”Tama na. Sinusubukan niyo magnakaw sa isang dayuhan sa tirik na araw? Huwag mong ipahiya ang mga tao natin.” Tinulak ni Catherine ang kamay ni Matthew at dahan-dahan na lumapit, inagaw ang kahoy na tabla sa mga kamay ng mga ruffians at sinipa sila palayo.Ang mga matalas na kilos na iyon ang nagdulot na matigilan si Matthew.Maganda na siya at matangkad, pero kapag lumalaban siya, naglalabas siya ng magiting na aura. Kahit pa nakikipaglaban ang babae, ang eksena ay mas lalong nagmumukha na isang art form na dapat pahalagahan.Gamit ang matalas na mga mata ni Matthew, madali para sa kanya na sabihin na ang skills ng babae ay magara lamang at hindi practikal.Ang mas lalo pang naggulat sa kanya na ang babaeng ito ay talagang binali ang mga braso ng mga ruffians na ‘yun. Ang pamamaraan niya ay malinis at matalas.“Ang mga taong kagaya niyo ay patuloy na nagnanakaw matapos kayong mahuli at makulong sa loob ng isang araw. Mas mainam na baliin nalang ang mga braso niyo at hayaan kayong
”... Ang pangalan ko ay Hera Imm.” Ngumiti si Catherine at umalis.Natulala si Matthew ng ilang segundo. Hera Imm. Heroine?Kakaiba.Uamlis na siya sa lugar. Pagkatapos niya pumasok sa kotse niya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Sheryl. “Ikaw na makulit ka, palihim ka bang tumakas papunta sa Australia?”“Mom, nakarating na ako ng Melbourne kagabi.” Tumawa ng marahan si Matthew. “Hindi ko ba nasabi sa iyo na gusto ko bisitahin ang bayan na kinalakihan mo? Kapag natapos ko na ang mga inaayos ko, maaari na kayo bumalik ni Dad. Nagpunta ako kala Uncle at Aunty kaninang umaga at tinanong sila kung nasaan ang mga puntod nila Grandpa at Grandma. Plano ko na puntahan ito mamaya at magbigay respeto.”Nang narinig ni Sheryl ang sinabi niya, nakalimutan na niya ito pagalitan at tinanong siya pagkatapos ng ilang saglit ng katahimikan, “Mabuti ba ang kalagayan ng uncle at aunty mo?”“Hindi masyado. Nakakulong sila sa bilangguan ng ilang taon at mukhang tumanda sila, ngunit medyo kahawig mo
”Mom, humihingi ako ng tawad. Pagkatapos ng maraming taon, nabigo pa rin ako mahanap ang pumatay sa iyo.” Nagbuntong hininga si Catherine at umalis napagkatapos magbigay respeto.Pagkatapos ng kalahating oras, dumating si Matthew.Nakita niya ang mga bulaklak sa puntod at nanigas. Hindi naman araw ng mga patay. Bakit may bibisita sa dalawang matanda? May iba pa bang kamag-anak ang pamilyang Jones?Si Catherine Jones ba ito?Gayon pa man, hindi ba at siya ang pumatay kay Old Madam Jones? Ang kapal naman ng mukha niya magbigay ng respeto?Sigurado, kapag sobrang sama ng tao, hindi sila matatakot sa kahit ano.Pagkatapos niya magbigay ng respeto, naglakad siya sa paligid at nakita ang puntod ni Sheryl malapit sa dalawang matanda. Ang litrato sa puntod ay ang litrato ng nanay niya noong bata pa ito.Mukhang totoo nga ang sinabi ni Rebecca.Ang totoong pangalan ng nanay niya ay Sheryl Jones. Gayon pa man, dahil hindi pa siya patay, hindi na kailangan manatili ng puntod na ito.Nag-
Kahit na kinamumuhian nila si Patrick, ang akala lang nila ay sisirain lang ng pamilyang Snow ang Jackson Corporation. Hindi nila inaasahan na makukulong habambuhay si Patrick. Sa kaso na iyon, wala na nga talagang pag-asa para kay Patrick. Kaya pala sobrang balisa ng magulang niya.Tinignan ni Rodney ang mga tao, siya ay nag-alinlangan ng ilang saglit, at sinabi, “Kailangan niyo maintindihan ang kalubhaan ng aksyon ni Patrick ngayon. Ang uncle ko ay isang hakbang nalang ang layo sa pagiging prime minister, ngunit ginalit ni Patrick ang uncle ko. Nakagawa man siya o hindi ng isang pagkakamali o kasalanan, walang maaari gumalit sa otoridad ng susunod na prime minister. Galit na galit ang uncle ko ngayon.”Nagulat ang pamilyang Lynch.Si Nathan Snow ay halos katulad na ng isang emperor. Paano makakayanan ng mga ordinaryong tao ang galit ng isang emperor?“Hayaan mo sila pumasok.” Sagot ni Freya pagkatapos ng mahabang oras.‘Di kalaunan, sina Mr. at Mrs. Jackson ay pumasok na. Nang n
