”Mom, humihingi ako ng tawad. Pagkatapos ng maraming taon, nabigo pa rin ako mahanap ang pumatay sa iyo.” Nagbuntong hininga si Catherine at umalis napagkatapos magbigay respeto.Pagkatapos ng kalahating oras, dumating si Matthew.Nakita niya ang mga bulaklak sa puntod at nanigas. Hindi naman araw ng mga patay. Bakit may bibisita sa dalawang matanda? May iba pa bang kamag-anak ang pamilyang Jones?Si Catherine Jones ba ito?Gayon pa man, hindi ba at siya ang pumatay kay Old Madam Jones? Ang kapal naman ng mukha niya magbigay ng respeto?Sigurado, kapag sobrang sama ng tao, hindi sila matatakot sa kahit ano.Pagkatapos niya magbigay ng respeto, naglakad siya sa paligid at nakita ang puntod ni Sheryl malapit sa dalawang matanda. Ang litrato sa puntod ay ang litrato ng nanay niya noong bata pa ito.Mukhang totoo nga ang sinabi ni Rebecca.Ang totoong pangalan ng nanay niya ay Sheryl Jones. Gayon pa man, dahil hindi pa siya patay, hindi na kailangan manatili ng puntod na ito.Nag-
Kahit na kinamumuhian nila si Patrick, ang akala lang nila ay sisirain lang ng pamilyang Snow ang Jackson Corporation. Hindi nila inaasahan na makukulong habambuhay si Patrick. Sa kaso na iyon, wala na nga talagang pag-asa para kay Patrick. Kaya pala sobrang balisa ng magulang niya.Tinignan ni Rodney ang mga tao, siya ay nag-alinlangan ng ilang saglit, at sinabi, “Kailangan niyo maintindihan ang kalubhaan ng aksyon ni Patrick ngayon. Ang uncle ko ay isang hakbang nalang ang layo sa pagiging prime minister, ngunit ginalit ni Patrick ang uncle ko. Nakagawa man siya o hindi ng isang pagkakamali o kasalanan, walang maaari gumalit sa otoridad ng susunod na prime minister. Galit na galit ang uncle ko ngayon.”Nagulat ang pamilyang Lynch.Si Nathan Snow ay halos katulad na ng isang emperor. Paano makakayanan ng mga ordinaryong tao ang galit ng isang emperor?“Hayaan mo sila pumasok.” Sagot ni Freya pagkatapos ng mahabang oras.‘Di kalaunan, sina Mr. at Mrs. Jackson ay pumasok na. Nang n
Hinila palayo ni Mr. Jackson si Mrs. Jackson at malungkot silang umalis sa bahay ng Lynch.‘Di na kinaya ni Mrs. Jackson at umiyak na siya. “Alas, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ako didikit nang sobra sa pamilyang Shelby dati. Hindi ko dapat sinabi kay Patrick na kunin si Linda para magtrabaho sa Jackson Corporation.”“Wala nang kwenta na sabihin iyan ngayon. Pinili natin ang sarili nating daanan. Hindi mo pa alam ito, ngunit bumagsak na ang pamilyang Kramer. Sina Minister Kramer at Nathan Snow ay magkalaban sa eleksyon, ngunit bumagsak ang pamilyang Kramer dalawang araw pagkatapos ng eleksyon.”“Narinig ko na ilang matataas na opisyal na nakipag-ugnayan dati sa pamilyang Kramer ay inaresto dahil sa ilang kadahilanan. Nagsimula na lumaban pabalik si Nathan. Ngayon, hindi niya plano magalit ng kahit na sino. Swerte na tayo na si Patrick lang ang kinuha niya sa pamilya natin.”Natigil si Mrs. Jackson. Hindi pa rin niya alam kung sino ang nagbigay kay Patrick ng lakas ng l
”Hindi ako nag-aalala sa iyo. Nag-aalala ako sa bata.” Suminghal si Rodney. “Huwag mo isipin na hindi ko alam na aalis kayong dalawa para maghapunan.”“Paano mo nalaman?” Lumaki ang mata ni Freya sa gulat.Ngumisi si Rodney. “Pinaalala ni Shaun na bantayan ko kayong dalawa sa gabi dahil pareho kayong matakaw.”Namula sina Catherine at Freya.Nakita ni Rodney ang mga ekspresyon nila at alam niya na tama ang hula niya. Kinuha niya ang susi ng kotse sa kamay ni Catherine.“Hindi ako tututol sa pagkain ng hapunan paminsan-minsan, ngunit kailangan ko sumama sa inyo. Kahit papaano, maganda kayong dalawa, para may magprotekta man sa inyo kung sakaling may mangyari.”Walang babae ang ayaw mapuri sa kagandahan nila.Tinignan siya ni Freya. “Sige bibigyan ka namin ng pagkakataon.”Nagmaneho si Rodney, at nakarating sila sa isang kalye na puro kainan.Huminto ang kotse sa pasukan ng kainan na madalas puntahan nina Catherina at Freya.Kahit na ilang taon na sila hindi nakakapunta, nakil
