Hinila palayo ni Mr. Jackson si Mrs. Jackson at malungkot silang umalis sa bahay ng Lynch.‘Di na kinaya ni Mrs. Jackson at umiyak na siya. “Alas, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ako didikit nang sobra sa pamilyang Shelby dati. Hindi ko dapat sinabi kay Patrick na kunin si Linda para magtrabaho sa Jackson Corporation.”“Wala nang kwenta na sabihin iyan ngayon. Pinili natin ang sarili nating daanan. Hindi mo pa alam ito, ngunit bumagsak na ang pamilyang Kramer. Sina Minister Kramer at Nathan Snow ay magkalaban sa eleksyon, ngunit bumagsak ang pamilyang Kramer dalawang araw pagkatapos ng eleksyon.”“Narinig ko na ilang matataas na opisyal na nakipag-ugnayan dati sa pamilyang Kramer ay inaresto dahil sa ilang kadahilanan. Nagsimula na lumaban pabalik si Nathan. Ngayon, hindi niya plano magalit ng kahit na sino. Swerte na tayo na si Patrick lang ang kinuha niya sa pamilya natin.”Natigil si Mrs. Jackson. Hindi pa rin niya alam kung sino ang nagbigay kay Patrick ng lakas ng l
”Hindi ako nag-aalala sa iyo. Nag-aalala ako sa bata.” Suminghal si Rodney. “Huwag mo isipin na hindi ko alam na aalis kayong dalawa para maghapunan.”“Paano mo nalaman?” Lumaki ang mata ni Freya sa gulat.Ngumisi si Rodney. “Pinaalala ni Shaun na bantayan ko kayong dalawa sa gabi dahil pareho kayong matakaw.”Namula sina Catherine at Freya.Nakita ni Rodney ang mga ekspresyon nila at alam niya na tama ang hula niya. Kinuha niya ang susi ng kotse sa kamay ni Catherine.“Hindi ako tututol sa pagkain ng hapunan paminsan-minsan, ngunit kailangan ko sumama sa inyo. Kahit papaano, maganda kayong dalawa, para may magprotekta man sa inyo kung sakaling may mangyari.”Walang babae ang ayaw mapuri sa kagandahan nila.Tinignan siya ni Freya. “Sige bibigyan ka namin ng pagkakataon.”Nagmaneho si Rodney, at nakarating sila sa isang kalye na puro kainan.Huminto ang kotse sa pasukan ng kainan na madalas puntahan nina Catherina at Freya.Kahit na ilang taon na sila hindi nakakapunta, nakil
Noong araw na iyon ay nakasuot si Matthew ng isang itim na damit. Singlalim at singganda ng mga tala sa kalangitan ang kanyang makakapal na pilikmata at asul na mga mata. Samahan pa ito ng kanyang Adam’s apple. Bagama’t dalawampu’t isang taong gulang pa lamang ito, may aura na agad ito na makapagpapatibok sa mga puso ng kababaihan.Buong hangang natulala si Freya sa lalaki.Noon lamang siya nakakita ng gayong kagwapong lalaking magkahalo ang lahi.Hawig nito ang mga nagagwapuhang prinsipe mula sa alamat ng mga Griyego.Bukod pa rito, kakaiba ang kanyang aura kumpara kina Rodney, Shaun, at Chester. Halatang mas nakababata ito, kaya’t hindi pa bakas sa kanyang itsura ang kaganapan ng gulang. Subalit ipinahihiwatig ng kanyang mga kilay na nasa tamang edad na siya, kaya’t may kakaibang dating ang lalaking ito. Tila’y isa siyang… tuta.At totoong kulay asul ang kanyang mga mata. Tunay na kahali-halina.Nakita ni Rodney kung paanong natulala si Freya sa lalaking bigla na lamang lumitaw
Sa katunayan, noong nasa Neah Bay si Matthew, pinagkakaguluhan siya ng mga magagandang babae, ngunit hindi ito interesado sa kahit isa sa kanila.“Matthew Costner.”Nagulat si Catherine. “Costner? Kakaiba ang iyong apelyido.”“Hindi kasi taga-Australia ang ama ko.” Paliwanag ni Matthew. “Pumunta lamang ako ng Australia upang parangalan ang aking lolo’t lola sa ngalan ng aking ina.”“Mukhang paalis ka na rin pala ng Australia.” Biglang sumali si Rodney sa usapan.“Ah, hindi, hinihintay ko pang makarating si mama.” Ngiti ni Matthew. “Balak naming bumili ng bahay rito sa Australia. Ilang taon nang nakatira sa ibang bansa si mama, kaya’t nagbabalak din siyang bumalik dito. Pabalik-balik kumbaga.”Namuo ang pandidiri sa loob ni Rodney. Mukhang hindi agad-agad mawawala ang karibal ni Shaun. P*cha naman.Pagkatapos ay sunod-sunod na inihain ang mga putahe.Tila’y iyon ang unang pagkakataon ng lalaking kumain ng crayfish dahil wala itong kaalam-alam kung paano kainin ang isda.Nang ma
