“Sinungaling ka. Ipapaalala ko lang sa’yo, ikaw ang may gusto nito!” Sabi ni Shaun habang matindi itong hinahalikan.Sa kabila ng panghahalay ng lalaki, sinubukang kumalas ni Catherine, ngunit walang nangyayari.Alam niyang hindi niya kayang ipagpatuloy ito. Paano na lang niya mahaharap si Wesley sa susunod?Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi, at nagsimulang lumabas ang dugo. Napasitsit ang lalaki sa sakit.Kinuha ni Catherine ang pagkakataong itaboy ito palayo. Bakas ang panghihina sa kanyang mukha. “Shaun Hill, kapag pinilit mo pa ako nang ganito, iuuntog ko ang aking ulo sa bathtub!”“Sige lang, ituloy mo!” Walang bakas ng simpatya sa mga mata ni Shaun. “Madali lang naman ‘yun. Tatawagan ko si Tito Joel bukas at sasabihin sa kanyang tinangka akong akitin ng kanyang anak at nagpakamatay na lamang sa kahihiyan dahil hindi ko ito tinanggap.”Catherine, “...”Namula ang kanyang mga mata. Paanong nagkaroon ng lalaking katulad niya sa mundo? Ayaw na niya talagang masangkot sa
Pinag-isipan niya muna bago ilabas ang kanyang phone upang magpadala ng isang text message kay Hadley. [Huwag mo nang tulungan ang mga Wick doon sa lupa sa may tabing-dagat. Ibigay mo na lang sa Hudson.]Sagot ni Hadley na naghahanda nang matulog: [???]Pabago-bago na lang ang isip ni Eldest Young Master Hill. Nakakapagod....Pagkatapos niyang maghugas ng damit, lumabas si Catherine ng banyo at nakita niyang nakaupo sa may sofa si Shaun. Nakasuot ito ng isang pares ng gold-rimmed na salamin habang nagbabasa ng ilang dokumento. Patong-patong ang mga papeles sa kanyang lamesa. Inisip niya noon na kaakit-akit tignan ang lalaki sa tuwing ito ay nagtatrabaho, ngunit nakasuot na ito ngayon ng kanyang pajamas at hindi pa tuluyang natutuyo ang kanyang buhok, kaya’t mas nagmukha lamang siyang kaakit-akit.Subalit malapit nang mag-1:00 am at nagtatrabaho pa rin ang lalaki. Sa sipag niyang magtrabaho, masasabing makatuwiran lamang ang kanyang malupit na pamamalakad ng Hill Corporation.Hin
8:00 a.m.Humihikab na naglakad si Catherine sa villa.Si Melanie, na kumakain ng agahan, ay kaagad na tumayo at sinabing, “Dad, tignan mo. Sabi ko sa’yo e, lumabas siya kagabi at hindi bumalik buong gabi. Sinong matinong babae ang hindi uuwi buong gabi? Sa tingin ko naglalaro siya sa labas.” “...”Tinignan siya ni Catherine at nangutya sa puso. Kung inalagaan nang ayos ni Melanie ang nobyo niya, kakailanganin pa ba ni Catherine na puntahan ito sa gitna ng gabi?“Para saan ang tingin na ‘yun? May sinabi ba akong mali?” Makatwirang sagot ni Melanie.“Hindi, tama ka. Ito a dahil hindi ako matinong babae. Ikaw ang tumawag sakin ng probinsyana at anak sa labas.” Ngiti ni Catherine at hindi siya pinansin. Umupo siya sa hapag saka kalmado at eleganteng nag-agahan.“Dad, narinig mo ba ang sinabi niya…”“Tama na ang pagtatalo. Naniniwala ako kay Catherine. Meron na siyang fiance.” sabat ni Joel ng may malamig na mukha. “Isa pa, hindi ba’t mahilig ka rin makipaglaro sa gabi? Meron kan
...Hill Corporation.Sa conference room ng napaka aga.Tinignan ni Shaun ang phone niya, bakas ang malamig na mata habang nakangiti.Hoodlum?Bakit ang ganda pakinggan ng salitang iyon?Ang mga executive ay nagulat nang makita itong gumamit ng phone habang meeting. Ang presidente ay nakangiting umiibig. Pakiramdam nila ang panga nila ay pabagsak na sa lamesa sa gulat.Sa unang upuan sa kanang hilera. Kumislap ng malalim ang mata ni Liam. Ang Shaun Hill sa kanyang memorya ay malamig at walang puso pero ang taong nasa harap niya ay parang iba. Dahil ba ito sa babae?Nag-aalalang ngiti ni Liam.”Brother, nakikipag-usap ka ba kay Ms. Yule? Narinig kong malapit ka na raw ikasal.”Ang kaliwaanagan ang gumisung sa mga executive.iyon pala ‘yon! Hindi nila inakala na si Ms. Yule ang tipo niya. Mukhang kailangan nila itong bigyan ng atensyon sa hinaharap.“Umpisahan na ang meeting.” Binaba ni Shaun ang phone at nagpatuloy na sa paghost ng meeting nang may diretsong mukha.Pagkatapos
