”Bahala ka.” Matapos sumubo ng maraming porridge ni Catherine, naging maayos ang sikmura niya. Matapos, sinabi niya sa pagkainis, “Hindi ko alam kung tungkol saan ka nagagalit. Sa edad na ito, dapat mas mature ka. Hindi ka rin sobrang tanda. Hindi mo ba napapansin na maraming babae ang lumilingon sayo kapag lumalabas ako kasama ka?”Nagliwanag ang mga mata ni Shaun, at ang mga sulok ng kanyang mga labi ay bahagyang kumurba. Matapos ngumiti ng dalawang segundo, sinubukan niyang pigilin ito. “Pero hindi na ako gwapong binata. Nawala na ang sigla ng kabataan ko. Fuddy-duddy at nakakabagot na ako, kagaya ng isang tubo. Sa mas lalong pagkain nito, mas nababawasan ang tamis nito.”Hinimas ni Catherine ang noo niya, walang masabi. “Si Rodney ba, ang malaking bibig na ‘yun, ay may sinabi sayo?”Ang kalupitan sa mga mata ni Shaun ay malinaw. “Miss Jones, nagsaya ka ba kasama ang gwapong binata kagabi? Inisip mo ba ang minamahal mong si Mr. Hill?”Muntik nang madura ni Catherine ang porridge
Marahan na tumango si Forrest.Inusisa ng mga mata ni Shaun ang mukha ni Forrest. Kaakitakit si Freya na may prominent features, pati rin ang kapatid niya. Gayunpaman, ang pinakamalaking pagkakaiba nila ay ang kulay ng balat ni Forrest ay mas maitim.Nang pinag-isipan ito ni Shaun, napansin niya na si Catherine ay napalilibutan ng mga gwapong lalaki.“President Lynch, matagal mo na bang kilala si Catherine?” Tanong ni Shaun.“Mahigit sampung taon na namin kilala ang isa’t isa. Siya at si Freya ay matalik na magkaibigan, kaya madalas siya pumunta rito at kumain kasama kami dati.” Nakuha ni Forrest ang punto ni Shaun sa isang segundo. “Pero may boyriend na siya nang panahong ‘yun. Tinatrato niya ‘ko bilang kapatid, at ako rin, tinatrato siya bilang kapatid.”Agad din itong naintindihan ni Shaun.“Anong iniisip mo? Umirap si Catherine. “Pwede bang ‘wag kang mataranta sa tuwing nakakakita ka ng lalaki sa paligid ko?”“Mahal kita. Kaya ako natataranta.” Nagkibit balikat si Shaun sa p
”Dapat ba siyang kumampi sayo kung hindi sakin?” Mapanuksong itinaas ni Freya ang mga kilay niya. “Huwag mong kalimutan na nakasama ko siya sa ups and downs sa buhay niya. Hindi kailanman ay lumiban ako.”Walang masabi si Shaun.Banayad na sinabi ni Rodney, “Shaun, hindi kailanman ay makukumbinsi mo siya.”Palihim na tumawa si Catherine. Nang magsasalita na siya, biglang tumunog ang phone niya. ito ay isang hindi kilala sa numero.“Hi, si Miss Jones ba ito? Staff member ako ng sementeryo. Ang puntod ng pamilya mo ay nasira kagabi.”“Ano?” Naging malagim ang mukha ni Catherine. “Kaninong puntod?”“Kay Sheryl Jones.” Sabi ng staff, “NAng pumunta kami ron ngayong umaga, ang puntod ay nahukay na. Lahat ng nasa loob ay nawawala.”“Pupunta agad ako diya.” Biglang tumayo si Catherine.“Anong problema?” Balisang tumingin sa kanya si Shaun. Matagal na mula nang makita niya ang babae na ganun kagalit.“May sumira sa puntod ng mom ko kagabi.” Kinuyom ni Catherine ang ga kamao niya.“Sin
Kinunot ni Shaun ang mga kilay niya.Malabo sa kanya ang tungkol sa mga nangyari sa nakaraan, pero naaalala niya pa si Rebecca.Tila isang brutal na babae ‘yun. Siya ang nagpadala sa babaeng ‘yun sa kabundukan, pero lumayas ang babae matapos ‘nun.“Cathy, huwag kang mag-alala. Nandito ako. Ngayon, siguradong papatayin ko ang babaeng ito para sayo,” Mahigpit na sinabi ni Shaun.“Mali ka. May masama akong pakiramdam. Dahil si Rebecca ay sapat na matapang para magsabi ng ganung provocative remark, ibig sabihin nito na may hindi inaasahang nangyari sa kanyang nitong mga taon. Natatakot ako na mas mahirap na siyang kalaban ngayon.”Kumunot ang mga kilay ni Catherine. “Kahapon, narinig ko na sina Uncle at Aunt ay lalaya na sa kulungan. Hindi ko ito maintindihan kamakailan. Gayunpaman, kuha ko na ito ngayon. Natatakot ako na siguradong may pinaplano si Rebecca.”Nagulat si Shaun. “Hindi ba’t nasentensyahan sila ng mahigit sampung taon?”“Oo. Pumatay sila at nagnakaw ng assets ng pamily
”Young Master Costner…”Isang matangkad at payat na tauhan niya ang lumapit sa kaya. “Nagawa ko na ang pinapagawa mo sa akin.”Ang tauhan ay nag-abot ng litrato kay Matthew. Ito ay isang litrato ng ina ni Matthew sa lapida.“Bakit ginawan ng cenotaph ang mom ko noong nabubuhay ba siya? Hindi ba isang curse yung sa kanya?” Malupit na sabi ni Matthew, “Oo nga pala, nilagay mo ba ang warning note ‘dun ayon sa utos ko?”“Oo. Siguradong tinawagan na ng staff ng sementeryo si Catherine, at dapat ay makuha niya ang ibig sabihin nito kapag nakita niya ito.”“Mm. Sobrang balisa na siguro siya ngayon, isaalang alang na marami siyang ginawang masama. Sa kasamaang palad, ginalit niya ang pamilyang Costner, kaya dapat siyang mamatay.” Uminom si Matthew ng red wine habang isang malamig na pagkislap ang lumitaw sa mga mata niya. “Oo nga pala, kumusta ang kaayusan para sa paglaya ng uncle at aunt ko?”“Lalaya na sila sa loob ng tatlong araw.”“Okay. Personal ko ipagdidiwang ang pagbabalik nila.
