Pagkatapos bumalik ni Catherine sa Hackett Institute, si Freya, na kakatapos lang maligo, ay mabilis na tumakbo at kumindat. "Patingin nga kung buo pa rin ang damif mo at kung may chikinini ka o wala. Hey, yung damit mo ay lukot at ang buhok mo ay magulo. Mukhang pagod ka. Kayong dalawa ba ay…"Ngumiti siya ng hindi tiyak.Tinignan siya ng matalas ni Catherine. "Alisin mo ang mga maduduming iniisip mo. Nagpunta ako sa kanya at nagluto ng dalawang oras para sa kanya. May mga kalyo ako mula sa paghiwa ng sobrang daming ribs."“...”Tahimik na tinignan ni Freya ang namumula niyang kamay at walang masabi.Mukhang gustong umiyak at magreklamo ni Catherine, "40 pounds nf ribs at 40 pounds ng karne. Hiniwa ko iyon ng matagal bago inilagay sa freezer para sa kanya. Pagkatapos ay pinaglutuan ko siya ng roasted pork, spareribs stew, pork chop with peppers, stir-fried pork, at sweet and sour pork ribs. Katatapos ko lang magluto nang tinanong niya ako bakit hindi ko hinuhugasan ang mga hugasi
Malamig na suminghal si Shaun. “Kahit hindi mo na sabihin pa.”Lumundag ang puso ni Hadley. Wala na siyang gustong mangyari pa kundi ang mawala sa mundo. Hindi niya ito lubos na maunawaan. Hindi lamang naman siya ang naiintriga rito, ngunit bakit siya lamang ang ginugulo ng presidente?“Ngayo’y sagutin mo itong tanong na ito.” Kinatok ni Shaun ang lamesa at sinabi ito sa isang malalim na tono, “Si Catherine… Bakit siya nagalit at umalis? May ginawa ba talaga akong mali? Ano dapat ang gawin ko ngayon?”“...”Napagtantuan ni Hadley na ang tinutukoy niyang tao ay si Ms. Jones. Nakakaawa naman talaga iyong si Ms. Jones. Bakit siya umalis? Kung si Hadley rin naman ay babae, marahil ay iyon din ang kanyang gagawin.“With all due respect, President Hill, ngayo’y… nasa panliligaw na dapat kayo, ‘di ba?” Maingat na tinanong ni Hadley.Nanuya si Shaun at sinulyapan ang kanyang kausap, “Kailangan ko pa ba siyang ligawan? Alam mo nang higit sa lahat kung ano ang tingin niya sa akin. Matagal
”Salamat, pero ayaw kong maging guinea pig mo. Natatakot ako na lasunin mo ‘ko.” Nasubukan na ni Catherine ang pagkain niya at ito ay off-putting.“Edi hayaan mo ‘kong dalhin ka na manood ng pelikula.”“Hindi.”Diretsyong pinatay ni Catherine ang tawag. Sa kabila ng pagkakaalam na dapat siyang magstick sa kanyang plano sa halip na umarte ng ganito, hindi niya mapigilang makaramdam ng galit sa insidente kagabi.…Samantala, sa opisina ng presidente.Nang babaan siya, kumibot ang mga templo ni Shaun.Binuksan niya ang kanyang laptop pero hindi nagtagumpay na madigest ang kahit anong salitang nakapaskil doon. Nang 3:00 p.m. na, binuksan niya ang sasakyan at nagmadali papunta sa preschool.Kilala siya ng gwardya sa gate, kaya pwede siyang pumunta sa pintuan ng klase.Ang mga bata ay kagigising lang mula sa kanilang pagtulog at umiinom ng iced pear juice. Si Suzie ay nakaupo sa tabi ng lalaking nakaputing shirt. Ang lalaki ay nagbabasa ng libro habang nakababa ang kanyang ulo. Pali
Mabilisang nakipag-ugnayan si Shaun sa principal at kanyang tinanong ang impormasyon patungkol kay Lucas.Ang buong pangalan ng bata ay Lucas Yule. Si Sheldon Yule ang kanyang ama, samantalang si Sabrina Winton naman ang ina. Ikinalungkot ni Shaun nang kanyang malaman na isa’t kalahating taon ang tanda ni Suzie kay Lucas.“Sigurado ba kayong dalawang taon at dalawang buwan pa lamang si Lucas?” Sumimangot si Shaun habang pinagtataka kung bakit mas mukhang matanda si Lucas kumpara kay Suzie.“Oho. Marahil ay matangkad ‘yung bata dahil matangkad din ang kanyang mga magulang. Normal naman iyong nangyayari rito.”Ngumiti ang principal at sinabi, “Noong una’y hindi namin siya gustong tanggapin dahil masyado pa siyang bata, ngunit natanggap din siya sa huli dahil mula sa mga Yule ang kanyang mga magulang at nakipag-areglo na lamang sila.”“Ang mga Yule?”May ideyang naisip si Shaun. Matapos niyang makalabas ng opisina ng principal, agad niyang tinanong ang isang miyembro ng Liona upang
