Share

Kabanata 295

Bakas ang kaba sa itsura ni Melanie, kaya’t bumulong ito sa kanyang ina, “Mama, kakaiba ang init ng ulo ni Eldest Young Master Hill. Hindi ko alam kung—”

“Kailangan mo pa ring gawin ito. Kung ayaw niya pa rin, dumiretso ka kay Old Madam Hill. Oras na para patunayan ang posisyon natin sa mga Yule.” Pagpapaalala ni Nicola sa kanya.

Nanliwanag ang mga mata ni Melanie habang tumungo ito sa sinabi ng kanyang ina.

...

Sa likod ng bundok, sa may karerahan.

May isang matipunong kabayo tumatakbo sa may damuhan. May hawak na mahabang latigo ang hineteng nakaupo rito. Pinagmukha siyang mas elegante at marangal ng kanyang kaaya-ayang kulay itim na pananamit na tila ba’y isa siyang maharlikang taga-Europa. Makapigil-hininga ang kanyang maginoong alindog.

Matapos ang ilang sandali’y tumigil ang kabayo at tumalon pababa si Shaun mula rito. Tinanggal niya ang ilang butones ng kanyang kwelyo.

Nagmamadali naman siyang pinalibutan ng mga executive.

“Pagaling nang pagaling ang inyong horseback rid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status