Hindi na siya matiis ni Catherine at sumagot: [Umalis ka nga.]Shaun: [Hindi ako aalis. Hinding-hindi ako aalis sa buhay na ito. Sinagip mo ako ulit. Ikaw ang tagapagligtas ko. Hindi ko mababayaran ang kabaitan mo, kaya maipepresenta ko lang sa iyo ang sarili ko.]"Walang hiya!"Pagkatapos pagalitan ni Catherine si Shaun, ang tunog ng tibok ng puso niya ay parang tunog ng tambol.Sa saglit na iyon, ang pinto ng kwarto ay biglang bumukas. Sumimangot si Catherine ng naglakad papasok si Wesley ng may malalaking hakbang. Mukhang kailangan na niya i-lock ang pinto sa susunod."Cathy, tinawagan ko ngayon si Senator Mead para humingi ng tawad sa kanya. Sabi niya… na huwag na siya gaano tawagan sa susunod."Ang ekspresyon sa eleganteng mukha ni Wesley ay mapangit. May hindi makontrol na galit sa mata nito. "Sinabi niya na agresibo ka, at hindi mo siya binigyan ng pagpipilian kundi saktan ang anak niya sa sarili niyang birthday party. Hindi na siya maglalakas loob galitin ka pa muli."Na
Hindi na gusto pang makipagtalo ni Catherine kay Wesley, kaya’t matapos niyang itaboy ang lalaki ay agad niyang sinamantala ang pagkakataong damputin ang kanyang phone at tumakbo palabas ng villa nang hindi na pinapalitan ang kanyang suot na sapatos. Pagkapasok niya ng sasakyan ay agad niya rin itong sinimulan at umalis.Mula sa kanyang rear-view mirror ay nakikita niyang sinusundan siya ni Wesley.Kumirot lamang ang puso ni Catherine nang makita niya ang eksenang iyon.Marahil ito ay dahil sa hindi niya inaasahang darating ang araw na mag-aaway sila ni Wesley.Napakamahinhing tao ni Wesley. Matagal silang naging kasal ni Shaun, ngunit hindi sila nagtalo kayaga ng ginawa nila ni Wesley. Sumasakit ang kanyang mukha, mga braso, at mga balikat.Kinilabutan siya bigla nang maalala niya ang naging itsura ng lalaki.Noong huling beses sinubukan ng lalaking ipilit ang sarili nito kay Catherine, iyon din ang kanyang naging itsura. Noong una’y inakala ni Catherine na guni guni niya lamang
“Ah, ‘wag mong sabihin ‘yan. Asawa mo rin naman dati si Shaun. Oo, kasal ka kay Wesley, ngunit hindi pa naman kayo nagtatalik dati. Marahil ay nasanay ka lamang kay Shaun. Gusto naman ng lahat na malinis ang lahat ng bagay,” Pag-aaliw ni Freya sa kaibigan.“Tigilan mo nga ‘yan.” Natutulalang muli si Catherine.Noong una’y sapilitan siyang nakikipagtalik kay Shaun noong sila’y nasa isla, ngunit noong gabing iyon… sumang-ayon siyang gawin iyon.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili noong makita niyang naghihirap ang lalaki.Marahil ay pinakulam nga talaga siya ni Shaun. L*ntik na lalaki.“Sige na, ititigil ko na. Ngunit palagay ko’y habambuhay nang may pagitan sa inyo ni Wesley. Bagama’t obligasyon kong ipayo sa’yong makipagbati sa lalaki upang hindi kayo maghiwalay, mahigpit akong tumututol sa mga lalaking sinasaktan ang kanilang mga asawa. Ikaw na ang bahala sa iyong gagawin.“Noong una’y akala ko kung sinong marahang tao ‘yang si Wesley. Nakakatakot ngang bigla-bigla niya na l
Inaamin ni Catherine na maraming ginawa si Shaun na mga bagay kung saan nasaktan siya nito.Subalit hindi dapat ito ginagamit upang pwersahang ipagawa ng desisyon ang isang bata.Wala pang muang ang mga bata. Wala silang kapangyarihang mamili ng kanilang mga magulang.Likas sa mga batang hanapin ang kanilang mga ama; noong una’y hindi hinayaan ni Catherine na kilalanin ng kanyang mga anak si Shaun bilang kanilang ama sa takot na nasa ilalim pa rin ito ng hypnosis ni Sarah at gawin ng lalaki ang lahat upang mapasakanya ang mga bata. Bukod pa roon, nangangamba siyang magiging stepmother ng mga bata si Sarah at gawin itong pagkakataon ng babae upang saktan ang mga bata.Subalit hindi na mangyayari ang anuman sa mga bagay na iyon, kaya’t hindi na siya tutol sa ideyang ipakilala si Shaun sa mga bata.Walang higit na nakaiintindi kay Lucas bukod kay Catherine. Mapagmataas na bata si Lucas. Alam niyang kahihiyan at sama ng loob lamang ang dinadala ng mga salita ni Wesley sa bata.“Cathy