Noong araw na iyon ay nakasuot si Matthew ng isang itim na damit. Singlalim at singganda ng mga tala sa kalangitan ang kanyang makakapal na pilikmata at asul na mga mata. Samahan pa ito ng kanyang Adam’s apple. Bagama’t dalawampu’t isang taong gulang pa lamang ito, may aura na agad ito na makapagpapatibok sa mga puso ng kababaihan.Buong hangang natulala si Freya sa lalaki.Noon lamang siya nakakita ng gayong kagwapong lalaking magkahalo ang lahi.Hawig nito ang mga nagagwapuhang prinsipe mula sa alamat ng mga Griyego.Bukod pa rito, kakaiba ang kanyang aura kumpara kina Rodney, Shaun, at Chester. Halatang mas nakababata ito, kaya’t hindi pa bakas sa kanyang itsura ang kaganapan ng gulang. Subalit ipinahihiwatig ng kanyang mga kilay na nasa tamang edad na siya, kaya’t may kakaibang dating ang lalaking ito. Tila’y isa siyang… tuta.At totoong kulay asul ang kanyang mga mata. Tunay na kahali-halina.Nakita ni Rodney kung paanong natulala si Freya sa lalaking bigla na lamang lumitaw
Sa katunayan, noong nasa Neah Bay si Matthew, pinagkakaguluhan siya ng mga magagandang babae, ngunit hindi ito interesado sa kahit isa sa kanila.“Matthew Costner.”Nagulat si Catherine. “Costner? Kakaiba ang iyong apelyido.”“Hindi kasi taga-Australia ang ama ko.” Paliwanag ni Matthew. “Pumunta lamang ako ng Australia upang parangalan ang aking lolo’t lola sa ngalan ng aking ina.”“Mukhang paalis ka na rin pala ng Australia.” Biglang sumali si Rodney sa usapan.“Ah, hindi, hinihintay ko pang makarating si mama.” Ngiti ni Matthew. “Balak naming bumili ng bahay rito sa Australia. Ilang taon nang nakatira sa ibang bansa si mama, kaya’t nagbabalak din siyang bumalik dito. Pabalik-balik kumbaga.”Namuo ang pandidiri sa loob ni Rodney. Mukhang hindi agad-agad mawawala ang karibal ni Shaun. P*cha naman.Pagkatapos ay sunod-sunod na inihain ang mga putahe.Tila’y iyon ang unang pagkakataon ng lalaking kumain ng crayfish dahil wala itong kaalam-alam kung paano kainin ang isda.Nang ma
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik din si Matthew.Nagkwento ito ng mga nangyari sa kanya sa ibang bansa. Bagama’t bata pa ito, marami na itong alam.Kinalaunan ay kumuha ito ng ilang pirasong dice mula. Nagpagalaw ito ng baso at nakapag-stack ito ng ilang pirasong dice. Nakapag-stack ito ng anim na six at anim na five.“Napakahusay.” Hangang-hanga si Catherine, katulad ni Freya.“Sa kakayanan mong ‘yan, parang walang problema sa’yong kumita ng ilang daang milyong dolyar sa Las Vegas.” Bulong ni Freya.“Eh, sa pagro-roll mo lang ‘yan ng dice. Ano naman ang kahanga-hanga doon.” Hindi mapigilang magbigay ng komento ni Rodney.“Kaya mo bang mag-roll ng anim na six o mag-stack ng dice nang may six sa ibabaw?” Tanong ni Freya.Natulala si Rodney.‘Di kalauna’y tumunog ang phone ni Catherine. Isa iyong tawag mula kay Shaun.Dahil sa ingay ng silid, dinala ni Catherine ang kanyang phone sa kabilang banda.Sinulyapan ni Matthew ang babae. Pagkatapos ay nakangiting nagtanong si Ro
Bulag ba itong babaeng ito?“Kailangan ba talagang ganyan mo ako pagsalitaan, Freya Lynch?” Malapit nang mapuno si Rodney.“Kailangan mo talagang tanggapin ang reyalidad minsan, Uncle Rodney. Iyan ang tunay mong edad.” Pagdadagdag ni Freya.“Tama ka na. Nasa sasakyan pa rin tayo. Ayaw mong madawit sa isang aksidente.” Pinaalalahanan ni Catherine ang kaibigan nang makita nitong napupuno na sa galit ang lalaki.Sa wakas ay huminga nang malalim si Freya at nanahimik.May kumirot naman sa puso ni Rodney nang marinig ang paghinga nang malalim ng babae.Hindi niya masabi kung ang pagbuntong-hininga nito ay dahil sa pagkakaroon ng nobyo ni Catherine o kung dahil hindi na niya makakasama ang mga nakakabatang lalaking may kaaya-ayang itsura buhat ng kanyang pagkakakasal.…Pagkarating nila sa pamamahay ng mga Lynch, tumungo ang dalawang babae sa itaas upang magpahinga.Nagpaikot-ikot si Rodney sa kanyang kama dahil hindi ito makatulog. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo ito at tumin