“Matanong ko kayo, Aunty Sonya: gentleman ba si Wesley para sa inyo?” Ganti ni Catherine. “Palagay niyo bang minahal niya ako nang lubusan? Alam niyo ba ang tungkol sa affair nila ni Regina?”Natigilan ang kausap ni Catherine dahil sa kanyang mga itinanong.Noong una’y buong akala niya’y patay na patay si Wesley kay Catherine. Pinayuhan na niya itong sumuko noon. Hindi naman si Catherine ang huling babae sa mundo, subalit palagi lamang siyang sinasagot ni Wesley na isang babae lamang ang nakikita niyang makakasama niya habambuhay: si Catherine.Napanood din ni Sonya ang video. Sa katunayan ay matindi ang kanyang pagkagulat, ngunit hindi ba’t natural lamang iyon para sa maraming lalaki? Kahit nga ang sariling ama ni Ethan ay may anak sa labas.Patuloy na nagtanong si Catherine, “Alam niyo bang hindi naman niya isinakripisyo ang kanyang kidney alang-alang sa akin?”“...”Buong akala talaga ng kanilang pamilya na nawalan ng isang kidney si Wesley.Nang makita ni Catherine na hindi
“Bakit ba ito nangyari?”Biglang tumalikod si Wesley. Mapanakot ang kanyang mga mata. “Sino’ng gumawa nito?”“Marahil ho’y… ang mga Jewell.” Tugon ni Nash. “Alam niyo ho siguro na malaki ho ang impluwensya nila sa higit kalahati ng mga ospital sa banda. Isang salita lamang ng mga Jewell ay…”“Chester Jewell.” Pinikit ni Wesley ang kanyang mga mata. Naaalala niyang matalik na magkaibigan sina Shaun at Chester.Ignoranteng tao. Talagang kinalaban siya nito alang-alang kay Shaun. Kung gayo’y…Matapos ang ilang sandali’y mulong humithit ng isang sigarilyo si Wesley. Mabagal itong nagsalita. “Planong magpakasal ni Chester sa isang artistang nagngangalang Cindy sa loob ng ilang buwan, hindi ba?”“Tama ho iyon.” Tungo ni Nash at saka nagpatuloy, “Kung tutuusi’y sinuwerte ho si Cindy. Simula noong naging sila ni Chester, bumuti ang kanyang lagay sa mundo ng pag-aartista. Nagkaroon ho siya ng mga scandal, ngunit pinaggastusan ni Chester upang siya’y makabalik. Bukod pa ho riyan, balita ko
Nanghina ang buong katawan ni Sonya.Tinawagan niya na si Tracy. Hindi pranka si Tracy, pero hindi niya direktang pinahiwatig na ang mga salita ni Catherine ay totoo.Ibig sabihin 'nun na posibleng si Wesley talaga ang pumatay kay Ethan.Ang isa ay anak ni Sonya, habang ang isa ay kanyang biolohikal na kapatid.Namula ang mga mata ni Sonya sa kalungkutan. Nang mamatay si Ethan, nawalan ng kasaysayan ang buhay para sa kanya. Gayunpaman, ngayon kailangan niyang ipaghiganti ang anak niya.Ang paalala lang ni Catherine ang nagdulot sa kanyang na ‘wag basta bastang kumilos.‘Yon ay dahil pinagsususpetyahan ni Sonya na pinapanood na siya ni Wesley. Kaya niyang patayin si Ethan, kaya naman kaya rin siyang patayin nito.Ang pinakaimportanteng bagay ay malinaw ni Sonya ang suspetya ni Wesley tungkol sa kanya at makuha muli ang tiwala nito. Saka lang siya makakahanap ng ebidensya laban kay Wesley.Gusto niya rin malaman bakit naging sobrang nakakatakot ang kanyang kapatid.Lagi siyang n
Ang lalaking iyon ay may sinabi na masayang nagpatawa kay Sarah.Yumuko ang lalaki at ibinaba ang kanyang ulo, hahalikan na sa labi si Sarah.Tulalang pinanood ni Rodney ang eksena. Naririnig niya ang dumadagungdong na mga tunog ng kulog sa kanyang utak.Hindi siya naglakas loob na paniwalaan ito. Bakit ang babaeng minamahal niya matagal na ay hahalik sa ganitong isang hindi kaakit-akit na lalaki?Hindi ba’t… girlfriend niya ang babae?Hindi ba’t sabi ng babae na nagtatrabaho siya ng extra na oras sa ospital?Paanong naging ganito ito?Sinundan ni Chester ang titig ni Rodney at tumingin ‘dun. Mabilis ang reflexes niya. Lumapit siya na may malalaking hakbang at hinarangan ang pinto ng elevator na magsasara na.Nang makita ni Sarah, na hinahalikan ng isang lalaki sa pagyakap nito, si Chester mula sa sulok ng kanyang mga mata, sobrang nagulat siya na sumigaw siya. Agad niyang tinulak palayo ang lalaki.“Sarah…” Lumapit din si Rodney. Mukha siyang isang lantang bulaklak. Mayroong
