Katapat niyang nakaupo ay ang kanyang second uncle na si Damien Yule. Tumawa ito at sabay tanong, “Melanie, kailan ba ang engagement ninyo ng Eldest Young Master Hill?”Nakita ni Melanie na puno ng inggit ang tingin ng lahat sa kanya kaya’t mahiya-hiya niyang sinabi, “Sinabi ni Granny Hill na maaaring matuloy ang kasal ngayong taon o sa susunod na taon. Hindi na kami hahantong ng engagement dahil diretso na kaming magpapakasal.”“Tila’y nababalisa si Old Madam Hill.” Ngiti ng tiyahin nito. “Mukhang malapit ka na naming tawaging Mrs. Hill, ha.”Tumungo si Old Master Yule. “Maging mabuting asawa ka kay Young Master Hill. Sa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating pamilya.”Ikinatuwa naman ito ni Melanie nang marinig mismo sa kanyang lolo. “Lolo, hindi ko po kayo bibiguin!”Hindi naman masyadong inisip at pinansin ni Catherine ang mga taong pumupuri kay Melanie. Sinulyapan niya si Damien na nakaupo sa kanyang harapan. Nakaupo ito sa isang wheelchair at tila’y malulumbay ang sinumang
Bakas ang kaba sa itsura ni Melanie, kaya’t bumulong ito sa kanyang ina, “Mama, kakaiba ang init ng ulo ni Eldest Young Master Hill. Hindi ko alam kung—”“Kailangan mo pa ring gawin ito. Kung ayaw niya pa rin, dumiretso ka kay Old Madam Hill. Oras na para patunayan ang posisyon natin sa mga Yule.” Pagpapaalala ni Nicola sa kanya.Nanliwanag ang mga mata ni Melanie habang tumungo ito sa sinabi ng kanyang ina....Sa likod ng bundok, sa may karerahan.May isang matipunong kabayo tumatakbo sa may damuhan. May hawak na mahabang latigo ang hineteng nakaupo rito. Pinagmukha siyang mas elegante at marangal ng kanyang kaaya-ayang kulay itim na pananamit na tila ba’y isa siyang maharlikang taga-Europa. Makapigil-hininga ang kanyang maginoong alindog.Matapos ang ilang sandali’y tumigil ang kabayo at tumalon pababa si Shaun mula rito. Tinanggal niya ang ilang butones ng kanyang kwelyo.Nagmamadali naman siyang pinalibutan ng mga executive.“Pagaling nang pagaling ang inyong horseback rid
Ang babaw talaga ng mga babae.Iniangat ni Shaun ang kanyang latigo at inakay niya ang kabayo papalayo.Hangang hanga si Melanie sa magiting at kaaya-aya nitong pigura. Isa siyang higante sa mundo ng mga lalaki. Kapag itinuon mo sa kanya ang iyong paningin, wala ka nang titignan pang iba.Kailangan niya itong mapakasalan....Sa opisina.Malungkot ang mukha ni General Manager Wolfe nang kanyang ibinigay ang balita kay Catherine. “President Jones, sa Cosmos Corporation napunta ang lupa sa may tabing-dagat.”Natigilan si Catherine. “Hindi ba’t sinabi mo kahapon na hindi pa tapos ang formalities?”“Narinig kong sumali sa laro ang Eldest Young Master Hill. Ang Cosmos Corporation ay sa ilalim ng mga Wick. Nabalitaan kong kinakasama na nga mga Wick ngayon ang mga Hill.”Pumait ang mukha ni General Manager Wolfe. “Ang laki rin ng ating ginastos para sa lupang iyon, ngunit nasayang lamang.”Tahimik lamang si Catherine at matagal-tagal na hindi nagsalita.Alam na alam niya kung paano
Nang hindi na tinitignan ang lalaki, dumiretso na si Catherine sa kusina upang hanapin ang mga panlinis ng bahay. Pagkatapos ng matagal na oras ng paghahanap, wala pa rin siyang makita, kaya’t pumunta siya sa balcony.Matagal na ring nakaupo sa may sofa si Shaun, at unti-unting nang nanlalamig ang kanyang itsura.Ano ang nangyayari?Bakit hindi siya nito sinisigawan pagkakita nito sa kanya dahil ibinigay niya sa Fergus Wick ang lupa? Bakit hindi pa rin siya nagmamakaawa hanggang ngayon?Ibang-iba ang nangyari mula sa inisip niyang magiging daloy nito, kaya’t malamig-lamig siyang tumayo at naglakad papunta kay Catherine.Sa wakas ay nakita ni Catherine ang walis sa may balcony. Nang tumalikod siya’y nagkabungguan sila ng dibdib ni Shaun. Sumakit ang kanyang ilong na para bang nasira ito. “Eldest Young Master, ano po ang inyong ginagawa?”“Ako dapat ang magsasabi n’un.” Pakiramdam ni Shaun ay nilason siya ng babaeng ito. Ikinairita niya lalo nang makita niyang hindi dismayado ang b
