“Kumalma ka, Shaun. Si Doctor Lyles na ang pinakamagaling sa field na ito sa buong bansa,” Pagdedepensa ni Chester.“Papaano akong kakalma? Ni hindi ko nga maalalang buntis ang aking asawa. Baka nga bukas hindi ko na maalalang asawa ko siya!” Bakas sa mukha ni Shaun ang kanyang pagkairita.Gumalaw ang mga labi ni Doctor Lyles ngunit hindi na lamang ito nagsalita.Gayumpaman, iniisip ni Shaun na tama ang kanyang sinabi.Galit itong tumayo at idinabog ang mga gamit sa kalapit na lamesa.“Shaun, kumalma ka.” Pinigilan nina Chester at Doctor Lyles ang nagwawalang lalaki, ngunit itinaboy lamang sila ni Shaun.Kinagat ni Catherine ang kanyang labi at nilapitan niya ang lalaki. “Shaun Hill, tinatakot mo ba ang dalawang batang dala-dala ko?”Nanigas si Shaun sabay tingin sa tiyan ni Catherine. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao sa sakit. “May sakit ako. Baka dumating na lang ang araw na hindi ko sila makilala kapag nakita ko sila sa susunod.”“Hindi mangyayari ‘yon. Nakakuha na ako ng
“Nasa manor ka ba ngayon? Hinog na ang mga ubas, kaya’t pupunta ako para dalhan ka at mangamusta na rin. Hindi mo rin naman ako kikitain kung hindi ako ang magkukusang pupunta sa’yo.”“Mukhang maganda nga ang ubas. Kapag kumain nito ang isang buntis na babae, marahil ay lalaki rin ang mga mata ng magiging anak niya,” Pagninilay ni Shaun.“Ha… ano’ng sinabi mo?” Natigilan ang Old Madam Hill sa narinig nito.“Tama ang ‘yong narinig. Magiging ganap na akong ama.” Kumulot ang mga sulok ng labi ni Shaun. Masaya ang tinig ng kanyang boses, “At kambal pa sila.”“Shaun Hill, bakit ngayon lang namin ito narinig?” Halos mabingi na si Shaun sa tinig ng Old Madam Hill.Kambal, Mahabaging Diyos!Hindi pa nagkaroon ng kambal ang mga Hill noon.Napaayos din ng upo ang nagbabasa lamang ng dyaryo gamit ang kanyang presbyopic glasses na si Old Master Hill upang marinig nang maayos ang balita.“At bakit ko naman ‘yon sasabihin sa inyo? Akala ko ba’y ayaw ninyo kay Catherine?” Umupo nang de-kwatro
Hindi makakayanan ni Shaun kapag sa magkahiwalay na kwarto sila matutulog ni Catherine, kahit na isang araw lamang iyon.Balak sanang ipaliwanag ni Catherine ang kanyang sarili, ngunit lumambot ang kanyang puso nang marinig niya ang mga sinabi ni Old Madam Hill. Tumango na lamang ito. “Willing naman akong lumipat panandalian sa manor. Marami na rin namang karanasan si lola at ilang beses na rin siyang nanganak. Kaya’t panatag akong alam niya ang kanyang sinasabi.”“Tama,” Binigyan siya ni Old Madam Hill ng tingin ng pagsasang-ayon.Sa unang pagkakataon ay bahagya siyang natuwa sa mga ikinikilos ni Catherine.Nakatuon ang tingin ng mga mabibigat na mata ni Shaun sa maliit na mukha ni Catherine.Alam nito ang iniisip ng babae. Gusto siya nito iwasan at ayaw siya nitong makatabing matulog.“Hindi ako papayag.”“Wala nang silbi kung hindi ka papayag,” Utos ni Old Master Hill. “Anuman ang mangyari, ligtas dapat na iluluwal ang unang kambal ng mga Hill.”Shaun, “...”Pucha naman! Hi
Hindi mapagkakailang kinamumuhian ni Valerie si Catherine. Kasalanan nito kung bakit inalis siya ni Shaun sa kanyang posisyon bilang director-general ng Hill Corporation matapos nitong manungkulang muli sa kumpanya. Ibinabasa siya nito sa isang hindi makataong posisyon. Sumakit ang kanyang mga ngipit dahil sa matinding poot sa tuwing iniisip niya si Catherine Jones.“Aunty, bakit naman hindi ako pwede rito? Asawa naman ako ni Shaun.” Itinaas ni Catherine ang kanyang kilay sabay ngiti.“Pwede ba, ‘wag mo akong tawaging ‘Aunty’! Hindi bagay sa’yo. Parang gusto kong masuka.” Nababalisang sagot ni Valerie.“Tama, isa ka lang namang ‘di hamak na anak sa labas. Hindi ka namin kinikilala.” Pagmamataas ni Queenie.“‘Wag niyo naman pasamain ang aking loob,” Mahinang sagot ni Catherine.Tinawanan lamang ito ni Catherine “Ano naman kung pasamain ko ang iyong loob? Ano naman kung hahampasin kita?”Itinaas niya ang kanyang kamay habang nagsasalita, ngunit agad siyang pinigilan ni Queenie. “
