Share

Kabanata 1277

Hinayaan lamang sila ni Shaun. Wala rin naman siyang pakialam sa mga ito.

Sa mga sandaling iyon, ang pinakaimportanteng bagay para sa kanya ay ang kanyang mga jelly beans.

...

Sa kabilang dako.

Nakatanggap si Catherine ng isang tawag mula kay Freya habang siya’y nagtatrabaho. Malabo ang tono nito.

“Ah, mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Shaun, ha? Nako, sisters pa ba tayo? Hindi ka na nagkukwento, eh.”

“Ikwento ang alin?” Nalilitong tanong ni Catherine.

“Ano ka ba, alam na ng buong Australia na binigyan mo ng jelly beans si Shaun. In fairness, mukhang masarap, ha. Gusto ko rin. Marahil ito’y dahil buntis ako, pero parang masarap ang lahat ng bagay para sa’kin.” Nakangiting pinaliwanag ni Freya.

“At papaano mo naman ‘yon nalaman?”

“Nag-post si Shaun sa Facebook.” Laking gulat ni Freya. “Hindi mo ba alam?”

Agad na nilipat ni Catherine ang kanyang phone patungong Facebook. Wala siyang masabi.

Bilib na siya sa lalaki. Sa mga mahalagang oras na iyon, nakuha niya pang ilahad sa k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status