Nanginig si Jeffery nang may malamig na hangin na dumapo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagsisisi sa puso niya.Ito ay naging maayos na bahay dati. Paano ito nasira sa loob lang ng tatlong buwan?Kinabukasan, nakatanggap si Jeffery ng tawag na natanggal siya mula sa board of directors ng Hudson.Nagmamadali siya pumunta sa kumpanya ng galit, ngunit hindi siya pinapasok ng guwardiya at pinaalis siya.Nang walang ibang mapuntahan, naglasing si Jeffery sa bar at bumalik lang sa bahay ng hatinggabi.Sa gabing iyon, lasing niyang binuksan ang pinto ng villa. Walang ilaw sa loob at ang malamig na liwanag ng buwan ay tumatagos sa bintana na muka kisame hanggang sahig.Mayroon na wheelchair sa gitna ng sala, at may nakaupo na matandang babae na medyo kuba at makalat na buhok. Nakakatakot tignan ang pigura.Natakot si Jeffery at nanghina ang mga binti niya. Sinubukan niya tumalikod at tumakbo.Subalit sumarado ang pinto sa likod niya, at mas lalong naging madilim ang
Biglang namutla si Jeffrey. Alam niyang hindi maganda ang mga mangyayari sa kanya.Kung hindi pa siya tumestigo ngayon, marahil ay sa piitan din ang kanyang kahahantungan nang dahil inilipat sa kanya ni Sally ang responsibilidad. “Sige, aamin na ako. Si Sally Lennon iyon. Pinagsamantalahan niya habang tulog ang iyong lola at… sinuffocate na ito hanggang mamatay.Marahil ay ito na ang huling bahid ng kanyang konsensya, ngunit sa wakas ay napaluhod si Jeffrey at umiyak.Umiyak din sina Catherina at Aunty Wendy. Hindi nila inaasahang ganitong karumal-dumal ang kahihinatnan ni Old Madam Jones.Tinanong ni Aunty Wendy, “Isang tanong. Noong nahulog ang old madam sa hagdan, si Rebecca ba ang may kagagawan nu’n?“Hindi ko alam ang tungkol doon.” Umiling si Jeffrey, ngunit sa pagkakaalam niya kay Rebecca, hindi malayong kaya niyang gawin iyon, subalit ay iisa na nga lamang ang kanyang tinuturing na anak at ayaw niyang maging ito ay makulong.Sa huli’y idinampot si Jeffrey upang kwestiyuni
Isinigaw ni Sally, “Halinaw talaga iyang ama mo! Talagang sinabi niyang ako raw ang pumatay sa iyong lola. Rebecca, protektahan mo ang iyong sarili!”Mabilis na idinampot si Sally at naglulupasay si Rebecca. Nagtiis siya sa nayon sa loob ng dalawampung taon at hindi naging madali upang makarating sila rito, ngunit pagkatapos lamang ng isang taon ay nasira na agad ang kanilang pamilya.Kapag may nangyari kina Jaffrey at Sally, ano pa ba ang kinakailangan niya upang maging panganay na anak ng mga Jones?Hindi, hindi. Hindi na siya papayag na bumalik sa mga panahong iyon!Agad niyang tinawagan si Stephen. “Stephen, nagmamakaawa ako sa’yo. Tulungan mo ako. Idinampot ng mga pulis sina mama at papa. Kapag tinulungan mo ako, nangangako akong pakakasalan kita. Ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng mga share ng Hudson.”“Rebecca Jones, nauunawaan ko na ngayon. Minamalas ang sinumang sumasama sa iyo. Una ay si Ethan Lowe, at ngayon nama’y makukulong ang iyong mga magulang. Tuluyan na ring nasi
Hindi pa nakita ni Catherine na ganitong kagalit ang kanyang asawa sa matagal na panahon. Agad niyang ibinaba ang tawag at tinangkang magpaliwanag. “Nakita mo na ba ang mga litrato? Hindi mo naiintindihan—”“Hindi ko naiintindihan? Paano ko hindi maiintindihan?”Inihagis ni Shaun ang phone na kanyang hawak papunta sa kama. Punong puno ang kanyang mga mata ng pagkadismaya, pandidiri, at poot.“Tignan mo na lang iyang mga nakakadiri mong litrado. Sinasabi mong ayaw mo si Wesley Lyons ngunit ang higpit ng iyong pagkayakap at hinubaran mo pa siya! Catherine Jones, wala ka na ba talagang kahihiyan?”Masakit ang pagkatama ng phone sa kanyang dibdib, ngunit mas masakit ngayon ang kanyang puso.Sino ba namang lalaki ang kakalma kapag nakita nila ang mga litratong ganito? Lumalabas na kumaliwa siya sa kanyang relasyon sa lalaki.“Hindi! Sinet up ko niyan! Noong gabing iyan, pinilit ako ni Rebecca Jones na uminom at iniligtas ako ni Wesley Lyons! Walang nangyari sa pagitan naming dalawa!”
