sa kusina. Nakaramdam ng sigla ang kanyang puso.Dati noong mag-isa siya rito, naramdaman niya na ang lugar ay walang laman at mayroong kulang. Ngayon, napagtanto niya na isang babae ang kulang dito.Hindi kailanman ay naranasan niya itong klase ng pakiramdam habang naninirahan sa seaside villa. Kahit na si Sarah at Aunty Zara ay nandoon, hindi kailanman ay naramdaman niya ang ganito dati.Naggugol si Catherine ng isang oras at kalahati bago sa wakas ay natapos siyang magluto ng ribs at meat. Sobrang pagod siya na nagmanhid an
Bumaba agad ang kilay ni Shaun. Pagkakita na bubuksan na ni Catherine ang pinto at aalis na dapat, lumapit siya at kinuha ang kamay nito. "Kung ayaw mo hugasan ang mga pinggan, huwag mo hugasan. Sabihin mo lang-""Shaun Hill, tama na. Inilabas mo tayo sa pamilyang Snow ngayong gabi, kaya nagluto ako sa loob ng dalawang oras at binayaran ang pabor mo. Bukod doon, isinalba kita kahapon. Kasalanan ko ang pagiging mabait ang puso."Suminghal si Catherine, "Huwag mo na ako hanapin sa susunod. Ayaw ko maghirap magluto para sa iyo at mauwi sa pagiging responsable sa paghuhugas ng pinggan at paglilinis pagkatapos. Iminumungkahi ko na tawagan mo ang numero na ito kapag may kailangan ka sa susunod."Inilabas niya ang phone niya at inilabas ang contact para makita niya.Nakita ni Shaun ang numero na naka-save bilang 'Housekeeping Agency.'.Nagdilim bigla ang gwapo niyang mukha.Seryosong pinaalala sa kanya ni Catherine, "Huwag mo isipin na lahat ng taga-linis ay matatanda na. May mga bata a