Hindi mapagkakailang kinamumuhian ni Valerie si Catherine. Kasalanan nito kung bakit inalis siya ni Shaun sa kanyang posisyon bilang director-general ng Hill Corporation matapos nitong manungkulang muli sa kumpanya. Ibinabasa siya nito sa isang hindi makataong posisyon. Sumakit ang kanyang mga ngipit dahil sa matinding poot sa tuwing iniisip niya si Catherine Jones.“Aunty, bakit naman hindi ako pwede rito? Asawa naman ako ni Shaun.” Itinaas ni Catherine ang kanyang kilay sabay ngiti.“Pwede ba, ‘wag mo akong tawaging ‘Aunty’! Hindi bagay sa’yo. Parang gusto kong masuka.” Nababalisang sagot ni Valerie.“Tama, isa ka lang namang ‘di hamak na anak sa labas. Hindi ka namin kinikilala.” Pagmamataas ni Queenie.“‘Wag niyo naman pasamain ang aking loob,” Mahinang sagot ni Catherine.Tinawanan lamang ito ni Catherine “Ano naman kung pasamain ko ang iyong loob? Ano naman kung hahampasin kita?”Itinaas niya ang kanyang kamay habang nagsasalita, ngunit agad siyang pinigilan ni Queenie. “
Nabalisa na rin si Queenie. “Lola, patawarin niyo na po si mama. Hindi niya po sinasadyang—”“Matanda na kami ng lolo niyo. Gusto na lang namin mamuhay nang payak. Hindi namin hahayaan ang ganyang pag-uugali. Queenie, kung gagayahin mo ‘yang nanay mo, ‘wag ka na rin bumalik sa susunod.”Napupuno na si Old Madam Hill.Kinaway niya ang kanyang kamay upang hayaan ang housekeeper na ihatid sila palabas ng manor.“Lola, pasensya ka na…” Nagsisisi ang itsura ni Catherine.“Ano ka ba? Wala ‘yun. Malinaw kong nakikita na siya ang nang-a-agrabyado sa’yo. Totoong hindi kita gaanong gusto, ngunit nasasabi ko pa naman kung ano ang tama sa mali.”Prangkang sinabi ni Old Madam Hill.Hindi ito ikinalungkot ni Catherine at sa halip ay pinagaan ng pakikitungo nito ang kanyang kalooban.“Sabihin mo lang sa akin kapag may umusig pa sa’yo sa susunod. Ikaw ang asawa ni Shaun, at sandaling panahon na lamang at ikaw na ang mamamahala sa manor na ito, kaya’t maaari mo itong ikutin kapag may oras ka up
“Sige lang. Nakapatay na ang phone ni lola ng mga ganitong oras.” Ibinalot ni Shaun ang asawa sa kanyang mga bisig, at hinaplos ng kanyang kaliwang kamay ang tiyan nito. “Patingin nga kung lumaki man ang mga anak natin ngayon.”“Isang buwan pa lang naman sila. Wala masyadong pagbabago.” Itinaboy ni Catherine ang kamay ng lalaki. “Bumalik ka na. Gusto ko nang matulog.”“Hindi mo pa sinasagot ang aking tanong.” Tinitigan ni Shaun ang asawa. “Sino ang gustong maging ninang ng aking mga anak? Kung si Freya Lynch ‘yan, ayoko dahil nakababahala ang kanyang IQ. Kung si Charity Neeson nama’y mas lalong ayoko…”“Shaun Hill, pumunta ka ba rito upang makipagtalo sa akin?” Nagsimula nang magalit si Catherine kaya hinampas niya ang lalaki gamit ang isang unan. “Akin ang mga batang ito. Ako ang magdedesisyon kung sino ang magiging ninang nila. Kung patuloy mo akong guguluhin, hindi ko ito iluluwal.”“Ano’ng sabi mo?” Biglang nandilim ang itsura ni Shaun. “Catherine Jones, pag-isipan mong mabuti
“Ikaw nga, Freya Lynch!”Nang bumaba ang bintana ng sasakyan, nakita ni Freya ang kasuklam-suklam na mukha ni Linda Shelby. Tila’y tuwang tuwa itong makita si Freya.Subalit parang gusto namang sumuka ni Freya.Punyeta naman! Kababalik niya pa lang ng Melbourne at nakita niya na agad ang pinaka-nakakairitang tao sa siyudad. “Ano naman ang ginagawa mo rito sa Melbourne, Freya? Balita ko’y may bago kang boyfriend sa Canberra, ha. Papaano mo iyon magagawa kay Patrick?” Simangot ni Linda.“Wala kang pakialam. BIngi ka ba? Hindi mo ba narinig noong sinabi kong muntikan mo nang mabangga ang aking sasakyan?” Naiirita ang tono ng boses ni Freya.Namula ang mga mata ni Linda dahil pakiramdam nito’y inaagrabyado siya. “Pasensya ka na…”“Ako na ang nag-so-sorry para sa kanya…”Biglang bumukas ang passenger door at lumabas mula sa sasakyan si Patrick. Ang minsa’y poise at kaaya-ayang itsura nito’y ngayo’y nagbago na. At ang kaakit-akit na mukha at labi nito’y singputla na ngayon ng isang
