[Pareha kami ng pinasukang pamantasan nina Patrick at Freya. Mapapatunayan kong naging mabuti si Freya kay Patrick. Masunurin ito sa lalaki kahit na hindi siya nito nilalambing pabalik. Naaalala ko noong isang araw na nagkasakit si Freya, nakita kong mag-isa siyang sumailalim ng infusion.][Noong nag-birthday si Patrick, tumawag ng maraming alumni si Freya upang i-celebrate ang kanyang birthday, ngunit ni hindi man lang siya sumipot.][Wala ‘yan. Noong kikitain sana ni Patrick ang mga magulang ni Freya upang pag-usapan ang kanilang kasal, sa halip ay kay Linda ito nagmamadaling pumunta. Dahil doon, dalawang oras na naghintay ang mga magulang ni Freya.][S*et, totoo ba? Anong klaseng lalaki ba ‘yan? Tinatapatan niya si Wesley Lyons.][Walang delikadesa ‘yang si Wesley. Samantalang si Patrick ay isang pasaway na sinayang ang pagkabata ni Freya.]Sumagot si Catherine sa isang netizen: [Hindi napansin ni Patrick kung gaanong kasama ang kanyang ugali. Akala niya’y dapat lamang ipagsant
“Tito…” Nanginig ang buong katawan ni Linda habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.“Dad, huwag mong sisihin si Linda. Ako ang gumawa ng desisyon.” Mahinang sinabi ni Patrick.Galit na sumagot si Mr. Jackson, “Nagtanim ang mga walanghiyang ‘yon ng hindi totoong ebidensya laban sa susunod na prime minister. Tingin mo bang pakakawalan ito ng mga Snow nang basta-basta? Si Jason na mismo ang nagsabing iimbestigahan nila ito hanggang sa huli. Agad na magtatago ang mga kumakalaban kay Jason Snow at ikaw ang magiging alay. Tingin mo ba’y gano’ng kasimpleng mapababagsak ang Jackson Corporation? Nasa kanila ang lahat ng dahilan upang ituro ka bilang mastermind. Masyado mong nilagay sa panganib ang mga Snow, hindi ka nila pakakawalan.“Gagamitin ka ni Nathan Snow bilang halimbawa at babala sa iba na hindi gano’n basta-bastang naiisahan ang mga Snow. Walang makagagalaw sa kanila.”Nanginig ang katawan ni Patrick.Mangiyak-ngiyak din si Mrs. Jackson. “Ano ba ‘tong kinasangkutan mo, a
“Hindi mo naiintindihan, ‘no? Hindi tayo basta-basta pakakawalan ng mga Snow, at hindi rin nila palalampasin ang mga Shelby. Isa pa… pag-uusapan natin ito kapag nakalaya na si Patrick. Ang pinag-aalala ko sa ngayon ay hindi siya basta-basta hahayaan ng mga Snow.” Buntong-hininga ni Mr. Jackson.Nanigas naman si Mrs. Jackson....Sa tahanan ng mga Snow.Katatapos lamang kumain ni Freya ng hapunan nang nakatanggap ng tawag si Jessica. Ibinalita nito kay Nathan ang kanyang narinig. “Tito, naaresto na po si Patrick Jackson.”“Hm.” Sumimangot si Nathan habang iniinom ang kanyang tsaa. “Kumusta ang sitwasyon sa mga Kramer?”“Sinasabi nilang may sakit daw si Minister Kramer at hindi siya tumatanggap ng mga guest. Ilang araw daw siyang hindi papasok.” Mahinang sinabi ni Jessica. “Pihado ko’y magpapakatino muna siya dahil nasa hindi siya magandang sitwasyon sa ngayon.”“Magpapakatino muna tapos lilitaw na lang muli para pasakiting muli ang aking ulo?” Tumingin si Nathan kay Ryan. “Hahaya
“Mukha ba akong masaya?” Tila’y nalilito ang itsura ni Rodney. “Hindi kaya.”“...”Suminghal na lamang si Chester. Punong-puno ng pride ang mukha ng lalaki, ngunit siya mismo’y hindi ito napansin.“Pakiramdam ko lang kasi… alam mo ‘yun, na gugustuhin ding magpakasal ng mga tao. Kahit na hindi ko pakasalan si Freya, patuloy lamang ang pagse-set up ng mga blind date ni mama para sa akin. At least anak ko ‘yung dinadala ni Freya. Maganda siya at talented. Gustong-gusto rin siya ng pamilya ko kaya’t ideal siyang marriage partner.” Sagot ni Rodney matapos niya itong pag-isipan nang mabuti.“Congratulation kung gayon, ngunit marahil ay kung hindi dahil sa insidenteng ito, hindi ka siguro pakakasalan ni Freya.” Ngiti ni Chester. “Siya pa yata ang talo rito.”“‘No sinasabi mo diyan? Hindi na rin ako masama.”Katatapos lamang magsalita ni Rodney nang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Shaun habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay. “Ano’ng pinag-uusapan niyo? Dalian na natin at gusto