Nabalisa na rin si Queenie. “Lola, patawarin niyo na po si mama. Hindi niya po sinasadyang—”“Matanda na kami ng lolo niyo. Gusto na lang namin mamuhay nang payak. Hindi namin hahayaan ang ganyang pag-uugali. Queenie, kung gagayahin mo ‘yang nanay mo, ‘wag ka na rin bumalik sa susunod.”Napupuno na si Old Madam Hill.Kinaway niya ang kanyang kamay upang hayaan ang housekeeper na ihatid sila palabas ng manor.“Lola, pasensya ka na…” Nagsisisi ang itsura ni Catherine.“Ano ka ba? Wala ‘yun. Malinaw kong nakikita na siya ang nang-a-agrabyado sa’yo. Totoong hindi kita gaanong gusto, ngunit nasasabi ko pa naman kung ano ang tama sa mali.”Prangkang sinabi ni Old Madam Hill.Hindi ito ikinalungkot ni Catherine at sa halip ay pinagaan ng pakikitungo nito ang kanyang kalooban.“Sabihin mo lang sa akin kapag may umusig pa sa’yo sa susunod. Ikaw ang asawa ni Shaun, at sandaling panahon na lamang at ikaw na ang mamamahala sa manor na ito, kaya’t maaari mo itong ikutin kapag may oras ka up
“Sige lang. Nakapatay na ang phone ni lola ng mga ganitong oras.” Ibinalot ni Shaun ang asawa sa kanyang mga bisig, at hinaplos ng kanyang kaliwang kamay ang tiyan nito. “Patingin nga kung lumaki man ang mga anak natin ngayon.”“Isang buwan pa lang naman sila. Wala masyadong pagbabago.” Itinaboy ni Catherine ang kamay ng lalaki. “Bumalik ka na. Gusto ko nang matulog.”“Hindi mo pa sinasagot ang aking tanong.” Tinitigan ni Shaun ang asawa. “Sino ang gustong maging ninang ng aking mga anak? Kung si Freya Lynch ‘yan, ayoko dahil nakababahala ang kanyang IQ. Kung si Charity Neeson nama’y mas lalong ayoko…”“Shaun Hill, pumunta ka ba rito upang makipagtalo sa akin?” Nagsimula nang magalit si Catherine kaya hinampas niya ang lalaki gamit ang isang unan. “Akin ang mga batang ito. Ako ang magdedesisyon kung sino ang magiging ninang nila. Kung patuloy mo akong guguluhin, hindi ko ito iluluwal.”“Ano’ng sabi mo?” Biglang nandilim ang itsura ni Shaun. “Catherine Jones, pag-isipan mong mabuti
“Ikaw nga, Freya Lynch!”Nang bumaba ang bintana ng sasakyan, nakita ni Freya ang kasuklam-suklam na mukha ni Linda Shelby. Tila’y tuwang tuwa itong makita si Freya.Subalit parang gusto namang sumuka ni Freya.Punyeta naman! Kababalik niya pa lang ng Melbourne at nakita niya na agad ang pinaka-nakakairitang tao sa siyudad. “Ano naman ang ginagawa mo rito sa Melbourne, Freya? Balita ko’y may bago kang boyfriend sa Canberra, ha. Papaano mo iyon magagawa kay Patrick?” Simangot ni Linda.“Wala kang pakialam. BIngi ka ba? Hindi mo ba narinig noong sinabi kong muntikan mo nang mabangga ang aking sasakyan?” Naiirita ang tono ng boses ni Freya.Namula ang mga mata ni Linda dahil pakiramdam nito’y inaagrabyado siya. “Pasensya ka na…”“Ako na ang nag-so-sorry para sa kanya…”Biglang bumukas ang passenger door at lumabas mula sa sasakyan si Patrick. Ang minsa’y poise at kaaya-ayang itsura nito’y ngayo’y nagbago na. At ang kaakit-akit na mukha at labi nito’y singputla na ngayon ng isang
”Si Freya. Pumunta siya sa forensic department ng ospital. Sa tingin mo ba may anak siya sa labas o ano?”“Ang forensic department?” Ang boses sa kabilang linya ay biglang tumaas. “Nasa Melbourne si Freya?”“Oo, nahihiwagaan din ako kung bakit siya biglang bumalik. Hindi naman siguro niya sinusubukang balikan si Patrick, ‘no? Hmph, hindi siya magtatagumpay—”“Linda, sa susunod na tayo mag-usap. May bgilaan akong kailangan asikasuhin.”Binaba ni Rebecca ang tawag at biglang napagtantong mahapdi pa rin ang kanyang anit. Nawalan siya ng bugkos ng buhok nang sabunutan siya ni Catherine kanina.Kumabog ang dibdib niya at bigla niyang pinindot ang hindi kilalang number. “Kaibigan ni Catherine na si Freya ay biglang pumunta ng forensic department sa Melbourne. Sa tingin ko kinuhaan ako ni Catherine ng buhok para mag paternity test kay Jeffery.”“Iimbestigahan ko.”“Kapag nalaman ng iba na ako ang pekeng Shelley Langley, siguradong papatayin nila kami.”“Huwag kang mag-alala. Hanggang