”Si Freya. Pumunta siya sa forensic department ng ospital. Sa tingin mo ba may anak siya sa labas o ano?”“Ang forensic department?” Ang boses sa kabilang linya ay biglang tumaas. “Nasa Melbourne si Freya?”“Oo, nahihiwagaan din ako kung bakit siya biglang bumalik. Hindi naman siguro niya sinusubukang balikan si Patrick, ‘no? Hmph, hindi siya magtatagumpay—”“Linda, sa susunod na tayo mag-usap. May bgilaan akong kailangan asikasuhin.”Binaba ni Rebecca ang tawag at biglang napagtantong mahapdi pa rin ang kanyang anit. Nawalan siya ng bugkos ng buhok nang sabunutan siya ni Catherine kanina.Kumabog ang dibdib niya at bigla niyang pinindot ang hindi kilalang number. “Kaibigan ni Catherine na si Freya ay biglang pumunta ng forensic department sa Melbourne. Sa tingin ko kinuhaan ako ni Catherine ng buhok para mag paternity test kay Jeffery.”“Iimbestigahan ko.”“Kapag nalaman ng iba na ako ang pekeng Shelley Langley, siguradong papatayin nila kami.”“Huwag kang mag-alala. Hanggang
Tinuloy ni Catherine, “Isipin mong mabuti. Sinasabi ng mga kaibigan mo na lumalala ang pagkawala ng memorya mo dahil may gumagalit sa yo pero sobrang lungkot mo nung namatay si Sarah Langley. Nangyari rin ba ito sayo noon? Simula nang alagaan ka ni Shelley Langley, bakit ka nawawalan ng memorya?”Namuti ang mukha ni Shaun.Tama naman, nitong huli lang naman siya nagkaroon ng madalas na sakit ng ulo at ininda ang paggiging makakalimutin.“Sigurado ako, 100% na siya si Rebecca Jones. Anong pakay niya sa biglang pagpapakita sa panig mo? May dinagdag ba siyang iba sa gatas o sa gamot na madalas niyang ipainom sa’yo? Naisip mo man lang ba iyon?”Madilim ang mata ni Catherine. “Tinuturukan ka at pinapainom ng gamot araw-araw, at gumagaling ka naman noon. Bakit ngayon wala nang kwenta itong mga ‘to?”Hindi nakapagsalita si Shaun.Nagsimula na rin itong maniwala sa mga salita ni Catherine.“Pwede kang mag-utos ng kung sino para kunin si Shelley at agad na dalhin sa paternity testing. H
”Ospital ito ni Young Master Jewell kaya imposibleng magkamali. Mamaya, isang forensic doctor ang kukuha ng katawan para kilalanin ito. Malalaman natin kung siya ba ay sumailalim sa plastic surgery o hindi.”“Sige.” Minasahe ni Shaun ang ulo niya. “Alamin mo kung sino ang nagpadala ng mga tao kagabi.”“Ano pang titignan? Halata namang si Catherine Jones. Tinutulungan mo pa rin siya hanggang ngayon!” Malungkot na sigaw ni Rodney, “Masyadong masama ang babaeng iyon! Hindi kailanman inisip ni Shelley na akitin ka pero sinubukan pa rin niyang patayin si Shelley.”“Hindi ganoong klaseng tao si Catherine.” Pagtanggi ni Shaun. “Naloko siguro siya.”“Kahit na naloko siyua, ang tanga naman niya. Dahil pa rin ito sa makitid na pag-iisip niya.”“Rodney Snow, tapos ka na?” Hindi na matiis ni Shaun.“Hindi, hindi pa. Tiniis ko siya hanggang ngayon dahil asawa mo siya pero hindi ko na kaya.” Angal ni Rodney.“Tumigil kayo!” Bumaba si Chester sa kotse at narinig ang nag-aaway na boses nila.“
”Ayos.”Natuwa ang puso ni Charity. “Susubukan ko isang beses pa. Kung hindi ko makukuha ang microchip, e ‘di ibebenta ko ang kumpanya. Pagkatapos n’un, pwede na tayong umalis sa Canberra…”Habang nagsasalita siya, isang malaking grupo ng pulis ang biglang pumasok.“Ms. Neeson, may nakitang ebidensya ang pulis na kinsasangkutan niyong sa kaso ng pagpatay. Opisyal ka naming inaaresto.”Isang opisyal ang kaagad nagposas sa kanya.Natulala si Charity. “Anong kaso ng pagpatay? Wala akong alam sa sinasabi mo.”“Patay na si Shelley Langley. Inutusan mo si Gale at Wayne na sunugin siya. Umamin na sila.”Humiging ang utak ni Charity. “Imposible. Tauhan ko si Gale at Wayne pero hindi ko sila inutusang ganyan.”“Lahat ng kriminal ay hindi naman kaagad umaamin pero meron na kaming tukoy na pruweba.” “Imposible ‘yan. Hindi kayang pumatay ng anak ko!” Nagmadali si Boris at hinawakan ang pulis. Tinulak siya ng lalaki. “Hindi lang pumatay ang anak mo pero nakakakilabot din siyang tao. Mab