“Oo.”Tumango ang assistant. “Pagkatapos tignan ang mga komento sa Internet, napansin ko na maraming tao ang sumusuporta sa pakikipag balikan ni Catherine kay Shaun. Mukhang may masamang reputasyon si Wesley. Mahilig siya manakit ng babae, at pinakasalan niya pa si Catherine gamit ang masamang taktika. Sa ganoon, ang balita sa Internet ay maaaring totoo at peke. Dahil dayuhan tayo, hindi natin masasabi kung ano ang totoo.”“Tama ka. Sa katotohanan, dalawa lang ang posibleng dahilan.”Tinignan ni Matthew ang dokmento na hawak niya. “Maaaring sobrang pangit ng pagkatao ni Wesley o masyadong tuso si Catherine na sinira niya ang reputasyon ng kasalukuyan niyang asawa para ibigay sa kanya ang nararapat. Sa ganoon, iisipin ng publiko na walang mali sa pangangaliwa niya kay Wesley.”Tumango ang assistant at sumang-ayon sa pagsusuri ni Matthew. “Maaaring tunay ang pangalawa. Kahit papaano, sinasabi ni Miss Jones na brutal si Catherine, maging hanggang sa pagpatay ng kanyang biyolohikal na
”Ano ang sinabi mo?”Nagalit si Sally sa mga sinabi ni Catherine. “P*ta ka, ang kapal ng mukha mong gawin iyon kay Rebecca? Patay ka na ngayon. Hindi ka niya hahayaan makatakas, at ilalagay ka namin sa impyerno.”“Dahil lang sinabi niya iyon?”“Hindi mo nga alam ang pagkatao ni Rebecca ngayon eh. Haha. Kaya ka niya pabagsakin gaya ng pagpisa sa langgam. Kahit na mayroon kang Shaun ay hindi ka nito matutulungan. Kahit na ang prime minister ng Australia ay hindi ka kaya protektahan,” Sigaw ni Sally.“Talaga? Hindi ako makapaghintay.”Ngumisi si Catherine, ngunit sa kaloob-looban niya, siya ay napupuno ng inis.May katotohanan siguro sa mga sinabi ni Sally. Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari.Hindi na tinawag ni Catherine si Jeffery dahil mas manipulative ito kaysa kay Sally. Kahit pa alam niya ang nangyayari, ititikom niya lang ang bibig niya.Hindi tulad niya, sasabihin ito ni Sally kapag siya ay ginagalit.“Haha. Catherine, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mayabang, ng
Sa parehas na oras, sa Campos Corporation.Habang may pagpupulong ang grupo ng mga ehekutibo, nakaupo si Mason sa gitnang leather na upuan. Nang biglang may pumasok na empleyado mula sa teknikal na departamento. “Hala, Chairman Campos.”“Hindi mo ba nakikita na nagpupulong kami? Ano ang problema mo?” Hinampas ni Charlie ang lamesa nang may naiinis na ekspresyon.“President Campos, kasalukuyan na may press conference ang Hill Corporation…”“Narinig ko ito. Sinusubukan lang tayo kompitensyahin ng Hill Corporation sa pakikipagsapalaran sa industriya ng electric appliances. Kumakagat sila nang hindi nila kaya nguyain.” Suminghal si Charlie. “Kahit gaano pa sila maghirap, ang teknolohiya na makukuha nila ay hindi tayo mahihigitan. At saka, nilabas na natin ang datos ng pinakabagong electrical na produkto natin. Walang negosyo ang gusto makipagtulungan sa Hill Corporation.”“Hindi, President Campos.” Naglabas ng datasheet ang empleyado. “Ito ang pinakabagong modelo ng transformer at X-r