Nagalit si Melanie. “Mom, baliw ka. Bakit natin siya tatawagan—”“Hindi mo naiintindihan. Magandang oportunidad ‘yun para sirain siya.” Tinignan siya ni Nicola. “Sisirain natin siya sa harap ng pamilyang Hill at tuluyang sisirain ang hinaharap niya. Nakalimutan mo na kaibigan ko si Valerie Hill.”Nagningning ang mata ni Melanie nang mapagtanto niya. “Mom, susuportahan kita. Hindi na natin siya pwedeng pagpatuluyin sa Canberra.”...Hudson Corporation.Pagkatapos sabihan ni Catherine si General Manager Wolfe na pamahalaan ang parte ng lupa kaagad, nakatanggap siya ng tawag kay Joel.Nang marinig niya na inimbitahan ng pamilyang Hill ang pamilyang Yule sa kanilang mansyon para sa hapunan ngayong gabi, namutla ang mukha niya.Ito si Shaun na nagbibigay ng pampalubag loob dahil nagkasala ito nang pagbigyan si Catherine.Emosyonal ang mga babae. Sa daan papuntang kumpanya ngayon, nag-isip siya at pinag-isipan kung wala ba talagang pakialam si Shaun kay Melanie. Ngunit, ang mga nan
Ang malaking lupain ay mayroong horse-racing track, golf course, basketball court, badminton court, at airstrip...Kahit si Catherine, na nakakita na ng iba’t-ibang uri ng tao, ay nabigla sa paligid.Pagkatapos magparada ng kotse, sinamahan ng butler ang apat na tao patungo sa main building.Sa magarang sala, ang Old Madam Hill at kanyang ikatlong anak, si Valerie, ay nakaupo sa isang gilid. Ang Old Master Hill at ilang lalaki ay nag-uusap habang umiinom ng tsaa sa tea room sa kabilang gilid.Nang pumasok ang apat, lahat ay tumingin sa kanila.Si Catherine, na nakasuot ng itim na retro at chic na jacket, ang pinaka agaw pansin. Ang kanyang labi ay nakangisi ng may pulang lipstick at ang kanyang itim at mahabang buhok ay nakakulot sa kanyang balikat. Ang katabi nito na si Melanie ay mukhang maliit at inosente. Alam ng lahat na siya ang bida ngayong gabi pero masyado siyang simple.Narinig na ng Old Man Hill na binanggit ni Melanie si Catherine noon at hindi ito nagustuhan pero n
"Gugustuhin ba ng dalawang ikakasal?" Tawa ni Valerie. "At dahil nandito naman ang lahat ngayon, bakit hindi pa natin umpisahan ang rites?""Iyon rin ang iniisip ko." Tumingin ang old madam sa butler. "Sige na at dalhin sakin 'yung purselas."Ang manugang, na si Yvette Gardner, ay nagtanong sa selos, "Ang ibig mo bang sabihin ay ang purselas na pinapasa sa susunod na henerasyon na galing sa ninuno?""Oo, si Shaun ang tagapagmana ng pamilyang Hill kaya ang purselas ay nararapat lang na maipasa sa magiging asawa niya," nakangiting sabi ni Old Madam Hill.Binaba ni Catherine ang mata niya at mapait na tinignan ang mga ito.Sa gilid, bumuntong hininga ng ilang beses si Melanie at ang kanyang ina dahil sa tuwa.Kaagad, dinala ang purselas, saka tinawag ng Old Madam Hill si Melanie. Nang itataas pa lang ni Melanie ang kamay niya, ang tunog ng yabag ay narinig galing sa labas.Lahat ay tumingin kay Shaun nang pumasok ito. Nakasuot siya ng mamahaling gray suit na may silk jacquard tie.
Ang kanyang gwapong mukha ay walang ekspresyon pero ang mga taong kilala siya ay alam na ibig-sabihin nito ay pagsabog sa galit.Hindi huminga ang mga nakababatang henerasyon dahil sa takot at ang nakakatanda ay hindi naglakas ng loob magsalita nang hindi pinag-iisipang mabuti. Namula si Nicola sa galit. "Hindi iyon ang ibig kong—""Tama na, huwag mo nang patulan." Tinapunan siya ng tingin ni Valerie. "Masyado nga tayong takot. Kailangan niyo munang intindihin ang personalidad at hilig ng isa't-isa. Dapat magkaroon kayo ng mas maraming dinner date at manood ng sine nang magkasama. Merong probadong sine sa bahay kaya pwede kayong manood ng sine pagkatapos mag hapunan mamaya.""Oo, magandang ideya 'yan." Pinalitan din ng Old Madam Hill ang usapin at pinag-usapan na lang ang sariwang sangkap na pinabili ni Shaun sa ibang bansa.Pagkatapos kumain ng orange, hindi na nakihalubilo si Shaun sa kwentuhan ng mga kababaihan at tumalikod na para umalis.Hindi nagtagal pagkaalis nito ang dala