Madilim at malungkot ang itsura ni Shaun na siyang nakaupo sa driver’s seat. Laki niyang gulat nang agad na bumaba si Catherine nang hindi na nagtatanong pa. Iniisip nitong magtataka ang babae dahil siya at hindi si Liam ang naroon.Gusto niyang tigilan na ng babae ang masamang ugaling ito. Gusto niyang malaman ng babaeng dapat siyang lumayo-layo sa kanyang bayaw.Makalipas ang ilang sandali ay nasa harapan na nina Shaun at Suzie si Catherine.Ibinaba ng bata ang bintana ng sasakyan at buong tuwa nitong kinawayan ang babae.Agad din namang tumungo si Catherine sa sasakyan. Sa loob ng ilang segundo’y lumabas si Shaun at binuksan ang rear door. “Sasamahan nating manood ng pelikula si Suzie.”“Ha…” Gumalaw ang mga labi ni Catherine.Binuksan ni Shaun ang kanyang phone at ipinakita kay Catherine ang mga ticket. “Nakabili na ako ng ticket, at non-refundable ito.”Walang imik si Catherine matapos niyang sulyapan ang phone ng lalaki. “Manonood tayo ng Brother Bear?”“Ako po ang nag-su
“Aunty Cathy, alam niyo po ba kung ano iyong manamis-namin na lasang iyon? Para maramdaman ko rin po iyon sa puso ko sa susunod!” Nalilitong tumingin si Suzie kay Catherine.“Hindi ko rin alam eh. Hindi ako kasing-maalam, maramdamin, at taksil tulad ng Uncle Shaun mo.” Biro ni Catherine bago niya iyuko ang kanyang ulo upang ipagpatuloy ang pagkain ng steak pizza.Kumuha ng isang basong tubig si Shaun at nagmamaktol itong ininom.Kailan pa siya naging taksil?Bilang haligi ng mga Hill, bukod kay Catherine ay si Sarah pa lamang ang kanyang naging kasintahan. Bukod pa rito’y si Catherine lamang ang kanyang naging matalik na kasintahan.…Matapos nilang kumain ay tumungo ang tatlo sa sinehan.Buhat ni shaun si Suzie sa kanyang bnalikat, samantalang dala-dala ni Catherine ang jacket ni Suzie.Para sa ibang mga bata, mukhang isang buong pamilya ang tatlo.Noong sila’y naghihintay sa lobby ng sinehan ay maraming bata rin ang nakatayo roon. Ang iba’y kasama rin ang kanilang mga ama o
Tumungo si Suzie, ipagpalagay na totoo ang sinabi ni Shaun.Walang masabi si Catherine. Bigla na lamang din niyang napansin na nasa likod ng kanyang upuan ang kamay ni Shaun.Tinitigan niya ang lalaki, ngunit sinabi lamang nitong, “Nananakit ang aking balikat, kaya’t inuunat ko ang aking braso.”“...”Tumingin na lamang si Catherine sa harap dahil ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang lalaki.Subalit nakayayamot naman talaga ang mga cartoon na pelikula. Tanging si Suzie lamang ang babad sa panonood.Yumuko na lamang si Catherine upang buksan ang kanyang phone at maglaro.Matapos sulyapan ni Shaun ang kanyang account at region ay inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Catherine. At dahil isang manipis na bestidang gawa sa silk lamang ang suot ni Catherine, ay naramdaman niya ang malambot nitong shoulder blade.“Shaun…” Tumingala si Catherine upang tignan nang masama si Shaun.Nahihiyang binawi ni Shaun ang kanyang kamay. Pagkatapos nito’y kinuha niya ang baso ng grapefruit
Minasahe ni Catherine ang sentido niya. “Wala nang sapat na espasyo sa bahay ko para ilagay ang mga damit na mga ‘to…”“Iwan mo siya sa Zion Residence, kung ganoon. Kung pupunta ka para manatili, hindi mo na kailangan magdala ng damit,” Sagot ni Shaun nang may ugaling na parang… silang dalawa ay nasa opisyal na relasyon.Hindi makapagsalita si Catherine sa nakikita niyang kahiya-hiyang ekspresyon. “Bakit nga ulit ako mananatili doon?”“Kung hindi ka pupunta at mananatili sa lugar ko, kaninong lugar mo balak manatili? Hindi ko hahayaang sa bahay ng ibang lalaki ka mananatili,” Sabi ni Shaun na may pagkadominante at mapukaw na paraan.Gayunpaman, wala nang enerhiya si Catherine para makipag-away pa sa kanya. Dahil gusto niyang gastusan pa ito, hahayaan lang ito ni Catherine. Sabagay, siya ang magdedesisyon kung mananatili ba ito sa lugar ni Shaun.Gaya noon, napabili na lang si Shaun ng higit 100 pares ng damit para kay Catherine, na ang dapat lang talagang bibilhin ay pares ng pa