“Ikaw nga, Freya Lynch!”Nang bumaba ang bintana ng sasakyan, nakita ni Freya ang kasuklam-suklam na mukha ni Linda Shelby. Tila’y tuwang tuwa itong makita si Freya.Subalit parang gusto namang sumuka ni Freya.Punyeta naman! Kababalik niya pa lang ng Melbourne at nakita niya na agad ang pinaka-nakakairitang tao sa siyudad. “Ano naman ang ginagawa mo rito sa Melbourne, Freya? Balita ko’y may bago kang boyfriend sa Canberra, ha. Papaano mo iyon magagawa kay Patrick?” Simangot ni Linda.“Wala kang pakialam. BIngi ka ba? Hindi mo ba narinig noong sinabi kong muntikan mo nang mabangga ang aking sasakyan?” Naiirita ang tono ng boses ni Freya.Namula ang mga mata ni Linda dahil pakiramdam nito’y inaagrabyado siya. “Pasensya ka na…”“Ako na ang nag-so-sorry para sa kanya…”Biglang bumukas ang passenger door at lumabas mula sa sasakyan si Patrick. Ang minsa’y poise at kaaya-ayang itsura nito’y ngayo’y nagbago na. At ang kaakit-akit na mukha at labi nito’y singputla na ngayon ng isang
”Si Freya. Pumunta siya sa forensic department ng ospital. Sa tingin mo ba may anak siya sa labas o ano?”“Ang forensic department?” Ang boses sa kabilang linya ay biglang tumaas. “Nasa Melbourne si Freya?”“Oo, nahihiwagaan din ako kung bakit siya biglang bumalik. Hindi naman siguro niya sinusubukang balikan si Patrick, ‘no? Hmph, hindi siya magtatagumpay—”“Linda, sa susunod na tayo mag-usap. May bgilaan akong kailangan asikasuhin.”Binaba ni Rebecca ang tawag at biglang napagtantong mahapdi pa rin ang kanyang anit. Nawalan siya ng bugkos ng buhok nang sabunutan siya ni Catherine kanina.Kumabog ang dibdib niya at bigla niyang pinindot ang hindi kilalang number. “Kaibigan ni Catherine na si Freya ay biglang pumunta ng forensic department sa Melbourne. Sa tingin ko kinuhaan ako ni Catherine ng buhok para mag paternity test kay Jeffery.”“Iimbestigahan ko.”“Kapag nalaman ng iba na ako ang pekeng Shelley Langley, siguradong papatayin nila kami.”“Huwag kang mag-alala. Hanggang
Tinuloy ni Catherine, “Isipin mong mabuti. Sinasabi ng mga kaibigan mo na lumalala ang pagkawala ng memorya mo dahil may gumagalit sa yo pero sobrang lungkot mo nung namatay si Sarah Langley. Nangyari rin ba ito sayo noon? Simula nang alagaan ka ni Shelley Langley, bakit ka nawawalan ng memorya?”Namuti ang mukha ni Shaun.Tama naman, nitong huli lang naman siya nagkaroon ng madalas na sakit ng ulo at ininda ang paggiging makakalimutin.“Sigurado ako, 100% na siya si Rebecca Jones. Anong pakay niya sa biglang pagpapakita sa panig mo? May dinagdag ba siyang iba sa gatas o sa gamot na madalas niyang ipainom sa’yo? Naisip mo man lang ba iyon?”Madilim ang mata ni Catherine. “Tinuturukan ka at pinapainom ng gamot araw-araw, at gumagaling ka naman noon. Bakit ngayon wala nang kwenta itong mga ‘to?”Hindi nakapagsalita si Shaun.Nagsimula na rin itong maniwala sa mga salita ni Catherine.“Pwede kang mag-utos ng kung sino para kunin si Shelley at agad na dalhin sa paternity testing. H
”Ospital ito ni Young Master Jewell kaya imposibleng magkamali. Mamaya, isang forensic doctor ang kukuha ng katawan para kilalanin ito. Malalaman natin kung siya ba ay sumailalim sa plastic surgery o hindi.”“Sige.” Minasahe ni Shaun ang ulo niya. “Alamin mo kung sino ang nagpadala ng mga tao kagabi.”“Ano pang titignan? Halata namang si Catherine Jones. Tinutulungan mo pa rin siya hanggang ngayon!” Malungkot na sigaw ni Rodney, “Masyadong masama ang babaeng iyon! Hindi kailanman inisip ni Shelley na akitin ka pero sinubukan pa rin niyang patayin si Shelley.”“Hindi ganoong klaseng tao si Catherine.” Pagtanggi ni Shaun. “Naloko siguro siya.”“Kahit na naloko siyua, ang tanga naman niya. Dahil pa rin ito sa makitid na pag-iisip niya.”“Rodney Snow, tapos ka na?” Hindi na matiis ni Shaun.“Hindi, hindi pa. Tiniis ko siya hanggang ngayon dahil asawa mo siya pero hindi ko na kaya.” Angal ni Rodney.“Tumigil kayo!” Bumaba si Chester sa kotse at narinig ang nag-aaway na boses nila.“
