Share

Kabanata 1400

“Mukha ba akong masaya?” Tila’y nalilito ang itsura ni Rodney. “Hindi kaya.”

“...”

Suminghal na lamang si Chester. Punong-puno ng pride ang mukha ng lalaki, ngunit siya mismo’y hindi ito napansin.

“Pakiramdam ko lang kasi… alam mo ‘yun, na gugustuhin ding magpakasal ng mga tao. Kahit na hindi ko pakasalan si Freya, patuloy lamang ang pagse-set up ng mga blind date ni mama para sa akin. At least anak ko ‘yung dinadala ni Freya. Maganda siya at talented. Gustong-gusto rin siya ng pamilya ko kaya’t ideal siyang marriage partner.” Sagot ni Rodney matapos niya itong pag-isipan nang mabuti.

“Congratulation kung gayon, ngunit marahil ay kung hindi dahil sa insidenteng ito, hindi ka siguro pakakasalan ni Freya.” Ngiti ni Chester. “Siya pa yata ang talo rito.”

“‘No sinasabi mo diyan? Hindi na rin ako masama.”

Katatapos lamang magsalita ni Rodney nang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Shaun habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay. “Ano’ng pinag-uusapan niyo? Dalian na natin at gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status