Nanlalamig ang mukha ni Shaun habang inilalabas niya ang susi mula sa kanyang bulsa upang ibigay ito sa kanya. “Kunin mo na ‘yan. On call ka sa susunod.”Namula ang kanina’y namumuting mukha ni Catherine. “Hindi ka na natatakot na baka makita ako ni Melanie?”“Hindi na importante kung makita ka niya. Babae lang naman siya. Madali ko siyang mapapalitan ng panibagong Mrs. Hill. Palagi namang mayroong matalinong tao para sa posisyon na ‘yon.”Katatapos lamang magsalita ni Shaun nang tumunog ang doorbell.Binuksan niya ang pinto, at pumasok si Hadley nang may dala-dalang bag. “Young Master, narito ang mga damit na ipinabili ninyo sa akin. Nga pala, mayroon kayong company meeting mamayang 9:00.”“Mm.” Inihagis ni Shaun ang mga gamit papunta kay Catherine at sinabing, “Magpalit ka sa itaas.”Tinignan ni Catherine ang mga damit at umakyat upang maligo. Nang matapos na siyang makapagpalit ng damit at bumaba, nakaalis na si Shaun. Bukod dito, masa lamesa ang phone na iniwan niya kay Rodne
Noong sumunod na Martes ay dinala ni Joel si Catherine sa dating pamamahay ng mga Yule.Ibinigay ni Catherine ang regalong inihanda niya para rito. “Binili ko ito noong isang araw noong pumunta ako sa mall kasama ang aking kaibigan. Nagandahan ako, at tingin ko’y komportable naman ang tela nito.”“Magaling tumingin ang aking anak. Mukhang maganda nga. Isusuot ko ito bukas.” Abot tainga ang ngiti ni Joel.Bumili rin ako ng dalawa pang set para kina lolo at lola, pero hindi ko alam kung—” “Huwag kang mag-alala, hindi sila nagkukulang sa mga regalo. It’s the thought that counts, ‘ika nga nila,” Sinabi ni Joel nang may ngiti.Malapit lamang sa Sharman Mountain ang lumang pamamahay ng mga Yule.Hindi nagpalitan ng salita ang dalawa sa buong biyahe papunta roon. Nang malapit na silang makarating, tumunog ang malakas na tunog ng helicopter. Ibinaba ni Catherine ang bintana upang tumingin, at sa wakas ay nakahanap si Joel ng mapag-uusapan sa kanyang anak, “Karamihan sa mga mayayamang ta
Tumungo na lamang si Old Master Yule. “Magandang pag-iisip ‘yan. Naghahanap ng mapapag-asawang nanggaling sa isang magandang pamilya ang Eldest Young Master Hill. Hindi nagkukulang ang ating pamilya sa salapi o alahas, kaya’t huwag mong gayahin ang mga babaeng hindi alam kung paano buhatin ang kanilang mga sarili.”“Tama, hindi katulad ng mga taong nangangati na agad ang mga kamay kapag nakakakita ng alahas.” Buong pangungutyang sinulyapan ng tiyahin si Catherine.Mahinang tumawa ang lahat, at agad ipinakita ni Joel ang kanyang pagkadismaya. Malapit na niya talaga itong sermonan.Ngunit ngumiti na lamang si Catherine at sinabing, “Oo, natutuwa po akong makatanggap ng ganitong kamahal na alahas, ngunit hindi ko po siya gusto dahil mahal siya, kundi dahil galing ito kay lola.”Tumigil siya at nagsimulang mamula ang kanyang mga maluha-luhang mata.“Papunta rito, hindi ako mapakali. Magkaiba kami ni Melanie at laki ako sa lolo’t lola. Masigla at kalugod-lugod si Melanie, ngunit hindi
Katapat niyang nakaupo ay ang kanyang second uncle na si Damien Yule. Tumawa ito at sabay tanong, “Melanie, kailan ba ang engagement ninyo ng Eldest Young Master Hill?”Nakita ni Melanie na puno ng inggit ang tingin ng lahat sa kanya kaya’t mahiya-hiya niyang sinabi, “Sinabi ni Granny Hill na maaaring matuloy ang kasal ngayong taon o sa susunod na taon. Hindi na kami hahantong ng engagement dahil diretso na kaming magpapakasal.”“Tila’y nababalisa si Old Madam Hill.” Ngiti ng tiyahin nito. “Mukhang malapit ka na naming tawaging Mrs. Hill, ha.”Tumungo si Old Master Yule. “Maging mabuting asawa ka kay Young Master Hill. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating pamilya.”Ikinatuwa naman ito ni Melanie nang marinig mismo sa kanyang lolo. “Lolo, hindi ko po kayo bibiguin!”Hindi naman masyadong inisip at pinansin ni Catherine ang mga taong pumupuri kay Melanie. Sinulyapan niya si Damien na nakaupo sa kanyang harapan. Nakaupo ito sa isang wheelchair at tila’y malulumbay ang sinumang