”Ayos.”Natuwa ang puso ni Charity. “Susubukan ko isang beses pa. Kung hindi ko makukuha ang microchip, e ‘di ibebenta ko ang kumpanya. Pagkatapos n’un, pwede na tayong umalis sa Canberra…”Habang nagsasalita siya, isang malaking grupo ng pulis ang biglang pumasok.“Ms. Neeson, may nakitang ebidensya ang pulis na kinsasangkutan niyong sa kaso ng pagpatay. Opisyal ka naming inaaresto.”Isang opisyal ang kaagad nagposas sa kanya.Natulala si Charity. “Anong kaso ng pagpatay? Wala akong alam sa sinasabi mo.”“Patay na si Shelley Langley. Inutusan mo si Gale at Wayne na sunugin siya. Umamin na sila.”Humiging ang utak ni Charity. “Imposible. Tauhan ko si Gale at Wayne pero hindi ko sila inutusang ganyan.”“Lahat ng kriminal ay hindi naman kaagad umaamin pero meron na kaming tukoy na pruweba.” “Imposible ‘yan. Hindi kayang pumatay ng anak ko!” Nagmadali si Boris at hinawakan ang pulis. Tinulak siya ng lalaki. “Hindi lang pumatay ang anak mo pero nakakakilabot din siyang tao. Mab
Masyadong nagkataon.Pagkababa ng tawag, hindi mahagilan ni Catherine si Shaun, kaya tinawagan niya si Hadley.Sa wakas ay sinagot ni Hadley pagkatapos ng ilang minuto. “Young madam, ano pong problema?”“Bakit hindi sumasagot ng tawag si Shaun?”“Si Eldest Young Master Hill ay… ay nasa meeting.”“Eh kahapon, at nung isang araw? Hindi niya sinasagot ang tawag ko,” inis na sabi ni Catherine, “Wala akong pakialam. Sabihin mo umuwi siya sa mansyon mamayang gabi, o.. O ako ang pupunta sa kanya.”“Young Madam, pakiusap huwag mo akong pilitin. Abala si Eldest Young Master Hill…”“Ano bang pinagkakaabalahan niya’t hindi siya umuuwi ng ilang araw at hindi sinasagot ang tawag ko? O baka naman meron siyang ibang babae sa tabi niya ngayon?” tumawa ng malamig si Catherine. “Meron nanaman bang nagpakitang kamukha ni Sarah Langley ulit?”“... Hindi, sasabihan ko si Eldest Young Master Hill,” Hadley, pakiramdam ng sakit ng ulo ang parating.2:00 p.m., nakatanggap ng tawag galing kay Freya mul
”Tignan mo ito mismo.” Nilagay ni Shaun ang dalawang report sa kanyang kamay. “Ang isa sa kanila ay hair identification, samantala ang isa ay ang corpse identification ni Shelley. Lahat ng ito ay patunay na siya ay miyembro ng pamilya Langley. Ang forensic doctor ay sinuri ang kanyang mukha ay nakita na siya ay hindi kailanman dumaan sa plastic surgery. Siya ang tunay na Shelley. Si Charity ay nagsinungaling sayo.”Kaagad na binasa ni Catherine ang mga report. Sa segundong nakita niya ang mga salita na nakasulat sa ibabaw, ang kanyang ulo ay halos sumabog.“Ito ay impossible. Hindi makakapagsinungaling si Charity sa akin.” Napailing siya hindi makapaniwala.“Sa tingin ko ikaw ay nabrainwash niya. Gaano katagal mo ba siya kilala? At gaano katagal mo na ako kilala? Bakit ka mas maniniwala kay Charity kaysa sa akin? Matagal ko ng sinasabi sayo na ang babaeng iyon ay hindi mabait na tao.”Ang kanyang matigas na karakter ay nagsimulang magpuno sa galit si Shaun. “Nakinig aako sayo at ki
”Galit ako sayo, Shaun.” Napaiyak si Catherine.“Magpahinga ka ng ayos. Huwag ka muna bumalik sa opisina ngayon. Ako ang bahala sa mga bagay sa Hudson Corporation para sayo hanggang sa maipanganak mo ang dalawang bata.”Walang pagpipilian si Shaun kung hindi ang sabihin iyon ng nagdadalawang isip dahil hindi niya matiis na makita siyang umiiyak.Pagkatapos nito, tumalikod siya at naglakad papunta sa gate.“Tigil...”Gusto niyang habulin si Catherine, pero wala siyang magawang harangan ni Hadley. “Young Madam Hill, dapat mong tigilan makipagtalo kay Eldest Young Master Hill. Dahil sayo, ang kanyang relasyon kay Young Master Snow na naging maasim kamakailan. Ang mga magulang ni Shelley ay pinuna pa si Eldest Young Master Hill para sa kamatayan ng kanilang anak, na nagdulot sa kanya ng pagkabalisa.”Tumigil si Catherine maglakad at hindi makapaniwalang nagtanong, “Hadley, ang patay na katawan ba ay talagang kay Shelley?”“Yeah. Ang mga doktor ay gumawa ng forensic examination at DN