Namula ng kaunti si Catherine sa kawalang hiyaan ng lalaki. "Sina Freya at Rodney ay babalik na sa Melbourne bukas. Plano kong sumama sa kanila pabalik. Kaarawan bukas ng grandmother ko, kaya gusto kong pumunta at magbigay pugay sa kanya.""Bakit hindi mo sinabi sakin nang mas maaga?" Sumimangot si Shaun. "Naayos na ni Hadley ang itinerary ko sa susunod na dalawang araw…""Ayos lang. Kaya kong bumalik mag-isa. Sasamahan ako ni Freya…" Inaliw ni Catherine ang lalaki."Siya ay siya, at ako'y ako. Magkaiba 'yun. Bukod pa rito, grandmother natin 'yun. Syempre, dapat samahan kita." Binaon ni Shaun ang kanyang mukha sa leeg ng babae."Ahem. Pwede bang pansinin mo ang kapaligiran mo? May dalawang inosenteng bata rito." Ipinatong ni Suzie ang kanyang mga kamay sa baywang niya.Sumimangot si Lucas. "Sinasakop mo na lahat ng oras ni Mommy. Sa wakas ay may free time na siya ngayong araw, pero gusto mong kumapit ulit sa kanya. Pwede mo ba siyang ihati ng kaunti samin?""Oo," reklamo ni Suzie
Dumating na sina Rodney at Freya. Nang makita nila si Catherine, agad na lumapit si freya para hawakan ang kamay ng babae. “Cathy! Dahil kasama ka, ang pagbalik sa Melbourne ay hindi magiging sobrang boring ngayon. Manatili ka sa bahay namin ngayong gabi.”“Oh, sige. Wala rin naman akong matutuluyan sa Melbourne.” Ngumiti si Catherine.“Bantayan mo ang asawa ko,” Tumingin si Shaun kay Rodney at sinabihan ang lalaki.“Ako ang bahala. Pero pagdating sa asawa mo, mukhang mas babantayan niya pa ‘ko,” Sabi ni Rodney sa mahinang boses, “Sa totoo lang, bakit ka pumayag na sumama si Catherine samin?”“Hindi mo siya tinatanggap?” Hindi masaya si Shaun. “Karangalan mo na sasama siya sayo.”Nagalit si Rodney. “Tama na. Si Catherine ay kayamanan sa puso mo, pero hindi sa akin. Hindi mo ba alam na siya ang third wheel dito? Plinano ko na… gamitin ang oportunidad na ito para mas lalo kaming magkakilala ni Freya. Baka pwede kaming…”Tumigil siya habang ang gwapo niyang mukha ay bahagyang namula
Malalim na sumimangot si Catherine.Nagsumikap siya nang sobra para mapakulong sina Jeffery Jones at Sally Lennon.Sa hindi inaasahan, lalaya sila bago pa lumipas ang apat na taon.Walang kayang tumanggap ng ganitong bagay.“Ano ang mga kontribusyon nila?” Mausisang nagtanong si Catherine.“Hindi ako sigirado.” Umiling si Forrest.Kumunot ang kilay ni Catherine. “Hindi ko maintindihan. Anong kontribusyon ang magreremit ng mahigit 20 taon ng sentensya sa kulungan? Iniisip ko kung… may kinalaman ito kay Rebecca.”Nagulat si Freya. “Suspetya mo na nagbabalik na siya? Imposible ‘yan. Matapos makulong ni Jeffery at ng asawa niya, lumayas si Rebecca na walang pakialam sa mga magulang niya at hindi pa bumabalik. Ang ganung klaseng tao ay talagang walang konsensya.”“Hindi ko alam, pero ang Australia ay tahanan niya. Normal lang para sa kanya na bumalik.” Nagbuntong hininga si Catherine.“Pero may abilidad ba siya para iligtas si Jeffery at ang asawa nito?”“Matagal na siyang nagtata
Sabi ng isang shop owner sa kanya, "Bakit hindi ka tumingin sa alley? Mayroong ilang shops dun. Siguro ang taong iyon ay hindi pa nakakapunta ron."Tumango si Catherine. Hindi pa rin siya pamilyar sa Melbourne.Bihirang pumunta ang mga tao sa alley na iyon. Mayroon lamang iilan na matatandang nandun na pinananatili ang kanilang mga negosyo sa nga dilapidated stores.Hindi pa siya nakakalayo papasok nang makakita siya ng lalaki na nakaitim na T-shirt na pinalilibutan ng maraming hooligans."Hey, kid. Mukhang mayaman ka. Nakita ko na binili mo lahat ng wreaths sa lugar na ‘to. Marami ka sigurong pera, eh?" Ngumiti ang pinuno at winagayway ang pamalo sa kanyang mga kamay. "Iwan mo ang relo at pitaka at pakakawalan ka namin.""Ang relong ito ay bigay sa akin ng dad ko. Mahal ito. Hindi ko ito pwedeng ibigay sayo." Tumanggi ang lalaki. Mayroon siyang accent, at ang pronunciation niya ay hindi accurate.Inangat ni Catherine ang kanyang mga kilay. Masasabi niya agad mula sa boses ng lal