Nanigas si Freya. Naisip niya rin ang mga problemang ito noon.“Ipagpatuloy mo ang pagluhod.” Sinabi ni Freya at umupo sa tabi ng aparador. Nagsimula na siyang magsulat.Hindi alam ni Rodney kung ano ang sinusulat niya, ngunit dahil sinabi nito na lumuhod siya, ibig sabihin siguro noon ay papayag siya magpakasal.Basta papayag siya, luluhod siya.Lumuhod si Rodney habang pinapanood ang pigura ni Freya.Kahit na apat na buwan na siyang buntis, hindi ito halata dahil maluwag na damit ang suot niya. Ang titig niya ay napunta sa dibdib nito.Hindi niya maiwasan na isipin ang eksensa kagabi.Baka ayos rin na magpakasal.Magkakaroon siya ng babaeng nasa tabi niya sa hinaharap.Ilang dekada na siyang nag-aabstain. Kapag ipinagpatuloy niya ito, baka maging eunuch na siya.Pagkatapos lumuhod ng kalahating oras, lumapit si Freya na may hawak na piraso ng papel. “Tumayo ka.”Tumayo si Rodney nang may masakit na tuhod, at binigay ni Freya sa kanya ang piraso na papel. “Basahin mo ito. K
”Chairman Snow, bakit ka nandito? Asan si Minister Snow? Wala ba siyang plano ipaliwanag ang kaso ng inaanak niya na nang aapi ng ibang tao?”“May balak ba humingi ng tawad si Freya Lynch? Ngunit ano pa ang punto ng paghingi ng tawad? Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ng ilang araw ang share price ng Jackson Corporation. Ilan bilyon ang nawala sa stock market.”“Narinig ko na nagdate si Miss Lynch at President Jackson mula sa Jackson Corporation dati. ‘Di kalaunan, nakipaghiwalay siya. Ngunit noong nakita niya na may bagong kasintahan si Patrick Jason, hindi siya natuwa at binantaan si Patrick na kapag hindi siya nakipaghiwalay sa nobya niya, pupuntiryahin niya ang Jackson Corporation.”“Narinig ko rin na gusto ni Young Lady Snow harapin ang Jackson Corporation at ang pamilyang Shelby. Totoo ba ito?”“Kailangan humingi ng tawad ng pamilyang Snow sa bagay na ito.”“Hindi ba at pinaalis na ng pamilyang Snow si Rodney Snow mula sa pamilya noong nakaraan? Bakit ang bilis niya makab
“Narito ang mga resibo ng mga check-up at iba pang tests na may kinalaman sa pagdadalang-tao. Buwan-buwan din siyang sumasailalim sa maternity check-up.”Ipinakita ni Rodney ang mga report. “Ano’ng gagawin ko kapag nakita mong bugbog-sarado ang asawa mong apat na buwang buntis? Inaamin kong naging marahas ako, at humihingi ako ng pasensya para roon. Ngunit kung kayo ang nasa aking kinatatayuan, hindi niyo rin mapipigilan ang inyong mga sarili.”Sumagot ang reporter. “Ngunit sa aming nalalaman, naunang umatake sa Jackson Corporation si Miss Lynch, dahil kung hindi’y hindi naman siya lalapitan ni Linda Shelby upang magmakaawa. Sa huli’y naging mayabang pa rin si Miss Lynch.”Sumimangot si Freya. “Palagay ko’y napanood na ninyo ang video. Kung gayo’y alam ninyo dapat na hindi ko hinawakan si Linda mula simula hanggang sa dulo. Bigla na lamang siyang nagpakita, lumuhod sa aking harapan, at nagmakaawa. Litong-lito ako noon. Sa katunaya’y hindi ko rin naman siya masyadong kilala kaya’t hi
[Pareha kami ng pinasukang pamantasan nina Patrick at Freya. Mapapatunayan kong naging mabuti si Freya kay Patrick. Masunurin ito sa lalaki kahit na hindi siya nito nilalambing pabalik. Naaalala ko noong isang araw na nagkasakit si Freya, nakita kong mag-isa siyang sumailalim ng infusion.][Noong nag-birthday si Patrick, tumawag ng maraming alumni si Freya upang i-celebrate ang kanyang birthday, ngunit ni hindi man lang siya sumipot.][Wala ‘yan. Noong kikitain sana ni Patrick ang mga magulang ni Freya upang pag-usapan ang kanilang kasal, sa halip ay kay Linda ito nagmamadaling pumunta. Dahil doon, dalawang oras na naghintay ang mga magulang ni Freya.][S*et, totoo ba? Anong klaseng lalaki ba ‘yan? Tinatapatan niya si Wesley Lyons.][Walang delikadesa ‘yang si Wesley. Samantalang si Patrick ay isang pasaway na sinayang ang pagkabata ni Freya.]Sumagot si Catherine sa isang netizen: [Hindi napansin ni Patrick kung gaanong kasama ang kanyang ugali. Akala niya’y dapat lamang ipagsant