Hinila palayo ni Mr. Jackson si Mrs. Jackson at malungkot silang umalis sa bahay ng Lynch.‘Di na kinaya ni Mrs. Jackson at umiyak na siya. “Alas, kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ako didikit nang sobra sa pamilyang Shelby dati. Hindi ko dapat sinabi kay Patrick na kunin si Linda para magtrabaho sa Jackson Corporation.”“Wala nang kwenta na sabihin iyan ngayon. Pinili natin ang sarili nating daanan. Hindi mo pa alam ito, ngunit bumagsak na ang pamilyang Kramer. Sina Minister Kramer at Nathan Snow ay magkalaban sa eleksyon, ngunit bumagsak ang pamilyang Kramer dalawang araw pagkatapos ng eleksyon.”“Narinig ko na ilang matataas na opisyal na nakipag-ugnayan dati sa pamilyang Kramer ay inaresto dahil sa ilang kadahilanan. Nagsimula na lumaban pabalik si Nathan. Ngayon, hindi niya plano magalit ng kahit na sino. Swerte na tayo na si Patrick lang ang kinuha niya sa pamilya natin.”Natigil si Mrs. Jackson. Hindi pa rin niya alam kung sino ang nagbigay kay Patrick ng lakas ng l
”Hindi ako nag-aalala sa iyo. Nag-aalala ako sa bata.” Suminghal si Rodney. “Huwag mo isipin na hindi ko alam na aalis kayong dalawa para maghapunan.”“Paano mo nalaman?” Lumaki ang mata ni Freya sa gulat.Ngumisi si Rodney. “Pinaalala ni Shaun na bantayan ko kayong dalawa sa gabi dahil pareho kayong matakaw.”Namula sina Catherine at Freya.Nakita ni Rodney ang mga ekspresyon nila at alam niya na tama ang hula niya. Kinuha niya ang susi ng kotse sa kamay ni Catherine.“Hindi ako tututol sa pagkain ng hapunan paminsan-minsan, ngunit kailangan ko sumama sa inyo. Kahit papaano, maganda kayong dalawa, para may magprotekta man sa inyo kung sakaling may mangyari.”Walang babae ang ayaw mapuri sa kagandahan nila.Tinignan siya ni Freya. “Sige bibigyan ka namin ng pagkakataon.”Nagmaneho si Rodney, at nakarating sila sa isang kalye na puro kainan.Huminto ang kotse sa pasukan ng kainan na madalas puntahan nina Catherina at Freya.Kahit na ilang taon na sila hindi nakakapunta, nakil
Noong araw na iyon ay nakasuot si Matthew ng isang itim na damit. Singlalim at singganda ng mga tala sa kalangitan ang kanyang makakapal na pilikmata at asul na mga mata. Samahan pa ito ng kanyang Adam’s apple. Bagama’t dalawampu’t isang taong gulang pa lamang ito, may aura na agad ito na makapagpapatibok sa mga puso ng kababaihan.Buong hangang natulala si Freya sa lalaki.Noon lamang siya nakakita ng gayong kagwapong lalaking magkahalo ang lahi.Hawig nito ang mga nagagwapuhang prinsipe mula sa alamat ng mga Griyego.Bukod pa rito, kakaiba ang kanyang aura kumpara kina Rodney, Shaun, at Chester. Halatang mas nakababata ito, kaya’t hindi pa bakas sa kanyang itsura ang kaganapan ng gulang. Subalit ipinahihiwatig ng kanyang mga kilay na nasa tamang edad na siya, kaya’t may kakaibang dating ang lalaking ito. Tila’y isa siyang… tuta.At totoong kulay asul ang kanyang mga mata. Tunay na kahali-halina.Nakita ni Rodney kung paanong natulala si Freya sa lalaking bigla na lamang lumitaw
Sa katunayan, noong nasa Neah Bay si Matthew, pinagkakaguluhan siya ng mga magagandang babae, ngunit hindi ito interesado sa kahit isa sa kanila.“Matthew Costner.”Nagulat si Catherine. “Costner? Kakaiba ang iyong apelyido.”“Hindi kasi taga-Australia ang ama ko.” Paliwanag ni Matthew. “Pumunta lamang ako ng Australia upang parangalan ang aking lolo’t lola sa ngalan ng aking ina.”“Mukhang paalis ka na rin pala ng Australia.” Biglang sumali si Rodney sa usapan.“Ah, hindi, hinihintay ko pang makarating si mama.” Ngiti ni Matthew. “Balak naming bumili ng bahay rito sa Australia. Ilang taon nang nakatira sa ibang bansa si mama, kaya’t nagbabalak din siyang bumalik dito. Pabalik-balik kumbaga.”Namuo ang pandidiri sa loob ni Rodney. Mukhang hindi agad-agad mawawala ang karibal ni Shaun. P*cha naman.Pagkatapos ay sunod-sunod na inihain ang mga putahe.Tila’y iyon ang unang pagkakataon ng lalaking kumain ng crayfish dahil wala itong kaalam-alam kung paano kainin ang isda.Nang ma