Share

Kabanata 500

“Ikaw nga, Freya Lynch!”

Nang bumaba ang bintana ng sasakyan, nakita ni Freya ang kasuklam-suklam na mukha ni Linda Shelby. Tila’y tuwang tuwa itong makita si Freya.

Subalit parang gusto namang sumuka ni Freya.

Punyeta naman! Kababalik niya pa lang ng Melbourne at nakita niya na agad ang pinaka-nakakairitang tao sa siyudad.

“Ano naman ang ginagawa mo rito sa Melbourne, Freya? Balita ko’y may bago kang boyfriend sa Canberra, ha. Papaano mo iyon magagawa kay Patrick?” Simangot ni Linda.

“Wala kang pakialam. BIngi ka ba? Hindi mo ba narinig noong sinabi kong muntikan mo nang mabangga ang aking sasakyan?” Naiirita ang tono ng boses ni Freya.

Namula ang mga mata ni Linda dahil pakiramdam nito’y inaagrabyado siya. “Pasensya ka na…”

“Ako na ang nag-so-sorry para sa kanya…”

Biglang bumukas ang passenger door at lumabas mula sa sasakyan si Patrick. Ang minsa’y poise at kaaya-ayang itsura nito’y ngayo’y nagbago na. At ang kaakit-akit na mukha at labi nito’y singputla na ngayon ng isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status