“Tito…” Nanginig ang buong katawan ni Linda habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.“Dad, huwag mong sisihin si Linda. Ako ang gumawa ng desisyon.” Mahinang sinabi ni Patrick.Galit na sumagot si Mr. Jackson, “Nagtanim ang mga walanghiyang ‘yon ng hindi totoong ebidensya laban sa susunod na prime minister. Tingin mo bang pakakawalan ito ng mga Snow nang basta-basta? Si Jason na mismo ang nagsabing iimbestigahan nila ito hanggang sa huli. Agad na magtatago ang mga kumakalaban kay Jason Snow at ikaw ang magiging alay. Tingin mo ba’y gano’ng kasimpleng mapababagsak ang Jackson Corporation? Nasa kanila ang lahat ng dahilan upang ituro ka bilang mastermind. Masyado mong nilagay sa panganib ang mga Snow, hindi ka nila pakakawalan.“Gagamitin ka ni Nathan Snow bilang halimbawa at babala sa iba na hindi gano’n basta-bastang naiisahan ang mga Snow. Walang makagagalaw sa kanila.”Nanginig ang katawan ni Patrick.Mangiyak-ngiyak din si Mrs. Jackson. “Ano ba ‘tong kinasangkutan mo, a
“Hindi mo naiintindihan, ‘no? Hindi tayo basta-basta pakakawalan ng mga Snow, at hindi rin nila palalampasin ang mga Shelby. Isa pa… pag-uusapan natin ito kapag nakalaya na si Patrick. Ang pinag-aalala ko sa ngayon ay hindi siya basta-basta hahayaan ng mga Snow.” Buntong-hininga ni Mr. Jackson.Nanigas naman si Mrs. Jackson....Sa tahanan ng mga Snow.Katatapos lamang kumain ni Freya ng hapunan nang nakatanggap ng tawag si Jessica. Ibinalita nito kay Nathan ang kanyang narinig. “Tito, naaresto na po si Patrick Jackson.”“Hm.” Sumimangot si Nathan habang iniinom ang kanyang tsaa. “Kumusta ang sitwasyon sa mga Kramer?”“Sinasabi nilang may sakit daw si Minister Kramer at hindi siya tumatanggap ng mga guest. Ilang araw daw siyang hindi papasok.” Mahinang sinabi ni Jessica. “Pihado ko’y magpapakatino muna siya dahil nasa hindi siya magandang sitwasyon sa ngayon.”“Magpapakatino muna tapos lilitaw na lang muli para pasakiting muli ang aking ulo?” Tumingin si Nathan kay Ryan. “Hahaya
“Mukha ba akong masaya?” Tila’y nalilito ang itsura ni Rodney. “Hindi kaya.”“...”Suminghal na lamang si Chester. Punong-puno ng pride ang mukha ng lalaki, ngunit siya mismo’y hindi ito napansin.“Pakiramdam ko lang kasi… alam mo ‘yun, na gugustuhin ding magpakasal ng mga tao. Kahit na hindi ko pakasalan si Freya, patuloy lamang ang pagse-set up ng mga blind date ni mama para sa akin. At least anak ko ‘yung dinadala ni Freya. Maganda siya at talented. Gustong-gusto rin siya ng pamilya ko kaya’t ideal siyang marriage partner.” Sagot ni Rodney matapos niya itong pag-isipan nang mabuti.“Congratulation kung gayon, ngunit marahil ay kung hindi dahil sa insidenteng ito, hindi ka siguro pakakasalan ni Freya.” Ngiti ni Chester. “Siya pa yata ang talo rito.”“‘No sinasabi mo diyan? Hindi na rin ako masama.”Katatapos lamang magsalita ni Rodney nang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Shaun habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay. “Ano’ng pinag-uusapan niyo? Dalian na natin at gusto
Namula ng kaunti si Catherine sa kawalang hiyaan ng lalaki. "Sina Freya at Rodney ay babalik na sa Melbourne bukas. Plano kong sumama sa kanila pabalik. Kaarawan bukas ng grandmother ko, kaya gusto kong pumunta at magbigay pugay sa kanya.""Bakit hindi mo sinabi sakin nang mas maaga?" Sumimangot si Shaun. "Naayos na ni Hadley ang itinerary ko sa susunod na dalawang araw…""Ayos lang. Kaya kong bumalik mag-isa. Sasamahan ako ni Freya…" Inaliw ni Catherine ang lalaki."Siya ay siya, at ako'y ako. Magkaiba 'yun. Bukod pa rito, grandmother natin 'yun. Syempre, dapat samahan kita." Binaon ni Shaun ang kanyang mukha sa leeg ng babae."Ahem. Pwede bang pansinin mo ang kapaligiran mo? May dalawang inosenteng bata rito." Ipinatong ni Suzie ang kanyang mga kamay sa baywang niya.Sumimangot si Lucas. "Sinasakop mo na lahat ng oras ni Mommy. Sa wakas ay may free time na siya ngayong araw, pero gusto mong kumapit ulit sa kanya. Pwede mo ba siyang ihati ng kaunti samin?""Oo," reklamo ni Suzie