Hindi alam ni Catherine ang pinaplano ng lalaki kaya’t halos pigil ang hininga niya nang sinagot niya ang tanong ni Wesley. “Ay, naliligo kasi ako kaya hindi ko narinig na nag-ring.”“Hindi mo ako tinawagan maghapon, medyo nami-miss na kita.” Malambing na sinabi ni Wesley. “Nami-miss mo rin ba ako?”Biglang lumagpas sa freezing point ang paligid ng banyo. Nanlaki ang mga mata ni Catherine at muntikan na itong sumigaw sa sakit na naramdaman. Kinagat ng lalaking ito ang kanyang tainga!Tumalikod ito upang tignan nang masama ang kaaya-ayang mukha ni Shaun. Mapanuyo ang ngiti nito at ibinalot siya sa kanyang mga bigkis. Ibinaon nito ang kanyang mukha sa kanyang leeg at sinimulan nitong halik-halikan ang kanyang leeg.Patuloy sa pagtanong si Wesley, “Bakit hindi ka sumasagot? Hindi mo ba ako nami-miss?”“Ah… Masyado kasi akong naging busy nitong mga nakaraang mga araw.” Ginawa ni Catherine ang lahat upang pigilan ang sarili.“Nakuha mo ba ‘yung lupa?”“Hindi.” Nginisi ni Catherine an
“Sinungaling ka. Ipapaalala ko lang sa’yo, ikaw ang may gusto nito!” Sabi ni Shaun habang matindi itong hinahalikan.Sa kabila ng panghahalay ng lalaki, sinubukang kumalas ni Catherine, ngunit walang nangyayari.Alam niyang hindi niya kayang ipagpatuloy ito. Paano na lang niya mahaharap si Wesley sa susunod?Mahigpit niyang kinagat ang kanyang labi, at nagsimulang lumabas ang dugo. Napasitsit ang lalaki sa sakit.Kinuha ni Catherine ang pagkakataong itaboy ito palayo. Bakas ang panghihina sa kanyang mukha. “Shaun Hill, kapag pinilit mo pa ako nang ganito, iuuntog ko ang aking ulo sa bathtub!”“Sige lang, ituloy mo!” Walang bakas ng simpatya sa mga mata ni Shaun. “Madali lang naman ‘yun. Tatawagan ko si Tito Joel bukas at sasabihin sa kanyang tinangka akong akitin ng kanyang anak at nagpakamatay na lamang sa kahihiyan dahil hindi ko ito tinanggap.”Catherine, “...”Namula ang kanyang mga mata. Paanong nagkaroon ng lalaking katulad niya sa mundo? Ayaw na niya talagang masangkot sa
Pinag-isipan niya muna bago ilabas ang kanyang phone upang magpadala ng isang text message kay Hadley. [Huwag mo nang tulungan ang mga Wick doon sa lupa sa may tabing-dagat. Ibigay mo na lang sa Hudson.]Sagot ni Hadley na naghahanda nang matulog: [???]Pabago-bago na lang ang isip ni Eldest Young Master Hill. Nakakapagod....Pagkatapos niyang maghugas ng damit, lumabas si Catherine ng banyo at nakita niyang nakaupo sa may sofa si Shaun. Nakasuot ito ng isang pares ng gold-rimmed na salamin habang nagbabasa ng ilang dokumento. Patong-patong ang mga papeles sa kanyang lamesa. Inisip niya noon na kaakit-akit tignan ang lalaki sa tuwing ito ay nagtatrabaho, ngunit nakasuot na ito ngayon ng kanyang pajamas at hindi pa tuluyang natutuyo ang kanyang buhok, kaya’t mas nagmukha lamang siyang kaakit-akit.Subalit malapit nang mag-1:00 am at nagtatrabaho pa rin ang lalaki. Sa sipag niyang magtrabaho, masasabing makatuwiran lamang ang kanyang malupit na pamamalakad ng Hill Corporation.Hin
8:00 a.m.Humihikab na naglakad si Catherine sa villa.Si Melanie, na kumakain ng agahan, ay kaagad na tumayo at sinabing, “Dad, tignan mo. Sabi ko sa’yo e, lumabas siya kagabi at hindi bumalik buong gabi. Sinong matinong babae ang hindi uuwi buong gabi? Sa tingin ko naglalaro siya sa labas.” “...”Tinignan siya ni Catherine at nangutya sa puso. Kung inalagaan nang ayos ni Melanie ang nobyo niya, kakailanganin pa ba ni Catherine na puntahan ito sa gitna ng gabi?“Para saan ang tingin na ‘yun? May sinabi ba akong mali?” Makatwirang sagot ni Melanie.“Hindi, tama ka. Ito a dahil hindi ako matinong babae. Ikaw ang tumawag sakin ng probinsyana at anak sa labas.” Ngiti ni Catherine at hindi siya pinansin. Umupo siya sa hapag saka kalmado at eleganteng nag-agahan.“Dad, narinig mo ba ang sinabi niya…”“Tama na ang pagtatalo. Naniniwala ako kay Catherine. Meron na siyang fiance.” sabat ni Joel ng may malamig na mukha. “Isa pa, hindi ba’t mahilig ka rin makipaglaro sa gabi? Meron kan