Bakas ang kaba sa itsura ni Melanie, kaya’t bumulong ito sa kanyang ina, “Mama, kakaiba ang init ng ulo ni Eldest Young Master Hill. Hindi ko alam kung—”“Kailangan mo pa ring gawin ito. Kung ayaw niya pa rin, dumiretso ka kay Old Madam Hill. Oras na para patunayan ang posisyon natin sa mga Yule.” Pagpapaalala ni Nicola sa kanya.Nanliwanag ang mga mata ni Melanie habang tumungo ito sa sinabi ng kanyang ina....Sa likod ng bundok, sa may karerahan.May isang matipunong kabayo tumatakbo sa may damuhan. May hawak na mahabang latigo ang hineteng nakaupo rito. Pinagmukha siyang mas elegante at marangal ng kanyang kaaya-ayang kulay itim na pananamit na tila ba’y isa siyang maharlikang taga-Europa. Makapigil-hininga ang kanyang maginoong alindog.Matapos ang ilang sandali’y tumigil ang kabayo at tumalon pababa si Shaun mula rito. Tinanggal niya ang ilang butones ng kanyang kwelyo.Nagmamadali naman siyang pinalibutan ng mga executive.“Pagaling nang pagaling ang inyong horseback rid
Ang babaw talaga ng mga babae.Iniangat ni Shaun ang kanyang latigo at inakay niya ang kabayo papalayo.Hangang hanga si Melanie sa magiting at kaaya-aya nitong pigura. Isa siyang higante sa mundo ng mga lalaki. Kapag itinuon mo sa kanya ang iyong paningin, wala ka nang titignan pang iba.Kailangan niya itong mapakasalan....Sa opisina.Malungkot ang mukha ni General Manager Wolfe nang kanyang ibinigay ang balita kay Catherine. “President Jones, sa Cosmos Corporation napunta ang lupa sa may tabing-dagat.”Natigilan si Catherine. “Hindi ba’t sinabi mo kahapon na hindi pa tapos ang formalities?”“Narinig kong sumali sa laro ang Eldest Young Master Hill. Ang Cosmos Corporation ay sa ilalim ng mga Wick. Nabalitaan kong kinakasama na nga mga Wick ngayon ang mga Hill.”Pumait ang mukha ni General Manager Wolfe. “Ang laki rin ng ating ginastos para sa lupang iyon, ngunit nasayang lamang.”Tahimik lamang si Catherine at matagal-tagal na hindi nagsalita.Alam na alam niya kung paano
Nang hindi na tinitignan ang lalaki, dumiretso na si Catherine sa kusina upang hanapin ang mga panlinis ng bahay. Pagkatapos ng matagal na oras ng paghahanap, wala pa rin siyang makita, kaya’t pumunta siya sa balcony.Matagal na ring nakaupo sa may sofa si Shaun, at unti-unting nang nanlalamig ang kanyang itsura.Ano ang nangyayari?Bakit hindi siya nito sinisigawan pagkakita nito sa kanya dahil ibinigay niya sa Fergus Wick ang lupa? Bakit hindi pa rin siya nagmamakaawa hanggang ngayon?Ibang-iba ang nangyari mula sa inisip niyang magiging daloy nito, kaya’t malamig-lamig siyang tumayo at naglakad papunta kay Catherine.Sa wakas ay nakita ni Catherine ang walis sa may balcony. Nang tumalikod siya’y nagkabungguan sila ng dibdib ni Shaun. Sumakit ang kanyang ilong na para bang nasira ito. “Eldest Young Master, ano po ang inyong ginagawa?”“Ako dapat ang magsasabi n’un.” Pakiramdam ni Shaun ay nilason siya ng babaeng ito. Ikinairita niya lalo nang makita niyang hindi dismayado ang b
Hindi alam ni Catherine ang pinaplano ng lalaki kaya’t halos pigil ang hininga niya nang sinagot niya ang tanong ni Wesley. “Ay, naliligo kasi ako kaya hindi ko narinig na nag-ring.”“Hindi mo ako tinawagan maghapon, medyo nami-miss na kita.” Malambing na sinabi ni Wesley. “Nami-miss mo rin ba ako?”Biglang lumagpas sa freezing point ang paligid ng banyo. Nanlaki ang mga mata ni Catherine at muntikan na itong sumigaw sa sakit na naramdaman. Kinagat ng lalaking ito ang kanyang tainga!Tumalikod ito upang tignan nang masama ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Mapanuyo ang ngiti nito at ibinalot siya sa kanyang mga bigkis. Ibinaon nito ang kanyang mukha sa kanyang leeg at sinimulan nitong halik-halikan ang kanyang leeg.Patuloy sa pagtanong si Wesley, “Bakit hindi ka sumasagot? Hindi mo ba ako nami-miss?”“Ah… Masyado kasi akong naging busy nitong mga nakaraang mga araw.” Ginawa ni Catherine ang lahat upang pigilan ang sarili.“Nakuha mo ba ‘yung lupa?”“Hindi.” Nginisi ni Catherine an