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik din si Matthew.Nagkwento ito ng mga nangyari sa kanya sa ibang bansa. Bagama’t bata pa ito, marami na itong alam.Kinalaunan ay kumuha ito ng ilang pirasong dice mula. Nagpagalaw ito ng baso at nakapag-stack ito ng ilang pirasong dice. Nakapag-stack ito ng anim na six at anim na five.“Napakahusay.” Hangang-hanga si Catherine, katulad ni Freya.“Sa kakayanan mong ‘yan, parang walang problema sa’yong kumita ng ilang daang milyong dolyar sa Las Vegas.” Bulong ni Freya.“Eh, sa pagro-roll mo lang ‘yan ng dice. Ano naman ang kahanga-hanga doon.” Hindi mapigilang magbigay ng komento ni Rodney.“Kaya mo bang mag-roll ng anim na six o mag-stack ng dice nang may six sa ibabaw?” Tanong ni Freya.Natulala si Rodney.‘Di kalauna’y tumunog ang phone ni Catherine. Isa iyong tawag mula kay Shaun.Dahil sa ingay ng silid, dinala ni Catherine ang kanyang phone sa kabilang banda.Sinulyapan ni Matthew ang babae. Pagkatapos ay nakangiting nagtanong si Ro
Bulag ba itong babaeng ito?“Kailangan ba talagang ganyan mo ako pagsalitaan, Freya Lynch?” Malapit nang mapuno si Rodney.“Kailangan mo talagang tanggapin ang reyalidad minsan, Uncle Rodney. Iyan ang tunay mong edad.” Pagdadagdag ni Freya.“Tama ka na. Nasa sasakyan pa rin tayo. Ayaw mong madawit sa isang aksidente.” Pinaalalahanan ni Catherine ang kaibigan nang makita nitong napupuno na sa galit ang lalaki.Sa wakas ay huminga nang malalim si Freya at nanahimik.May kumirot naman sa puso ni Rodney nang marinig ang paghinga nang malalim ng babae.Hindi niya masabi kung ang pagbuntong-hininga nito ay dahil sa pagkakaroon ng nobyo ni Catherine o kung dahil hindi na niya makakasama ang mga nakakabatang lalaking may kaaya-ayang itsura buhat ng kanyang pagkakakasal.…Pagkarating nila sa pamamahay ng mga Lynch, tumungo ang dalawang babae sa itaas upang magpahinga.Nagpaikot-ikot si Rodney sa kanyang kama dahil hindi ito makatulog. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumayo ito at tumin
“Cathy…”Sa kabila ng pagkalito ni Catherine ay nilapitan siya ni Shaun at binalot ito sa kanyang mga bisig. Inabot naman ng lalaki ang kanyang buhok upang haplusin ito.Noon lamang niya napagtantuang si Shaun nga ang nasabing lalaki dahil sa kakaiba ngunit pamilyar nitong amoy.“Narito na si Young Master Hill dakong 6:30 pa kanina.” Paliwanag ni Mr. Lynch. “Marahil ay kagabi pa ito lumipad papunta rito… ni hindi niya kayang mawalay sa’yo kahit na isang araw.”Nang maisip niyang kakaiba ang tingin sa kanila ng nakatatanda nilang kasama, namula lamang ang mukha ni Catherine sabay taboy sa kayakap nitong lalaki.Nanlamig ang mukha ni Shaun.Kakakita lamang nila, ngunit nasasabik na agad itong itaboy ang kanyang asawa. Marahil kaya’y hindi siya kasing galit katulad ng nakilala nilang lalaki noong nakaraang gabi?“Ano’ng ginagawa mo rito?” Tumingala si Catherine. Nang makita ni Catherine ang mga eyebags sa ilalim ng mga mata ng lalaki ay sumimangot ito. “Tignan mo nga ang mga mata m
”Bahala ka.” Matapos sumubo ng maraming porridge ni Catherine, naging maayos ang sikmura niya. Matapos, sinabi niya sa pagkainis, “Hindi ko alam kung tungkol saan ka nagagalit. Sa edad na ito, dapat mas mature ka. Hindi ka rin sobrang tanda. Hindi mo ba napapansin na maraming babae ang lumilingon sayo kapag lumalabas ako kasama ka?”Nagliwanag ang mga mata ni Shaun, at ang mga sulok ng kanyang mga labi ay bahagyang kumurba. Matapos ngumiti ng dalawang segundo, sinubukan niyang pigilin ito. “Pero hindi na ako gwapong binata. Nawala na ang sigla ng kabataan ko. Fuddy-duddy at nakakabagot na ako, kagaya ng isang tubo. Sa mas lalong pagkain nito, mas nababawasan ang tamis nito.”Hinimas ni Catherine ang noo niya, walang masabi. “Si Rodney ba, ang malaking bibig na ‘yun, ay may sinabi sayo?”Ang kalupitan sa mga mata ni Shaun ay malinaw. “Miss Jones, nagsaya ka ba kasama ang gwapong binata kagabi? Inisip mo ba ang minamahal mong si Mr. Hill?”Muntik nang madura ni Catherine ang porridge