Tinitigan ni Shaun ang paalis na sasakyan ni Wesley nang may mga nakakuyom na kamao.Alam niyang may kinalaman si Wesley sa pang-aatake sa kanya sa presinto kamakailan lamang....Inuwi ni Catherine ang dalawang bata sa villa ng mga Yule.Habang papunta sila roon, makikitang walang problema si Suzie habang nabibigo naman ang itsura ni Lucas. Makikita siyang tumitingin sa labas ng sasakyan nang may nanlalamig na itsura.“Lucas, huwag mo masyadong isipin ang lahat,” Pang-aaliw ni Catherine, “Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi sa’yo ng Uncle Wesley mo. Basta sundan mo lang kung ano palagi ang sinasabi ng puso mo.”“Pero Mama, parang tama nga si Uncle Wesley.”Nabibigong sumagot si Lucas. “Ilang beses tayong sinaktan ni Shaun, kaya hindi ko dapat siya kinikilala bilang ama sa buong buhay ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nakakailang balik na ako sa bahay ng mga Hill kasama siya.”Sinasamahan pa sila ni Shaun na maglaro ng basketball, football, at swimming.Hindi niya nam
“Pero alam naming pagod na pagod ka noon kapag inaalagaan mo kami, Mama. Naaalala ko noong nilagnat ako noon, sinamahan mo pa kami kahit na kailangan mong magtrabaho. Hindi ka pa nga makatulog noon eh,” Malungkot na sinabi ni Suzie.“Tama ka, nakakapagod ang mga panahon na ‘yon, ngunit palagay ko’y sulit naman ang pagod kapag nakikita ko kayo ngayon,” Pagtitiyak ni Catherine.Pagkarinig niya ng sinabi ng kanilang ina, nanatiling tahimik si Lucas habang nakaupo sa likod.Pakiramdam niya’y may punto ang sinabi ni Suzie.Kung hindi niya hahayaang alagaan sila ni Shaun, hindi ba’t mas makikinabang doon si Shaun?Inilagay ni Suzie ang kanyang maliliit na mga kamay sa mga balikat ni Lucas. “Lucas, kailangan pa rin nating sulitin ang pagkakataong ilalabas tayo ng walang kwenta nating ama, para maabala siya masyado sa atin at hindi na siya lumapit sa iba sa susunod. Kailangan nating maging magsipag bilang mga third-wheelers upang lumaki at tumanda siyang mag-isa. Iyon ang pinakamabigat na
Sumimangot so Catherine. Gusto ni Charlie na ligawan si Freya dati. Kung hiniwalayan niya si Melanie, talagang gusto niyang pakasalan si Freya.“Kalimutan mo na ito. Ang negosyo ng pamilyang Yule ay walang kinalaman sa atin. Huwag na tayong makialam.” Tumalikod si Joel para magkipaglaro sa kanyang dalawang maliit na apo.Tumingin si Catherine sa kanila at nakaramdam ng kaunting pag-aalala tungkol sa injury sa mukha niya.Nung una ay gusto niyang itago ito hanggang gumalin bago lumabas, ngunit tila hindi niya na ito maiwasan.Nakasuot siya ng mask at nagsinungaling na may sipon siya, ngunit hindi niya na ito maitago nang oras nang kumain.“Cathy, isusuot mo rin ba ang mask habang kumakain? Ang mga bata ay hindi ganun kahina. Hindi mahalaga kung tanggalin mo ang iyong mask,” sabi ni Joel.“Dad, mas mabuting dalhin ko ang pagkain at kainin ito sa ibang lugar.” Tumayo si Cathy at binuhat ang mga pagkain.Malalim na tumingin sa kanya si Joal ng isang sandali bago biglang tumingin kay
"Dad, hindi ko pinakasalan si Wesley dahil mahal ko siya. Siguro'y nagkagusto ako sa kanya nang kaunti, pero ito ay mas dahil namoved ako. Marami siyang nagawa para sakin, kaya gusto ko siya bigyan ng kasiyahan. Akala ko karapat dapat siya sa dependence ko."Mapait na niyuko ni Catherine ang kanya ulo. "Kamakailan lang na napagtanto kong baka hindi ko siya talagang naiintindihan. Madalas akong makaramdam ng pagod at stress kapag kasama ko siya. Syempre, ito ay dahil may malaki akong responsibilidad."Malalim na nagbuntong hininga si Joel. Siya ay nagpakasal din sa babaeng hindi niya mahal, kaya sobrang naiintindihan niya ang nararamdaman ng babae."Sige, gawin mo kung anong gusto mo. Handa akong suportahan ka na walang kondisyon. Kahit na manatili kang hindi kasal at manatili sa bahay sa buong buhay mo, hindi kita kamumuhian. Bukod pa rito, ang isang lalaking magbubuhat ng kamay sa isang babae ay hindi mabuting lalaki."Si Joel ay protective. Gusto niya si Wesley dati, ngunit dahil
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging