Nagalit si Melanie. “Mom, baliw ka. Bakit natin siya tatawagan—”“Hindi mo naiintindihan. Magandang oportunidad ‘yun para sirain siya.” Tinignan siya ni Nicola. “Sisirain natin siya sa harap ng pamilyang Hill at tuluyang sisirain ang hinaharap niya. Nakalimutan mo na kaibigan ko si Valerie Hill.”Nagningning ang mata ni Melanie nang mapagtanto niya. “Mom, susuportahan kita. Hindi na natin siya pwedeng pagpatuluyin sa Canberra.”...Hudson Corporation.Pagkatapos sabihan ni Catherine si General Manager Wolfe na pamahalaan ang parte ng lupa kaagad, nakatanggap siya ng tawag kay Joel.Nang marinig niya na inimbitahan ng pamilyang Hill ang pamilyang Yule sa kanilang mansyon para sa hapunan ngayong gabi, namutla ang mukha niya.Ito si Shaun na nagbibigay ng pampalubag loob dahil nagkasala ito nang pagbigyan si Catherine.Emosyonal ang mga babae. Sa daan papuntang kumpanya ngayon, nag-isip siya at pinag-isipan kung wala ba talagang pakialam si Shaun kay Melanie. Ngunit, ang mga nan
Ang malaking lupain ay mayroong horse-racing track, golf course, basketball court, badminton court, at airstrip...Kahit si Catherine, na nakakita na ng iba’t-ibang uri ng tao, ay nabigla sa paligid.Pagkatapos magparada ng kotse, sinamahan ng butler ang apat na tao patungo sa main building.Sa magarang sala, ang Old Madam Hill at kanyang ikatlong anak, si Valerie, ay nakaupo sa isang gilid. Ang Old Master Hill at ilang lalaki ay nag-uusap habang umiinom ng tsaa sa tea room sa kabilang gilid.Nang pumasok ang apat, lahat ay tumingin sa kanila.Si Catherine, na nakasuot ng itim na retro at chic na jacket, ang pinaka agaw pansin. Ang kanyang labi ay nakangisi ng may pulang lipstick at ang kanyang itim at mahabang buhok ay nakakulot sa kanyang balikat. Ang katabi nito na si Melanie ay mukhang maliit at inosente. Alam ng lahat na siya ang bida ngayong gabi pero masyado siyang simple.Narinig na ng Old Man Hill na binanggit ni Melanie si Catherine noon at hindi ito nagustuhan pero n
"Gugustuhin ba ng dalawang ikakasal?" Tawa ni Valerie. "At dahil nandito naman ang lahat ngayon, bakit hindi pa natin umpisahan ang rites?""Iyon rin ang iniisip ko." Tumingin ang old madam sa butler. "Sige na at dalhin sakin 'yung purselas."Ang manugang, na si Yvette Gardner, ay nagtanong sa selos, "Ang ibig mo bang sabihin ay ang purselas na pinapasa sa susunod na henerasyon na galing sa ninuno?""Oo, si Shaun ang tagapagmana ng pamilyang Hill kaya ang purselas ay nararapat lang na maipasa sa magiging asawa niya," nakangiting sabi ni Old Madam Hill.Binaba ni Catherine ang mata niya at mapait na tinignan ang mga ito.Sa gilid, bumuntong hininga ng ilang beses si Melanie at ang kanyang ina dahil sa tuwa.Kaagad, dinala ang purselas, saka tinawag ng Old Madam Hill si Melanie. Nang itataas pa lang ni Melanie ang kamay niya, ang tunog ng yabag ay narinig galing sa labas.Lahat ay tumingin kay Shaun nang pumasok ito. Nakasuot siya ng mamahaling gray suit na may silk jacquard tie.
Ang kanyang gwapong mukha ay walang ekspresyon pero ang mga taong kilala siya ay alam na ibig-sabihin nito ay pagsabog sa galit.Hindi huminga ang mga nakababatang henerasyon dahil sa takot at ang nakakatanda ay hindi naglakas ng loob magsalita nang hindi pinag-iisipang mabuti. Namula si Nicola sa galit. "Hindi iyon ang ibig kong—""Tama na, huwag mo nang patulan." Tinapunan siya ng tingin ni Valerie. "Masyado nga tayong takot. Kailangan niyo munang intindihin ang personalidad at hilig ng isa't-isa. Dapat magkaroon kayo ng mas maraming dinner date at manood ng sine nang magkasama. Merong probadong sine sa bahay kaya pwede kayong manood ng sine pagkatapos mag hapunan mamaya.""Oo, magandang ideya 'yan." Pinalitan din ng Old Madam Hill ang usapin at pinag-usapan na lang ang sariwang sangkap na pinabili ni Shaun sa ibang bansa.Pagkatapos kumain ng orange, hindi na nakihalubilo si Shaun sa kwentuhan ng mga kababaihan at tumalikod na para umalis.Hindi nagtagal pagkaalis nito ang dala
“Hindi mo ba ko narinig? Ayusin mo na ang mga gamit mo at umalis na.” Dahan-dahan at may pamamaraan niyang pinunasan ni Shaun ang payat niyang daliri gamit ang tuwalya pero ang mga salitang lumabas sa bibig niya ay parang kutsilyong magpapasunod sa lahat ng utos niya.Agad, may mga taong pumasok at kinuha ang chef. May lumabas na bagong chef na galing sa kusina.Ang susunod na chef maingat na hindi magserbisyo ng pangit para hindi magalit ang young master.Niyuko ni Catherine ang ulo niya at seryosong kinain ang sashimi. Ang kanyang pagkain ay dapat para kay Shaun at kahit na sinabi ng lahat na ginawa ni Shaun ito para kay Melanie at Joel, kakaiba ang nararamdaman ng puso niya.Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Ano bang iniisip niya? Meron na siyang fiance ngayon at mayroon na ring Melanie si Shaun....Pagtapos ng hapunan, ang pamilyang Hill ay tinignan si Melanie nang mas mabuti.Si Willie lang ang nag tsk sa kanyang puso nang elit na kung sino siya. Mga bobo! Hindi ma
Nang bumagsak na siya sa tubig, ang katulong ay nawala.Dahil sa ginawa ng chef kanina sa dinner, minanmanan siya nito. Kinailangan niyang gamitin ang old madam bilang dahilan para sumunod ito pero nagumpisa siyang magrecord sa kanyang phone noong papunta sila dito.Nilabas niya ang phone niya. Bumagsak ito sa tubig kaya nangitim ang screen. Hindi niya alam kung anong gusto ng kabilang panig kaya kailangan niyang umalis kaagad.“Sinong nandiyan?”Sa likod ng bamboo forest, may lalaking biglang naglakad nang may malapad na balikat. Ang kalahati ng kanyang katawan ay naka balot ng tuwalya, at ang kanyang mukha… siya si Willie Hill.Nang ganun kabilis, naintindihan agad ni Catherine. Huminga siya ng maluwag at tumawa.“G*ago, anong ginagawa mo diyan?” Nagulat si Willie at kaagad na tinakpan ang dibdib niya. “Umalis ka. Papatayin ako ni Shaun pag nalaman niya.”“Naloko ako ng ‘di ko kakilala.” Umahon na si Catherine. Ang buhok niya ay basang-basa, at ang kanyang damit ay nakayakap
Kaagad na bumalik si Shaun sa kwarto. Walang kahit anong ilaw ang nakabukas, at ang liwanag ng buwan ay kita. Ang kwarto ay walang laman.Dumiretso siya wardrobe at binuksan ang ilaw. Ang babaeng nagsusuot ng damit niya ay tumili at tinakpan ang katawan gamit ang pinto ng wardrobe. Ang itim niyang mata ay pinagmukha siyang takot na usa at namula ang mukha niya sa hiya. Kumurba ang manipis niyang labi. “Ano, ang magnanakaw na pumasok sa kwarto ko para magnakaw ng damit ko ay may lakas ng loob na tignan ako ng masama?”“Wala ako sa mood para makipag-away sa’yo. Hinahanap na siguro ako ng mga tao sa kung saan-saan.”Natatakot si Catherine pero ang kanyang damit ay basang basa at ang buhok niya ay basa rin. Hindi siya pwedeng lumabas ng ganito. Pagsususpetsahan siya.“Tapos… Ano naman sakin ‘yun?” Sumadal si Shaun sa pinto ng walang pakialam at nakatingin sa kanyang parang hindi nag-aalala.“Shaun Hill…” Namutla ang mukha ni Catherine. Hindi niya masisira ang pamilyang Yule, paano p
Hindi napansin ng dalawa pero si Liam, na kababalik lang sa kwarto niya ay nakita si Catherine na palabas ng kwarto ni Shaun sa may dulo.Ngumiti siya at biglang naintindihan ang lahat. Dinala siya ni Aunty Yasmin sa maliit na pintuan ng main residence. Ang pagkawala ni Catherine ay naging dahilan para mag sama ang pamilyang Yule at Hill—kahit ang Old Master Hill at Old Madam Hill ay lumitaw.Ang makita siyang bumalik, ay biglang takot na nagpasugod sa kanya. “Catherine, saan ka ba nagpunta ng walang pasabi? Hindi mo rin sinagot ang tawag sa phone mo. Kung saan-saan ka namin hinanap. Halos mamatay kami sa pag-aalala.” Ang mga salitang ‘yun ay nagpadilim ng ekspresyon ni Old Madam Hill nang maisip na hindi man lang nakaramdam si Catherine.“Ha? Bakit ka nakasuot ng ibang damit ngayon?” Biglang tanong ni Valerie.Kumurap si Catherine at sinabi nang nakakaramdam nang pagkakaagrabyado, “Hindi ko napansin noong naglalakad ako sa labas at bumagsak sa pool. Nakita ako ni Aunty Yasmine