Noong una’y nakaramdam ng pagsususpetya si Catherine, ngunit matapos marinig ang tinig ni Wesley, naramdaman niya’y masyado siyang nagiging negatibo sa mga pangyayari. Isang tunay na gentleman si Wesley. Hindi niya kayang ipagkalat ang mga litratong iyan.“Galit na siya. Lalaki lang ang gulo kapag tumawag ka pa.” Mapait na ngumiti si Catherine. “Hindi ba’t sinabi mong nasira mo na ang camera noon? Bakit…”“Sinira ko nga. Tinignan ko pa nga.” Bakas sa boses ni Wesley ang kanyang pamimighati. “Palagay ko’y nailipat na agad kay Rebecca Jones ang mga litratong iyon. Masyado akong naging pabaya. Nalaman kong si Rebecca ang nagpakalat ng mga litratong iyon sa pamamagitan ng isang reporter.”Ngumiwi si Catherine. Mukhang minaliit niya si Rebecca. Masyado nang nakapupukaw ang mga litratong ito.“Pasensya ka na,” Sabi ni Wesley. “Wala itong problema sa akin dahil lalaki ako, ngunit siguradong maaapektuhan nito ang iyong reputasyon. Kung may magagawa ako para sa iyo, ipaalam mo lang sa akin
Natahimik ang lahat. Pagkatapos ng higit kalahating minutong katahimikan, tumungo si General Manager Wolfe. “Gagawin natin kung ano ang sinabi ni Chairwoman Jones.”‘Di kinalauna’y nag-post ng isang update ang Facebook page ng Hudson.[Higit isang buwan na noong kinuha ang mga litrato. Sinet up at pinagtangkaan si Chairwoman Jones. Mabuti na lamang ay naroon si G. Wesley Lyons upang iligtas si Chairwoman Jones, ngunit walang nangyari sa pagitan ng dalawang partido. Magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang ngayon. Inaasahan naming hindi na ito pag-uusapan pa ng lahat.]Pagkatapos ay personal na shinare ni Wesley ang post na ito.[Nang mga oras na iyon, dinroga si Chairwoman Jones, ngunit agad agad itong bumalik sa wisyo at nagbabad sa malamig na tubig. Malakas ang butihing Chairwoman. Inaasahan kong maintindihan ito ng lahat at huwag na siyang punain nang dahil lamang sa ilang litrato.]Nang mai-upload ang post na ito, hindi inaasahang magiging mabuti ang epekto nito.Pinuri ng mga
Noong gabing iyon, sunod-sunod ang pag-inom ni Shaun ng wine. Hindi siya mapigilan ni Chase.Mataas ang tolerance ni Shaun pagdating sa alcohol, ngunit nakarami siya noong gabing iyon at sa ikinagulat ni Chase ay bahagya itong nalasing.“Parang nami-miss ko si Sarah.”Tumingin ito sa labas ng bintana at tumingala sa langit, pagkatapos ay bumulong, “Sa lahat ng mga babaeng nakapalibot sa akin, siya lamang ang totoo sa akin. Walang panlilinlang at walang pagtataksil. Bakit ba kinakailangan niya pang mamatay?”Hinawakan ni Chase ang kanyang baso, tila’y may pumuwang na sakit sa kanyang puso.Kung ano ang nakikita nilang marangal at misteryosong Young Master Hill, alam niyang lumaki si Shaun na wala ang pagmamahal at pag-aaruga ng magulang. Sa totoo lamang, napaka-insecure na tao nito. Kahit pa noong sila’y nasa Kindergarten pa lamang, ang lahat ng mga lumalapit sa kanya ay may tagong agenda na siya namang dahilan kung paano ito naging mapaghinala.Ngayo’y tunay na nasaktan si Shaun.
Kumuha ng isang palangganang may mainit na tubig si Catherine. Tinanggal niya ang coat ni Shaun, at inalis ang butones sa kwelyo ng kanyang suot, at pinunasan ang kanyang kaaya-ayang mukha gamit ang twalya.“Sarah…” Biglang kinuha ni Shaun ang kanyang kamay at bumulong ito gamit ang kanyang manipis na labi.Nanginig si Catherine na para bang binuhusan siya ng isang timba ng malamig na tubig.Sino siya? Ex-girlfriend niya?Alam ng lahat ng mas matalas ang puso ng isang babae kumpara sa iba.Agad agad niyang inalis ang kanyang kamay sa hawak nito. Inabot ni Shaun ang kanyang kamay, ngunit wala itong nakuha, kung kaya’t nagsimula itong tawaging muli si Sarah.Tumalikod ito at umupo sa may gilid ng kama. Namula ang kanyang mga mata at namamanhid ang kanyang puso na para bang tinutusok-tusok ito. Ang sakit....Kinaumagahan.May matinding hangover si Shaun pagkagising. Masakit ang kanyang ulo, at hindi rin komportable ang kanyang pakiramdam sa kanyang tiyan.Tumingin siya sa kanya