”Anyway, ayaw ko nang itolerate ka. Masyado kang walang kwenta. Nang gusto kunin ni Shaun ang pera ko, ni wala kang naitulong. Isang piraso ka lang ng basura.”Ang ekspresyon ni Sarah ay puno ng paghamak. “Talagang hindi ka sapat para sakin. Nung una, ayaw kong papangitin ang mga bagay. Iniiwasan kita kamakailan, at akala ko magkakaroon ka ng self-awareness. Huwag mo na akong hanapin sa hinaharap.”“Naintindihan mo ba ‘yun?” Ang mukha ni President Yard ay puno ng pangungutya. “Ang isang tao ay kailangan ng self-awareness. Alis!”Matapos niyang magsalita, malakas niyang itinulak patabi si Rodney.Tulalang tumingin si Rodney kay Sarah. Ito ay tila nawala ang kanyang kaluluwa.Ito ba ang babaeng minahal niya? Paanong naging ganito ang mga bagay?Malamig na tumingin si Chester kay Sarah habang nakasibangot. “Sarah, alam mo ba na bagaman divorced si President Yard, may anak siya?”Kaharap ang titig ni Chester, nangatog si Sarah. Kahit pa, pinilit niya pa rin ang sarili niya at sinabi
"Tara na. Sasamahan kita uminom hanggang sa bumagsak tayo ngayong gabi."Tinapik ni Chester ang balikat ni Rodney."Hindi na. Gusto ko kumalma mag-isa."Nakakagulat, umiling si Rodney.Hindi siya pinigilan ni Chester. Ang nararamdaman ni Rodney para kay Sarah ay sobrang lalim. Hindi ito isang bagay na mapagtatanto sa maikling oras. Gayon pa man, basta hindi na babalik si Sarah para guluhin si Rodney, susuko rin siya sa lalong madaling panahon.Pagkatapos umalis ni Rodney sa wasak na kalagayan, tinawagan ni Chester si Shaun.Pagkatapos marinig ni Shaun ang lahat, natahimik siya ng ilang saglit at sinabi, "Natatakot ako na bumalik si Sarah at guluhin si Rodney muli pagkatapos niya bumalik sa pamilyang Snow balang araw at maging matagumpay sa karera niya."Nagulat si Chester. "Hindi dapat maging tanga si Rodney. Kung hindi niya pa rin naiintindihan ang ugali ni Sarah pagkatapos ng insidente na ito, hindi ko alam kung ano ang dapat ko sabihin tungkol sa kanya.”"Umasa na lang tayo
Sa saglit na iyon, sumuko na talaga siya.Ang hindi nasuklian na pag-ibig na nagsimula noong kabataan niya ay tumagal ng mahigit sampung taon.Sa huli, napagtanto niya na ang tao na nahulog siya sa sobrang masama na babae.Ang buhay niya ay isang biro.Sa sumunod na ilang araw, ayaw pumunta ni Rodney kahit saan. Ayaw niya magpunta sa kompanya. Hindi siya lumabas at nanatili lang sa loob ng bahay niya ng hindi kumakain o umiinom.Pagkatapos ng tatlong araw, nagpunta siya sa bahay ng pamilyang Snow at lumuhod sa harap ng pinto.Nang 9:00 p.m. na, nagsimula na umulan ng malakas.Maraming tao ang nakaupo sa living room ng bahay ng pamilyang Snow. Gayon pa man, walang nagsasalita. Sobrang tahimik na pati ang tunog ng paglaglag ng karayom ay maririnig.“Dad…” Nag-aalala na tinignan ni Wendy si Old Master Snow.“Hinihiling mo ba na bawiin ko ang mga sinabi ko?” Tinignan siya ng masama ni Old Master Snow.“Hindi iyon ang ibig kong sabihin…” Nagbuntong hininga si Wendy. “Kahit papaano
”Freya, andito ka. Kumain ka na ba ng agahan?” Kumaway si Old Master Snow habang nakangiti. “Hindi ba at sinabi mo noong nakaraan na gusto mo kainin ang scones na ginagawa ni Aunty Layla? Hiniling ko sa kanya na gawan ka. Sobrang init pa nito.”“Salamat, Grandpa.”Umupo ng natural si Freya. Sinimulan na niya kainin ang masarap na scones.Pagkatapos ito makita ni Rodney, mas naging miserable ang pakiramdam niya.Noong isinilang siya, naging sikat siya sa pamilyang Snow. Siya ang paborito ng lahat kahit saan siya magpunta.Ngayon… Ginawa niya ito sa sarili niya.“Grandpa…” Marahan na tinawag ni Rodney.Ito ay para bang naalala ni Old Master Snow ang kanyang pag-iral. Sinabi niya kay Freya, “Freya, hindi ka ba nagtataka kung bakit siya biglang bumalik para lumuhod at humingi ng tawad? Iniwan siya ni Sarah ilang araw na ang nakalipas.”“Kaya pala…” Pagkatapos lunukin ni Freya ang scone, nagbuntong hininga siya.“Oo, kaya pala, ‘di ba? Kaya pala bigla siya bumalik.” Naglabas ng hin